Chasing His Pregnant Ex-Wife

Chasing His Pregnant Ex-Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-10-13
Oleh:  MAGWANBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
8Bab
21Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa gabi ng kanilang unang wedding anniversary, nagbago ang ikot ng mundo ni Ysabella De Salcedo. Sa halip na ipagdiwang ang kaniyang lihim na pagbubuntis, pinalayas siya ng kaniyang cold at billionaire na asawa—si Lysander Montenegro—sa gitna ng malakas na ulan kasama ang mga peke at gawa-gawang ebidensya ng pagtataksil. ​Dala ang basag na puso at ang matinding kagustuhang protektahan ang kaniyang dinadala, nagpasyang maglaho si Ysabella sa paningin ng mundo. Pinalabas niyang patay na siya upang tuluyang makatakas mula sa piling ng mga taong sumira sa kaniyang buhay. ​Apat na taon ang nakalipas. Si Ysabella ay nagbalik na bilang si Bella Salcedo—isang matagumpay, palaban, at kilalang architectural designer, at mag-isang itinaguyod ang kaniyang cute at matatalinong kambal na sina Lucas at Luna. ​Ngunit nang mag-cross ulit ang landas nila ni Lysander para sa isang billion-dollar business project, natuklasan ng billionaire CEO ang katotohanang matagal nang itinago sa kaniya. ​Ngayong nakita na uli ng dating asawa ang kaniyang mga anak, kakayanin ba ni Ysabella na harangan ang lalaking desperado nang makuha silang muli? O mas lalo niyang ipapadama rito ang matinding pagsisisi para sa nakaraang pagkakamali nito?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Ysabella's POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang velvet box na naglalaman ng maliit na velvet pouch. Sa loob niyon ay ang ultrasound result na natanggap ko kaninang hapon.

Two weeks pregnant.

Hindi ko mapigilang mapahawak sa tiyan ko. Sa wakas, pagkatapos ng isang taong pakikipagsapalaran sa malamig at walang pusong kasal na ito, may dahilan na ako para maging masaya. Isang taon na mula nang ipagkasundo ako ng pamilya ko kay Lysander Montenegro. Para sa kanila, isa lang akong sacrificial lamb para mabayaran ang utang ng De Salcedo family. Para naman kay Lysander, isa lang akong babayarang asawa sa ilalim ng isang kontrata.

Pero mahal ko siya. Kahit gaano siya kalamig, kahit kailan hindi ako nawalan ng pag-asa na balang araw, matututunan niya rin akong mahalin. At ngayong Unang Wedding Anniversary namin, aaminin ko na sa kaniya ang lahat.

Napatingin ako sa oras sa dingding ng dining area ng Montenegro Mansion. Ala-una na ng madaling araw. Lamig na lamig na ang inihanda kong dinner, pati na rin ang kandilang kanina ko pa sinindihan.

Biglang bumukas ang grand entrance door. Mabilis na napawi ang pagod ko at napalitan ng kaba at pananabik. Inayos ko ang dress ko at dali-daling naglakad palabas ng dining hall.

"Lysander, dumating ka—"

Natigilan ako. Hindi siya nag-iisa.

Nakatayo sa foyer si Lysander, nakasuot ng kanyang tailored black suit, mukhang napakaprominente pero halatang may amoy ng alak. Pero ang pumutol sa hininga ko ay ang babaeng nakakapit sa braso niya—si Dominique Tuazon. Kasunod pa nila sa likod si Beatrice Chua na may smirk sa mga labi habang nakatitig sa akin.

"Ysabella," malamig na boses ni Lysander ang pumuno sa tahimik na bulwagan. Wala man lang bakas ng lambing o kahit kaunting init sa mga mata niya.

"Anong... anong ibig sabihin nito?" tanong ko habang pilit na pinakakalma ang sarili ko. Hinihigpitan ko ang hawak sa velvet box na nakatago sa bulsa ng aking cardigan.

Mataas ang kilay na humhakbang pabalik si Dominique, saka inayos ang fitted dress niya. "Oh, Ysabella. Don't play innocent. Hihintayin mo pa ba talaga na si Lysander mismo ang magtapon sa 'yo palabas?"

"Manahimik ka, Dominique," mariing sabi ko. Humarap ako kay Lysander, binabalewala ang sikip sa dibdib ko. "Lysander, gabi ng anniversary natin. Bakit mo sila kasama? May mahalaga akong kailangang sabihin sa 'yo..."

"I don't have time for your lies, Ysabella," malamig niyang putol sa akin.

May inilabas siyang kulay brown na envelope mula sa inner pocket ng coat niya at ibinato iyon sa glass coffee table sa gitna ng sala. Lumikha iyon ng malakas na kalatog na pumutok sa katahimikan ng gabi.

"Ano 'yan?" maang kong tanong.

"Tingnan mo para hindi ka nagmamagaling," singit ni Beatrice habang nakakrus ang mga braso. "Akala mo ba matatago mo ang kataksilan mo sa pamilya Montenegro? Selling confidential design patents to our rivals? Binenta mo ang Montenegro Enterprises para lang suportahan ang bagsak mong pamilya!"

Nangatog ang mga tuhod ko. Mabilis kong nilapitan ang mesa at binuksan ang envelope. Sa loob ay may mga printed bank statements sa pangalan ko, kasama ang mga peke at malalabo ngunit halatang dinedektor na mga litrato kung saan hawak ko diumano ang mga confidential files ng kumpanya ni Lysander.

"Hindi akin 'to!" sigaw ko, sabay tingin kay Lysander. May luha nang pumapatak sa mga mata ko. "Lysander, maniwala ka sa akin! Hindi ko magagawang itaksil ka! Hindi ko man lang alam kung paano pumunta sa private vault ng office mo! Pinalabas lang 'to nina Dominique at Beatrice!"

"At bakit naman namin gagawin 'yon?" maarteng dipensa ni Dominique, sabay kapit ulit sa braso ni Lysander. "Lysander, I warned you about her from the start. Pera lang ang habol ng pamilya niya sa 'yo. She’s nothing but an opportunistic leech."

Tumingin ako kay Lysander, nagmamakaawa ang mga mata ko. "Lysander, please. Tumingin ka sa akin. Kilala mo ako. Isang taon tayong magkasama... Pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang."

Tinitigan ako ni Lysander. Ang kanyang mga matang kulay abo ay kasing lamig ng yelo. Walang bahid ng pagdududa, walang tiwala. Galit at diring-diri lang ang nakikita ko roon.

"I gave you everything, Ysabella," malamig at marahan niyang sabi pero bawat salita ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. "Pati ang apelyido ko, ibinigay ko sa 'yo. Pero binalik mo sa akin ay pagtataksil."

"Hindi nga ako 'yan!" humagulgol na ako. Nilabas ko ang maliit na velvet box mula sa bulsa ko. "Lysander, please... tingnan mo muna 'to. Buntis ako! Magkakaanak na tayo!"

Napatingin si Beatrice at Dominique sa hawak ko, at mabilis na tumawa nang mahina si Dominique.

"Buntis?" tanong ni Dominique na may kasamang pang-uuyam. "At kanino naman ang batang 'yan, Ysabella? Kay Lysander ba talaga o sa mga lalaking binabayaran mo para ibenta ang ari-arian ng mga Montenegro?"

"Manahimik ka!" sigaw ko kay Dominique.

Pero hindi man lang kumislap ang mata ni Lysander sa balitang 'yon. Mas lalo lang tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.

"Stop this pathetic drama, Ysabella," sabi ni Lysander, sabay kabig ng isa pang folder mula sa kanyang folder case. Inihagis niya iyon sa paanan ko. " iyan ang Divorce Papers. Sign it."

Parang huminto ang ikot ng mundo ko. Ang divorce papers ay bumagsak sa sahig, bukas sa huling pahina kung saan kailangan ang lagda ko.

"Divorce?" ulit ko, halos walang boses na lumalabas sa bibig ko. "Itatapon mo ako nang ganito na lang? Dahil lang sa mga pekeng papel na 'to nang hindi man lang ako pinapaliwanag?"

"I don't waste time on traitors," sagot niya nang walang katiting na emosyon. "Pumirma ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga security ko. At huwag mo nang subukang gamitin ang pekeng pagbubuntis na 'yan para manatili sa buhay ko. Nakakadiri ka."

Iyon na. Ang huling natitirang piraso ng puso ko ay tuluyan nang nadurog.

Pinagmasdan ko ang lalaking minahal ko nang buong buhay ko. Ang lalaking pinangarap kong makasama habambuhay. Ngayon, malinaw na sa akin—kailanman ay hindi niya ako itinuring na asawa. Isa lang akong dumi sa kanyang mata na madaling walisin kapag ayaw na niya.

Pinunas ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang likod ng kamay ko. Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang bolpen na nasa ibabaw ng mesa.

Nanginig ang daliri ko, pero pilit kong pinatigas ang hawak sa panulat. Nilagdaan ko ang bawat pahina ng divorce papers. Pagkatapos ay dahan-dahan kong itinapon ang bolpen sa paanan ni Lysander.

Iniwan ko ang maliit na velvet box sa ibabaw ng mesa. Hinarap ko si Lysander nang may natitirang kaunting dignidad sa katawan ko, kahit pa pumapatak pa rin ang luha sa mga mata ko.

"Sana hindi dumating ang araw na marealize mo kung gaano ka kabagay sa mga taong nakapaligid sa 'yo ngayon," malamig kong sabi, bago ako tumalikod at naglakad palabas ng p***o nang hindi na muling lumingon pa sa kaniya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
8 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status