Share

Chapter Three

Maaga akong gumising ngayon dahil gusto kong maabutan si daddy bago siya pumasok ng opisina. May ipapakiusap kasi ako sa kanya at sana pumayag siya.

Mabilis akong pumunta sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Hindi na ako nag abalang  magsuklay dahil nandito lang naman ako sa bahay. Bahala nang magmukhang mangkukulam, wala namang ibang makaka kita. Mga katulong at mga tauhan lang naman ni dad ang nandito, so wapakels ako sa itsura ko. Atleast naghilamos at nagtoothbrush ako, makuntento na sila doon. Kung may problema pa sila sa ayos ko pakamatay na sila wala akong paki alam.

Ng binuksan ko ang pintuan ko, bumungad sa harapan ko ang tatlong bodyguards ko. Yumuko sila bilang paggalang sa diyosang katulad ko bago sila sabay sabay na bumati ng 'Magandang umaga, Senyorita'. Pero dahil ako si Chanel Amery Martini, ang bukod tanging pinagpala sa kagandahan at katalinuhan, hindi ko sila pinansin. Baka hindi pa man nagsisimula ang araw ko e masira na. At bakit ba kapag lumalabas ako ng kwarto ko, sila na lang palagi ang nabubungaran ko? Makapag reklamo nga kay daddy mamaya.

Sumunod sila saakin ng lagpasan ko sila. Nagtuloy tuloy ako sa komedor pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko kong sino ang kaharap ni daddy sa hapag. Nagsisi tuloy ako na hindi nakapag suklay man lamang. Mukha pa naman akong bruhilda sa ayos ko. Mabuti nalang at nakapaghilamos pa ako at nakapag toothbrush kanina.

I greeted 'Good morning" in no particular para makuha ko ang atensiyon nila. Nagtagumpay naman ako dahil sabay silang lumingon saakin. Si Dad, habang seryosong nakatingin saakin pero biglang napakunot noo. At si Klein, na may naglalarong ngiti sa mga labi habang nakatingin saakin. What is he even doing here? Akala ko ba galit siya saakin?

"You go out in your room without even fixing yourself? Ganyan ba ang tamang gawi ng isang dalagang babae? You didn't even brush your hair. That is so unlady like Chanel!" galit na sita ni Daddy saakin.

Napahilot pa siya sa sentido niya.

Napangiwi nalang ako sabay upo sa tabi nito.

"At bakit ang aga mong nagising? This is so unusual, akala ko aabutin ka pa ng tanghalian sa higaan mo. What made you wake up this early?"

Sa halip na sagutin si dad, kumuha ako ng hotdog gamit lang ang kanan kong kamay at kinagatan hanggang sa maubos ko.

Napanganga si Daddy at Klein dahil sa ginawa ko. O! Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nagkakamay na kumain? Hindi naman krimen ang kumain ng nakakamay diba?

"CHANEL!!!" sigaw ni Daddy nang mahimas masan. 

Capslock na yan kasi nga galit na talaga siya. Ng tignan ko si Klein nakangiwi siya na parang nandidiri. Wow ha, parang ngayon lang nakakita ng babaeng nagkakamay kumain.

I'm sure nagkakamay rin kumain si Trinity, 'his bestfriend' kasi nga mahirap lang 'yon. Kung makatingin naman 'to, tusukin ko mata niya gamit ang mahahaba kong kuko e. Inirapan ko nga, bahala siya sa buhay niya. 

"Inagahan ko talaga ang gising Dad kasi nga may hihilingin sana akong favor sayo."

Kukuha nanaman sana ako ng hotdog ng tampalin ni Daddy ang kamay ko.

"Where is your manners lady? Hindi ka man lang nahiya kay Klein? He will be your future husband for goodness sake. Ano nalang ang iisipin niya? Na hindi ko tinuruan ng good etiquette ang mapapangasawa niya?"

Napaismid ako sabay tingin kay Klein na  ngayon ay nakangiwi. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung sabihin ko kaya na wala naman siyang planong pakasalan ako?

Pero 'wag muna ngayon at baka mas lalo siyang mabadtrip saakin. Kailangan ko munang maisagawa ang plano ko bago ang lahat.

"Dad naman, I have manners pero mas mabuti ng ipakita ko ang totoong ako habang maaga pa. If Klein really wants to marry me, then he should accept all my flaws, be it good or bad. Am I right, Klein?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

"Yes Sir! It's ok with me. I don't mind anyway. After all, sabi niyo nga, magiging asawa ko na siya, so I don't mind seeing her eating that way. Sa katunayan nga po e nakaka aliw siyang tignan."

Tumaas ang kilay ko sa isinagot niya. Ang plastik ng lalaking 'to. Nakaka aliw daw e diring diri nga siya kanina habang kumakain ako. 

Napahilamos ng mukha si Daddy pero tumango tango parin sa isinagot nito

"Sige hijo, kung 'yan ang sabi mo."

Nagpunas na si Daddy ng bibig tsaka tumayo. 

"By the way, ikaw na ang bahala kay Chanel, pakisamahan mo nalang siyang mag enrol sa University na napili ko hijo." 

Napa 'Opo Sir' naman si Klein habang ako ay naguguluhan lang na tumingin kay Daddy.

"Dad?" Tawag ko sa pangalan niya para humingi ng paliwanag.

Tumingin siya saakin." I want you to study here. Mas mabuti na 'yong nasa iisang lugar lang kayo ni Klein para mas madali lang na magkita kayo kung sakaling gusto niyong kilalanin pa ang isa't isa. And don't say no because I already arranged everything for you. All you have to do is to go to that school and enroll yourself. And Klein is here, because he will accompany you." Tuloy tuloy na sabi nito kaya hindi na tuloy ako naka angal pa.

Well, mabuti na rin yon kasi wala na rin naman akong planong mag aral pa sa New York. 'Yon nga rin sana ang sasabihin ko sa kanya pero naunahan na ako.

"No problem Dad, 'yon nga rin sana ang sasabihin ko."

"Ok. It's settled then. Go to your room and change now. Don't make Klein wait too long for you."

"I better get going, I still have a board meeting to attend to. You don't need your bodyguard to come with you. I trust Klein that he can very well take care of you." Tinapik niya sa balikat si Klein at tuloy tuloy nang umalis sa hapag kainan.

Mabuti naman at hindi sasama ang mga asungot kong bodyguard. 

"Bilisan mo at magbihis ka na, narinig mo naman ang sinabi ng daddy mo. Huwag mo akong paghintayin ng matagal. May mas importante pa akong gagawin pagkatapos nito." Magaspang na sabi ng plastik na lalake dito sa tabi ko.

"Wala nang mas iimportante pa sa akin. Tutal pinakiusapan ka naman ni dad na samahan ako puwes lulubos lubusin ko na. Karapatan mong maghintay dahil pumayag ka naman." Inirapan ko muna siya bago ako mabilis na tumalikod.

Inunahan ko siyang lumabas sa hapag kainan. Tuloy tuloy ako sa kwarto ko, hindi ko nakita ang mga bodyguard kong nakasunod saakin. Sinabihan na siguro sila ni dad na hindi ko muna sila kailangan ngayon.

Halos inabot din ako ng kalahating oras sa pagligo. Pinili kong suotin ang aking puting fitted t-shirt Gucci and Chanel skinny pants. Pinaresan ko ito ng aking black and white limited edition adidas shoes.

Kinapalan ko ang paglalagay ng make up sa mukha ko kaya  nagmukha tuloy akong matured sa itsura ko pero keri lang, maganda parin naman ako. Nang tignan ko ang orasan, halos isa't kalahating oras na pala ang itinagal ko kaya mabilis kong kinuha ang aking black Gucci sling bag at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Klein na hindi na maipinta ang pagmumukha. Panay ito ng tingin sa relo niya.

Ng tinawag ako ni nay Rosie mabilis na napalingon si Klein sa akin.

"Saan ka pupunta anak? Nasaan ang mga bodyguards mo? Hindi ka pwedeng lumabas ng mag isa at siguradong hindi ka papayagan ng daddy mo." Natatarantang sabi nito

"It's ok nay, alam ni Daddy na lalabas ako. Sa katunayan siya pa mismo ang nagsabing pwede na akong mag enroll sa skwelahang napili niya." Pagpapa lubag loob ko.

"Eh sinong sasama sayo? Nasaan ang mga bodyguards mo? Hindi ka pwedeng lumabas ng wala sila anak."

Napatingin ako kay Klein na biglang lumapit saamin. Napatingin rin si nay Rosie sa kanya. Tipid siyang napangiti.

"Siya po ang kasama ko nay." Itinuro ko siya at napatango naman ito.

"Huwag po kayong mag alala Nay Rosie ako po muna ang bahala sa kanya." marahang sabi niya sabay ngiti. Napairap nalang ako, ang plastic talaga. Kapag nagtuloy tuloy pa ang pagka plastic niya pwede na siyang irecycle.

Tumango naman si Nay Rosie." Sige hijo alagaan mo yang dalaga namin ha? Huwag mong hayaang makawala, marami pa namang nag aabang diyan kapag naiwala mo, "makahulugang sabi niya.

Medyo naguluhan naman ako sa sinabi ni Nay Rosie. Ang lalim kasi ng pagkakahugot niya.

"Huwag po kayong mag alala Nay hindi po siya makakawala hanggat nandito ako, " seryoso namang tugon nito. Tinignan pa niya ako at bigla akong kinilabutan sa klase ng pagkakatingin niya saakin. Meron akong nakitang isang emosyon na hindi ko mapangalanan dahil ngayon ko lang naman ito nakita sa kanya.

"Sige umalis na kayo at baka tanghaliin na kayo sa pupuntahan niyo. Mag ingat kayo. Ibalik mo ng buo ang dalaga namin Klein." Paalala nito.

"Makakaasa po kayo nay." Magalang nitong sagot.

OMG! hindi ko kinakaya ang kaplastikan ng lalaking 'to.

Nang umalis na si Nay Rosie, sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Nagkalat ang mga bodyguards namin sa paligid. Namataan ko ang tatlong bodyguards ko na nasa harap ng gate at nagbabantay.

Sinundan ko si Klein. Tumapat siya sa sasakyan na kulay itim. I think I know this car. Dahil ito lang naman ang limited edition Laferrari Aperta na nakita kong tinitignan ni Dad sa isang brochure. This car cost a billion, alam kong kayang kaya niya talagang bumili ng ganito kamahal na sasakyan.

Walang imik niyang binuksan ang pintuan sa driver side at pumasok. What the hell! Wala man lang ba siyang balak na pagbuksan ako ng pintuan?

Inis kong kinatok ang bintana ng kotse sa may tapat niya. Dali dali naman niya itong binuksan, takot yatang magas gasan ang sasakyan niya.

"What the hell is your problem? Bakit hindi ka pa pumasok? Ano pang hinihintay mo, late na tayo sa pupuntahan natin!" gigil niyang sita saakin.

"Bakit hindi mo ko pinagbuksan ng pintuan?" Inis kong sagot. Napaka walang hiya talaga ng lalaking ito. 

"At bakit kita pagbubuksan? May kamay ka naman, bakit hindi mo gamitin para mabuksan mo? Pinaghintay mo na nga ako ng isa't kalahating oras tapos gusto mo pang pagbuksan kita? Aba naman senyorita, masyado ka naman yatang sinuswerte." Nang uuyam na sabi niya. Aba't, napakawalang hiya talaga. Ni hindi nga ako nagbubukas ng pintuan ng sasakyan namin tapos ako uutusan lang?

"Ikaw narin mismo ang nagsabing isa akong senyorita. Pinagsisilbihan ang mga katulad ko hindi inuutusan lang."

"In the first place hindi mo ako tauhan kaya wala kang karapatang utusan ako at pangalawa, buksan mo mag isa yang pintuan, huwag mong hintaying pagbuksan kita dahil hinding hindi ko gagawin yon!" sigaw niya habang nakatingin ng masama saakin. Saglit akong napatulala sa sinabi niya pero nang makahuma ako pabalibag kong binuksan ang pintuan sa may passenger seat at pabalibag ring isinara.

Inis niyang tinampal ang manibela at masamang tumingin saakin. Inirapan ko lang at inilagay ang seatbelt ko. Tuwid akong tumingin sa harap, manigas siya pero hinding hindi ko siya lilingunin. 

Narinig kong humugot siya ng malalim na buntong hininga at may ibinulong pero hindi ko naman narinig. Sa peripheral vision ko nakita kong mariin niya akong tinitigan pero hindi ako lumingon. 

Maya maya pa'y pinaandar na niya ang sasakyan. Kusang bumukas ang gate nang malapit na kami dito. Tuloy tuloy siyang nagmaneho habang wala na mang nagsasalita sa aming dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status