Share

Kabanata 1

Kabanata 1

     "I, CLAYTON Rossen Fuentebella, take you, Angielyn Marie Rodriguez, to be my lawfully wedded wife to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part…"

Isinuot ni Clayton sa daliri ni Ann ang hawak na singsing. Saktong-sakto ang sukat nito sa daliri ng babae at bahagya pang kuminang nang matapatan ng ilaw mula sa itaas ng kisame.

"I may now pronounce you, man and wife. You may now kiss your wife," anang judge na kaharap ng dalawa ngayon.

Atubiling hinarap si Ann ni Clayton. Bakas sa mukha nito ang disgusto at parang nais ni Ann na umalis doon at  isiping masamang panaginip lang iyon.

Nang ibaba nito ang mukha at ilapat sa labi niya ang mga labi kahit na kitang-kita sa mukha ng lalaki ang galit nito sa kanya, napapikit si Ann. Hinihiling niya na sana matapos na kaagad ito.

    Inilibot ni Angielyn ang paningin sa buong kabahayan na titirhan nilang dalawa ni Clayton. Saktong-sakto lang iyon para sa mga bagong kasal na tulad nilang dalawa. Sa pumasok sa isipan, napakagat ng pang-ibabang labi si Ann. 

Kasal na sila.

She felt trapped. Hindi niya alam ang gagawin upang makaalis sa sitwasyong naroon siya ngayon dahil kahit makaalis man si Ann dito, hahabulin din siya ng pamilya ni Clayton dahil sa batang dinadala niya. 

At isa pa, wala na siyang mapupuntahan pang iba. Ngayon niya tuloy hinihiling na sana, may mga magulang pa siya. Para sana kung ganoon, may kakampi siya. Kung nanaisin man niyang magpakalayo-layo, sasamahan siya ng ina at ama, maipagtatanggol siya ng mga ito kung gugustuhin niyang layuan si Clayton. 

Pero ngayon... 

Malalim siyang huminga. 

Sana pala ay hindi na siya nagpadalos-dalos sa desisyon. Sana hindi niya sinabi kay Clayton ang tungkol sa pagbubuntis niya. Now, they're trapped inside this miserable marriage.

But maybe, they could work this out? 

May munting pag-asa na umusbong sa dibdíb ni Ann. Maybe there is a silver lining about this? She looked at her husband and tried to talk to him. "Clayton..."

Clayton ascended from the stairs without throwing a single glance at her. Lalong nanliit si Ann doon dahil hindi niya alam ang gagawin.

Ano pa nga bang aasahan niya? Hindi nito gusto ang pagpapakasal sa kanya. Bakit niya ba naisip na magiging maayos ang buhay nila bilang mag-asawa? 

Clayton didn’t love her. He even didn’t like her from the start. Ang meron sila ay laro lang noong umpisa. A fling. Sino bang nagsabi sa kanya na mahulog sa mga sweet gestures nito kahit na alam niya naman na ganito si Clayton sa lahat ng babaeng nakakasalamuha nito? 

Siya itong tanga na umasang iba siya sa lahat ng babae nito — siya ang tumagal na girlfriend kaya tumaas ang tingin niya sa sarili. That’s when Clayton broke up with him when she confessed she’s in love with him, she was appalled. Nagising siya sa katotohanang wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng naghahabol dito.

Umiwas sa kanya si Clayton at hinayaan naman niya iyon. But who would have known that she would get pregnant after spending a night with him? 

Alam ni Ann na ang tumatakbo sa isip nito ay sinadya niya ang lahat — that she got herself pregnant to get him. Kahit anong paliwanag niya, hindi ito makikinig sa sasabihin niya.

Ann let out a breath. Muli, inilibot niya ng paningin ang buong lugar at napalunok pa bago mahinang naglakad papunta sa malapit na sofa upang umupo roon.

This is a mess. A big mess, indeed.

✿✿✿

"Look at my apo, amiga! Napakagwapo, hindi ba? Manang-mana kay Ross! Walang itinapon!"

Dinig ni Ann ang sinasabi ng nanay ni Clayton sa kaibigan nito. Nasa may kusina siya ngayon at naglilinis ng pinagkainan ng mga ito. Wala naman kasi silang kinuhang katulong ni Clayton. Siya na rin ang tumanggi dahil kaya naman niya ang gawain sa bahay. Kung kukuha pa ng katulong, baka isa pa iyon sa isumbat sa kanya ni Clayton na iniiwasan niyang mangyari. 

"Sinabi mo pa, amiga. Mabuti na lang at kamukha ng anak mo, ano? Hindi mo na kailangan pang magpa-DNA test kung apo mo ba talaga 'tong si Rence o hindi."

Parang may punyal na sumaksak sa puso ni Ann dahil sa naulinigan. Hindi pa nakuntento ay pakiramdam niya'y may pumipiga sa puso kaya't lalo siyang nakaramdam ng kirot.

Are they doubting Rence about being Clayton’s son? Paano kung hindi pala nito kamukha ang ama nito? Sasabihing hindi anak ni Clayton si Rence? 

Napakagat siya ng labi at sandaling natigil sa pagpupunas ng mahabang mesa. Sumilip siya sa sala at nagkubli para makinig sa usapan.

"Sshh! Marinig ka ng apo ko!" sita ng ginang sa kaibigan at nagpatuloy ito, "si Rence lang ang nagustuhan ko sa nangyaring kasalan. Mabuti na lang at ipinilit ko 'yon kahit na ayaw ni Ross. Kung hindi, baka hindi ko nakita 'tong apo ko. 'Di ba, Rence? Ang gwapo-gwapo mo talaga! You really looked like your Daddy!"

Nilingon lang ito ni Rence bago binalik ang atensyon sa toy car nitong pinagugulong sa carpeted floor. 

"’Yong manugang mo naman? Ayos ka lang ba sa kanya? Hindi ba't nakwento mong ayaw mo sa kanya?" tanong ng kaibigan ng ina ni Clayton. 

“Gina!" sita ulit ng babae.

"Totoo naman ang sinasabi ko, ah!"

Hinarap muna ng ina ni Clayton ang apo na kasalukuyang nilalaro ang mga bagong laruang kotse na binili para dito at kinausap.

"Apo, punta ka muna kay Tita Clarisse. Nasa garden siya. May pag-uusapan lang kami ni Lola Gina mo."

"Okay po, Lola."

Tumayo ang bata at lumabas ng malaking bahay. Si Angie naman ay nanatili sa pwesto nito at nagpipigil na pumasok sa sala para lang pagsalitaan ang mga tao doon. Kahit paano, iniisip niya pa rin ang salitang respeto.

"Gina! Be sensitive! Wala akong pakialam kung marinig ng iba 'yang sinasabi mo. But not in front of my precious grandson! He may not know it by now pero sa susunod, baka maintindihan na niya! I don't want him to feel unwanted!"

"Okay, I'm sorry. Pero bakit hindi mo na lang kasi kunin 'yong bata sa ina? May magagawa ka naman, 'di ba? Para hindi na rin ako naaawa sa inaanak ko na nakatali sa asawa niyang hindi naman niya gusto. If I know, si Rosanne pa rin ang mahal ng batang 'yon. Ikaw lang kasi, uso na ang magkaroon ng anak sa labas. Pwede namang suportahan n’yo na lang ang bata at hindi pilitin si Clayton pero pinakasal mo pa rin sa asawa niya. Nasaktan tuloy ang inaanak kong si Rosanne. Iyong ipapalit pa sa kanya ni Clayton, hindi man lang nakatapos ng college."

Doon na balak lumabas ni Angie sa tinataguan niya. Ngunit natigil siya sa sinabi ng biyenan niya.

"Gina, I may not like Rence's mother for my son but I believe in the sanctity of marriage, amiga. Ayokong lumaki si Rence na hiwalay ang mga magulang niya. Isa pa, kung maghihiwalay man sila, kahit saan makarating, sa ina pa rin ang bagsak ng bata lalo na't four years old pa lang ang apo ko. Maguguluhan ang bata."

"If you say so, kumare…"

Napayuko na lang si Angie dahil doon. Gusto niyang magreklamo. Gusto niyang sabihin ang mga hinaing niya sa kanilang lahat.

Bakit, si Clayton lang ba ang nakulong sa ganitong sitwasyon? Si Clayton lang ang nakikita nilang nasaktan pero siya ba, nakita nila na ayaw niya rin sa ganitong set-up? Wala naman kasi silang pakialam sa nararamdaman. Ang alam lang nila, pinikot niya si Clayton para maitali ang sarili sa isang mayamang lalaki. 

Bumalik siya sa paglilinis ng mesa at kahit malinis na ay panay pa rin ang punas niya. She couldn't take her mind off from the things she just heard.

Si Rence lang ang dahilan kung bakit nananatili silang kasal ni Clayton. At kung kukunin sa kanya ang bata, magkakamatayan silang lahat pero hindi niya ibibigay ang anak niya sa pamilya ng ama nito. 

Ngunit kahit paano ay napanatag siya sa narinig. Hindi man siya gusto ng pamilya ni Clayton, at least mahal ang anak niya. At katulad ng sintemiyento ng ginang ay gan'on din si Ann. Gusto niyang bigyan ng buong pamilya ang anak niya kahit pa siya ang magtiis sa malamig na trato ni Clayton sa kanya. 

    "WHAT the fuck is these shits? Ann! Ligpitin mo nga 'tong mga kalat ng anak mo!"

Galing sa trabaho si Clayton at pagod na pumasok ng bahay nang mabungaran ang mga laruan ni Rence na nakasabog sa receiving area.

Hindi nito napansin na naroon sa gilid ng sofa ang anak na si Rence. Nang malaman ng bata na parating na si Clayton ay agad nagtago ang bata dahil alam nitong mainit ang ulo ni Clayton tuwing uuwi galing trabaho.

Tumakbo ang bata patungo sa ina at agad nagsumbong.

"Mama, Dada galit," natatakot na anito at nagtago sa likod ni Angie. Sumilip pa itong muli sa ama bago siniksik ang sarili sa ina. 

"Ann! Linisin mo 'tong mga kalat! Pagod na nga ako sa trabaho, ito pa ang aabutan ko?! Ann, nasa'n ka ba?!"

Sandaling sinulyapan ni Angie ang anak at hinaplos ang buhok. Kita niya ang takot sa mata ni Rence kaya nginitian niya ang bata para pakalmahin. Takot kasi ito kapag naririnig na sumisigaw ang ama. 

"Dito ka muna, anak, ha? Liligpit lang ni Mama ang mga toys mo. 'Wag kang lalabas," bilin niya sa bata.

Agad na tumango si Rence at nilapat pa ang hintuturo sa labi at tiningala siya.

"Shhh lang ako, Mama?" inosenteng saad nito.

Natawa naman si Ann sa ginawa ng anak.

"Opo, quiet lang si baby Rence ngayon. Wait mo ako tapos kakain na tayo."

Lumabas na si Ann ng dining area at naabutan niyang nakaupo sa mahabang sofa si Clayton at nakatitig sa kawalan.

Ayaw man niyang isipin, alam ni Ann na iniisip pa rin nito ang nakaraan kung saan nanaisin ni Clayton na baguhin ang mga nagawang desisyon nito.

Marahan siyang lumapit at nilagay sa bitbit na basket ang mga laruan ni Rence. Hindi naman talaga makalat ang sala. Puro laruan lang ng bata ang nakakalat. Bukod doon, wala na.

Siguro naghahanap lang talaga si Clayton ng dahilan para mailabas nito ang galit sa kanya. Hindi bale, sanay naman na siya. 

    Nang matapos ilagay sa basket ang mga laruan ay hinarap naman niya si Clayton na nakatulog na sa sofa. Lumapit siya rito at hinubad ang sapatos ng lalaki. Itinira niya lang ang medyas at binuksan niya rin ang tuxedo nitong suot para maginhawaan ang asawa. 

Nasa pangatlong butones na si Ann noong may madiing humawak sa kamay niya na kinataas niya ng tingin. Sumalubong sa kanya ang nakakunot na noo ni Clayton at ang nang-uusig nitong mga titig. 

"What the fuck are you doing?" mariin nitong ani. 

Kinalma niya ang nagwawalang puso dahil sa gulat at sinagot ang tanong nito. "Gusto ko lang na maging presko ang pakiramdam mo. Nakasuot pa ang coat mo kaya huhubarin ko sana."

Hindi napaghandaan ni Ann noong pabalya siyang itulak ni Clayton na kinasadlak niya sa sahig. Tumama ang likuran niya sa edge ng square center table na kinaurong ng gamit at siyang kinaigik niya. 

"Hindi ko gustong pinapakialaman mo ako," malamig nitong sabi. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at nilagpasan siya na nakaupo pa rin sa sahig. 

Lumabas si Rence mula sa kusina dahil nakarinig ito ng ingay mula sa mesang nagalaw. Pagsilip nito, nakita nitong nakaupo ang ina sa carpeted floor habang tanaw-tanaw ang likuran ng ama nito. 

"Mama?" Lumapit si Rence kay Ann at doon naman parang bumalik ang ulirat ni Ann. Pinilit niyang tumayo kahit na may pagkirot na naramdaman sa likod. 

"Dada!" Tinawag ni Rence ang atensyon ni Clayton ngunit nagpatuloy lang itong umakyat sa itaas, hindi sila binigyang pansin. 

Hinatak ni Ann ang anak dahil baka sumunod pa ito sa ama at maibunton dito ang init ng ulo ni Clayton. "Anak, kain ka na ba?" tanong niya para mawala ang atensyon nito kay Clayton. 

"Mama, galit ba Dada sa ’kin? Hindi siya sabi hello, e." Niyakap na lang ni Ann ang anak pero hindi na nagsalita pa. 

✿✿✿✿✿

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! mas mabuti na wag kalang tumira Dyan maging alipin kalang n8la
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
yan ayaw ko yung bata na di pinapansin ng magulang nakakaawa na ala naman syang kasalanan sa lahat
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kung ako sayo Ann magpakalayo layo na lang kayong 2 ng anak mo total hindi fun naman mahal ni clayton ang anak nyo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status