Happy reading!
NAKATULOG kagabi si Laura sa mga yakap ni Draco. At nang magising ay yakap-yakap pa din siya nito. At nang sandaling iyon ay nilukob ng kapayapaan ang puso niya. Hindi lang iyon, para ding may mainit na kamay na humaplos sa puso habang yakap-yakap siya nito. And she liked the way the warmth of his body ignited within her. Hindi naman gumalaw si Laura mula sa pagkakahiga niya. Sa halip ay pinagmasdan niya ang katabi. Draco was still sleeping peacefully beside her. Napansin niyang ang aliwalas ng mukha nito habang natutulog. Hindi gaya ng dati na kapag nakikita niya itong nakapikit ay nakakunot pa ang noo nito. But now it's different. Walang kunot sa noo nito. His face was as bright as the sun. Para ang sarap-sarap ng tulog nito, para bang may napapanaginipan itong maganda. Pinagsawa naman ni Laura ang tingin kay Draco. Tatlong araw na noong dinala siya nito sa Manila, simula noong dalhin siya nito sa penthouse nito. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay halos hindi sila maghiwala
"LAURA." Mula sa pagba-browse ng cellphone ay nag-angat ng tingin si Laura nang marinig niya ang pagtawag ni Draco sa kanya. At nang pagka-angat niya ng tingin sa gawi nito ay agad na nagtama ang mga mata nila. "Come here," tawag nito sa kanya. "Why?" tanong niya sa halip na sundin ang gusto nitong mangyari. Kumibot-kibot naman ang labi ni Laura bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa para maglakad palapit sa gawi nito gaya ng gusto nitong mangyari. At nang makita siya nitong palapit na ay inusog nito ang swivel chair na kinauupuan nito. "Bakit?" tanong ni Laura kay Draco. At sa halip na sagutin siya nito ay inilahad nito ang isang kamay sa harap niya. Bumaba ang tingin niya doon. Saglit niyang tinitigan ang maugat na kamay nito bago dahan-dahang tumaas ang kamay para abutin iyon. At bahagyang napaawang ang labi niya ng hilain siya nito para maupo sa kandungan nito. "What...are you doing, Draco?" tanong niya ng ayusin nito ang pagkakaupo niya sa kandungan nito
PAGKABABA ni Laura ng kotse ay hindi niya napigilan ang mag-angat ng tingin sa building sa harapan niya. Acuzar Group of Companies. Basa ni Laura sa pangalan na nakasulat sa itaas ng building. So, this huge building is from Draco. Ang laki-laki pala ng building na pag-aari nito. Inalis ni Laura ang tingin doon ng marinig niya ang pagtawag ni Draco sa kanya. "Laura." "Hmm?" wika niya nang magtama ang mga mata nila. "Let's go," yakag nito sa kanya na pumasok na sa loob ng building. Tumango naman siya bilang sagot. At nang humakbang ito ay humakbang na din siya para sundan ito. "Good morning, Sir Draco." Narinig ni Laura na bati ng security guard sa lalaki. Pero wala man lang reaksiyon si Draco sa pagbating natanggap nito mula sa lalaki. He just walked pass him. At mukhang sanay na din ito dahil parang wala lang din dito na hindi ito binati. Napatingin siya kay Draco, napansin niya ang seryoso ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Ganoon ang ipinapakita nitong eksp
"OKAY. Prepare the meeting room, Bryan." Narinig ni Laura na sinabi ni Draco ng lumabas siya ng kwarto pagkatapos niyang maligo at magbihis. Gaya ng sinabi nito ay ito na ang bahala sa lahat ng sabihin niyang wala siyang dalang mga damit ng dalhin siya nito sa Manila. Dahil habang nasa penthouse sila ay may dumating na isang lalaki, may mga dala itong mga paperbag at saka naman nito iyon ibinigay sa kanya. At nang tingnan ni Laura kung ano ang mga iyon ay nakita niyang mga bagong damit, kompleto nga iyon dahil may kasama ng mga undergarments. At mukhang alam na alam ng bumili ang size niya dahil sakto lahat ng mga damit sa katawan niya. At mukhang naramdaman ni Draco ang presensiya niya dahil lumingon ito sa gawi niya. Pinagdikit ni Laura ang ibabang labi ng magtama ang mga mata nila. And her heart suddenly raced again. Draco gestured for her to come closer to him. At parang may sariling pag-iisip ang mga binti niya dahil mayamaya ay humakbang ang mga iyon palapit dito. And
NAPATIGIL si Laura sa pagsubo nang maramdaman niya ang bigat ng titig na pinagkakaloob ni Draco sa kanya. She glanced at him. And she was right because Draco was indeed staring at her. Sa halip na pagkain nito ang pagtuunan nito ng atensiyon ay sa kanya nakatutok ang atensiyon nito. "Hindi ako makakain kung nakatitig ka sa akin," wika niya kay Draco. Napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. Hindi naman maiwasan ni Laura ang mapatitig doon. This past few days ay napapadalas na ang pag-ngiti ni Draco kapag kasama niya ito. Inakala nga niya ay hindi ito marunong ngumiti. Dahil noong una niya itong makita ay wala yata sa bokabolaryo nito ang salitang ngiti. Dahil nga never niya itong nakita na ngumiti. Ngayon lang niya ito nakita noong aminin nito sa kanya na gusto siya nito. At gustong-gusto ni Laura na nakikita si Draco na nakangiti. "Oh, sorry," paghingi naman nito ng paunmanhin. "Gusto ko lang makita ang reaksiyon mo kapag natikman mo ang luto ko," dagdag na wika nit
NAGISING si Laura sa hindi pamilyar na kwarto. Pero mayamaya ay bumalik din sa alaala niya kung nasaan siya ng sandaling iyon. Nasa kwarto siya ni Draco sa penthouse nito sa Manila. Sa isa sa mga mansion sana siya nito dadalhin pero pagdating nila sa Manila ay biglang nagbago ang isip ni nito. Marami daw itong mga tauhan doon at kapag sa mansion siya nito dadalhin ay hindi siya nito maso-solo kaya sa halip na sa mansion nito sila dumiretso ay sa penthouse siya nito dinala. At sinabi naman nito sa kanya na bibisita din sila doon. Draco's penthouse was huge. And the design of his penthouse was very manly too. Lalaking-lalaki, parang ding si Draco. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Tumingin naman si Laura sa tabi niya. And Draco was not there. Tanging amoy lang nito ang naiwan sa loob ng kwarto. Saglit naman siyang nanatili na nakahiga bago siya dahan-dahang bumangon. Tiningnan niya ang oras at nakita niyang alas sais na ng umaga. Tumay