Kaagad kung dinala si Nanay sa ospital na pinakamalapit sa lugar namin, pero dead on arrival na ito nang makarating kami rito. Labis ang pagtatangis ko ng sandaling 'yon. Hindi ko lubos akalain na iiwan kami ni Nanay ng ganun kabilis.
Hindi ko akalain na sa edad kong bente dos ay makakaranas ako ng ganito. Ako ang nag-aasikaso ng mismong burol ng sarili kung Nanay. Hirap na nga ang buhay na meron kaming magkakapatid, mas mahihirapan pa yata akong buhayin sila sa pagkawala nito.Sa unang burol ni Nanay, dagsa ang mga taong gustong makiramay sa'amin. Tatlong araw lang kaming pinayagan ng mga barangay, dahil pandemic hindi pwedeng tumagal. Sa mga gabing nagbabantay ako rito, halos manlumo ako, marahil hindi ko alam kung saan ko nga ba kukunin ang lahat ng gastusin.Ilang gabi rin akong tulala at wala sa sarili. Dalawang gabi na rin akong puyat at nag-iisip.Nang ikatlong gabi ng burol nito, nabalitaan yata ni Mamu sa mga ilang konektado sa'amin ang pangyayari. Kaya nung gabing rin na 'yon, kaagad siyang pumunta para damayan ako. Kasama niya rin ang assistant niyang si Zebby.Pagka kita ko sa'kaniya napayakap ako bigla. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa ng gabing 'yon."Mamu," napahagulgol ako ng iyak habang yakap yakap niya ako."Sssssh!ssssh! Tahan na! Sige na, hwag ka ng umiyak ako ng bahala sa lahat. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko." sambit nito habang hinahagod ang likuran ko.Napanatag ako sa gabing 'yon at nakatulog ng matiwasay.Kinabukasan ang araw ng libing ni Nanay. Habang binibihisan ko ang bunso naming kapatid na si Monina, walang tigil ang patak mg luha ko. Ngayon pa lang hindi ko alam saan nga ba ako magsisimula, paano ko sila pag-aaralin pa."Ate, naiyak ka?" tanong nito."Ah! Hindi, napuwing lang ang ate." sagot ko sabay punas ng mga luha ko na pumatak."Hwag kang iiyak ate. Nasa heaven na si Nanay, hindi niya tayo pababayaan." sagot ng pitong taong gulang kung kapatid. Napayakap na lang ako kay Monina, habang pinipigilan ang pag-iyak ko."Ate! Mara! Tapos na po ba kayo, nandyan na ang funeraria. Ilalabas na raw po si Nanay." singit ni Monica ang pangalawang nakababata kung kapatid."Sige na Monica, susunod na kami ni Monina." sagot ko.Lumabas na ito ng kwarto at matapos kung ayusan si Monina, lumabas na rin kami.Pinasakay ni Mamu sa kotse niya ang dalawa kung nakakabatang kapatid at ako naman ay sumakay sa karo ni Nanay. Ilang minuto lang ang byahe nakarating kami ng East Cemetery, isa itong exclusive Cemetery. Hindi ko inaasahan na rito pinili ni Mamu ilagak ang labi ni Nanay. Maging ang ilang kapit-bahay naming Maritess ay nagulat.Nagkaroon muna ng misa at isa-isa kaming pinahawak ng bendita para bago ilagak ang kabaong ni Nanay sa lupa. Hanggang sa matabunan ng lupa ito. Nagpaiwan muna ako sandali rito at nagsi alisan na ang mga nakilibing. Hindi pa rin talaga kasi nagsi-sink-in sa'akin ang lahat."Nanay! Bakit mo kami linisan ng ganito kaaga?" mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Waaaah! Malakas na sigaw ko, para makarating sa kalangitan. Hindi ko kailanman sinisi ang nasa itaas sa pagkawala nito. Ayon sa doctor matagal ng may taning ang buhay ng Nanay ko, pero ni isang d***g wala akong narinig rito. Kung maaga ko lang sana nalaman na may cancer ito, sana, sana ginawa ko ang lahat lahat mabuhay lamang siya. Pero wala akong magagawa kung hanggang doon na lang talaga ang hiram na buhay na ipinagkaloob sa'kaniya.Binalikan ako ni Zebby, ipinapatawag na raw ako ni Mamu. Nag huling sulyap muna ako kay Nanay bago ko tuluyang linisan ang lugar na 'yon."Paalam Nanay, mahal na mahal po kita. Hwag muna iisipin ang dalawa kung kapatid. Hindi ko sila pababayaan kailanman." usal ko sa puntod nito.Sumakay na ako ng Van, na kung saan nag hihintay na sa'akin sila Monica at Monina."Tara na," narinig kong utos ni Mamu sa driver nito.Sa buong byahe hindi ako kumakausap ng kahit sino sakanila. Tulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Hanggang sa naradaman kung niyakap ako nila Monina at Monica kaya napaluha ako habang nakatingin sa mga tanawin. Pinunasan ko muna ang luha na pumatak sa'aking mga mata gamit ang tissue na pasimplemg inabot ni Mamu sa'akin. Alam niyang naiyak ako ng sandaling 'yon. I uttered, Thank you.Sa bahay muna kami tumuloy para magpahinga at ayusin ang mga gamit ni Nanay na naiwan. May nakita kasi akong maliit na box mga papel, sa kalumaan hindi na halos mabasa ang nakasulat. Hindi ko siya pinasama sa kabaong nito, dahil malakas ang pakiramdam ko na kakailanganin ko ang box na 'to.Kinabukasan. Maaga pa lang dumating na si Zebby at ang driver ni Mamu. Pinapasunod na raw kami. Nagtataka ako, dahil wala naman kaming usapan na ililipat niya kami ng tirahan. Pero dahil, kilala ko naman si Zebby, sumama na rin kami rito. Dinala niya kami sa malinis, mabango at maayos na apartment. Sinabi raw ni Mamu rito, na simula sa araw na 'yon. Dito na kami titira, kaya tuwang tuwa ang mga nakakababata kung kapatid."Thank you, Zebby!" wika ko bago siya umalis."Hwag ka sa'akin mag thank you, Mara napag utusan lang ako."Nino?" tanong ko.."Basta. Soon you'll know.." huling wika nito bago kami iwan.Ewan ko ba bakit bigla akong kinabahan sa huling sinabi niya. Bakit secret kung si Mamu ang nag-utos nito. Pero, dahil masaya ang mga kapatid ko pinagsawalang bahala ko na lang ang mga agam-agam ko ng mga oras na 'yon. Nakipag kulitan ako sa dalawa at ipimangako ko sa'kanilang dalawa na hinding hindi ko sila iiwan at pababayaan.Ngunit, yon ang akala ko.. Dahil sa pag lipat pala namin mag sisimula ang kalbaryo ng buhay ko..Two weeks later. Nagulat na lang ako nang pumasok ang mga armadong lalaki sa apartment namin. Gusto kung mag sisigaw at manlaban, pero paano babae ako at mahina. Samantalang sila ay ubod ng lakas at armado pa.Kinuha ako ng limang armadong lalaki at hiniwalay sa dalawa kung kapatid. Marahas nila akong pinasok sa loob ng Van."Ateeeeee!" malakas na sigaw nila Monina at Monica na narinig ko bago tuyang umalis ang Van.Habang nasa loob ako ng Van walang tigil ang pag-iyak ko at pagdarasal na sana ligtas ang mga kapatid ko. Na sana may tumulong sa'kanila.Dinala ako sa isang masukol na lugar at hindi ko kabisado. Hanggang sa lumabas ang isang lalaki na tinatawag nilang Boss."A-anong kailagan mo sa'akin?" tanong ko sa pagalit na boses."Mga inutil. Sino tong babae na 'to?" tanong ng lalaking nakasuot ng kalahating maskara.."Boss! Hindi ba siya ang hinahanap mo?" pakamot na sambit nito."Tan*a! Bob* .. Alam mo ang ayaw ko sa lahat ay walang silbi." saad nito. Sabay baril sa ulo ng isa sa mga lalaking dumukot sa'akin.. Halos panlamigan ako ng buong katawan sa nasaksihan ko.Lumapit ito sa kinaroronan ko. "Wala kang nakita!" wika nito habang nakatutok ang baril sa ulo ko.."O-oo!" nauutal at nanginginig kung sagot."Pakawalan na yan at itapon nyo kung saan. Hanapin nyo ang anak ni---Hindi ko na narinig ang huling sinabi nito, dahil tinangay na ako palabas ng mga tauhan niya. Tinulak nila ako palabas sa magubat na lugar. Sabay tinapunan ng upos na sigarilyo, bago pasibatin ang kulay itom na Van na walang plaka...Nagpapasalamat ako sa itaas na hindi niya ako pinabayaan..Matapos ang kasal nahuli kaming umalis at ninamnam muna namin a ng pag kuha ng pictures remembrance namin 'to at binayaran pa kaya sayang na sayang kong hindi susulitin.Maya maya nag aya na rin ang asawa ko kaya pumayag na rin ako. Na enjoy ko naman na rin ang moment. Inalalayan niya ako sa paglalakad at ang nakakatawa pa hawak nito ang veil kong pagkahaba haba na nakadugtong sa laylayan ng trahedeboda ko.Nang makalabas kami ng simbahan nag hihintay na ang wedding car na gagamitin namin patungong venue. Inalalayan niya akong muli sa pag sakay at yamot na yamot ang itsura ng mukha, dahil sa haba ng veil ko na hawak niya kanina pa."Bakit naka simangot ka??" tanong ko."Wala, sino ba kasing nagpa uso na gumawa ng ganitong veil na pagkahaba haba." reklamo nito. Kaya pinisil ko ang tungki ng ilong niya."Sungit mo naman, parang hindi ka masayang kinasal tayo." tanong ko na may himig na pagtatampo."Hindi naman sa ganon Wifey. Nababadtrip lang talaga ako sa haba ng veil ko." ani niya."
TWO WEEKS LATER Nang malaman naming buntis ulit ako ang magaling kong asawa ay nag ligalig na naman at pinamalita kaagad na buntis ako. Tuwang tuwa naman ang Mommy at Daddy maging ang mga kapatid ko. Nabalot lang ng tuksuhan sa mga kaibigan niya tila nagpapa unahan raw silang makarami ni Sir. Stevenson. Akalain mo 'yon buntis na naman ulit si Andrea. Kaya heto nga nasa Mansyon sila at nagkakasayahan kaming lahat bago ang kasal na itinakda. "Hoy! Ace, iba ka rin." banat ni Draeden na baog yata at hindi pa rin sila nagkaka anak ni Tanya."Sus! Mahina kasi ang geners mo." pang-aasar ni Mike. "Awatin niyo ako baka sapakin ko 'yan." pikon na saad ni Draeden."Tumigil na kayo. Baka ihampas ko sainyo ang bote na hawak ko." awat ni Stevenson at kapag siya na ang nag salita tameme na ang lahat."Siya nga pala, saan ba ang kasal?" tanong nito."Sa Barasaoin Church sabi ni Mommy, miracles church daw kasi 'yon at doon sila kinasal ng Daddy." wika ko."I see. Teka, kwento mo naman paano mo nagi
Nang mawala sa paningin ko ang asawa ko at nailipat na ako sa recovery room. Pinatawag kung muli ang asawa ko sa isang staff na nag lipat sa'akin. Naki usap lang ako na baka sakaling makita nila ang asawa ko.Para kasi akong ewan na nag hahanap na naman nang asawa. At nang pumasok ito sa loob bigla na lamang pumatak ang luha ko nang lumapit ito sa kinaroroonan ko at para akong batang kaagad na sumiksik dito sabay yakap ng mahigpit.Nagtaka man ito pero walang pakialam si Ace nang mga oras na 'yon, kundi gantihan rin ng mahigpit na yakap ang kaniyang asawa. At malaman ang totoong kundisyon nito."Wifey, bakit??? May problema ka ba? May masakit ba sayo? Tell me, para mapa check-up natin habang nandito pa tayo." wika niya."Wala, okay lang ako naman ako," sagot ko. Habang patuloy pa rin sa pag patak ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko mawari. "Ssssh! Tahan na, nandito na ako, sorry kung nainis ka kanina sa'akin." wika nito. Hindi ko naman gustong mainis ka," dagdag pa niya. Ayoko k
Natapos ang party na masaya at maligaya ang lahat. Balik na kami ng PILIPINAS!!!Mahaba ang byahe, pero maligaya ang lahat sa kakaibang experience na kani kanilang naranasan lalo na't ang mga kapatid ko na alam naman natin na hindi namin na experience 'yan noong bata pa lang kami. Lumaki kaming salat sa hirap at tanging si Nanay lang ang nalakihan naming kasama at namatay pa. KINABUKASAN..Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. Hindi ko alam kong ano bang nararadaman ko.Sa hindi maipaliwanag na dahilan walang tigil sa lag sakit ang ulo ko. Kaya naman ginising ko ang asawa ko."Husby, gising ang sakit ng ulo ko." wika ko.Napabalikwas naman ito ng bangon at tiningnan ako."Kumusta masakit pa din ba?" Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong niya. "Hmm! Hindi na siguro." wika ko. "Sure ka?" tanong niya."Oo nga bakit ang kulit mo." inis na wika na medyo nataasan ko yata siya ng boses. "Fine! Ikaw na nga 'tong ina alala. Nang gising ka pa magagalit ka rin naman pala." sa
Nagising na lang ako nasa malambot na akong kama at wala ang asawa ko sa tabi ko. Bumangon ako at naglakad at ini-isa kong puntahan ang lugar kong saan pwede siyang pumunta kaso wala. Ano na naman kayang trip ng asawa ko. Hindi ko pa din ma contacts sina Mom at pati na rin ang mga kapatid ko.Lingid sa kaalaman ni Mara may nakahandang surpresa ang kaniyang asawa sa kaniya. Lalo na't hindi naman ganon ka bongga ang kasal nila noon. Kaya naman he wants to give Mara the best Wedding that she deserved. After all na nangyari at hindi siya nito iniwan man lang.Nasa venue na si Ace at chini-check kong naka set-up na ba ang lahat. He call Moning and Monica para sumundo sa ate niya. They plan to surprise her. Kaya naman hindi nasagot ng tawag niya ang dalawa, dahil nag hihintay sila ng go signal ni Ace. Maya maya lang nakarinig ng katok si Mara. Sa pag aakalang asawa niya ang dumating nagmamadali siyang buksan ang pintuan."Husby sa---" hindi na niya natuloy ang ilan pang sasabihin ng bumun
Akala ko uuwe na kami, ngunit nagulat na lang ako nang mag-aya itong mangibang bansa. Gusto niyang mag punta kami ng Italy."Wifey, gusto mo bang mag Italy?" tanong nito."What? Italy? Hindi na uuwe na tayo, 'yong mga anak natin paano na???" inis na tanong ko."Sina Dad, Mom, Moning, Monica madami naman sila doon. Hindi nila pababayan ang anak natin." paliwanag nito at gusto pang makalusot."Huh? Breastfeed ang triplets alalahanin mo 'yon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo uuwe na tayo." anya."Okay. Ikaw na ang masusunod." anya. Ngunit akala ko susunod siya sa usapan namin kaso lang napansin na ibang daan pala ang lugar ba tinatahak namin. "Husby, nasaan tayo?" tanong ko.Ngunit patay malisya lamang 'to. At hindi man lang nagsalita. Kaya inis na inis ako sa pinag gagawa niya."Ano bang trip mo husby?" tanong ko at malapit ko na siyang sapakin talaga sa inis ko."Wala. Sige na uuwe na tayo nag short cut lang naman ako." ani nito.Ilang oras lang tanaw ko na rin ang way patungong Mansyon. B