Share

Chapter 4

GEN'S POV

Butil-butil ang pawis at bahagyang nanginginig ang mga kamay kong may hawak na tasa ng mainit na latte. I let out a sigh and carefully placed my drink on the table. For the fifth time, eyed the clock on the wall. Maybe, malapit na siya.

Grabbing my phone, I searched for Donna's number. Ngunit bago ko pa mapindot ang call button may bigla ng humbalot sa cellphone ko.

"S***a ka!"

"Oops. Sorry, bakla. Naipit sa traffic."

I rolled my eyes dramatically when her lips landed on my right cheek and squeezed me in a tight embrace.

"Wait. Did you order our drink?" She inquired pertaining to our fave Starbucks coffee drink.

"Nope. It's freaking long. Sabi ko sa'yo i-text mo sa 'kin kanina," I pouted.

"Fine. Ako na'ng bibili. Hindi kita maintindihan. Magaling ka sa memorization bakit 'di mo makabisado 'yung barista drink?" Himutok niya sabay layas.

On a normal day, I would tell her na ang dami kasing add ons ng fave coffee drink naming dalawa. But I'm far from normal today. Heto nga't pinagpapawisan ako kahit pa gumagana naman ang aircon sa loob ng sikat na kapehang kinaroroonan namin.

I heaved a sigh. Hanggang ngayon nanginginig pa din ako kahit two days na ang nakakalipas mula ng magkita kami ng crown prince.

"Hoy! S***a ka. Anong tinira mo? Katol?" Malakas na tapik ni Donna sa braso ko ang nagpatigil sa pag-iisip ko. Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya't may dalang tray na may lamang kape at isang slice ng cheesecake.

"Eww. Of course not," lalo akong sumimangot.

"Hey, what's with the long face?"

Now I got her attention. Agad itong naupo sa tapat ko't parang sira na pinakatitigan ang mukha ko.

"Stop staring, will you!"

"Spill. Anong nangyari?"

Nakayukong nilaro ko ang straw ng drinks kong kalalapag lang ng kaibigan. Pangalwang baso ko na 'to but who cares? Hindi ko need ng kape para kabahan. Maisip ko lang ang kakaharapin ko para na kong mamamatay sa kaba.

"I bumped into him!"

"Him? Who the F is him?"

"Him," pinanlakihan ko siya ng mata't simpleng inikot ang mga mata sa paligid. Geez. Ba't ang slow nito ngayon?

"Si Kamahalan."

"No way."

"Yes way."

"You're fuck!" She blurted out.

"Damn I am."

Donna chuckled. She shook her head in disbelief. Umayos ito ng upo't mataman akong tinitigan. She means business so I ready myself for a long and grueling explanation slash chismisan with my best friend.

"Deets, please."

Huminga ko nang malalim at inisa-isa ang mga nangyari noong nakaraang araw sa opisina. Wala akong iniwang detalye kahit ang ginawang pang de-deadma sa 'kin ng mahal na prinsipe.

"Gosh. S***a, wait. As in wala siyang sinabi?"

I shook my head. A wave of disappointment rushed through me as I recall the events that day. After I made a fool of myself that day, katakot-takot na 'I'm sorry, Your Royal Highness' ang nasabi ko sa harap nito at ng big boss ko. I was even compelled to get on my knees but stopped when I heard his cold response to me.

" A simple one liner. Go," may lungkot na 'di ko mawaring saad ko sa kaibigan.

"Shit. That's it? Cold and straight-face?"

"Bakla, anong gusto mong mangyari? Bigla n'ya kong yayakapin at sasabihing 'I'm so happy yo see you.' Wala tayo sa stories mo," sarkastikong sabi ko sa kaibigan. Naiinis na sumandal ako't humalukipkip.

"Yes. Kasi kung nasa story ko ikaw or kayo, bed scene agad. Wala ng pabebe moments. S***a ka. Rakrakan na. One night stand tapos the next day juntis ka. Then pupunta tayo sa gate ng palace at sisigaw, Kamahalan panagutan mo ko kung ayaw mong ilabas ko ang video. Ganorn!"

Malakas na tawa ang sagot ko sa kalokohan ng kaibigan ko na sinabayan naman ng gaga, much to the irritation of people around us.

Frustrated writer kasi ito kaya kung ano-ano ang pumapasok sa utak. She's a great one and my fave. Though hindi alam ng karamihan na bumalik s'ya sa pagsusulat since her mom was against it ever since we were in college. Kami lang magka kaibigan ang sinabihan n'ya.

"Hype ka talagang bruha ka," sabi ko habang pinupunasan ng tissue ang sulok ng mga mata. "S'yempre totoong life to, malayo sa fiction world. In reality, magiging wham bam thank you Maam lang n'ya ko. I'll move on, marry an average joe who'll love me today and look for a number two, five years after. Ganoon."

Humagalpak ng tawa ang kaibigan ko sa sagot ko. Nahihiyang sinaway ko s'ya dahil pinagtitinginan na naman kami ng mga katabing table.

"Sorry. Ang bitter mo kasi today. Normally ako dapat yan di ba? Ikaw ang optimistic sa 'ting dalawa," she waved her hand.

Hindi ako umimik kasi totoo naman ang sinasabi n'ya. May pagka ampalaya kasi ang isang 'to though may times before na biglang nagbago ang ihip ng hangin. But after that accident, naging isang ganap na 'tong ampalaya na tinubuan ng legs. Bitter as ever. But lately napapansin namin na bumabalik na sa pagiging tao ang gaga. Mukhang sa 'kin nalipat ang pagiging bitter nito.

"Curious ako sa reaction ng boss mong kamag anak yata ni Sadness?"

Hindi ko napigilan ang mapangiti sinabi n'ya. Bob cut kasi si Boss Mel at madalang pang ngumiti. Witty talaga ng gaga na 'to eh, sa loob-loob ko. I shrugged my shoulder and opted to sipped my coffee first before giving her the ultimate news.

"Award, as expected. I quit."

"Well th–WHAT THE FUCK?"

"Sshh! Donna, lower your voice. Ano ba? Bibingo na tayo dito baka patapon tayo sa labas. Nakakahiya."

She smiled apologetically at the couple who's sitting across our table.

"Sorry. Nagulat ako. You mean quit as in resign. Babosh, ganoon?"

Malungkot akong tumango. Napasinghap si Donna. I heard her spew some advice like dapat 'di ako nagpadalus-dalos sa desisyon ko. Or, pinag isipan ko muna san ang lahat.

"Look, I'm not happy there anymore. It's all mechanical to me, Dons. Gigising ako para lang pumikit ulit kasi iniisip ko pa lang na babangon ako. Sasakay ng MRt at makikipag siksikan sa jeep napapagod na 'ko. It's as if my life there is an endless routine. I need something that excites me," naluluhang himutok ko sa matalik na kaibigan.

"Sorry. I was just worried."

"I know. Pero sa ganoon din ako mauuwi 'di ba? Why delay the inevitable?"

"Fine. S***a ka. Welcome to PAL."

"Pal?"

"Pal-lamunin ng parents, duh!"

"Hype ka!" Sabay bato ko sa kanya ng crumpled na tissue. Ngumisi lang ang baliw sa 'kin.

"Welcome to the club," biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Tinawagan ka na ba?" I asked. Nauna kasi itong mag-resign kaysa sa 'kin.

She bit her lip and nodded slowly.

"Eh, ba't ka sad? Happy for you, bakla," dumukwang ako't yumakap dito.

"Nagi-guilty kasi ako. Sabay tayong nag pass ng application, tapos ako natawagan na. Ikaw hindi pa."

"Hey. Ayos lang ano ka ba? Don't let that dampen your mood. Isa pa, kapag tumawag ang palasyo ngayon sa 'kin baka mamatay na 'ko."

Malakas na palo sa balikat ang nakuha kong sagot kay Donna.

"Gaga. Ba't naman?"

I rolled my eyes at her. "Isn't it obvious?"

"Alin? Na ipa-pa salvage ka ni Kamahalan?"

"Pakyu. Shut up. Salvage agad? Pwede bang kulong muna or interrogation? Gusto ko pang ma-meet ang Mr. Right ko before ako mag left sa face ng earth."

"Tse! Don't me. Gusto lang talagang makita ang crown ni Kamahalan. German cut kaya? Aray!"

"Shut up. Hoy bibig mo!"

"Why? I'm referring to the diamond on his crown. Yung andito sa ulo sa taas. Ikaw 'tong green minded," anggal nito habang hawak ang braso.

"Tara na nga sa labas. Ang sama na ng tingin sa 'tin ni ate mo girl sa kabilang table. Kasalanan ba nating sa 'tin nakatingin the whole time ang jowa n'ya?"

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy ni Donna. Nagsalubong ang mga mata namin ng guy sa table sa kaliwa namin. Ang loko nag smile pa sa 'kin habang kasama ang girlfrined. Umirap ako't mabilis na dinampot ang inumin ko.

"Leggo. Bago ko kalbuhin 'yung lalake."

"True. Sumpa maging Dyosa ngayong mga panahon na 'to. Tara't maging cactus."

I laugh, hard. Imbes nasawayin, sinamahan pa ko ni Donna kaya tuloy nasaway na kami nang tuluyan ng isa sa mga staff ng Starbucks. Ending, sabay naming dinampot ang inumin namin at sa labas na lang kami nagpatuloy sa pag uusap. Having a friend with a serious mental problem like yours was indeed a blessing.

HUMINGA MUNA ko nang malalim bago tiningala ang napakataas na gate sa harapan ko. Bahagya kong sinipat ang suot kong business attire at tumingin sa relong suot. I'm 45 minutes early for my interview. Para kong hihinatayin sa kaba. I wiped my clammy hands on my skirt and inhaled deeper enough to hurt my lungs.

I eyed the majestic and rustic wrought iron gate of El Gran Palacio or commonly known as Grand Palace. The facade of the palace is a rusticated stone base at may mga haligi or columns iyong kagaya ng sa scroll and the on top of it is the Tuscan pilasters.

Iginala ko ang paningin sa lugar na kahit tatlong beses ko ng nabista'y hindi ko pa din maiwasang 'di humanga sa ganda at rangya ng palasyo. Sa gaya kong lumaki sa panood ng Disney movies, dream come true ang maka apak sa loob ng palasyo.

It's a sight to behold.

Sinipat ko muna ang laman ng brown envelope ko bago ako pumila for security inspection. Agad naman akong inalalayan ng isa pang guard patungo sa isang gate kung saan daraan sa scanner ang lahat ng mga bisita. May mag fi-frisk din or body check bago ka tuluyang makapasok sa palacio.

Tulad noong nag part-time ako dito as tour guide, kailangang dumaan sa ilang process bago makapasok nang tuluyan sa loob ng palace grounds. Napaka higpit ng mga security personnel dito. Kung tama ang pag kakatanda ko ay sa bawat kanto yata ng Palacio ay may CCTV camera.

No biggie.

We're just talking about 1,879 rooms and three sprawling gardens with a man-made pond on each palace. Ultimo langaw mahihiya na mag pakita sa lugar na ito.

Nakita kong pinasa niya iyon sa isa sa mga guard na naka station sa guard house. Ini-scan nito ang barcode na nasa lower left part ng papel at ng lumabas ang picture ko sa monitor ng computer nito ay inabot sa kin ang visitor's ID.

"You can claim your Identification Card later today Miss, sa may south wing exit gate." Nakangiting sabi nito sa kin.

"Thank you, Sir," ani ko't

inilagay sa dibdib ang pass.

Nag lakad ako sa may left wing gaya ng bilin ng gwardiya sa gate. I saw the smiling receptionist inside the booth of the grand lobby of the tourist center. Ngumiti agad ako sa babaeng mabilis na tumayo't sinalubong ako. Inilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib at bahagyang yumuko. It's our traditional curtsy or pagbibigay 'Galang' sa Filipino.

"Mabuhay."

"I am here for an interview—" nakangiting bati ko sa kanya at tumingin sa name tag niya- "....Miss Jona."

"Do you have the name of the contact person on HR?"

"Yes. It's Ms. Scott Belleza," ipinkaita ko sa kanya ang appoinment letter na natanggap ko kahapon.

"Okay.Take a seat first, tatawag lang ako sa opisina niya."

I smiled and took one of the vacant seats that are scattered around the area. Hindi ko pa din mapigilan ang saya sa kaalamang may chance na ko para makuha ang isa sa pinaka prestiheyosong posisyon sa bansa. Ang maging Royal Aide.

Actually, hindi ko alam na makaka apak pa ko sa lugar na 'yon, given the fact na pinaliguan ko ng kape si Prince Liam last week. After my resignation, I busy myself with cleaning the house or helping my parents in our small café in Morayta. Kaya nagulat ako kahapon nang matapos ang chikahan namin ni Donna, may tumawag na HR sa 'kin at sinabing may interview ako today.

Napailing na lang ako sa sarili nang maalalang inisip pa namin ni Donna kahapon na baka ploy lang ng palasyo ang inteview at balak na talaga kong gilitan ng leeg ni Kamahalan.

"Miss Genessia Rodriguez, Mr. Bellezza's expecting you. This way please," nakangiting saad sa 'kin ng receptionist. Nauna na ito sa may hallway kaya mabilis akong tumayo't sumunod dito.

"Walk straight ahead and turn right. The first door will be the entrance to the interview room."

"Thank you Miss Jona," nakangiting pasasalamat ko at nag lakad na patungo daan na itinuro niya.

Rinig sa makintab na marble floor ng hallway ang takong ng suot kong stiletto. Habang papalapit sa pinto ay mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. Shit. I practice my breathing and recall all the interview questions I anticipated they would ask me later. Ilang Youtube videos about how to ace the interview or how to be hired ang pinanood ko kagabi. Ngayon tuloy wala kong maalala kahit isa.

"S***a namang utak 'to. Ngayon pa yata papalya. Makapag retouch nga muna," bulong ko sa sarili't huminto sa gitna ng hallway.

Pero ang balak kong 'yon nauwi lang sa laters basket ko nang biglang bumuksa nag katapat kong pinto. Dumungaw doon ang isang middle aged na babaeng may makapal na eyegalsses.

"Miss Rodriguez?"

I gulped and straightened my back.

"Yes, Maam."

"Please come in."

To conceal my nervousness, I smiled at her. Kinuha nito ang CV ko at ang ilang documents na dala ko saka ako pinaupo sa bakanteng upuan sa tapat ng mesa nito.

"They're just finishing up with the other applicant. In the meantime baka gusto mo ng drinks. Meron don sa side. Pili ka na lang," turo nito sa isang make shift pantry.

"Sige po. Salamat."

I slowly get up and head towards the said table. Kahit gustuhin kong magkape 'di pwede dahil baka mangisay na ko mamaya kapag nasalang na ko sa interview. So my safe choice was water. After securing bottled water, I resume my seat. In silence, I tried to calm my nerves and at the same time do a mental q & a.

"Is Miss Rodriguez here, Salve?"

Biglang 'kong naituwid ang likod nang marinig ang boses mula sa intercom.

"Yes, Sir."

The lady eyed me. Hindi na n'ya kailangan pang magsalita, tumayo na ko't lumapit sa nakasarang pinto sa kanan n'ya. A soft smile and good luck were the last things I heard before I enter the cold board room.

Nanlumo ako nang makitang may limang tao sa loob ng kwarto. Shit, I wasn't prepared for a panel interview.

"G-good morning, Sir. Maam," lakas loob kong bati't lumapit sa lalakeng naka upo sa gitna ng mahabang office table. I handed him my CV and plaster my patented professional smile.

"Good morning. How are you today, ahm, Genessia? May I call you by your first name?"

My smile was automatic. "Yes, Sir. Or you can call me Gen. I'm great. A bit nervous but I'm good, thank you."

"Perfect.Gen it is," wika nitong nakangiti man sa 'kin bakas ko ang pagiging istrikto.

Isa-isa n'yang ipinakilala ang mga kasamahan. Ganito pala ang feeling ng sasabak sa American Idol or sa Talentadong Pinoy, kinakabahan ka't nasusuka at the same time.

Geez. Para kong ma-je-jebs.

"Tell us something about yourself."

I was pulled in the now upon hearing the tricky question that sets the mood of all the job interviews. Clearing my throat, I clasp my hand and begin to recite my well-written answer.

"There are three things that will sum up my professional life. Its MGR, my initials. I'm modern, generous, and a risk-taker. As a graduate of BSBA Marketing Management from one of the great universities in the country, this gives me an unquenchable thirst for creativity. To stay open for new ideas—out-of-the-box concepts. In my current role as a Junior Content Creator, I am responsible for creating blogs, polishing write-ups and conducting a keyword search, and using SEO to optimize the content," my confidence was off the charts when I started to utter my answer. Looking at them straight to their eyes, I continue selling myself.

"I'm also responsible for creating a well-structured campaign that could make or break a certain brand thus asking the right questions to exact insights is a must. Two months ago, I worked hand in hand with heavy-hitter brands such as Stradivarius and some new names that excite the fashion pack like gLitz...."

Seemed please with my answer, they all nod their head in unison once I had finished my essay-like answer. Pasalamat na lang ako't di ako nabulol sa kaba. After that, sunod-sunod ang mga naging tanong. Like what are my strength, weaknesses, and other grueling questions.

Lahat naman nasagot ko nang maayos. May times pa na pati ang ibang facts about the palace and royals naitanong sa 'kin. My experience as a part-time tour guide came in handy. Naitawid ko naman nang maayos, feeling ko. Matapos ang mahigit kalahating oras, parang matutuyuan na ko ng lalamunan. Nang makita ko silang nagsisimula ng mag-ayos ng mga folders, kahit paano nakahing na ko nang maluwag.

Smiling like a fool, I chance a glance around the room. Dala ng kaba hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin ang paligid ko kaninang pagpasok ko. Malaki ito at tulad ng buong palasyo, kahit functional ang mga nakalagat na gamit sa silid andon ang bakas ng sopistikasyon at karangyaan. Normal for Royals.

Napako ang tingin ko sa dulong bahagi ng kwarto kung saan may isa tila isang extension room doon. Squinting my eyes, I stared at the well-tinted glass. Bigla kasing nagtayuan ang balahibo ko sa batok. It's the feeling I get when someone's staring at me. Lumalim na ang kunot sa noo ko pero 'di ko pa rin masipat kung may tao ba sa loob o wala.

"He's here?"

Naagaw ng tanong na iyon ni Sir Scott ang atensiyon ko. Sino kayang tinutukoy nito? Biglang na-tense ag mga tao sa paligid sa simpleng katanungang 'yon at kung kani-kanila lang ay akala ko matatapos na ang kalabaryo ko, I thought wrong people. Kasi bigla silang umayos ng upo.

The room fell silent as they all resumed their position and stern expressions. I swallowed hard. The tension swirling around the room was palpable. Tila mas malala pa ngayon compare kanina.

Shit. Anong meron?

"S-so Ms. Rodriguez, one last question. Why shouldn't we hire you?"

"Ho?" My eyes went wider mukha ng mangkok ang mga iyon.

Ano daw? Pwede ba 'kong mag may I repeat your question dito? Nakakahiya.

Tumikhim ang katabi ni Sir Scott na sa pagkakatanda ko'y Henry ang panagalan.

"Again. Why shouldn't we hire you, Ms. Rodriguez?"

Heat crept to my cheeks but I kept the confident facade. I square my shoulder and was about to open my mouth when my eyes caught the movement from the door at the end of the room. When the door swung open, revealing a tall and broad-shoulder human who's been stealing my peace lately, I'm lost. My breathing hitched as my jaw literally dropped to the floor.

Prince Liam!

He turned around as if he could sense that someone stupid was ogling him from a distance. Dark intense gaze pinned me to place. My heart was pounding against my chest, hard. Feeling ko lalabas iyon mula sa loob ko. His veiled expression told me nothing. He's just staring and I'm about to be reduced in a puddle of nervous mess.

Gosh! Ang gwapo n'ya. Dressed in a sharply tailored suit and a white crisp dress shirt, every inch of him was screaming royalty. Beauty. His presence was magnetic hinihila ako kung saan...

"Miss Rodrigu–"

Napapitlag ako't nagba-blush na tumingin sa mga taong nasa harapan ko. Pero ang tangang mga mata ko'y kusang bumalik sa direksiyon ng prinsipeng ngayon ay tahimik na nakamasid lang sa 'min.

Speak, Gen. Piping utos ko sa sarili.

"W-why shouldn't you? I know you've been looking for someone like me the whole time. The search is finally over. Ako na 'to si Genessia. Mallit na bagay."

Lord, please sana lamunin na ko ng lupa. Hindi ko kasi alam kung saan ako hihimatayin. Sa sagot kong mukhang tanga o sa smile ni Prince Liam matapos marinig ang kagagahan ko.

It was sweet. Genuine and panty-melting. I think I'm ready to die.

Royal Manunulat

Hello dear readers! Thank you for the wonderful feedback. I was inactive, I know but I'm back and promise ko na mag a-update ako ng mga chapters nila Liam at Gen. Kung kaya on a daily basis, why not? Thank you and let me know what are your thoughts about this chapter. Stay safe.

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cindy Flores
hello miss royal mingaw naku ni kamahalan ... namasin lang baya ko ... happy kay ko kay naa pud diay ka dri...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status