Share

Kabanata 5

Kabanata 5

    NAALIMPUNGATAN si Ann na parang may naririnig siyang iyak ng sanggol. Ngunit dahil sobrang pagod na pagod ang katawan niya, hinatak siya ng antok at muling nakatulog. 

Nakaidlip si Ann na parang gising din ang diwa niya. Kahit na nakapikit ang mga mata, biglang pumasok sa isip niya ang anak na kinabukas ng mga mata niya. 

‘Si Rence!’

Napabalikwas siya ng bangon at luminga-linga muna sa loob ng kwarto at dahil wala siyang naririnig na iyak ng bata. Tumayo si Ann at dinukwang ang crib ngunit hindi niya nakita roon ang sanggol. 

Binundol ng kaba ang dibdíb ni Ann at binadha ng takot dahil baka nanakaw na ang anak niya! Nilibot ng paningin ni Ann ang buong kwarto ngunit wala siyang nakita na Rence kaya ang ginawa, lumabas siya ng kwarto at patakbo na sa kwarto ni Clayton noong makarinig siya ng munting ingay. Parang may sumisipol na hindi niya maintindihan. 

Hinanap ni Ann ang ingay na iyon at napunta siya sa may kwarto nga ni Clayton. Sumilip siya roon at doon, nakita niya ang lalaki na buhat-buhat ang sanggol na hinahanap niya. Pinapatahan ni Clayton ang umiiyak na bata habang nakangiti ito kay Rence. 

"I already changed your diapers so don’t cry, okay? Your Mama’s asleep."

Parang nakakaintindi naman si Rence dahil gumawa ito ng ingay na parang sang-ayon ito sa ama. Mahinang humalakhak si Clayton at hinalikan nito ang noo ni Rence habang mahina itong inuugoy.

"You’re really cute."

Tahimik si Ann na pinanonood ang dalawa at may kung anong humaplos sa puso niya. Akala niya noong una ay hindi matatanggap ni Clayton ang bata dahil noong pinagbubuntis niya ang bata, gusto pa itong ipalaglag ng lalaki. Pero tingnan mo ngayon, ito pa ang may buhat kay Rence. 

Nag-angat ng tingin si Clayton at saktong tumapat ito sa pintuan kung nasaan nakatayo si Ann. Mukhang nagulat ito pero agad din nakahuma. "You’re awake?"

Lumapit si Ann sa mag-ama at nakita niya ang kumakawag na dalawang kamay ni Rence habang titig na titig ito sa ama. Gumagawa pa rin ito ng ingay na parang kinakausap si Clayton na kinatingin ng lalaki sa anak na karga-karga. 

"Akala ko nawawala si Rence. Nandito pala siya." Hinuli ni Ann ang malikot na kamay ng sanggol at hinalikan iyon bago pakawalan. "Mukhang gustong-gusto ni Rence na kausapin ka. Namimilog pa ang mata niya na nakatingin sa ’yo, o."

Ngumiti si Clayton kay Rence at yumuko uli para naman halikan ang pisngi ng bata. Mahinang humagikgik si Rence at inabot ang buhok ni Clayton. Mahigpit nitong hinawakan ang buhok ng lalaki na nahirapang umalis sa pagkakayuko si Clayton. 

"Hey, baby, let go of your Dada’s hair, okay?" sabi ni Clayton at pilit na tinataas ang ulo. 

Pilyong tawa ni Rence ang naging sagot. Palihim na ngumiti si Ann bago kinuha ang nakakuyom na kamay ng anak at marahang binuksan ang mga daliri para maalis ang buhok na hawak nito. 

"Rence, buhok ni Dada mo ’yan, ha? Hindi ’yan laruan," aniya. Natanggal din naman niya ang paghawak ng bata sa buhok ni Clayton.

Mahinang iniling ni Clayton ang ulo at yumuko para titigan ang bata. "You’re a naughty one, aren’t you?"

Humagikgik muli si Rence na waring naiintindihan ang ama. Tahimik naman na nakangiti si Ann habang pinagmamasdan ang dalawa. 

Clayton seems to love their son. Iyon ang nakikita ni Ann. This is what she really wish for. 

A happy family for Rence. 

✿✿✿

    

    DAHIL hindi kaagad nakakilos si Ann mula sa kinatatayuan, si Clarisse ang kumilos. Mabilis itong nakalapit sa babaeng nakaupo sa hita ng kapatid at hinatak nito ang buhok ng babae. Pakaladkad nitong hinablot ang babae paalis sa pagkakaupo na kinatili ng huli. 

"Why are you kissíng my brother, you whöre?! Didn’t you know na may pamilya na ’yan! Malandí ka!"

Pilit na kumakawala ang babae sa pagkakahawak ni Clarisse. "Ross, help me!"

"At tatawag ka pa sa kuya ko, ha? I’m going to make you bald, you ugly donkey!" Mas lalong hinatak ni Clarisse ang buhok ni Sheena at hindi pa nakuntento, sinipa nito ang tuhod ng babae na kinaluhod ng secretary ni Clayton. 

"Ross, ahh! Help! She’s going to kill me! Help me! My hair!"

Dahil sa komosyon, napatayo si Clayton mula sa swivel chair at nakahakbang na para puntahan si Clarisse at Sheena na secretary nito. Lalapit ito upang awatin ang dalawa noong humarang si Ann at masamang tiningnan ang lalaki. Nangingilid ang mga naipong luha sa mata niya ngunit pinipigil niyang umalpas ang mga iyon. 

Halo-halo ang nararamdaman ni Ann ngayon. Galit, lungkot, sakit at pagtatanong sa sarili kung nagkulang ba siya kay Clayton ang tumatakbo sa isipan niya. 

"Ann, umalis ka—"

Hindi natapos ni Clayton ang sinasabi nang malakas na sampalin ito ni Ann. Bumaling pakaliwa ang mukha nito at bakas ang gulat sa mukha ni Clayton. Hinarap siya nito at magkasalubong ang magkabilang kilay ng lalaki, parang hindi makapaniwala sa ginawang pagsampal ni Ann dito. 

"What the fúck is wrong—"

Dahil hindi pa kuntento si Ann, tinaas niya ang kamay at sinuntok si Clayton. Hindi nito napaghandaan ang gagawin niya kaya napaatras si Clayton at bumangga ang likod nito sa mesa.

"Ang dami kong tinitiis sa ’yo, Clayton, pero nakakasawa ka palang intindihin! Alam kong ayaw mong makasal sa akin pero sana kaunting respeto naman! Kasal ka na sa akin kaya sana umakto ka naman na pamilyadong tao! Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ’to!"

Hindi kaagad nakapagsalita si Clayton at nakakunot lang ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Taas-baba naman ang dibdíb ni Ann dahil hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang suntukin uli si Clayton kundi lang nananakit ang kamay niya. 

Mga ilang segundo siyang masamang nakatitig kay Clayton nang hatakin si Ann ni Clarisse. Lumingon si Clarisse sa kapatid at nakataas ang kilay nito na ngumisi sa kuya. 

"Buti nga sa ’yo, kuya. You’re a bastard!" Nilingon ni Clarisse si Ann at hinatak na ito palayo. "Let’s leave this awful place, Angielyn. Huwag mo nang sabihin kay Kuya ang pinunta mo rito. He doesn’t need to know that since he’s enjoying kissíng this whöre here!"

"Clarisse!" singhal ni Clayton sa kapatid na matapang naman na sinuklian ni Clarisse ng masamang tingin. 

"Kung ako si Angielyn, hindi lang ’yan ang aabutin mo, Kuya. I don’t know you anymore! Hindi ka naman ganyan dati. You changed for the worst!"

Pagkatapos noon ay hindi na hinintay ni Clarisse na magsalita ang kapatid. Hatak-hatak nito si Ann para lumabas ng office ni Clayton at nang madaanan nila ang papatayong secretary ni Clayton na nakasadlak sa sahig, muling sinipa ni Clarisse ang binti ng babae na kinatili nitong muli sa sakit. 

"Dirty slút!" mariing ani Clarisse. "Huwag na huwag kang magpapakita pa sa akin kundi uubusin ko ’yang natirang buhok sa ulo mo! Angielyn, let’s go!"

Pagbaba nila ng building ay pinagtitinginan sila ng mga empleyado ng kumpanya ngunit noong masama silang tingnan ni Clarisse, kanya-kanya silang nag-iwas ng tingin. 

Noong makalabas, doon lang siya hinarap ni Clarisse at yumakap naman si Ann sa kaibigan. Agad namang sinuklian ng babae ang yakap niya at inalo pa siya nito. 

"Clarisse, ang sakit-sakit na..."

"Then, leave him. Leave my brother, Angielyn."

    DAHIL hindi rin naman nila nasabi ang pakay kay Clayton, si Clarisse ang nagbayad ng pampaospital ni Rence. Mabuti na lang din at bumaba na ang lagnat ng bata at pwede na rin itong iuwi kaagad.

Gusto pa sana ni Clarisse at Clausse na manatili si Rence sa ospital para maobserbahan ngunit mismong ang bata na ang nag-aya para umuwi. Natatakot daw ito sa ospital kaya walang nagawa sila Ann upang iuwi ang bata dito sa bahay. 

"You don’t want to stay with Tita, Baby Rence? Maraming food sa condo ko tapos ipapasyal din kita."

Umiling lang ang nakayakap kay Ann na si Rence. "Stay with Mama and Dada. Sunod po, Tita."

Hinaplos ni Ann ang buhok ni Rence at lalong hinigpitan ang yakap sa anak. Nakangiti naman si Clarisse at Clausse na nakamasid sa kanila.

"Sure ka bang ayaw mong sumama sa amin, Ate Ann?" tanong ni Clausse. 

Umiling si Ann. "Dito na lang kami sa bahay ni Rence. Dito rin gusto ng bata."

Tinitigan siya ni Clarisse at saka ito nagsalita. "Wala akong magagawa kasi gusto ninyo dito. Pero kapag nakauwi si Kuya at inaway ka uli, call me. I’m ready to kick his ass. Pag-isipan mo rin ang sinabi ko, ha? I only want what’s the best for my pamangkin."

Ang iwan si Clayton? Napulunok si Ann. Bumaba ang tingin niya sa buhat na anak. "P-Pag-iisipan ko. Pero si Mama. Baka magalit siya—"

Clarisse snorted. "Hayaan mo si Mama. Kaya ganoon si Kuya kasi paborito ni Mama at nakakalusot. Pero kapag nalaman lahat ni Mama ang kalokohan ni Kuya, hindi siya mangingialam sa inyo, Angielyn. But if ever you made up your mind to leave him and Mama is intervening, I’ll be your back-up. Akong bahala sa inyo ni Rence."

Tumango-tango si Ann. Hati ang desisyon niya dahil hindi lang naman siya ang apektado kung hihiwalayan niya si Clayton. Ang pinakaunang apektado ay ang anak nilang dalawa. Pero kung iyon nga ang mas makakabuti sa lahat... bibitiw na siya kay Clayton. 

"Angielyn, we’re leaving now. Remember to call me later kung aawayin ka ni Kuya."

Nakaalis din ang magkapatid at inakyat naman niya si Rence sa kwarto nito para makapagpahinga ang bata. Ngunit noong kinukumutan na niya ang anak, tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kamay niyang may hawak na kumot. 

"Mama?"

Napatingin din siya sa anak at hinihintay na magsalita ito. "Ano ’yon, baby?"

"Iiwan ba natin si Dada? Sino kasama niya kapag alis tayo, Mama?"

Natigilan si Ann sa tanong ni Rence. "Baby, kasi—"

Bahagyang ngumuso si Rence. "Huwag natin iwan si Dada kasi lulungkot siya. Ayaw ko sad si Dada."

Namuo ang bikig sa lalamunan ni Ann at nahihirapan siyang panatilihin ang ngiti sa mukha. "A-Ayaw mong iwan si Dada?"

Tumango-tango si Rence. "Hmm-mm! Love ko kasi si Dada, Mama. Sungit lang siya ngayon sa atin kasi ’di ba sabi mo, Mama, dami niya problema sa work? Ayaw ko na siya lalong sad ’pag alis tayo. Lulungkot din ako."

Dahil sa sinabi ng anak, isinantabi ni Ann ang naiisip na pag-iwan kay Clayton. Gusto ng anak na kasama si Clayton kaya muling binuo ni Ann ang loob na magtiis pa. Ayaw niyang biguin si Rence.

The truth is... Clayton was not like this when Rence was younger. Ramdam niya ang pagmamahal ni Clayton sa anak dahil nakikita niyang inaasikaso si Rence ng asawa. Ngunit isang araw, biglang bumalik ang galit sa kanya ni Clayton at maging si Rence ay nadamay sa hindi niya malamang dahilan. 

Minsan na niyang tinanong kay Clayton kung anong problema ngunit ang naging sagot ng lalaki, siya raw ang may kasalanan ng lahat. Doon napagtanto ni Ann na hanggang ngayon, hindi pa rin tanggap ni Clayton ang makasal sa kanya. 

Unti-unting nauubos ang pag-asa sa puso ni Ann at ang tanging kinakapitan na lang niya sa relasyong ito kaya siya nananatili ay si Rence.

"Gusto mo, dito lang tayo kay Dada, Rence?" Tumangong muli ang bata. Tinaas ni Ann ang kamay at hinaplos ang mukha ni Rence. "Okay. We’ll stay with Dada, anak."

Masayang pumikit si Rence at ilang segundo pang minasdan ni Ann ang anak bago tahimik na tumabi rito. 

    MARAHAS na pagbagsak ng pinto mula sa first floor ang narinig ni Ann na kinatigil niya sandali sa pagtitig kay Rence. Alam niyang mainit ang ulo ni Clayton pag-uwi kaya marahan siyang tumayo sa kama ni Rence at sinigurong tulog pa rin ang anak bago lumabas ng kwarto nito. 

"Ann! Mag-usap nga tayo! Nasaan ka ba? Ann!" Iyon ang narinig niya habang pababa ng hagdan. Luminga-linga si Clayton at nakita nito ang pababang si Ann. 

Saktong katatapak niya pa lang sa sahig ng unang palapag nang hablutin ang braso niya ng kakalapit lang na si Clayton. 

Kitang-kita ang galit ng lalaki dahil sa nangangalit nitong panga at magkasalubong na kilay. "Sinong nagsabi sa ’yo na pwede kang pumunta sa opisina, ha?"

Pinilit kumawala ni Ann sa pagkakahawak ni Clayton. "At ano, para hindi ko malaman ang patuloy na pambababae mo? Talagang nagawa mo pang sa kumpanya gawin ang kolokohan mo?"

"Ano naman sa ’yo kung may babae ako? Kasal lang tayo sa papel, Ann! Kahit kailan, hindi asawa ang tingin ko sa ’yo!"

Umigwas ang kamay ni Ann at sumampal iyon kay Clayton. "Ang kapal ng mukha mo talaga! Saan ba ako nagkulang, ha? Tinitiis ko lahat sa ’yo, Clay! Kahit ’yang galit mo sa akin, tanggap ko kahit na hindi ko naman deserve! Kung akala mo ikaw lang ang nasira ang buhay, hindi lang ikaw! Pati ako! I didn’t even finish my studies but did I blame you for that? Hindi! I also suffered — no, I’m still suffering but I don’t push that blame to you!"

"Because you want it in the first place, Ann! You wanted to marry me! Pinikot mo ako! Kahit anong tanggi mo, alam ko ang totoo! Do you think I want to be married to you? Heck, I always question God why did I said yes to this shítty marriage when Mom urged me to marry you!"

Tinulak ni Ann si Clayton at dinuro ang lalaki. "Fúck you! Hindi ko rin ginustong ikasal sa ’yo! Kung hindi dahil kay Rence, matagal na kitang iniwanan, Clayton! I hate you!"

"Then leave! You’ll make me happy doing that! Sana si Rosanne na lang ang asawa ko at hindi ikaw!"

Parang may tumadyak sa puso ni Ann noong marinig ang minutawi ni Clayton. Alam niyang mahal pa rin ni Clayton ang ex-girlfriend nito pero ang marinig ito mismo sa bibig nito, sobrang sakit pala.

Bumagsak ang luha ni Ann ngunit mariin niyang pinaglapat ang mga labi at matapang na tiningnan si Clayton. "Bakit, tingin mo tatanggapin ka pa ni Rosanne, Clayton? You promised to marry her when the time comes, right? Kapag bumalik na siya?! Pero kanino ka kasal? Sa akin, Clayton! You really didn’t love her because if you do, you will remain faithful even if you broke up with her!"

Namula ang mukha nito. Sa sobrang galit ni Clayton dahil sa sinabi ni Ann, tinaas nito ang kamay at nakaambang sampalin si Ann nang may marinig silang sigaw. 

"No! Don’t hit Mama!"

Agad na napalingon si Ann at Clayton sa ingay na iyon at nakita ni Ann si Rence na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Dahil sa kamamadali ng bata, nagkamali ito ng hakbang at tuloy-tuloy na gumulong pababa ng hagdan. 

Natulala at nanlaki ang mga mata ni Ann at parang bumagal ang oras habang pinanonood niya ang paggulong ni Rence pababa. Tsaka niya lang nahanap ang boses noong makitang tumakbo si Clayton papunta sa direksyon ni Rence. 

"Rence! Rence!"

"R-Rence?" Agad na binuhat ni Clayton ang walang malay na si Rence at doon nakita ni Ann ang dugong umagos mula sa likod ng ulo ng bata at paunti-unting pumapatak sa sahig. 

"Rence!" 

✿✿✿✿✿

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jinky Lanuevo
nice story
goodnovel comment avatar
Visitor
Nothing bad its going All right in every stories
goodnovel comment avatar
Salve Balana
beutiful pls continuo the story thank yuo authur
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status