WARNING: MATURED CONTENT: RATED SPG Contract marriage? Iyong ang pinasok ni Ellise dahil kailangan niya ng malaking halaga para maipaopera ang kanyang mama. Si Nathan Francisco. Ang boss ni Ellise. Pinapirma siya nito ng kasunduan. Magpapakasal siya dito kapalit ng malaking halaga na kailangan niya. Nagdadalawang isip man siya dahil sa mga katanungan sa kanyang isipan kung bakit siya nadamay sa will ng lolo ng kanyang boss ay wala siyang magawa. Siya ang pinili ng lolo ni Nathan na pakasalan nito at kung hindi siya pakasalan ni Nathan ay mawawala dito ang mga negosyong pinaghirapan nito. Galit! Iyon ang naramdaman ni Nathan sa kanyang lolo dahil sa pagmamanipula nito. At higit sa lahat ay galit para kay Ellise. At nabuo sa kanya ang katanungan. Ano ang ipinakain ni Ellise sa kanyang lolo at bakit siya ang napili nito. Dahil sa ayaw mawala ni Nathan ang mga pinaghirapan ay nakapagdesisyon siya. Gumawa siya ng kasulatan para mapilitang magpakasal sa kanya si Ellise At ang kasulatang iyon... Kasunduan para sa kanilang kasal.
View MoreELLISE Pov:
Napatingin ako mismo sa papel na inilapag niya sa ibabaw ng lamesa sa harap ko. Kay bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang na maayos pa ang lahat ngunit nandito ako ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko na papasok sa isang kasunduan kapalit ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng mama ko. Umangat ang mata ko at tumingin sa kanya. Si Sir Nathan na nakaupo sa kabilang panig ng lamesa na seryosong nakatingin din sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang pinasok mo sa utak ng lolo ko para ikaw ang piliin niya para pakasalan ko.” Malamig ang tono ng boses niyang sabi habang ang daliri ay tumitipa sa ibabaw ng lamesa. Kailangan ko ng malaking halaga ngunit hindi ko akalain na madadamay ako sa will ng lolo niya. Ano ang kinalaman ko sa lolo niya? Dalawang buwan nang magsimula akong maging PA niya at sa dalawang buwan na iyon ay hindi ko pa nakakasalamuha ang lolo niya. Tapos pinagbibintangan niya ako na kung ano na lang ang pinasok ko sa utak ng lolo niya? “Totoong kailangan ko ng malaking pera, sir Nathan. Pero hindi ko kilala ang…” “Huh! Talaga? Sa tingin mo ay maniniwala ako? Paanong hindi mo kilala ang lolo kung nadamay ka sa buong testamento niya?” “Hindi ko pa nakikita ang lolo mo, sir Nathan. At kung pinagbibintangan mo lang ako ay hindi ako lalagta sa kontrata na ito.” May pagkainis na sabi ko na sinabayan ng pagtayo matapos kong itulak ang papel pabalik sa harapan niya. Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita. “Isipin mo ang kalagayan ng mama mo. Sigurado ka ba na hindi ka lalagda sa kasunduang ito?” Natigilan ako. Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Tumikhim pa ako dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. “Well, ikaw ang bahala. Wala din namang magagawa si lolo kung hindi ikaw ang pinakasalan ko. Ang nais lang naman ng lolo ko ay ang mag asawa ako, mabigyan siya ng apo. Marami akong makukuha diyan na gustong gusto na magdala ng apelyido ko.” Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang kanyang pagtayo saka kinuha ang dukomento sa lamesa. Tumalikod na siya. Naglakad. Tumigil nang tumapat siya sa basurahan. “Ipapaalala ko pala sayo.” Muli ko siyang narinig na nagsalita ngunit hindi siya lumingon. “Ayon sa nakalap kong impormasyon tungkol sa mama mo ay hindi na tatagal ang buhay niya kung hindi pa siya maoperahan sa lalong madaling panahon.” Matapos niya iyong sabihin ay itinapon ang dukomento sa basurahan. Doon naman ako natauhan. Anong pinagsasabi niya? Sinabi sa akin ng doktor ni mama na malakas pa ang katawan nito. Hindi! Hindi ako pwedeng makampanti. Nilisan ko ang restaurant, agad na nagtungo ng hospital. Nang marating ko ang hospital ay dumeretso ako mismo sa opisina ng doktor ni mama. “Anong maipaglilingkod ko, Ms. Santillan?” Tanong ng doktor na umangat ang paningin nito mula sa binabasa. “Doktor, sabihin mo sa akin ang totoong kalagayan ng aking mama.” Natigilan ang doktor sa naging tanong ko at hindi na makatingin sa akin ng diretso. “Doktor, sabihin mo sa akin?” Napalakas ang boses kong muling tanong dito. Sa pananahimik ng doktor ay napatunayan ko na hindi lang nagbibiro si sir Nathan sa sinabi niya sa akin kanina. “Miss. Santillan. Hindi sa ayaw kong sabihin sayo ang katotohanan ngunit ang iyong mama mismo ang nakiusap sa akin na huwag ng sabihin sayo ang tunay niyang kalagayan.” Sa sinabi na iyon ng doktor ay nakaramdam ako ng panlulumo. “P-pero sabihin mo sa akin, doktor. Maliligtas ba ang aking mama kung mao-operahan din siya ngayon?” Naglakas akong tanungin iyon sa doktor kahit na may posibilidad na baka nga hindi na kayanin ng mama ko ang operasyon kung ganun na kalala ang kondisyon nito. “Sigurado iyan, miss. Santillan. Nakausap ko din si Mr. Francisco noong nakaraang araw at nasabi ko na din iyon sa kanya.” Napaatras ako ng hakbang sa huli nitong sinabi. Kung gayon ay alam na talaga ni sir Nathan ang kalagayan ni mama kaya malakas ang loob niya ng hindi ako makakatanggi sa inalok na kasunduan sa akin. Naikuyom ko ng mahigpit na halos bumaon ang sarili kong kuko sa palad ko. “K-kung maihahanda ko ba ngayon ang pera ay agad din bang ooperahan ang mama ko?” Muli ay tanong ko. “Kung makabayad din ngayon ay papa - eschedule ko agad ang operasyon sa kahit na anong oras.” “B-bukas. Magbabayad ako bukas. Pwede bang ipa eschedule na siya?” Napatingin sa akin ang doktor at ilang sigundo din na walang naging imik. “Oo naman, miss Santillan.” “Sige. Salamat ulit, doktor.” Nagpaalam agad ako sa doktor. At habang palabas ng opisina nito ay kinuha ang cellphone sa bag ko para tawagan si Sir Frank at sabihing papayag na ako sa kasunduan. Ngunit… Isa… Dalawa… Tatlong beses at higit pa na sinubukan na tawagan si Sir Nathan ay hindi niya sinagot ang mga tawag ko sa kanya. Kaya nakapagpasya na lang akong puntahan mismo ito sa kumpanya. “Miss Santillan, hindi ka pwedeng pumasok.” Papasok na sana ako mismo sa gusali ng kumpanya ni sir Nathan ng pigilan ako ng guwardya. “At bakit hindi ako pwedeng pumasok? Empleyado ako dito.” “Pero may nagsabi sa amin na inaprubahan na daw ni Mr. Francisco ang resignation letter mo.” Halos malaglag ang panga ko, napanganga ako sa narinig ko. Kunot ang noo na may kasamang pag iling. “P-pero kailangan kong makausap si Sir Nathan. Kahit ngayon na lang. May sasabihin lamang ako sa kanya.” “Miss Santillan, makapasok ka man sa loob ay hindi mo din makikita si Mr. Francisco dahil may business trip siya..” “Ano?” Halos bumagsak ang langit sa akin dahil sa narinig ko. Para akong lulubog sa kinatatayuan ko sa bigat ng pakiramdam ko. Ano na ang gagawin ko? Muli kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang tawagan ulit si sir Nathan ngunit tulad kanina ay hindi niya sinagot ang tawag ko. Napahikbi ako. Namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung paano ko kokontakin si sir Nathan. At siya na lang talaga ang alam kong makakatulong sa akin kahit na kapalit ay ang pagpapakasal ko sa kanya para pagbigyan naman ang kagustuhan ng lolo niya. Mabigat ang naging paghakbang kong palabas ng gusali ng kumpanya ni sir Nathan. Napatingala pa ako sa kalangitan ng makalabas ako. Parang nakikisama sa akin ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Makulimlim at biglang kumulog pa. “Mama…Anong gagawin ko. Hindi ko kayang basta ka na lang mawawala ng wala akong ginagawa.” tanong ko na muling naglakad. Sa paghakbang ko ay hindi ko na napansin ang isang malaking bulto ng katawan na nakatayo sa harapan ko at tumama ang nuo ko sa dibdib nito. “Ouch.” Kahit hindi naman masakit ay awtomatikong lumabas iyon sa bibig ko. Umangat ang tingin ko. Doon ko nakilala ang lalaking nabunggo ko. Nagkaroon ng kaunting liwanag ang mundo ko ng makita ito. “Sir Nathan!” Nagkaroon ng liwanag ang pag asa ako. “Sir Nathan.” Halos iyon na lang ang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung paano bubuksan ang paksa tungkol sa kasunduan. Seryoso lang na nakatingin siya sa akin at hindi nagsalita. “Pumapayag na ako sa gusto mo.” Lakas na loob kong deretsong sinabi. Nagsalubong ang kilay niya na nakatingin pa rin sa akin. Hindi umimik saka niya ako tinalikuran. “Sir Nathan, sandali.” Dahil sa kagustuhan kong maoperahan ang mama ko agad ay kakapalan ko na ang mukha ko. Hinawakan ko siya sa kamay at pinigilan. “Nakikiusap ako. P-please, sir Nathan.” “Hindi ba at ang tigas ng paninindigan mo kanina na huwag pumirma sa kasunduang gusto ko?” “Pipirma na ako. Pumapayag na ako. Basta maipaopera lang ang mama ko.” “Oh! Nasa basurahan na ang kontrata. At kilala mo na ang ugali ko. Na kung minsan ko ng itinapon ay hindi ko na pupulutin pa.” Para akong nanigas sa narinig ko. Tama lahat ng sinabi niya. Oo, kilala ko na siya sa loob ng dalawang buwang bilang PA niya. Kung ano ang ugali niya. Kung ano ang gusto at sa mga ayaw niya. At itinapon na nga niya sa basurahan ang ginawa niyang kontrata. “Kukunin ko. Pupulutin ko sa basurahan. Babalik ako.” Natataranta kong sabi saka ko siya binitawan at nagmamadaling tumalikod para bumalik ng restaurant. Nagmamadali ang bawat hakbang ko. Pigil ko na din ang hininga ko habang bagtas ang daan pabalik ng restaurant. Hindi iyon malayo sa kumpanya ni sir Nathan. Kaya hindi na ako nag abalang sumakay ng tricycle. Lakad-takbo ang ginawa ko. Sampung minuto din ang nilakad ko. Nang makapasok ako nang restaurant ay agad kong tinungo ang basurahan kung saan itinapon ni Sir Natan. Ngunit… “Hindi.” Halos mapaupo ako sa sahig ng makita kong napalitan na ang garbage plastic sa basurahan. Nanlulumo akong naupo sa malapit na upuan dahil kung hindi ako uupo ay baka tuluyan ako bumagsak sa sahig. “A-anong gagawin ko?” Tanong na lumabas sa aking bibig na halos ako lang din naman ang nakakarinig. “Mama.” Gusto ko mang pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. At kahit na nakaramdam pa rin ako ng panghihina ay pinilit kong tumayo para puntahan ulit si sir Nathan at makiusap sa kanya. Kung kailangan lumuhod ako sa harapan niya ay luluhod ako. Basta makuha ko lang ang halagang kailangan ko sa operasyon ni mama. Mabigat ang mga paa kong palabas na ng restaurant. Nang malapit na ako sa pintuan ay natigilan ako sa paghakbang. Nasa bungad ng pinto si sir Nathan. Malamig ang mga mata niyong nakatingin sa akin. Pero hindi iyon ang nakatawag sa aking pansin kundi napatingin ako sa papel na hawak niya sa kaliwang kamay. Humakbang siyang papasok at tumigil mismo sa harapan ko. Napatingala ako sa kanya. Ang lalim ng tingin niya sa akin. Hindi ko tuloy makita kung ano ang emosyon na nasa likod ng mga mata niya. “Hindi ko uulitin ang mga sinabi ko sayo. Pirmahan mo ang kontrata na ito.” Sabi niya sabay taas ng papel na hawak niya. Umangat ang kamay ko para sana kunin na iyon ngunit ng hahawakan ko na sana ay itinaas niya ang kamay. Naiwan sa ere ang mga kamay ko. “Isa pa. Alam mo kung saan ka lulugar. Kailangan mo ng pera.. ibibigay ko. At wala dapat makaalam ng kasunduan natin. Lalong lalo na si lolo.” Tumango ako. Hindi na ako nagsalita. “Magtatrabaho ka pa rin sa akin tulad ng dati. At walang magbabago sa mga trabaho mo. Kung ano ang ginagawa mo dati.. iyon pa rin ang gagawin mo.” Muli akong tumango. Ibinaba na niya ang kamay at diretso niyang pinahawak sa akin ang dokumento. Muling nanginig ang kamay ko ng mahawakan ko na ang mga iyon. Nagdadalawang isip pa rin ako pero mas nanaig ang kagustuhan kong maipagamot si mama. Tumalikod ako at humakbang sa malapit na upuan. Naupo ako. Kinuha ang ballpen sa bag ko saka papikit na nilagdaan ang kontrata sa pagpapakasal ko kay sir Nathan kapalit ng malaking halaga na gagamitin ko sa operasyon ni mama."Hindi ako magaling magpayo, pero sa mga sinabi ko ay sana magising ka na sa katotohanan. At ayusin mo ang sarili mo." "You talked to much." Pabalang na sabi ko sa kanya. Nahihilo man ako ay nagawa ko siyang itulak para umalis sa daraanan ko. Hindi na ako nagpilit na kumuha ng ibang inumin kundi tinungo ko na ang sala at doon na umupo. Halos hindi ko din ma irelax ang katawan ko dahil maraming nakakalat doon. "Tidy up yourself. Dahil kailangan ka ni lolo ngayon." Narinig kong sabi niya ng sundan ako na napapangiwi na naman dahil sa kung anu ano na lang ang naapakan niya na nakakalat sa sahig. "Wala akong ganang lumabas? Saka, bakit niya ako kailangan ngayon, nandyan naman kayo para sa kanya." Wala sa loob kong sagot sa kanya. Kahit papaano ay bahagyang nawala ang lungkot dahil may nakakausap ako. Unang beses na nanghimasok si Lancer sa bahay ko. "Tatlong araw ng nasa hospital si lolo, dahil inatake ng hypertension." Napatayo ako dahil doon pero agad din akong napaupo dahil umata
Isang linggo na ang lumilipas pero wala paring nakakalap na balita ang mga inutusan ko tungkol sa kanya. At isang linggo na rin akong hindi lumabas ng bahay. Ni hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga negosyo ko. But I don't care, wala akong pakialam ni isa man sa mga iyon o sa mga nakapaligid ngayon sa akin dahil mas nakatuon ang isip ko kay Ellise at sa paghahanap sa kanya. "Where are you mi esposa?" Halos pumiyok pa ako sa pagsasalita ko habang nakasubsub ang mukha ko sa counter table sa bahaging iyon ng bahay kung saan ako umiinum ng alak. Wala na akong ginawa maliban sa uminom ng alak habang naghihintay ako ng balita. Wala na din akong ibang sinasagot sa mga taong tumatawag sa akin kung hindi ang taong inutusan ko ang tatawag at iyon lang ang hinihintay ko, wala ng iba. Gustong gusto ko na ding sugurin si mama at ipakita at iparamdam ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pangingialam pero nagpipigil pa rin ako dahil iniisip ko na siya pa rin ang nagsilang sa
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Geline ng hapong iyon dahil siya na ang una kung naisip na nakakaalam kung nasaan si Ellise.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil nababalot ako ng iba't ibang emosyon.Isa na ang galit, dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay pagkagaling ko sa bahay ng lolo kaninang umaga. At apat na oras lang akong nawala. Pero wala na siya pagbalik ko. Tanging si Celine na lang ang naiwan at nagsabi sa akin na umalis siya na may dala dalang maleta. Hindi pa nga ako naniwala at tinungo ko ang silid namin pero wala nga siya. Wala na din ang ilang damit niya sa closet.Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa bahay ng mama niya, pero wala na din akong naabutan doon dahil tanging ang kasama na lang din sa bahay ang naiwan at nag iimpake na din ng gamit paalis.Kaya naman, ngayon si Geline ang sumunod na pinuntahan ko at nandito na ako mismo sa bahay nila dahil wala ito sa shop niya na una kong pinuntahan."Ilabas mo si
Tunog ng phone ko ang nakapagpagising sa akin.Ngunit bago ko iyon sinagot ay binalingan ko muna si Ellise na mahimbing sa pagkakatulog habang nakaunan siya sa braso ko.Padamping hinalikan ko muna siya sa noo saka ko maingat na inalis siya sa pagkakaunan sa akin at sinagot ang tawag."Yes, Hello?"Hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag na iyon."I need you here, right now. At gusto kong sabihin sayo ang ilan pang bagay tungkol sa asawa mo. Na dapat ay noon ko pa sinabi sayo.""Gaano ba kahalaga iyan lolo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang o bukas? Masyado pang maaga." Sagot ko kay lolo dahil tinatamad pa akong lumabas ng bahay.Muli kong sinulyapan si Ellise bago binalingan ng tingin ang alarm clock sa gilid."Mag aalas sais pa lang ng umaga lolo.""Pumunta ka na lang dito. Kailan ka pa naging tamad pagdating sa mga bagay na makakatulong sayo." May galit na pagmamando na naman ni lolo sa akin. "Saka sabado ngayon, at alam kong wala kang mahalagang gagawin ngayon dahil naayos mo
"Me esphosho. Hek."Bulong niya sa tainga ko ng ibaon niya ang mukha doon habang karga ko siya papasok.Umakyat sa kwarto namin, dumiretso sa banyo para mapaliguan siya ng mahimasmasan kahit papanu sa kalasingan niya."Ano bang problema mo at bakit ka uminom?" Kunot ang noo ko na tanong kahit alam ko na wala na akong aasahan na matinong sagot mula sa kanya.At tulady ng inaasahan ko. Isang hagikgik lang na para bang nakikiliti lang ang naging sagot niya sa akin. Napapailing na nilagay ko siya sa bathtub at hinubaran."Hek, dho you whan tho mhake lhove weth mhe." Tanong pa niya, huli na para makasagot ng hilain niya ako pasampa sa bathtub kaya naman pareho na kaming nabasa ng tubig mula sa shower filter kaya napilitan na rin akong magtanggal ng damit at sinamahan na nga siyang maligo.Sabon dito, sabon doon, sa buong katawan."Mi esposa, umayos ka. Lasing na lasing ka."Pinigilan ko ang kamay niya ng maglikot iyon na humawak sa pagkalalaki ko. Lasing man siya ngayon, mapupungay man kun
"Tawagan mo na lang ako mamaya kapag uuwi ka na." Bilin ko sa kanya kinaumagahan nang maihatid ko siya sa bahay ng mama niya. Napapansin ko man na kahit ngumingiti siya ay wala akong nakikitang sa kanyang mga mata. Gusto ko man sana siya tanungin at usisain ay wala naman siyang ibang maisagot maliban sa gusto lang daw niya ako makasama. Simula kahapon matapos itawag sa akin ni Celine na namumutla siya ay hindi ko na siya nakitaan ng may ngiti talaga na umaabot sa kanyang mga mata. Ngunit sa kilos niya ay naging clingy niya at halos ayaw na yata niyang mahiwalay sa akin. Kung hindi lang siya pumunta dito sa bahay ng kanyang mama ay hindi rin sana ako papasok ngayon. Bagamat, nagpilit siya at sinabi na gusto lang niya masama at makabonding sandali ang mama niya na bihira na din niyang makasama dahil sa bahay lang siya at hindi na masyadong lumalabas. "Susunduin kita." "Sige, mag ingat ka." "Para sayo mi esposa. Mag iingat ako lagi. Kaya dapat ikaw din." Balik paalala ko sa kan
"The clothing department export thousand of garments and it delivered on time last week. And Mr. Gascon sent us 100% feedback for proper and timely delivery of the garments." Pagbabalita sa akin ng manager na humahawak sa clothing department.Nasa kalagitnaan kami ng meeting at nagpapasa na naman sila ng report sa akin sa mga nagawa at mga bagong balita para sa kani kanilang department na hinahawakan sa bawat sangay ng kumpanya ko.Sa ibang mga negosyo ko ay naging maayos ang takbo at kumikita iyon ng malaking halaga maliban sa clothing department na nakatanggap ng bomb threat nitong nakaraan araw lang kaya naman lagi akong abala at hindi na ako nakakauwi ng maaga sa bahay.Hindi na din ako nagkakaroon ng mahabang oras para kay Ellise. Sa tuwing uuwi na ako ay halos hatinggabi na dahil sa inaayos ang issue patungkol sa bomb threat na iyon na halos ikinabagsak ng 20% doon na naapektuhan na din ang ilan pang sangay nito. At iyon ang dahilan para mabawasan ang oras na nakakasama ko siya.
"Like what I said gold digger. Nasa akin ang patunay na naisalin na ng papa iyon. At iyon ang gusto kong ipakita sa iyo. Then as you wish. I will send it to you later.""H-hindi ako naniniwala.""It's up to you. At alam mo ba kung ano ang dahilan ng anak ko kung bakit hindi niya iyon sinasabi iyon? Well, ito. Pakinggan mo ng malaman mo."Ilang sandali pa ay may kung anong narinig ako na parang nag click sa kabilang linya."Ginagawa ko ito para sa mamanahin ko and at the same time, sinusulit ko na ang kasama siya para man lang may pakinabang pa siya sa akin. I won't betray you. I can't do that. She is just a toy. Pagsasawaan habang may halaga pa siya. At kapag wala na. Pwede ko ng itapon."Pero mas malala pa pala iyon kaysa ang malaman ko na napasakamay na niya ang mamanahin niya. Mas masakit pala sa pandinig ang mga sinabi niya.A voice recorder. At boses iyon ni Nathan.Parang nawalan ako ng lakas ng katawan dahil doon. Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa phone ko n
"Mauuna na ako, huwag kang mag pagutom. Medyo mala-late ako ng uwi ngayon dahil may mahalagang dinner meeting ako mamaya." Paalam niya sa akin habang nasa sala kami."Sige, mag ingat ka.""Pag uwi ko, kailangan nating mag usap, may mahalagang bagay lang akong gustong sabihin sayo." Seryoso pa niyang sabi sa akin.Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang ang palad ay marahang humaplos sa pisngi ko."May problema ba? Lagi kang seryuso nitong mga huling araw.""Wala naman mi esposa, marami lang talaga akong mahalagang inaasikaso sa mga negosyo at sa bawat kumpanya na natin.""Okay, hindi na ako magtatanong, basta kapag may time ka, magpahinga ka naman, lagi ka na lang napupuyat dahil sa mga negosyo mo. Halos hindi ka na natutulog.""Salamat mi esposa, kung hindi mo ang pag uwi ko mamayang gabi, matulog ka na lang ng maaga, bukas ko na lang sasabihin ang gusto kong sabihin. Mauuna na ako."Magaan ang palad na patuloy lang siya sa paghaplos ng pisngi ko. Yumuko siya, dinampia
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments