Share

Chapter 6

"Didn't I told you na hindi pa tayo tapos" patuya kong sabi kay Scarlet ng makita ko syang lumabas na ng banyo.


I have been waiting for her for almost 15 minutes, sobrang tagal ng empakta kung makapag banyo. Naiinip na ako sa kahihintay at muntikan ng pasukin ito sa loob kung dilang ito lumabas. 

I saw a sudden fear pass through her face. Her face begun to turn pale. Mas lalo kong nilawakan ang ngiti ko. Habang lumalapit dito, at unti unti naman itong napapaatras. 

"We're you scared of me Scarlet?"

"Shut up bitch, ano bang kailangan mo?" matapang na tanong nito kahit halata namang nanginginig na ang tuhod nito. 

Huminto ako saglit at inilagay ang isang daliri sa may sentido nya, na tila iniisip ko kung ano nga bang kailangan ko sa babaeng ito. Ilang segundo lng ay napapitik ako sa ere at muling nginisihan ito. 

"I remember it now. May hindi pa kasi ako tapos gawin sayo eh." ngisi ko dito.

Tila naman muli itong nahintakutan at nagpalinga linga sa paligid na akmang hihingi ng tulong. 

"No one's here to help you Scarlet" ngisi ko sa kanya. "How dare you date my man".

"Sebastian is not yours, diba matagal na kayong hiwalay? Ayaw na nya sayo Maddy kaya tantanan mo na sya. Ako na ang gusto nya, kaya pwede ba tanggapin mona na hindi na sya babalik sa malanding gaya mo" hiyaw nito. Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Hindi ko matanggap ang sinabi nya. My heart is filled with fuming rage against this evil woman. 

Bigla syang napapikit at napahiyaw ng makitang papasugod na ako sa kanya. Nagpupuyos sa galit na tinungo ko sya at tila sasabog ang dibdib ko sa mga oras na iyon. When I was about to slap her hard my hand just frozed in the air, when someone suddenly held it. Dama ko ang lakas niya sapagkat napakahigpit ng hawak nya sa kamay ko, I was hurting a bit. 

"What are you doing" anang isang baritonong boses ng isang lalaki.


Patda akong tumingin sa kanya, when I did that our eyes met. Bigla akong napasinghap sa titig nya. Napakaganda ng mga mata nya, pero napakalamig naman niyon. The man was breathtakingly handsome, para syang diyos na bumaba sa lupa. I was lost for words when I stare at his too beautiful eyes. I blinked several times and tried to regain myself. 


Bumalik lang ako sa huwisyo nang bigla nyang itulak ang kamay ko pabalik. Tse, suplado naman nito. Kaya ang kaninay paghanga ko rito ay napalitan ng inis. I crossed my arms and raised my eyebrows at him.


"Bat kaba nakikialam sino ka ba?" galit na tanong ko sakanya. 


Mas lalo akong napikon ng sabihan nya si Scarlet na umalis na at sya na raw bahala sa akin. Biglang nag init ang ulo ko sa pakialamerong lalaking ito, wala na akong pakialam kung gaano ito ka gwapo dahil napaka intrimitido nito. 

"Hey get back here Scarlet" sigaw ko ng tumalikod na ang demonyitang yon.


Mabilis akong kumilos para sundan at pigilan sya dahil hindi pa kami tapos, pero mas mabilis pa ata sa kidlat itong si Mr. Pakialamerong ito. Agad syang humarang sa daraanan ko. 

"Where do you think your going?" tiim ang bagang na tanung nito. Matalim ang tingin nito sa kanya. Biglaan naman syang natakot sa tingin nito kaya dagli syang nag iwas ng tingin. 

"Hmmp,. pakialamero" inis kung turan bago sya tinalikuran. Bago pa ako nakalayo nilingon ko muna sya at nag warning sign ako sa kanya. Wag ko lng talagang makita itong lalakeng ito muli dahil I'll swear pagsisisihan nyang pinakialaman nya ako ngayon. 

Habang pabalik ako sa table namin ang agad akong sinalubong ni Krizia.

"What happened, kanina kapa hinahanap ni Baste" bungad nito.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ko sa narinig, talaga hinahanap ako ni Baste. Haha ano ka ngayon Scarlet, pangisi ngisi kong wika sa isip ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Krizia at agad na akong lumapit kay Baste na nasa di kalayuan. 

Mukhang naramdaman nyang papalapit ako kaya nagsimula na akong ngumiti nang pagka tamis tamis. Pero mukhang galit yata ang hitsura nya, tiim ang mga labing nakatitig sya sa akin at tila nagtatagis pa ang bagang nya. 

"Hi, hinahanap mo raw ako" masuyo kong tanong. Napatda ako ng bigla na lng nya akong hatakin palabas. 

Mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko, habang hila hila ako palabas ng venue. Malalaki rin ang mga hakbang nya at tila galit na galit ito. 

Nang medyo malayo layo na kami ang agad nya akong marahas na binitawan. Halos maduling ako sa lakas niyon. It left a little pain though hindi ko na lng ito masyadong pinansin. I still tried to smile kahit alam kong any moment ay maiiyak na ako. 

"Ano ba Baste what's wrong?" .

Marahas nya akong nilingon, mahigpit na nakakapit ang mga kamay nya sa balikat ko at tila bumakat na ang mga daliri nya sa higpit niyon. Nasasaktan ako sa galit na nakikita ko sa mga mata nya higit sa paraan ng pagkakahawak nya sa akin. 

"Baste nasasaktan ako, bitawan mo ako" naiiyak kong turan.


"Baste ano ba, nasasaktan ako". Ulit ko sa kanya na mas lalo yatang nagpadilim ng anyo nya. 

"Masasaktan ka talaga Maddisone kapag hindi kapa nag tanda. What were you planning to do again right now with Scarlet huh.?" galit nitong tanung. 

So this is all about that bitch. Mapakla akong napangiti at tinitigan sya sa mga mata. 

"Are you scared Baste na may gawin ako sa kanya? Do you really like that woman?" I asked bitterly.

Tila natigilan naman sya sa tanung ko ngunit mabilis rin nyang nasagot iyon. Sarkastiko syang ngumiti sakin na hindi parin bumibitaw sa pagkakahawak ang mga kamay nya sa balikat ko. 

"So sino ba ang dapat kong gustuhin, ikaw?" malakas syang tumawa at patuyang nag wika " I won't commit the same mistake again Maddy, you were the biggest mistake in my life, my nightmare and liking you is the least I could do" saka nya akong binitawan .


Tila nagka pira piraso ang puso ko sa sinabi nya ngunit hindi pa pala ito tapos dahil muli nya itong humarap at nagwika. 


" I warned you, wag ka ng manggugulo" sambit nito bago ako tuluyang iniwan. 

Naiiyak akong tumatawa mag isa. How stupid I am. Bakit ko nga ba pinagpipilitan ang sarili ko sa lalakeng iyon. Ibang iba na sya sa Basteng nakilala ko. Sa Basteng minahal ko na nagturo sa akin na maging mapagbigay, maalalahanin at isipan ang iba bukod sa king sarili. We're I inflicted too much pain in him that he change into like that .


I wiped my tears harshly and headed again inside. Pagpasok ko pa lng, nakasalubong ko na ang waiter so I grab some drinks and gulp it like it's just a juice. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko pero hindi ko iyon ininda wala ng mas papait sa sinabi ni Baste. 

Sunod sunod ang naging pag inom ko. Hindi nagtagal ay bote na ng alak ang tinutungga ko. Good thing I have my friends with me. They have been always supportive kahit na against sila minsan sa mga naging desisyon ko. 


"Whoooo" masiglang sigaw ni Aki. "This is the best birthday I ever had" sigaw nito habang nasa gitna kaming apat at sumasayaw pare pareho kaming may dalang bote ng wine. At masiglang sumasayaw at tumatalon. 

"Wooo let's party" sigaw ko. 

"Common Aki, get us some handsome men" ani Krizia na mukhang lasing na lasing na. 


"Ewww lalake parin iniisip nitong kumag na to" padaskol na komento ni Bella sabay tungga sa bote ng wine na hawak nya. 


Naiiling na nagpatuloy na lng akong sumayaw. Sumayaw ako ng sumayaw habang tumatalon at sumisigaw sabay inom sa boteng hawak ko. Mukha akong tanga, pero wala akong paki alam. Habang ginagawa ko iyon ay biglang napatingin ako sa gawing iyon. Biglang nagtama ang mga mata namin ng antipatiko at pakialamerong lalakeng iyon. 

I can see disgust in his eyes. Was he disgusted in me. Oh shit ! Pati ba naman sya, dapat ako nagagalit sa kanya. The nerve this man to act like may ginawa akong napakasama sa kanya. 


Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakipagtitigan sa kanya. I was about to look away when I remembered what I said before I left him. I should get even with this guy. Sinaid ko ang laman ng bote ng alak na hawak ko. Tila bigla akong nahilo ng maubos ko iyon. Tila sumasayaw na rin ang buong paligid. I shook my head and find that man again. When at last I found again his gaze I walk towards him. 


I heard Krizia and Bella calling out my name. But I ignore it at tuluyang lumapit sa lalaking mataman paring nakatingin sa akin habang matiim na nakalapat ang mga labi nya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya pero isa lng ang sigurado ako. Mukhang bad trip si Mr. Poging pakialamero sakin. 

I wore that enchanting smile while heading towards him. Hindi parin nya inaalis ang mapanuring titig nya ng sa wakas ay nasa harap na nya ako. 

"Hi Mr. Handsome" I giggle sheepishly while looking at him seductively. I saw how that man greeted his teeth and how he seem to swallow some lump in his throat. 

"What do you w....." 

Before he could finish that word I tiptoed and pressed my lips to him. While my other hands pinching his butt. Biglang namilog ang mga mata nya. While kissing him I heard few people gasped from shock.


"Oh" they said in chorus. 

Omg this man has the softest lips so far. Tila mas nalasing ako lalo sa lasa ng labi nya. I mockingly smiled at him when I ended that kiss. 

Gusto kong matawa sa hitsura nya. Pulang pula ang mukha nito, at tila sasabog na ang dibdib nito sa lakas ng paghinga. Mas lalong nag tiimbagang ito at galit na galit na tumingin sa akin. 


Tila naman nahimasmasan ang mga kaibigan ko sa ginawa ko. They blink their eyes several times to know if it's really happening or not. Aki slapped his face and shouted.


"Oh my God, what did you do". His voice were so tense but it didn't bother me though. 

"Did you like it handsome? Want some more?" malandi kong sabi sabay tawa .


Naningkit ang mga mata nya at sabay duro sakin.


"You..." malakas nitong sigaw. 

At that moment unti unti ng lumalabo ang paningin ko, but I can still see his angry face while he was yelling at me. Nang mukhang lalapitan na nya ako at akmang sasakmalin ay bigla na lng umikot ang paningin ko at tuluyan ng dumilim. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reggie Cosep
meron mga nka sulat na Hindi q maintindihan...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status