THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: .... "May problema ka ba?" Tanong ko kay Jason ng mapansin ko na hindi siya mapakali. "Ayos ka lang?" Pinuntahan ko kasi siya mismo sa kompanya niya ng magyaya siya para sa lunch. Hindi ko kasama ang mga bata dahil kinuha sila ni Señor para naman daw ipasyal ang dalawa kaya naman wala akong magawa kundi pumayag kahit na alanganin talaga akong iwan sila sa Señor at hindi ako kasamang lumabas o mamasyal. But then.. alam ko naman na walang balak na ilayo ni Seńor ang mga anak ko sa akin kaya panatag naman ako kahit paano. "Medyo hindi maayos ang kompanya ngayon, babe. Kaya medyo hindi ako mapakali." Sagot niya sa akin na sinabayan ng pagpapakawala ng isang malalim na paghinga. "Tulad ng ano?" Tanong ko. Hindi naman ako nakikialam sa problema niya sa mga negosyo niya pero makikita ko talaga ang pagka aburrido niya. "Ang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: .... May ngiti sa labi akong binitawan ang mga iyon sa lamesa ng library ko. Kailangan ko ng pumunta ngayon sa bahay ng lolo at dapat na mapapayag ko itong ipasa sa akin ang share nito sa kompanya ni Jason. "Anong kailangan mo apo?" Tanong sa akin ng lolo ng makarating ako sa malaking mansyon. Bibihira pa ang mga kamag anak namin na dumating at kahit sina mama at papa ay wala pa hanggang ngayon. "May gusto lang sana akong sabihin at hilingin sa inyo ngayon. At sana mapagbigyan niyo ako." Napatitig ang lolo sa akin. Tinatantya yata kung ano ba ang nakain ko at bakit ako ngayon hihingi ng pabor sa kanya na hindi ko naman dating ginagawa. "Ano iyon apo? Mukhang seryoso yata tayo ngayon ah." "Yeah! And hoping that.. maibibigay mo ang bagay na hihilingin ko ngayon." "Okay! Say it apo." "Ibigay mo sa a
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Kung hindi ko madadaan sa iyo little kitten, gagamitin ko si Jason para muli kang maging akin."May gigil man sa boses ko ay nabahiran naman ng ngiti ang mga labi ko.Muli ay pinayapa ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko ngayon. Na halos ilang dekada na ng huli akong makaramdam ng ganito.Tatlong katok ang nakapag pabaling ng paningin ko sa may pintuan bago iyon bumakas. Ang sekretarya ko. Si Helen."What is it, Helen?" Tanong ko bago ako muling umupo."Trisha Warden wants to see you, Sir."Kunot man ang nuo ko sa pagka rinig ng pangalan nito ay sinabihan kong papasukin niya ito.Tumalima ito para lumabas. Nang bumalik ay kasama na nitong pumasok si Trisha."Iwanan mo na kami Helen, salamat." Utos ko dito. Binalingan ko si Trisha ng tuluyan ng makalabas si Helen. "Anong kailangan mo?" Seryusong tanong ko ng makitang palapit na ito sa
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Get out." Sa mahinahong tono na pagtataboy ko sa inutusan kong mag imbistiga pa tungkol kay Reallan.That brat little kitten. At saan niya nakuha ang lakas ng loob na ipagtabuyan ako noong isang araw? At sino siya para tanggihan ako?Wala pang taong nakakatanggi sa akin?Pero..Natigilan ako ng mapag isip ko ang huli kong nasabi.Yeah! Si Ellise! Tinanggihan niya ako ng umamin ako na gusto ko siya. Pero hindi naman masama ang loob ko doon. Dahil ngayon nakikita ko na magiging masaya siya sa piling ng pinsan ko.Nahulog ang loob ko kay Ellise sa kainosentehan niya. Na nakita ko noon kay Reallan kahit pa man na magkaiba sila ng ugali. At si Reallan that brat little kitten. Kikay na maiinis ka na lang na matatawa dahil sa ugali niyang iyon pero deep inside he is innocent.Unang kita ko noon kay Ellise ay agad akong nahulog na may bahagi sa utak ko na inaal
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Yeah! I know that babe. Pero kapag kasal na tayo. Gusto ko maging plain house husband ka na lang na sa amin ng mga anak mo nakatuon ang pansin mo.""Mmm! Yeah! Of course." Sagot ko na pero bahagyan akong nakaramdam ng pag aalangan dahil sa nangyari nitong mga nakaraang araw. At iyon ay ang muling pagtatagpo ng landas namin ni Lancer."Why? May problema ka ba?""Huh!?"Napakurap ako. Masyado bang halata na may malalim akong naiisip?"Wala. Tara na. Nasa hapag na ba ang dalawa?" Pang iiba ko na lang ng usapan."Yeah! Let’s go." Magkaagapay kaming tumungo sa hapag kainan at naghihintay na nga ang dalawa kong anghel sa lamasa.Sabay pa silang tumayo at sumalubong sa akin at humalik ng sabay sa magkabilang pisngi ko ng yumuko ako. Muli silang nagsibalik sa upuan nila kaya naman dumulog na rin kami pareho ni Jason para makakain na nga.Naging masaga naman ang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Flashback 1.10..Ayaw ko man sanang ipakita ang panghihina ko pero huli na dahil dumating na siya at agad akong dinaluhan pasama sa banyo habang nagduduwal."Anong nangyari?"Kahit papaano ay nakaramdam ako ng pag aalala sa tono ng boses niya habang masuyong humuhugod ang palad niya sa likod ko."I'm f-fine. Ugh...." muli na naman akong naduwal pero tanging laway lang naman ang lumalabas pero bumabaliktad talaga ang sikmura ko."Wait."Iniwan niya ako. Ilang sandali pa ay may dala na siyang baso ng tubig at ibinigay niya iyon sa akin.Kahit ayaw ko man sanang kunin iyon ay kinuha ko pa rin at uminom matapos makapag mumog para mawala ang pait sa panlasa ko."What happened?" Muli ay tanong niya sa akin habang nakaalalay siya sa akin palabas ng banyo.Nagtungo sa sala at sabay na naupo doon."O-okay lang ako. Medyo hindi lang maganda ang pakira