Beranda / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Thirty: Pag-iwas at Pagpapahalaga

Share

Chapter Thirty: Pag-iwas at Pagpapahalaga

last update Terakhir Diperbarui: 2023-12-17 06:26:00

. "Isang masiglang Melyntor day mga ginoo at mga binibini! Alam ko na karamihan sa inyo ay marami na ang nalalaman tungkol sa metal alchemy," pagsisimula ni Master Alchemist Jung. "Ngunit mayroon din naman sa inyo ang nagsisimula pa lamang pag-aralan ito."

Nagtinginan ang mga mag-aaral kina Davideh, Kaleb, at Cloudio.

"Nagsisimula pa nga lang pero kung makaasta ay parang ang dami nang nalalaman." Pabulong ngunit nagpaparinig sa pagtukoy ni Dayie kina Davideh.

Hindi n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-seven: Panaginip Tungkol Kay Linosa

    Sa isang nayon sa dulo ng Way Kingdom ay may isang dalagitang nagngangalang Linosa. Isang Melyntor day ay may nagsumbong sa kaniyang inang si Rodora na nagnakaw siya ng isang mamahaling palamuti dahilan upang ikulong siya nito sa tambakan ng mga lumang kagamitan."Mama, palabasin mo po ako rito. Wala po akong kasalanan!""Nararapat lamang na makulong ka r'yan. Hindi ka makakalabas hangga't hindi ka nagtatanda!""Hindi naman po talaga ako nagnakaw, e. Mama, patawarin mo na po ako!"Kahit anong pagpapaliwanag ang gawin ni Linosa ay hindi siya pinakikinggan ng ina. Napahagulgol na lamang siya habang inaalala ang namayapang ama, "Papa, kung buhay lang sana kayo ay baka hindi naging ganito kalupit sa akin si Mama."Si Rodora naman ay pilit kinukumbinsi ng kapatid ni Linosa na si Romulo na palayain siya."Kawawa naman po ang eldest sister, Mama.""Anong kawawa? Bagay lang siya r'yan dahil sa pagnanakaw niya.""Hindi naman po totoo 'yon, e. Gawa-gawa lamang po iyon ng mga kabataang Mortana n

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-six: Ang Tatlong Bundok

    Nasa kalagitnaan na sina Emmanuel at Samuel sa kanilang paglalakbay. Nakatanaw si Emmanuel sa labas ng bintana na malapit sa kaniya. Siya ay namamangha sa kapaligirang nadaraanan ng kanilang sinasakyan patungong Guzen."Tingnan mo, older brother!" akay niya sa nakatatandang kapatid. "Napakaraming bulubundukin sa lugar na iyon."Bahagyan sinilip ni Samuel ang direksyong itinuturo niya. "Iyan ang Mount Gracia, Mount Misericordia, at Mount Bondad. Natatabunan nila ang Edoma Forest na pumapaligid sa Guzen."Nilingon niya ito at nagtanong, "Malapit na ba tayo, older brother?"Umiling ito. "Hindi pa ngunit malayo-layo na rin ang ating nilakbay."Napabuntong-hininga siya at nagwika, "Malayo na nga tayo sa Melyn. Parang kailan lang ay kararating mo lamang doon bilang bagong temple priest.""Nais mo na bang bumalik ng Melyn?"Ngumiti lamang siya at muling tinanaw ang mga kabundukang tumatakip sa kanilang patutunguhan."Lumilipas lamang ang panahon, Emmanuel, kapatid ko. Kapag naordinahan ka n

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-five: Ang Ilan Sa Mga High Priest

    Bumisita si Arahab sa bagong palasyo ni Reyna Milcah. Labis ang kaniyang pagkatuwa dahil sa Light Kingdom na rin ito naninirahan. Mayroon na siyang bibisitahin na matagal nang kakilala at mapagkakatiwalaan. Ito ay isa na ring kapatid para sa kaniya."Mabuti at ikaw ay naparito, Prinsesa Anarah. Pakiramdam ko ay nasa dating palasyo lamang ako." Magiliw na turan ng reyna. Sila ay kapwa nakaupo sa gitnang bahagi ng palasyo nito."Kulang na lamang sina Adah at Deborah, mahal kong Reyna. Napakasaya noong mga panahong mga tagapaglingkod mo pa lamang kami.""Natutuwa akong inaalala mo pa rin ang mga panahong iyon, Prinsesa Anarah. Sana ay mabisita rin ako ni Princess Adah kapag siya ay nakapanganak na.""Napakabilis lamang ng panahon. Ngayon ay ipinagbubuntis na niya ang kaniyang pangalawang supling." Napapangiti niyang wika patungkol sa dating first ranked attendant ng reyna."Sana ay hindi na siya nagtatampo na ipinakasal ko siya kay Prinsipe Yuri.""Magtatampo pa ba siya sa dalawang bese

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-four: Ang Nakatakda ay Naipahayag Na

    Hindi mapanatag ang isipan ni Reuel Eriam. Mula nang magbalik si Encantra sa Gypto ay napapadalas na ang pag-aalay niya ng Qanna sheep sa kaniyang pinaniniwalaang diyos na si Lord Father Adonai."Mahal naming Lord Father Adonai, kahabagan mo sana ang aming bansa. Ilayo mo kami sa kadiliman. Iligtas mo sana ang bayang ito mula kay Encantra."Matapos ang pagdarasal ay nagkaroon ng apoy sa ibabaw ng altar at nasunog ang kinatay niyang Qanna sheep.Nanlaki ang kaniyang mga mata at nagpuri dahil sa labis na katuwaan. Ang pagkakasunog ng alay ay nangangahulugang napakinggan ng kaniyang diyos ang panalangin niya."Ikaw ang nararapat sambahin at dakilain, Lord Father Adonai! Sambahin ka, aking diyos." Naluluha niyang sambit.Habang nasusunog ang Qanna sheep ay lumuhod siya upang muling manalangin. Ihinihingi niya ng tulong sa kaniyang diyos ang pag-iingat sa pamangking si Deborah. Ninanais niya na muli itong magbalik ng Gypto upang ito mismo ang tuluyang pumigil kay Encantra. Noon pa man ay i

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-three: Pagpasa ng Kapangyarihan

    Nang matapos makipag-usap sa kaniyang ina ay nagpasya si Anarah na hindi na muna pumasok ng kanilang witch cabin.Ayaw niyang mapuna ng mga nakababatang kapatid na mayroong bumabagabag sa kaniyang isipan."Hindi nararapat na makadagdag pa ako sa suliranin ng aking mga kapatid. Sapat nang ang aming eldest sister ang inaalala nila." Naisip niya.Nag-uusap pa sila ng kaniyang ina ay hindi na siya mapakali at masama ang kutob na may mangyayaring hindi niya nanaisin.Kaya napagpasyahan niyang paunahin na ang inang si Gamarah na pumasok ng witch cabin.At tama nga ang kaniyang hinala.Sa paglaon ay muli niyang narinig ang huni. Mas malakas na tila ba nasa paligid lamang ang pinanggalingan niyon."Ramdam kong naririyan ka lamang, magpakita ka." Matapang niyang utos.Agad na bumungad sa harapan niya si Encantra."Matalas ang iyong pakiramdam, aking apo. Habang tumatagal ay natatalastas na ng iyong isipan ang kahulugan ng huni na tumatawag sa iyo.""Ikaw ba ang may kagagawan ng mga huni na aki

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-two: Town Shepherd Lamang Ba?

    Nagtaka si Davideh kung bakit bigla na lamang lumabas ng kanilang tirahan si Anarah. Susundan niya sana iyon ngunit naunahan na siya ng kanilang inang si Gamarah sa naisip niyang gawin. Lumabas din siya ng kanilang witch cabin upang usisain kung saan nagpunta ang mama niya upang sumunod sa nakatatanda niyang kapatid."Ano kayang pinag-uusapan nila?" puno ng kuryosidad niyang tanong habang nakatanaw sa mama at big sister niya.Napailing siya sapagkat kahit hindi kalayuan ang kinatatayuan ng mga ito ay hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa."Kahit anong titig ko, hindi ko pa rin mahuhulaan kung ano ang iwiniwika nina big sister. Ang mabuti pa ay pumasok na lamang ako ng witch cabin. Baka mahalata pa nila na ako ay nang-uusisa," naisip niya at nagpasya nang pumasok sa kanilang tirahan."Youngest brother!" narinig niyang pagtawag ni Kaleb sa kapatid nilang si Cloudio.Nakasunod ito sa bunso nilang kapatid."Ano na naman bang itatanong mo, older brother?" tila nakukulitan nang ta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status