Share

Chapter Two

Author: BG Writes
last update Huling Na-update: 2024-02-16 03:07:25

The Ceo's Obsession || Lucy Pearl

___

CHAPTER 2

UMIWAS ng tingin si Lucy Pearl nang mapansing sumulyap sa gawi niya ang bagong may-ari ng unibersidad na pinapakilalang ngayon sa harap nilang lahat na kapwa niya eskolar.

Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking iyon? Ito kanina ang pilit niyang pinapatay sa isip niya; ang minumura niya't halos isumpa niya.

"Sana maging maayos ang unibersidad na 'to sa lahat at sana walang estudyanteng mamumuhay ditong may hindi kaaya-ayang mga salita ang lumalabas mula sa kaniyang mga bibig."

Napataas ng tingin si Lucy sa mga narinig mula rito.

Siya ba ang pinapatamaan ng lalaking 'to? Inirapan niya ito nang muli siyang sulyapan sa gawi niya.

'Pake ko ba sa nararamdaman niya?!' mataray niyang bulong sa sarili niya.

Kailan pa ba siya nagkaroon ng nararamdaman sa mga tao sa paligid niya? Wala siyang naaalala.

"That's for today.. marami pa tayong pagsasamahan, I assured you guys." Pagtatapos ng salita nito sa gitna.

Lihim na sinundan ni Lucy ng tingin ang lalake hanggang sa bumaba ito ng stage.

He's nothing! Aniya pa niya.

May-ari lang siya and thats all, dugtong pa.

Nakipagkamay ito sa ilang board members na nakilala na rin nilang lahat maging sa ilang professor na nar'on sa gawi na iyon.

'Kinulong niya pa rin ako sa rooftop at maling-mali pa rin siya d'on! Hindi ko pa rin kakalimutan iyon!' galit niyang bulong sa sarili.

Tiningnan niya ito ng masama at hindi niya akalaing titingin ang lalaking iyon sa gawi niya; nagtama ang mga mata nilang dalawa. Inikot niya ang bola sa mga mata niya't tinapon ang tingin sa harap ng stage kung saan ito galing kanina.

'Naku, Lucy! Baka pag-initan ka ng lalaking iyan!' Nag-aalalang bulong ni Lucy sa sarili.

Paano na siya kung magkataon? Ano na lang ang kinabukasan niya? Wala pa naman siyang pinagkikitaan para makaya niya ang sarili niyang pag-aralin sa ibang paaralan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucy. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo- sirang-sira na ang araw niya.

"Saan tayo magkakape?" Bahagyang nagulat si Lucy sa narinig niyang pabulong na tanong sa kaniya ni April.

"Uuwi na ako," maiksi niyang sagot dito.

"Uuwi? Bakit uuwi ka na? Ang aga pa, Lucy.."

"Marami akong gagawin at labahin," pagdadahilan niya.

"Hindi ako naniniwala sa iyo, wash and wear ka kaya, Dear."

"Gusto kong umuwi at wala kang pakialam kung gusto kong umuwi! Bwisit!" May kalakasang sagot ni Lucy sa kaibigan dahil sa kakulitan nitong pinamamalas sa kaniya.

"Nag-aaway ba kayo?"

Sabay ang paglingon ng dalawa sa boses sa likuran ni Lucy si Mr. Aragon at kasama nito ang lalaki.

"Hindi ho, Sir. Ganyan lang talaga si Lucy alam niyo na may mood swings lang 'tong kaibigan ko," sabat ni April.

Muling iniwas ni Lucy ang tingin sa lalaking nasa likuran ni Mr. Aragon, napansin niya sa mga tingin nito ang mapanuring tanong. Tsaka niya na-realize na nagmura na naman pala siya sa harap ni April.

'Napakakulit naman kasi ng isang 'to!' inis niyang bulong sa sarili.

"KAKASABI KO LANG NG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN SA STAGE, MS.?"

"MS. SANDOVAL, MR. SANTIAGO.." ani ni Mr. Aragon sa kaharap.

"Sir, kasalanan ko naman talaga, nakulitan lang sa akin ang kaibigan ko." Pagtatanggol ni April.

"Ano naman ang masama sa bwisit? Ikaw ngang sira-ulo ka kinulong mo ako sa rooftop!" mahinang bulong ni Lucy sa sarili niya.

"May sinasabi ka ba, Ms. Sandoval?" untag sa kaniya ni Michael Archangel - tsaka lang napansin ni Lucy ang pangalan nito.

Lucy Pearl-Michael Archangel? Sambit ni Lucy sa sarili niya.

Hindi niya napigilang tumawa ng malakas sa harap ng mga ito.

"Ms. Lucy Pearl Sandoval.. go to my office now!" Natigilan si Lucy nang marinig ang sinabi ni Mr. Aragon.

"Ho?"

"Go to my office now!" Ulit pa nito sa kaniyang may galit sa boses nito.

Lihim niyang nasapo ang ulo niya. Tinaas niya ang tingin sa lalaking naging dahilan kung bakit siya natawa ng malakas sa harap ng mga ito- humalikipkip itong tumingin sa kaniyang may pang-iinis.

Sinundan niya ng tingin si Mr. Aragon.

"Isusumbong kita kay Mr. Aragon dahil kinulong mo ako sa rooftop, Mr. Michael Archange!" Inis na sambit niya sa harap nito bago tumalikod at nagmartsang sumunod sa ginoong nagpatawag sa kaniya.

'Akala niya ha! Hindi dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na 'to palalampasin ko na lang ang ginawa niya.. humanda talaga siya!'

____

NAKANGITING sinundan ng tingin ni Michael ang babaeng napag-alaman niyang Lucy ang pangalan. Napailing-iling pa siya dahil sa pinakita nitong tantrums sa kaniya.

Naalala niya ang ginawa niyang kapilyuhan dito nang isarado niya ang rooftop kanina nang bumaba siya't nagpasyang iwan ito sa rooftop; talaga naman siya ang nagsarado ng pinto dahil gusto niyang bigyan ng leksyon ang babae.

"Kuya.. Kuya.."

Lumingon si Michael sa tawag ng bunso niyang kapatid na si Angelo.

"Saan ka na naman pumunta? Kanina pa ako dito," aniya rito.

"Nagkape lang kami kasama ng mga kaibigan ko, Bro. Let's go home?" anito naman sa kaniya.

Tumango siyang may ngiti sa labi kay Angelo; na-miss niya ang kapatid niyang ito sa ilang taon niyang pananatili sa Amsterdam gayon ay nagpasya na siyang umuwi for good para pamahalaan ang iniwang responsibilidad sa kaniya nang lolo nilang pumanaw na- ang may-ari at nagtayo ng unibersidad na ito.

"Ano, kuya, marami na ba ang napapansing chika babes sa iyo dito?" Pang-aasar nitong tanong sa kaniya.

"Wala. Atsaka hindi ko priority, alam mo naman kung gaano kaselosa ang Ate Cheska mo." Espleka niya rito.

Si Cheska ay ang kaniyang long-term girlfriend na matagal nang nakabase sa Amsterdam at nagtratrabaho bilang nurse sa isang pribadong hospital.

"Ikaw baka madami ka nang binibiktima ha.." aniya ritong natatawa nang sabay silang pumasok sa Volkswagen niyang dalang sasakyan.

Ngiti lang ang siyang naging tugon sa kaniya ni Angelo at kilala niya ito alam niyang tama ang kutob niyang may kung sino'ng babae na naman itong prospects.

"Mayroon nga?"

"Mayroon. But she's different, Kuya. I think I truly like her.."

Iyon na lamang ang gulat niya nang marinig ito mula kay Angelo. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya.

Hiling niya na lang na sana nga tulad ng sabi nito, iba ito sa lahat ng babaeng naging bahagi ng buhay nito.

"Mailap lang siya, but I will not stop until she will be mine," dugtong pa nito sa kaniya.

"She's lucky.." iyon ang tanging lumabas na salitang mula kay Michael sa babaeng tinutukoy ng pinakamamahal niyang kapatid.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 60

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl____60"KAMUSTA PAHINGA MO? PASENSIYA KA NA KUNG NABANGGIT KO KAY DOK MIKE NA 24 HOURS KANG NAG-DUTY HA," bungad ni Farrah kay Lucy nang bumaba siya ng canteen pagkatapos magpaalam kay April; nakaramdam na rin siya ng pangangalam ng sikmura at hindi niya na hinintay na bumalik pa si Dr. Martinez sa office nito."Okay lang, Farrah. Wala naman problema, pero ewan ko ba medyo naging oa lang siguro reaksyon ni dok at okay lang naman din talaga ako. Sanay na.""Alam ko naman na sanay ka na, pero syempre kailangan mo pa rin unahin ang sarili mo, Lucy. Tama naman si dok na wala kang kamag-anak dito na mag-aalaga sa iyo kapag nagkasakit ka.""Para ano't naging nurse pa ako kung 'di ko rin naman kaya alagaan ang sarili ko, Farrah—""Iba pa rin iyong tao, iba pa rin iyong pag-alala ng taong magbibigay sa iyo n'on. Ewan ko nga ba sa iyo kung bakit 'di mo na lang bigyan ng pagkakataon si dok sa buhay mo eh.""Ha?" tugon nya sa gustong tumbukin ni F

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 59

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ 5 YEARS AGO "STAY OUT OF ANGELO'S LIFE! STAY OUT FROM OUR LIFE, LUCY!" Hindi pa rin magawang kalimutan ni Michael ang mga huling salita niyang iniwan kay Lucy nang pinagtabuyan niya ito sa harap mismo ni Cheska limang taon na ang nakakaraan. Paano niya nga ba makakalimutan ang mga katagang iyon kung mas sobra siyang nasaktan kaysa kay Lucy; kung alam lang nito ang dinadala niya hanggang sa mga sandaling iyon sa kabila ng ilang taon. Pero alam niyang hindi niya masisisi ang dalaga kung bakit ito tuluyang nawala sa kaniya— kasalanan niya ang lahat, nagpadala siya sa takot na posibleng tuluyang mawala sa kaniya si Angelo kapag pinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon n'on sa dalaga. Ang naiwan sa kaniya ngayon ay ang kahungkagan, lungkot at sakit dahil wala siyang nagawa para proteksyunan ang damdamin ni Lucy n'on. Sa kabila ng lahat, sa lahat ng nabalitaan niya rito naging masaya siya sa mga narating ni Lucy; nasa Amsterdam na ito at nagin

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 58

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ "NURSE PEARL, tawag ho kayo ni Dr. Martiñez." Napalingon si Lucy sa boses sa likuran niya si Nurse Farrah. Inayos niya ang upo nang pumasok sa isip niya ang binanggit nito. "Nasa office siya," aniya nito. "Susunod ako. Thanks, Farrah." Ngumiti siya rito nang ngumiti ito sa kaniya. Muling binalik ni Lucy ang tingin niya sa kawalan, sa labas ng bintana kung saan natatanaw niya ang makulay na iba't ibang sari ng bulaklak. Parang kailan lang nasa Pilipinas pa siya, nakikipaglaban sa tinatawag na hamon ng buhay. Ngayon, malayong-malayo na siya rito.. pero sa isip niya nandoon pa rin na parang tila kahapon lang ang lahat; lahat ng sakit, lahat ng hirap na pinaramdam sa kaniya ng mundo. "Miss Pearl?" Muling untag sa kaniya ni Farrah. "I'm going.." Tumayo siya't inayos ang sarili bago tuluyang iniwan ang ward niya. Nagpaalam siya kay Farrah at binilin dito ang gusto n'yang lunch pag bumaba ito sa canteen mamaya. Iisa lang naman din ang gus

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 57

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl _____ NAKARATING si Michael sa hospital kung saan sinugod si Angelo; wala siyang sinayang na oras para malaman ang kondisyon nito. Ang sabi sa kaniya ni Cheska nang tumawag ito sa kaniya ulit pagkatapos niyang umalis sa unit ni Lucy ay nasa maayos na raw ito —binigyan daw ng pampatulog si Angelo dahil sa labis na pag-ubo. Hindi halos maitago ni Michael ang nararamdamang pag-aalala sa kapatid niya. Kahit sa kalawang banda sa bahagi ng isip niya nandoon din ang pag-aalala sa naiwang dalaga. Nakiusap itong sumama sa kaniya, labis lang na pagtanggi ang ginawa niya rito. Hindi dahil sa natatakot siya na pweding magtaka ang mga ito kung bakit sila magkasama; dahil ang totoo madali lang naman din gawan ng paraan iyon. Ang kinakabahala niya lang talaga ay ang maipit na naman si Lucy sa sitwasyon—ang sakaling awang maramdaman nito kay Angelo kapag nagkataon at hindi niya hahayaan iyon sa pagkakataong iyon. Mag-isa niyang aayusin ang sitwasyon ni Angelo

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 56

    THE CEO's OBSESSION| LUCY PEARL ____ "PARA SAAN ANG NGITING IYAN?" nakangiting tanong ni Micheal habang hawak ang palad niya't dinala sa labi nito't hinalikan. Kapwa na sila nakabihis na dalawa't nagpasyang umuwi ng condominium na tinutuluyan niya. Halos wala pa nga siyang dalawang araw d'on pero heto na at kasama niya na ang lalaki pauwi don. Hindi naman siya nasurpresa kung bakit alam nito ang daan, dahil pagmamay-ari pa rin ng pamilya nila ito. "Sana para sa akin iyan," dugtong pa. Nahihiyang binawi niya ang tingin dito, tsaka naalala ang nangyari sa kanila sa sasakyan na iyon. Lihim na hiling ng puso niya na sana walang kahit na sino ang nakapansin sa kanilang dalawa. Ang weird dahil sa may simenteryo pa talaga may nangyari sa kanila. "Babalik ka na ba sa bahay?" Muli siyang napalingon sa lalaki nang marinig ang tanong nito. Kailangan niya bang bumalik d'on? At kung oo, ano ang magiging dahilan niya kay Angelo at bigla-bigla na lamang siya bumalik. "K-kailangan ba?" tanon

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 55

    THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status