Buhat-buhat ni Kevin si Venuz pangkasal habang tahimik na naglalakad. Napatingin siya sa gawi ni Marie na tahimik lang din na naglalakad katabi niya. Pinaglalaruan nito ang kutsilyong ginamit nito kanina lamang, hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa kaniya kung ano nga ba talaga ang katauhan nito.
"Bakit?" Napaiwas siya ng tingin nang bigla na lamang ito lumingon sa kaniya."W... wala.""Huwag mo sabihing, natatakot ka sa akin gayong parehas lang naman tayo." Nagtataka siyang napahinto at napatingin muli kay Marie."Pero hindi ako ganoong kabrutal pumatay gaya ng ginawa mo." Isang ngisi lamang ang binigay sa kaniya nito at naglakad ng muli.Napa-iling na lamang si Kevin. Pinili nilang hindi na manatili sa lugar na kanilang pinaghintuan kani-kanina lamang dahil sa pag-aakalang baka may mga iba pang sumunod sa kanila."So, saan na tayo nito?""Hindi ko alam. Mabuti pa dito na tayo magpalipas"Ano pala nangyari sa pakikipaglaban ninyo sa mga bwisit na butcher na iyon?"Napatingin si Steve kay Kevin dahil sa biglaan nitong tanong. Muntikan niya ng makalimutan ang ginawa nilang pagtakas sa mga iyon."Iyon ba, tinakasan na lang namin 'yong mga yon." Natatawa pang sagot ni Steve."Ano?!" Halos napasigaw na usal ni Kevin."Bingi ka ba, tol? Ang lapit-lapit na natin sa isa't-isa hindi mo pa narinig ang sinabi ko.""G*g* ka talaga. So, ano nga?""Tinakasan nga namin, pare! Bingi ka ba talaga?" Nakatanggap ng batok si Steve sa pamimilosopo nito."Kailan pa kayo naduwag, ha?""Inamo pare, sa dami ng mga lintek na 'yon. Kala mo kaya namin? Tignan mo nga kung iilan na lang kaming lumaban sa mga hayop na 'yon!" Biglang singit ni James sa kanilang usapan.Hinawakan pa ni James ang mukha ni Kevin para ilingon sa kanilang mga kasamahan. Sa limang araw na nagdaan doon niy
"Mukhang naabala ko kayo sa inyong pagkakasiyahan."Gulat ang rumihestro sa kanilang mga mukha sa paglitaw ni Eleazar kasama ang mga tauhan nito pagkawala ng usok galing sa pagsabog. Nakangisi ito sa kanila ng malawak habang pinaglalaruan ang kunai sa kaniyang kamay. Tila tinatanya rin nito ang tulis ng kunai sa kaniyang kamay."Sh*t, nahanap na nila tayo.""Bakit hindi? Sa lugar na ito hindi kayo basta-basta makakatakas lang sa lugar na ito.""Mukhang wala na tayong takas ngayon, we have no choice but to fight them," saad ni Dexie sa kaniyang mga kasamahan."Sasama ako makipaglaban.""Pero Venuz, halos kakagising mo lang galing sa natamo mo," nag-aalalang usal ni James sa kaniya."Oo nga, babe. Kami ng bahala rito.""Hindi, tutulong ako. Konti na lang tayo kaya kailangan natin lumaban lahat.""Venuz, huwag ka ng makulit. May isang araw pa tayo, malamang meron pa tayo
Akmang tatayong muli si Eleazar ngunit bigla na lamang lumapit sa kaniya si Dexie at inapakan ang kaniyang dibdib. Hinawakan niya ang pa ni Dexie para maakawala sa pagkaka-apak nito sa kaniya, pero mas diniinan pa nito ang ginawa sa kaniya. Napadaing naman siya sa sakit. "Subukan mong tumayo riyan, sisiguraduhin kong tatarak tong hawak ko sa leeg mo." Nakatutok ngayon sa leeg niya ang katana. "Hindi ka na rin naman makakaligtas pa, ikaw na lang ang natitira sa miyembro mo." Lumingon siya sa kaniyang mga kasamahan. Mga nakahandusay na ang mga ito at wala ng mga buhay pa. Napangisi na lamang si Eleazar at nagawa pa niyang tumawa na para bang nababaliw na. Sa inis ni Dexie ay mas lalo pa nito diniinan ang kaniyang pag-apak. "Stop laughing, old man," usal ni Kurt. Nanlaki ang mata ni Eleazar nang makita nito ang baril na ngayon ay nakatutok na sa kaniya. Napangisi naman si Kurt sa kaniyang naging reaksyon at natawang napa-iling
VENUZ POV"Nasaan na naman ako?" saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kwartong kinalalagyan ko.Hindi puti ang paligid ko, kaya malamang wala pa ko sa langit. Ewan ko na lang tanggapin pa ako do'n. Pero, teka nga."Sino ka?" Baling ko sa babaeng ngayong ko lang napansin na nasa gilid ko pala."Pinatulog lang kita, te. Ano nakalimut agad?" sarkastiko nitong sagot sa akin.Napa-irap naman ako sa babaeng 'to, malay ko ba naman kasi. Sino nga ba ulit siya? Rosy? Rossie? Russ?"Rose, Rose ang pangalan ko. Naalala mo na?" Ngayon naman ay nagtataray na ito sa akin. Moodswing, ah!"Ah! Tama, ikaw 'yong babaeng bumaril sa akin."
THIRD PERSON POV"Hoy, Venuz. Kanina ka pa tulala diyan. Ano ba kasing iniisip mo?" untag ni Alex kay Venuz na nakatitig lamang sa kawalan.Unang araw muli nilang pumasok sa klase, at nandito sila ngayon sa field kasama ang grupo ng Vermin. Nag-desisyon silang magpulong-pulong roon para sa kanilang gagawin.Tila nagising naman ang diwa ni Venuz sa ginawang pagwisik ni Dexie ng tubig sa mukha niya."Hoy! Ano ba 'yon?" sagot nito sa kaniyang mga kasama at pinunasan ang mukha niyang natalsikan ng tubig."Anong, ano ba 'yon? Sira ka, kanina ka pa tulala diyan dakdak kami nang dakdak dito. Haler!" Maarteng lintanya ni Alex sa kaniya.&nb
Katulad kahapon ay hindi pa rin iniimik ni Venuz si Kevin. Tahimik lang ang kanilang byahe, pinakikiramdaman lamang ni Kevin si Venuz kung ito ba ay magsasalita. Gaya nga ng pangako niya ay sinundo niya ito sa bahay nila."Babe, okay ka lang ba talaga?" Hindi na nakatiis pang magtanong si Kevin."Uhm, oo. Medyo masakit lang ulo ko sa mga nangyayari.""Gusto mo ba bumalik na lang tayo sa inyo? Magpahinga ka na muna, baka ikaw naman ang ma-hospital niyan." Hininto ni Kevin ang sasakyan sa gilid at hinarap si Venuz.Hinawakan niya ang pisngi nito at masuyong hinaplos. Nakatitig lang sa kaniya si Venuz na para bang kinakabisado nito ang kaniyang mukha at bigla na lamang itong umiwas din agad."Okay lang ako. Marami pa tayong
Parang napako sa kinauupuan si Venuz ng mapagtanto niya ang taong nasa harapan niya ngayon."Bakit ganiyan kayo makatingin? Para kang nakakita ng multo, ah," walang ganang usal nito sa kanila at umupo ito sa tapat ni Venuz dahil iyon lamang ang bakante.Halos lahat sila ay nakatitig lang kay Angelica, hindi sila makapaniwala na lumitaw ito sa harapan nila na para bang wala itong ginawa sa kanila."Kumusta?" Halos mahigit ni Venuz ang hininga niya para lang makapagsalita sa kaniyang kaibigan.Tahimik lang itong kumakain dahil sa bigat at tahimik na tensyon na kanilang nararamdaman sa bilog na lamesang iyon. Tanging si Venuz lang ang nagtangka na makapagsalita sa kanila."Good." Tipid lang nitong sagot sa kaniya.Napatango na lamang si Venuz sa sinagot nito at napa-inom sa kaniyang lemonade juice. Tila nagbago ang ihip sa bagay na gustong itanong ni Venuz kanina lang, pakiramdam niya umatras ang dila niya ng
Nagising si Alex dahil sa gutom at napagdesisyunan niyang kumuha na muna ng pagkain sa kanilang kusina. Pero, inis niyang isinara ang refrigerator dahil wala siyang nakita na kahit anong pagkain doon. "Ate Luz!" sigaw niya mula sa kusina. Agad naman lumitaw sa kaniyang likuran si Luz na naghihikab at nagtatakang napatingin sa kaniya. Inis na nilingon ito ni Alex at pinagkrus ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib. "Ate Luz, bakit naman walang pagkain dito?" "Ah...eh, sorry po. Pero kasi, bukas pa po kasi kami ng umaga mamimili ulit. Hating gabi na po, bakit gising pa po kayo?" "Aish!" Umalis siyang naiinis at hindi na pinansin ang tanong nito. "Ano bang klase bahay ito? Ang laki-laki pero wala man lang makain. Peste!" Padabog siyang umakyat ulit sa kaniyang kwarto. Kumuha siya ng jacket sa kaniyang walk-in closet, naisipan niyang lumabas para humanap ng makakain. Paalis na siya nang mapansin niya ang