THE CEO'S OBSESSION | CHAPTER 3
____TULAD nang inaasahan ni Lucy, pinagalitan nga siya ni Mr. Aragon. Kahit na ano ang gawin niyang espleka na may naisip lang siya kaya siya natawa sa harap ng sinasabi nitong CEO ay hindi nito binili ang dahilan niya.Palibhasa s****p! Galit na bulong ni Lucy sa sarili niya dahil sa lahat ng narinig niya kay Mr. Aragon. Hindi pa ito nakuntento at pinagbantaan pa siya nitong tatanggalan ng scholarship kung hindi siya umayos sa ugali niya.'Sino ba siya sa tingin niya? E, kahit nga katiting wala naman siyang ambag sa eskwelahan na 'to! At ako pa talaga tinakot niya? Baka si Lucy Pearl 'to!' Mapait niyang bulong sa sarili niya.Inis na inis pa rin siya dito lalo na sa lalaking nangangalang Michael Archangel - 'Anghel ang pangalan, pero mas demonyo pa kay Lucifer ang ugali ng lalaking iyon! Bakit hindi? Tama bang ikulong niya ako sa rooftop ha?' galit niya pang dugtong.Isang pagsinghap pa ang pinakawalan ni Lucy Pearl sa sarili- at heto nga alam niyang pag-uwi niya sa boarding house niya stress na naman siya. Isang buwan na siyang delay sa bayad niya sa kasera nila. Gumagawa naman siya ng paraan sadyang hindi lang sapat ang paraan na ginagawa niya dahil wala siyang mapagkukunan ng pera ngayon, nahihiya naman siyang humiram kay April dahil alam niyang kapos din ito.'Mangutang na lang kaya ako kay Angelo?' Natatawang tanong niya sa sarili.'Isa pang unggoy na iyon! Kung makatawag sa pangalan ko Lucifer talaga ang bigkas at diin! Bwisit!'Sunod-sunod na pagsinghap ang pinakawalan niya nang malapit na siya sa kanila- hiling niya na lang ngayon na sana umalis na lang ito para magbinggo o mag tong its na madalas naman nitong ginagawa.'Bahala na si Batma!' Mapait na bulong ni Lucy sa sarili niya- may pera naman siya kung tutuusin kaso nga lang tinatabi niya iyon para sa kakailanganin niya sa binabayaran niyang pagpapa-xerox ng mga notes niya kapag wala siyang libro.MASAYANG nakahinga nang maluwag si Lucy nang pumasok siya sa boarding house nila na walang kahit na sino ang nakakita sa kaniyang kapamilya ng kasera nila.Mabuti na lang at hindi tuluyang sinumpa niya ang araw na mayroon siya ngayon-pagod siyang umupo sa plastik na upuan niya sa ginawa niyang mini study table ng maliit na silid na iyon.Malungkot siyang ngumiti nang pasadahan ng tingin ang sarili- talagang nag-iisa na siya sa mundong 'to.'Sarili ko na lang ang kasama ko sa lahat ng pagkakataon! Kaya sana, huwag niyo naman ako masyadong gawing warrior niyo.. kasi minsan malakas lang ako tingnan pero mahina rin ako!' tanging nasambit ko sa sarili ko nang napatingin ako sa larawan ni Hesus Kristo katabi ng salamin ko.Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mapait na nakaraan ng buhay niya- bata pa lang siya nang iwan siya ng nanay niya sa lola niya at sumama ito sa ibang lalaki. Hindi niya rin nakilala ang tatay niya, dahil hindi rin alam ng lola niya kung sino ito hanggang sa mamatay ito nang limang taon pa lamang siya at simula n'on kung kani-kaninong kamag-anak na siya nakikitira. Hanggang sa maglakas loob siyang mamuhay mag-isa mula nang 'di niya kinaya ang panunumbat at pangmamata sa kaniya ng tiyahin at mga pinsan niya. Isama pa ang madalas na pangmamanyak sa kaniya ng tiyuhin niya.'Bata pa lang ako sinubok mo na ako eh! Pero hindi ako nagtatampo sa iyo, nagtatanong o higit sa lahat nagagalit sa iyo.. mahal pa rin kita kahit na hindi ko alam kung mahal mo ako dahil sa pangalan kong kaaway kayo!' Tumawa nang mapait si Lucy nang maalala ang pangalan niya at kung ano ang kwento sa likod n'on- ang natatandaan niyang kwento nang magdalaga siyang madalas sabihin nang katiwala ng tiyahin niyang kilala ang lola niya; nanay niya na raw nagbigay n'on dahil ayon dito malas daw siya sa buhay ng sarili niyang ina at sinira niya ang kinabukasan nito idagdag pa raw ang walang hiyang ama niyang bumuntis dito.Naramdaman ni Lucy ang luhang kumawala mula sa mga mata niya.'Mabuti na lang talaga maganda at matalino ako 'no? Kung hindi baka magalit talaga ako sa inyo.. at kwestyunin ko kayo..' Natatawa niyang biro sa larawang nasa harap niyang nagsisilbing lakas at kaibigan niya sa lahat ng panahon.'Tulungan niyo ho ako maging malakas.. at sana may mga taong dadating sa buhay kong magpapaalala sa akin mahalaga ako, na may silbi ang buhay ko kaya patuloy akong humihinga at lumalaban pa rin kahit ang hirap-hirap na!' madamdaming dugtong pa ni Lucy.Pinahid niya ang mga luha gamit ang palad niya-umupo siya ng tuwid buong tamis na ngumiti sa salamin.'Magiging isang magaling na nurse ako, at balang-araw magtratrabaho ako sa isang institusyon na maraming-maraming lola at ako ang mag-alala sa kanila tulad ng hindi ko nagawa sa lola ko.. tulungan niyo ho ako..' Buong tatag at tiwalang sinabi niya sa sarili- tumingin muli siya sa larawan ng pinagkukunan niya ng lakas.'Amen..' dugtong ni Lucy.____PINAIKOT-IKOT ni Michael ang ballpen sa mga daliri niya habang pinagmamasdan ang dalagitang na-engkwentro niya sa universidad na pinama ng lolo niya sa kaniya at sa kapatid niyang si Angelo.Lucy Pearl Sandoval- 2nd year Nursing student, pinasadahan nya rin ng tingin ang mga marka nito sa files na nasa harap niya. Matataas ang lahat ng grades nito at mukhang consistent ang dalaga, kaya siguro scholar ito.. iyon ang naging bulong ni Michael sa sarili.Mukha lang itong pasaway, pero mukhang mabait naman' aniya pa.Napako ang mga mata niya sa profile nito- December 25, 1989 ang birthday nito. Hindi siya halos makapaniwala dahil ito rin ang birthay niya 1996 lang siya at mas matanda nang anim na taon dito.'You look so interesting, Young lady..' tanging nasambit ni Michael sa sarili niya habang ang mga mata'y nanatili sa magandang mukha nito sa screen niya.'I want to know you more... I have this feeling na may mga buhat-buhat ka sa balikat mo at gusto kong tulungan kang bitiwan iyan..' Wala sa sariling sambit ni Michael sa sarili niya.Lucy Pearl - Michael Archangel, sounds devil and angel huh! Biro nya sa sarili niya.'See you tomorrow, young lady.. have a great day..' dugtong pa niyang may ngiti pa rin sa labi niya nang maalala ang hindi inaaasahang paghaharap nila sa rooftop kanina.___The Ceo's Obsession| Lucy Pearl____60"KAMUSTA PAHINGA MO? PASENSIYA KA NA KUNG NABANGGIT KO KAY DOK MIKE NA 24 HOURS KANG NAG-DUTY HA," bungad ni Farrah kay Lucy nang bumaba siya ng canteen pagkatapos magpaalam kay April; nakaramdam na rin siya ng pangangalam ng sikmura at hindi niya na hinintay na bumalik pa si Dr. Martinez sa office nito."Okay lang, Farrah. Wala naman problema, pero ewan ko ba medyo naging oa lang siguro reaksyon ni dok at okay lang naman din talaga ako. Sanay na.""Alam ko naman na sanay ka na, pero syempre kailangan mo pa rin unahin ang sarili mo, Lucy. Tama naman si dok na wala kang kamag-anak dito na mag-aalaga sa iyo kapag nagkasakit ka.""Para ano't naging nurse pa ako kung 'di ko rin naman kaya alagaan ang sarili ko, Farrah—""Iba pa rin iyong tao, iba pa rin iyong pag-alala ng taong magbibigay sa iyo n'on. Ewan ko nga ba sa iyo kung bakit 'di mo na lang bigyan ng pagkakataon si dok sa buhay mo eh.""Ha?" tugon nya sa gustong tumbukin ni F
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ 5 YEARS AGO "STAY OUT OF ANGELO'S LIFE! STAY OUT FROM OUR LIFE, LUCY!" Hindi pa rin magawang kalimutan ni Michael ang mga huling salita niyang iniwan kay Lucy nang pinagtabuyan niya ito sa harap mismo ni Cheska limang taon na ang nakakaraan. Paano niya nga ba makakalimutan ang mga katagang iyon kung mas sobra siyang nasaktan kaysa kay Lucy; kung alam lang nito ang dinadala niya hanggang sa mga sandaling iyon sa kabila ng ilang taon. Pero alam niyang hindi niya masisisi ang dalaga kung bakit ito tuluyang nawala sa kaniya— kasalanan niya ang lahat, nagpadala siya sa takot na posibleng tuluyang mawala sa kaniya si Angelo kapag pinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon n'on sa dalaga. Ang naiwan sa kaniya ngayon ay ang kahungkagan, lungkot at sakit dahil wala siyang nagawa para proteksyunan ang damdamin ni Lucy n'on. Sa kabila ng lahat, sa lahat ng nabalitaan niya rito naging masaya siya sa mga narating ni Lucy; nasa Amsterdam na ito at nagin
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ "NURSE PEARL, tawag ho kayo ni Dr. Martiñez." Napalingon si Lucy sa boses sa likuran niya si Nurse Farrah. Inayos niya ang upo nang pumasok sa isip niya ang binanggit nito. "Nasa office siya," aniya nito. "Susunod ako. Thanks, Farrah." Ngumiti siya rito nang ngumiti ito sa kaniya. Muling binalik ni Lucy ang tingin niya sa kawalan, sa labas ng bintana kung saan natatanaw niya ang makulay na iba't ibang sari ng bulaklak. Parang kailan lang nasa Pilipinas pa siya, nakikipaglaban sa tinatawag na hamon ng buhay. Ngayon, malayong-malayo na siya rito.. pero sa isip niya nandoon pa rin na parang tila kahapon lang ang lahat; lahat ng sakit, lahat ng hirap na pinaramdam sa kaniya ng mundo. "Miss Pearl?" Muling untag sa kaniya ni Farrah. "I'm going.." Tumayo siya't inayos ang sarili bago tuluyang iniwan ang ward niya. Nagpaalam siya kay Farrah at binilin dito ang gusto n'yang lunch pag bumaba ito sa canteen mamaya. Iisa lang naman din ang gus
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl _____ NAKARATING si Michael sa hospital kung saan sinugod si Angelo; wala siyang sinayang na oras para malaman ang kondisyon nito. Ang sabi sa kaniya ni Cheska nang tumawag ito sa kaniya ulit pagkatapos niyang umalis sa unit ni Lucy ay nasa maayos na raw ito —binigyan daw ng pampatulog si Angelo dahil sa labis na pag-ubo. Hindi halos maitago ni Michael ang nararamdamang pag-aalala sa kapatid niya. Kahit sa kalawang banda sa bahagi ng isip niya nandoon din ang pag-aalala sa naiwang dalaga. Nakiusap itong sumama sa kaniya, labis lang na pagtanggi ang ginawa niya rito. Hindi dahil sa natatakot siya na pweding magtaka ang mga ito kung bakit sila magkasama; dahil ang totoo madali lang naman din gawan ng paraan iyon. Ang kinakabahala niya lang talaga ay ang maipit na naman si Lucy sa sitwasyon—ang sakaling awang maramdaman nito kay Angelo kapag nagkataon at hindi niya hahayaan iyon sa pagkakataong iyon. Mag-isa niyang aayusin ang sitwasyon ni Angelo
THE CEO's OBSESSION| LUCY PEARL ____ "PARA SAAN ANG NGITING IYAN?" nakangiting tanong ni Micheal habang hawak ang palad niya't dinala sa labi nito't hinalikan. Kapwa na sila nakabihis na dalawa't nagpasyang umuwi ng condominium na tinutuluyan niya. Halos wala pa nga siyang dalawang araw d'on pero heto na at kasama niya na ang lalaki pauwi don. Hindi naman siya nasurpresa kung bakit alam nito ang daan, dahil pagmamay-ari pa rin ng pamilya nila ito. "Sana para sa akin iyan," dugtong pa. Nahihiyang binawi niya ang tingin dito, tsaka naalala ang nangyari sa kanila sa sasakyan na iyon. Lihim na hiling ng puso niya na sana walang kahit na sino ang nakapansin sa kanilang dalawa. Ang weird dahil sa may simenteryo pa talaga may nangyari sa kanila. "Babalik ka na ba sa bahay?" Muli siyang napalingon sa lalaki nang marinig ang tanong nito. Kailangan niya bang bumalik d'on? At kung oo, ano ang magiging dahilan niya kay Angelo at bigla-bigla na lamang siya bumalik. "K-kailangan ba?" tanon
THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa