Tumayo naman si Alyana mula sa pagkakahiga sa kama. Nagtungo rin ito agad sa walk in closet ng nagmamay-ari ng kanyang pinagtulugan. Kumuha siya ng overshirt, hanggang tuhod nga niya 'yon dahil sa matangkad din ang nagmamay-ari ng naisuot na damit. Kumuha din siya ng boxer kulay itim at brief din. Hindi na alintana ni Alyana ang mga damit na kinuha niya, bakit pa? Hindi naman niya alam mga 'yon basta, kuha lang siya ng kuha, damit din naman 'yon.
Ang tatlo naman hindi napansin ang ginagawa ng dalaga. Nakatitig lamang ang mga ito sa mukha ng dalaga na ngayon ay patungo sa banyo. Tila natauhan naman sila nang nagsara ang banyo at dali-daling lumabas ng kuwarto.
***
"Na saan na ang babae?"
"Ni-rape niyo pa ya—
"HINDI!"
"Pffft sabayang pagbigkas ba 'yan?"
"HINDI!"
"O-kay? Ano na gi-na-wa –ni-niya? Nandyan na siya..."
Napalunok na lamang ang huling nagsalita nang makita nito ang pababang si Alyana sa hagdanan. Ito ay nag-iwas tingin sa padating na dalaga sa kanilang kinapupuwestuhan. Napalingon naman ang tatlo na kanina ay kasama ni Alyana. Ngayon ay palakihan na sila ng mata sa babaeng ubod ng ganda na lumalapit sa kanila.
Napataas naman ng kilay ang kanilang pinuno sa inaakto ng tatlo na maging ang kanyang katabi na matalik na kaibigan. Lumingon din siya sa tinititigan ng tatlo. Nang makita niya, aaminin niya, nagandahan siya. Pero sa kabilang banda ay napasimangot din siya, bakit? Simple lang, ayaw niya ang may gumagalaw sa gamit niya lalo pa ay ang sinuot ang damit niya ng walang pahintulot.
Kaya imbis na magaya sa tatlo na todo titig sa dalagang kaharap na nila ngayon, na magiliw kumukuha ng pagkain, tinampal nito ang kamay ng dalaga na may balak pang kumuha ng isa sa paborito niyang kainin.
Pero walang epekto ang ginawa niya kay Alyana dahil agad nitong kinuha ang plato na pinaglalagyan ng nais nitong kunin kanina, ang toccino.
Napabuga na lang ng hangin ang pinuno dahil sa inis sa dalaga. Feel at home talaga, at walang pakiramdam sa hiya, ibang-iba sa mga babaeng nakakasalamuha nila. Kakaiba talaga.
Matalim na naman niyang tinititigan ang matakaw na kumain na si Alyana. Parang may napansin pa siyang kakaiba sa mga kilos ng dalaga. Parang hindi umaakto na parang isang babaeng pilipina, oh well wala na pala ang mahinhin sa panahon ngayon, 'yong iba, pakitang-tao lamang kumbaga plastik at mapagpanggap. Pero, sa katulad ng babaeng kaharap nila...
Parang may mali sa kanya... sabi nito sa isip.
"Hihihi ang cha-rap! Ano tawag dito? " tanong ni Alyana na dahilan para matauhan ang tatlo, napabuga naman ng tubig ang isa, at mapanguso ang pinuno.
"Hi-Hindi mo alam?"
"Paborito 'yan ni leader!" sabay na bigkas ng apat na lalaki. Napailing naman ang leader ng grupo. Binigyan pa ulit siya ng mga pagkain ng mga binatang naaliw sa kaniya.
"Kumain ka pa ng marami hehehe"
" Ang cute mo kumain"
"Don't talk when your mouth is full"
"Aye! Aye! Captain"
Patuloy lang sa pagkain ang dalaga pati na ang kasama nitong kalalakihan. Pero, makalipas ang ilang minuto ay naunang tumayo ang pinuno." After that, pumunta kayo sa study room at kasama ka babae," sabi nito atsaka nilisan ang dining area.
***
"What's your name?"
"A-ako ba?"
"Malamang. Ikaw lang hindi ko kilala dito"
"Eh, kayo rin po hindi ko kilala,"
Napatalim naman ng tingin ang pinuno ng grupo dahil sa pagsagot sa kanya ng pilosopo ng dalaga. Napanguso naman ang ito.
"Paano ka napunta sa lugar na 'to?"
"Waaah! Paano nga ba?"
"Ilang taon ka na?"
"Eh, kayo?"
"Saan ka nakatira?"
"Saan nga ba?"
"Nag-aaral ka pa ba?"
"Saan ako mag-aaral?"
"Ginagago mo ba kami?"
"Ano 'yong ginagago?"
"Damn!"
Nasa study room silang lahat at ini-interview nila si Alyana ng kung anu-ano. At ang magiting na dalaga ay walang matinong maisagot sa mga lalaki sa harapan niya. Recitation daw ba? Eh, wala nga siya alam diyan. Kanina pa inis na inis ang pinuno sa mga tanong na ipinupukol nila kay Alyana ngunit sumasagot din ito ng patanong. Paano sila matatapos dito? Tao ba talaga si Alyana? O, sadyang 'di biniyayaan ng utak at wala nasalo ni isa sa maykapal?
"Okay. Ipakilala mo na lang sarili mo sa amin. Pagkatapos kami naman ang magpapakilala. So, okay ba?" sambit ng isa sa tatlo kanina na ngayon ay tumabi kay Alyana.
"OKAY!"
"Pfft gusto ko 'yong pang little miss Philippines"
"Oo! Tama, Tama! Umpisahan mo ng 'My name is..." pffft"
"Stop that assholes! Hoy, ikaw! Tumatakbo ang oras bilisan mo magpakilala tsk," inis na singhal ng lalaki at napakunot-noo na lamang sa dalaga.
"Tumatakbo ang oras? Talaga! Waaah may paa ba ang orasan sa inyo? Yieeee! Patingin"
"Hahaha"
*glare*
*pout*
"Introduce yourself"
"Sige na nga... ehem! Hello po! My name is Alyana Reign Demitri. Pero, sabi ni Daddy ko hindi niya daw ako totoong anak, eh. Kaya, hindi talaga ako isang Demitri pati ni Mommy ko hindi niya ako totoong anak. Kagabi kasi nag evesdropped ako sa room nila. Nakita ko sila nag-aaway eh tapos narinig ko 'yon hehehe. Tapos hindi ko alam na umiiyak na ako eh... tapos nasa la—
"Stop that! Ang sabi ko magpakilala ka lang hindi ko sinabi na i-kwento mo buhay mo tsk," bagamat inis na nagwika ang pinuno, medyo naawa siya sa dalaga na tila inagawan ng laruan dahil sa klase ng pagkukuwento nito.
"So... Ehem! Sino totoong parents m—
"I said stop, Red!"
"Sorry, leader"
"Wala siyang mapupuntahan..." bulong na sabi ng matalik na kaibigan ng pinuno. Matipid naman niyang nginitian si Alyana na ngayon ay kinukulit ni Grey.
"I don't care"
"Leader! Dito na lang siya! Mukha naman siyang mabait at ang ganda..." napailing na lang ang leader at minasamaan ang mga miyembro niya na nakatingin sa kanya na humihingi ng permiso na patirahin sa kanilang puder ang dalaga. Naaawa rin naman siya, hindi naman siya ganoon kailap sa tao. Ayaw niya lang ulit magtiwala at may mapahamak.
Mahirap na. Kapag tumira sa puder nila ang dalaga baka mapahamak lang ito. Lalo na nang maobserbahan niya na mahina ang utak ng dalaga at halatang ignorante, base na din sa inaakto nito kay Grey, na katabi nito. Kung ano-ano kasi tinatanong at hinahawakan na bagay na hindi nito alam. Paano na lamang kapag may makaalam na may kasama pa silang ibang tao sa bahay nila? Alam naman niyang tago ang pinaglulugaran nila at marami ka pang pagdadaanan na
panganib bago ka makapasok sa lugar na ito. Pero mahirap talaga. Lalo na at babae pa, ignorante, at mukhang uto-uto, madaling mapaniwala at isip-bata.
Muli tinitigan niya ang dalaga na ngayon ay nakatingin din pala sa kanya. Tila naghihintay ito ng kanyang desisyon. Papayagan niya kaya ito tumira kasama nila? Na katulad niyang Gangsters? Pero paano na lang kung mapahamak ang dalaga sa puder nila?
Buo na ang desisyon niya, bahala na...
"I'm Zylan Damon Villareal and... welcome to your NEW home..."
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad