Una po sa lahat, marami pong salamat sa lahat ng nagbasa ng The Cold Hearted Gangsters! Mula umpisa hanggang huli ay kasama ko kayo. Maraming salamat sa inyong pasensya sa paghihintay at pagtitiis sa iyakan, aksyon at tawanan. Hanggang sa muli nating pagkikita! Paalam! Love, BambieWp
Mula sa himbing ng pagtulog ni Alyana nang maalimpungatan siya sa kalagitnaan ng gabi. Bumungad sa dalawang mata niya ang madilim na paligid ngunit kumikinang na kalangitan ngayon sa kanyang kuwarto. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil sa mga nakikita ngayon sa sariling silid. Pinagmasdan niya ang mga magaganda at wari'y totoo na mga bituin, ulap, mga planeta, asteroid at iba pa, mula sa kisame. Maging ang kanyang malambot na hinihigaan ay may disenyong katulad sa kisame. Ang lahat ng ito ay kumikislap na parang makatotohanan. Tila nakaramdam siya ng saya na animo'y nasa outer space siya at palutang-lutang na parang astraunaut. Napahagikgik naman siya sa imahinasyon na kanyang naiisip. Nawala lamang ang pagmumuni niya nang makarinig siya nang sigawan mula sa katabing kuwarto. Sa sigawan pa lamang na 'yon ay n
KINAUMAGAHAN. Hindi alintana ni Alyana na may mga kalalakihan na kanina pang nakamasid sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ang mga ito ay nakaupo sa mahabang sofa at titig na titig sa babaeng nakahiga ngayon sa kamang pagmamay-ari isa sa kanila. Nakahiga siya sa isang malaki at maluwag na queen size bed na kulay maroon, may desenyo pang polkadots na iba't-ibang kulay. Sobrang himbing nang pagkakatulog niya sa kamang 'yon dahil sa lambot na bumabalot sa buong katawan niya. Feeling niya na nasagitna siya ng kaulapan na bumabalot sa buong paligid. Hinihintay nila ang paggising ng babaeng estranghero sa kanilang sariling pamamahay. Sobrang maaliwalas nito matulog na akala mo ay talagang welcome na welcome ito sa bahay nila. Makalipas ang ilang oras...
Tumayo naman si Alyana mula sa pagkakahiga sa kama. Nagtungo rin ito agad sa walk in closet ng nagmamay-ari ng kanyang pinagtulugan. Kumuha siya ng overshirt, hanggang tuhod nga niya 'yon dahil sa matangkad din ang nagmamay-ari ng naisuot na damit. Kumuha din siya ng boxer kulay itim at brief din. Hindi na alintana ni Alyana ang mga damit na kinuha niya, bakit pa? Hindi naman niya alam mga 'yon basta, kuha lang siya ng kuha, damit din naman 'yon. Ang tatlo naman hindi napansin ang ginagawa ng dalaga. Nakatitig lamang ang mga ito sa mukha ng dalaga na ngayon ay patungo sa banyo. Tila natauhan naman sila nang nagsara ang banyo at dali-daling lumabas ng kuwarto. *** "Na saan na ang babae?"
"Hayup! Nauna pa siyang magpakilala!" sambit ng isang lalaking brown ang buhok, napahagalpak naman ng tawa ang kambal. "Hello milady! I'm Sean Schawzrr and you can call me... Babe," kasabay nito ang pagkindat. Ginagaya naman siya ng dalaga sa pagkindat ngunit hindi niya magawa kaya natawa sa kaniya si Sean. " I'm Red Gaizer Collins ... your future husband," sambit ng may kulay pulang buhok sabay kindat din kay Alyana. Napapalakpak naman ang dalaga nang nakakaya na niyang kumindat. "Ehem. I'm Grey Daizer Collins at your bed— este at your service pala" sambit naman ng binatan
"Hindi naman kami si Yaya mo, Manong guard, Hardinero pa, at ang Mommy mo, Yana.'Di ka na nila masasaktan diba guys?" pagpapanatag na loob ni Sean sa dalaga na sinabayan ng apat. "Oo nga!" "Panigurado!" "Of course!" "Exactly..." "Oh, diba? Kaya, 'wag ka na umiyak, sayang luha mo, sige ka! Baka 'di na tubig lumabas d'yan sa mata mo! Baka... dugo na! Hala 'wag na iiyak!" pananakot ni Sean kay Alyana na ito namang mabilis na pagpunas ng dalaga sa kanyang mata at ngumiti nan
KASALUKUYANG NAGLALAKAD sina Alyana at Dominic sa isang park. Hawak-hawak ng binata ang kamay ni Alyana dahil baka biglang mawala sa paningin niya ang dalaga. Natatawa na lamang siya sa inaakto ng dalaga dahil panay turo nito sa lahat nang makikita nilang bagay-bagay sa paligid. Inaakalang taga-bundok ang dalaga ng mga taong nakakapansin sa kaniya. Tinuturo niya 'yong mga estilo ng buhok ng tao, tapos titingin siya sa sarili niyang buhok, bakit daw magkaiba? Pati na kay Dominic, bakit daw kulay brown. Mga lumilipad na balloons, saranggola, at mga kalapati, napapabilib naman ang dalaga sa mga nakikita na unang beses niya pa lang nasilayan. Pati na ang mga sasakyang jeep, taxi, at tricycle, hindi nagpatinag si Alyana na kamanghaan ang mga ito at ipagkumpara sa mga hayop.na napapanuod
Kahit kakakilala lang ni Dominic kay Alyana, feeling nito ay matagal na silang magkakilala. Sobrang gaan ng pakiramdam niya kay Alyana. Ito ang kauna-unahang babae na tiningnan niya sa buong buhay niya. Mailap kasi siya sa babae. Parehas sila ni Zylan na suplado sa mga babae. Para sa kanila, hindi importante ang mga babae dahil nakakasira lamang ito ng kanilang buhay lalo pa sa kanilang organisasyonorganisasyon. Baby, you're all that I want ♪ When you're lyin' here in my arms ♪ I'm findin' it hard to believe ♪ We're in heaven ♪
"Who are you?" Napaturo naman si Alyana sa kanyang sarili nang tanungin siya ng lalaking katapat niya ngayon. May mga matatalim itong tingin at malalamig na mata na nanlilisik na parang apoy. Nakakatakot. "Yes, you..." "He-he-he HELLO! I'm Alyana Dem— "She's none of your business... Boss" Biglang sabat ni Zylan na ikinagulat ng lahat. Hinawakan pa nito ang kamay ni Alyana na nagpapahiwatig na wala kayong pakialam sa kanya. Alam kasi nila na hindi nakikisingit si Zylan sa usapan at hindi nagsasalita kahit pa na kinakausap. Kilala kasi it