Hindi maipaliwanag ni Jonas ang nararamdaman niya kay Martha Cecelia. May kakaiba sa babaeng ito pero hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman para rito. Para bang nahipnotismo siya sa angking kagandahan nito. Ayaw niya malingat ng tingin. Ayaw niya mawala sa tabi niya.Nag-vibrate ang kanyang cellphone nang malapit na sila sa kanyang kwarto. Hindi niya iyon pinansin, hinayaan niya lamang at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad habang naka-akbay kay Martha Cecelia. Bago niya buksan ang pintuan ng kwarto ay muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya iyon pinansin. Kung sino man ang tumatawag sa kanya ngayon ay makakapaghintay iyon. Pero ang babaeng kasama niya ngayon ay hindi. Ngayon niya pa lang ito nakikilala ay masasabi niyang gusto na niya ito. . . Sa lahat ng babaeng nakilala at nakasama niya ay rito lamang siya tinamaan ng sobra. Para bang nasa ilalim siya ng isang gayuma. Kung noon ay wala sa isip niya ang magseryoso sa isang babae, ngayon ay
The smirk played on Louise lips as he look at Jonas, all the cockiness was completely wiped off his face as he looked at her.Nakikita rin ni Louise na bakas sa mukha ni Jonas na hindi siya nito inaasahan, halatang gulat na gulat.“What’s up? You don't look happy to see me?” she asked him, faking hurt in her voice.He still had not blinked, and he was looking her over when she noticed him gulp. She realized she was covered in blood, and to be honest she must look like a psycho.Ilang ulit ibinuka ni Jonas ang bibig para magsalita ngunit agad din isinasarado, hindi alam ang sasabihin.“How are you?” nanunuya pa niyang tanong kay Jonas.“L-Louise. . .” He trailer off, his jaw almost touching the ground.Louise shrugged casually. “Yes, it's me. . . Louise.”His mouth closed again. She saw him shallow hard, noticing how his eyes kept flickering to the door behind her like he was waiting for something.Suddenly he looked a little more confident, and his eyes were back at her.“What a surpr
Binuksan ni Olga ang pintuan sa tabi kaya mabilis din niyang binuksan ang pintuan sa tabi niya para pigilan ito lumabas. “Olga. . .” suway niya rito. “No, it's fine. That's Joseph,” anito at tuluyan na lumabas ng sasakyan. Lumabas din siya ng sasakyan para makasigurado na ligtas talaga sa paligid nila. Ilang dipa pa ang nilakad niya para ihatid si Olga at saka lamang hinayaan maglakad mag-isa nang malapit na. She watched her cousin walk towards the car while Joseph was waiting. Nakita niya kung paano suriin ni Joseph ang katawan ni Olga, tila ba tinitiyak kung nasaktan ba ito o nasugatan. Hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawa. Pero masasabi niyang hindi iyon normal na relasyon ng isang prinsesa at taga bantay lamang. Alam niya iyon dahil gano'n din sila ni David noon. Pero kung ano man ang totoong namamagitan sa dalawa ay labas siya roon. Wala siyang karapatan na kwestyunin ang pinsan niya. Nang makapasok na si Olga sa shotgun seat ay tumango sa kanya si Joseph bago pumaso
Nang walang makuhang sagot si Louise galing kay David ay bumitaw siya mula sa pagkakayakap. Umalis siya sa likuran nito at lumipat sa harapan, para harapin ito.Seryoso pa rin hanggang ngayon ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ni David. Hindi niya iyon gusto. . .Pinagapang niya pataas ang kanyang kamay sa dibdib nito nang dahan-dahan papunta sa mukha nito. Hindi pa rin ito nagsasasalita o kumikibo. Tangging ang pagbagsak ng tubig sa sahig mula sa shower ang ingay sa paligid nilang dalawa.Marahan niyang hinaplos ang mukha nito at pinaglaruan ang labi gamit ang kanyang hintuturo.“Bumalik ka na sa kwarto mo,” walang emosyong sabi nito at iniwas ang mukha sa kanya. Muli nitong hinarap ang shower at hinayaan ang sarili na daluyan ng tubig.Hindi iyon pinakinggan ni Louise at sa halip ay hinila ang braso ni David parahap sa kanya. Tumingkayad siya para magpantay ang mga mukha nila at hinalikan ito sa labi. Hindi siya itinulak ni David pero hindi rin ito nagresponde sa halik niya.Hind
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Olga nang makapasok siya sa loob ng kwarto niya. She's not happy anymore. Hindi na siya masaya sa buhay na meron siya ngayon. Kung noon ay parang langit niya kung ituring ang Denmark, gusto niya nasa kanya lahat parati ang atensyon ng mga tao, at gustong maging Reyna—Pero ngayon ay iba na...Simula pagkabata, ang maging Reyna ng Denmark lang ang pangarap niya. Iyon din ang gusto ng mga magulang niya para sa kanya. Pero isang araw, nagising na lang siya na gusto niyang lumayo. . . Sa malayong-malayo, roon sa lugar na hindi pamilyar sa kanya, sa lugar na walang nakakakilala sa kanya. . . sa lugar na magiging malaya siya. At handa siyang bitawan at iwan ang lahat ng meron siya ngayon para roon.Mabilis siyang napatayo nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Hindi pa man niya naibubukas ang kanyang bibig para magsalita at papasukin ang kung sino man ang kumakatok ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang kanyang ama.Yumuko siya rito at
“Kailangan mo muna magpalamig sa mga mata ni Octavio. . . Ngayong alam na niya na bumalik na ang ala-ala mo at nandito ka na sa Denmark ay hindi ka niya titigilan. Alam mo yan. Pati si Jonas ay ipinapahanap ka na rin.”Inalis ni Louise ang tingin sa mga halaman sa hardin ng rest house kung saan sila namamalagi ngayon. Binalingan niya si Joseph sa kanyang tabi at kinuha rito ang blue print ng palasyo ng Amalienborg na nasa loob ng brown na envelope.Natutulog pa siya nang gisingin siya ng kanyang ina dahil sa pagdating dito si Joseph. Inutusan ito ni Olga para sabihin ang personal nitong mensahe para sa kanya. Gusto ni Olga na gawin niya ang pagtakas kay Yasmin at sa Lolo nila sa araw ng state visit dito sa bansa dahil iyon lang ang tamang pagkakataon para sa kanila.Limang araw bago ngayon ay ang petsa ng state visit. Tamang-tama lamang iyon para pagplanuhan niya nang mabuti ang mga dapat gawin. Malaki rin tulong ang blue print na ipinadala ni Olga sa kanya para alam niya kung saan si
Isinuot ni Louise ang kanyang jacket pagkatapos ay nagsuot ng sombrero. Muli niyang tiningnan ang kanyang baril para makatiyak na puno iyon ng mga bala. Isinuksok niya iyon sa kanyang bawang, malapit sa tagiliran at tinakpan ng jacket.Paglabas niya ng kwarto ay agad niyang nakita si David na nakasandal sa pintuan, halatang naghihintay sa kanya.Dumeritso siya sa kanyang Ina at humalik sa pisngi nito. “Babalik kami bago magdilim,” aniya.Tumango naman ang kanyang Ina at niyakap siya nang mahigpit. “Mag-iingat kayo.”Sinulyapan niya si Lin na naroon sa harapan ng computer. Nag-thumbs up ito sa kanya para sabihing naka-connect na ang gagamitin nilang sasakyan sa computer.Inihatid sila ng kanyang Ina sa ibaba. Ibang sasakyan ang ginamit nila ngayon. Napakaraming sasakyan sa garahe at hindi niya alam kung kanino ang mga iyon. Sa tuwing may umaalis ay iba-iba parati ang ginamit na sasakyan para matiyak ang kaligtasan nila. Pinagbuksan siya ni David ng pintuan sa shotgun seat bago ito nau
Mabilis na kinuha ni Louise ang cellphone ni David. Hinanap niya ang number ni Olga sa contact nito at tinawagan ang pinsan niya. She have to save her cousins and her Aunt.Nag-drive na si David paalis habang kino-contact ni Louise si Olga. Nag-ring ang cellphone ni Olga sa unang beses pero walang sumagot doon. Sinubukan ulit iyon ni Louise sa pangalawang beses pero wala pa rin sumagot.“Si Aamir ang tawagan mo,” wika ni David habang nasa daan ang atensyon nito. “Nasa palasyo pa sila ngayon, hindi pa nakakaalis.”At si Aamir nga ang tinawagan ang sinubukan niyang tawagan. Isang ring pa lang ay sumagot na ito at narinig na niya ang boses nito sa mula sa kabilang linya. Maging ang boses ni Thyra ay narinig din niya na kinakausap ang asawa.“David,” ani Aamir.“It's Louise,” she corrected him. “I need to talk to Olga. Where is she?”“Hmm. . . Louise, you only call when you need something from me. I feel used.” Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Aamir ay alam niyang nakangisi ito ngay