Share

Chapter 3

"Hayup! Nauna pa siyang magpakilala!" sambit ng isang lalaking brown ang buhok, napahagalpak naman ng tawa ang kambal. "Hello milady! I'm Sean Schawzrr and you can call me... Babe," kasabay nito ang pagkindat. Ginagaya naman siya ng dalaga sa pagkindat ngunit hindi niya magawa kaya natawa sa kaniya si Sean. 

" I'm Red Gaizer Collins ... your future husband," sambit ng may kulay pulang buhok sabay kindat  din kay Alyana. Napapalakpak naman ang dalaga nang nakakaya na niyang kumindat. 

"Ehem. I'm Grey Daizer Collins at your bed— este at your service pala" sambit naman ng binatang may kulay abong buhok sabay halik sa malambot at porselanang kamay ni Alyana. Namula naman nang bahagya si Alyana ngunit ginantihan niya nang ngiti si Grey kaya mas nabighani ang binata sa kanya. 

"Dominic Hyusiof. Nick for short,pagpapakilala naman ng binata na may salamin sa mata saka nag tap ng kamay sa balikat ni Alyana. Napatili naman ang dalaga sa saya.  Agad namang nagtakipan ng tainga ang limang binata at nagtataka sa inasal ng dalaga. 

"Hello! Nice to meet you  hihihi ang saya-saya! May friends na ako!"

"You don't have any friends?" takang tanong ni Sean at tinabihan si Alyana sa gawing kaliwa nito. Pinaggitnaan nila ang dalaga ni Grey.

"Meron!"

"Akala ko ba, wala?"pagtataka ni Sean. Napatitig naman sa kaniya si Zylan saka napahalumbaba. Napapangiti naman ang kambal sa mga isasagot pa ng dalaga na nasa harapan nila. 

"Meron nga sabi!"

"So, Where are they?"

"Nasa bahay!"

"Huh?"

"Opo! Iniwanan ko sila Barbie at Dora! Tapos binabantayan nila ang galaxy ko sa kwarto 'e"

"Naka shabu ka?" Napahagalpak naman ng tawa sina Grey at Red. Napailing naman sina Dominic at Zylan. Todo naman ang  pang-aasar ni Red at Grey, kambal na magkapatid, sa inaasal ni Alyana. 

"Ha?"

"Pfffft. Tol! Baka nakakatol?

"Nasobrahan lang 'yan sa gamot haha!" 

"Ha?"

"Pfffft. Tol! Baka nakakatol?

"Nasobrahan lang 'yan sa gamot haha!"

"Teka? Ano 'yong shabu? Katol? at anong gamot?” tila nagulat naman ang apat sa tanong ng dalaga na talagang priceless ang utak. Takang-taka ang magiting na dalaga sa mga pinagsasabi ng tatlong lalaki na malapit sa kinapupwestuhan niya. Si Dominic naman ay napahalumbaba at tila nag-iisip kung nagloloko lang ba ang dalaga o hindi? Si Zylan naman ay titig na titig sa dalaga na nag-oobserba rin, 

Malala na 'to, talaga bang sinabi ko na, 'New home' niya ang pamamahay namin? pwede ba bawiin? Tss, isip niya at sabay iwas tingin sa dalaga nang mapatingin din 'to sa kanya.

"Nag-aaral ka ba?" tanong ni Sean na tila kinakabahan sa isasagot ng magandang dalaga.

"Diba 'yan 'yong pumapasok sa school? Sa malaking bahay? Sa malawak na bahay at maraming tao?"sambit ng dalaga na halatang nagniningning ang mga mata sa imahinasyon habang isinasalarawan ang sinasabing paaralan. " Yiee! Kayo ba, pumupunta ro'n? Talaga bang maganda sa school? "dagdag pa nito at umakto na parang nangangarap.

Tumango naman nang dahan-dahan ang tatlo bilang sagot sa tanong ng dalaga na animo'y lumilipad na naman ang utak sa galaxy dahil sa labis na imahinasyon patungkol sa paaralan. At dahil sa sagot na iyon, nakumpirma bilan hindi nakakapag aral na dalaga na siguradong kaedaran lamang nila. 

"Ne-never... ka pang nakapasok sa school?"

"Hindi ka pa nakakapasok sa school?"

"Palagi kang absent sa school?"

"Tsk. Sa pagkakaalam ko, pang-12th sa pinakamayaman sa Asya ang pamilyang Demitri,  ang titulong 'yon, ibig sabihin ay puwede kang makapag-aral sa isang prestigious school. Kahit pa na... 'di ka totoong anak. So, Bakit 'di ka pinag-aaral?" taim na bagang na pagtatanong ni Zylan sa dalaga. Naiinis siya. Bakit ang katulad nang kagandang babae ay walang alam sa kahit ano. Ano ang dahilan?

Tila sumang-ayon naman ang apat sa tanong ng kanilang pinuno. Hinintay naman nila ang isasagot ng dalaga na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa kanila. Iniisip niya ang klaseng tanong na ipinukol sa kanya ni Zylan na tila ay seryoso sa sinabi nito.

"Bakit ako tinatanong niyo?” na stressed na tanong ni Alyana. “Ako ba ang mommy ko, daddy ko, sila yaya, sila manong body guard, si Manong hardinero, at si Barbie? Hindi ko kayo maintindihan, ang gulo niyo kausap," nakangusong tugon ni Alyana sa lima habang pinagdikit ang kanyang hintuturo at ang apat?

"HAHAHA"

"Potek! Tayo pffft, pa magulo kausap?"

"Amazing wooh, syet! The best comedian ka pala Alyana!"

"Nakakawala ka ng stress! Honesto!"

"HAHAHAHAHAHAHA" napahagalpak na ng tawa ang tatlong lalaki na sina Sean, Grey a Red. Napapangiti naman si Dominic sa inaakto ng dalaga bagamat si Zylan ay nakatitig lamang sa dalaga at nahihiwagahan sa kinikilos nitong parang bata. 

"Ang sa-sakit hahaha na ng tiy—

"Ano tinatawa niyo? Seryoso ako huhuhu kaya ba kayo tumatawa kasi... papagalitan niyo din ba 'ko? K-kasi... 'di ako nakapag recitation? Waaaaaa papaluin niyo ba 'ko sa puwet? Kukurutin? Babatukan? At bubuhusan ng tubig na malamig? " mangiyak-ngiyak na si Alyana sa harapan ng lima. Tila natauhan naman ang lima sa nakikita sa dalaga at sa mga sinambit nito sa kanila. Natahimik sila at pilit pinapakalma ang dalaga sa tuluyang pag-iyak. " S-si Manong guard... pinapalo ako ng patpat kapag 'di ako nakakapag recitation, si y-yaya.. kinukurot ako kasi bobo raw ako, kapag 'di ko napeperfect sulat ko papaluin ako, kapag lagpas mga kulay ko sa coloring book, k-kpag 'di ko nasasagutan ang 9x9 at 8x6, k-kpag 'di ko nakilala 'yun nasa picture ng mga hero, Si Mamang Hardinero.. binubuhusan ako ng m-malamig na t-tubig , k-kpag nakakalimutan ko ang parts of the body at numbering at s-si M-mommy b-binabatukan ako, k-kpag lumabas ako ng pintuan ng b-bahay huhuhu , kayo din ba? Papaluin niyo ako...  so-sorry na po.. huhuhu—

"He-hey, hindi namin 'yan gagawin sa'yo," wika ni Red at hinahapolos-haplos niya ang malambot at makinis na likudan ni Alyana. Napaiwas siya ng tingin dahil sa may kumawalang luha sa mata niya. Para bang lumambot ang bato niyang puso sa mga nalaman niya sa isang napakagandang babae. Aaminin niya na unang beses niyang maawa sa babae. Dahil siya mismo ang dahilan nang pagpapahirap  at pagpapaiyak sa mga babae. Oo, pinapaiyak niya talaga. Literally, physically, mentally, at emotionally. Playboy siya at sex addict. Akala niya magiging isa sa mga babae niya ang dalagang si Alyana,

ito'y isang inosente at walang muwang na dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status