Share

Chapter 1

NAGMAMADALI akong pumasok sa school dahil late na ako. Kahit na kami ng may-ari ng school na ito ay kailangan ko pa ding magconcious sa pag-aaral ko.

Naghahalungkat ako sa bag ko at di ko tinitignan ang nasa harapan ko. Kaya sa di inaasahan ay nabangga ako sa isang pader at muntik nang masobsob sa semento kung di lang ako sinalo ng isang malabakal na mga braso. Napatigalgal ako at labis ang tahip at lakas ng tibok ng puso ko, dahil sa nangyari. Akala ko talaga ay sa semento ako pupulutin.

"Are you okay?" Nakatitig lang ako sa lalaki. Hindi ko ito kilala.

"Clyde, come on, baka mahuli na tayo!" sigaw ng mga kasamahan nito.

Tsaka ko lang napagtanto na nakayakap pala ako sa lalaki at nasa sahig ang mga gamit ko. Kaya lumuhod ako at isa-isang kinuha ang mga gamit ko. Tinulungan ako ng lalaki. Kinuha ko ang lahat ng mga gamit nito, napatingin ulit ako sa relo na nasa bisig ko at late na talaga ako.

"Thank you!" sabi ko, sabay kuha ng mga gamit ko at takbo papunta sa department ko. I am 4th years college student. This month ay graduated na ako kaya pinagbutihan ko talaga ang pag-aaral ko. Para makuha ko ang gusto kong course.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa classroom ko. Buti na lang ay wala pa ang teacher namin.

"Saan ka ba galing?" tanong ni Airene sa akin.

"Sa bahay, kagigising ko lang, kasi wala si mommy. Alam mo naman na nag-aral ako kagabi," sabi ko dito.

"Mabuti na lang at wala pang Teacher natin."

"Oo nga eh!"

Napatingin ako sa may bintana ng may mahagilap akong tao sa may puno. Kumunot ang noo ko at umawang ang labi nang makilala ko ito.

"Anong ginagawa niya d'yan?" wala sa sarili kong tanong.

"Sino?" tanong ni Airene. Katabi ko kasi siya sa upuan.

"Wala." Lumingon ulit ako sa kinatatayuan ng lalaki na nakabungo ko kanina. Nandoon pa rin ito.

Parang bago ito. Di ko kasi kilala ang lalaking iyon.

Humihingal si Ivy ng pumasok sa loob ng classroom namin.

"Shit!" Mura nito.

"Bakit? Para kang hinabol ng isang dosenang kabayo?" tanong ko dito.

"Pumunta ako sa cafeteria. Usap-usapan doon na may new transferee daw. At guest what sa high school department at sobrang gwapo daw." Kinilig na saad ni Ivy.

Di ko na ito pinakinggan. Napatingin ulit ako sa may puno. Nasa second floor kasi ang aming classroom ay malapit ako sa bintana. Wala na doon ang lalaki. Siguro umalis na ito. Ano kaya ang pangalan niya. Hindi ko masyadong narinig kanina ang sinabi ng kasamahan nito.

Ilang minuto pa ay dumating na ang guro namin. Dahil may quiz ay natagalan kami sa paglabas. Papunta kami sa cafeteria sobrang ingay ng mga estudyante na nasa loob. Tumahimik lang ang mga ito ng pumasok na ako.

Alam kasi nila kung ano ang kaya kong gawin. Napadaan ako sa isang table, di ko pinansin ang mga nandoon. Pero biglang umingay na para bang inaasar nila ang isang lalaki.

"Di ba, Clyde. Siya iyong babaeng nakabangga mo kanina?" rinig kong anong nito sa isang nangangalan na Clyde.

"Yeah," sagot nito.

"Mukhang masungit!"

"Masungit talaga iyan. Kinakatakutan iyan dito sa school," sabi ni Joyce sa kanila.

Napa 'Oohh' ang nasa kabilang table.

"Alam n'yo, matinik iyan si Clyde sa babae. Kaya iyang babae iyang, walang kawala iyan kay Clyde." Tumatawang saad noong kasamahan nilang lalaki.

"Ang ingay talaga nila," ungot ni Airene.

"Pagsabihan ko na ba?" Ngumisi ito.

"Ikaw ang bahala."

Tumayo ako. Lumapit ako sa kabilang mesa. Di nga ako nagkamali ang lalaking nakabunggo ko kanina ang kasama nila Joyce at ang mga barkada nito. High school pa kasi si Joyce.

Itinukod ko ng kamay ko sa mesa nila.

"Ang ingay n'yo naman. Nakukuliling ang tainga ko sa mga boses ninyo." Napanganga ang nasa mesa na iyon. "And FYI, I am not easy woman. May dilikadesa din ako," sabi ko sa kanila sabay alis sa mesa nila.

Natahimik ang nasa kabilang mesa. Kaya payapa ang pag recess namin. Naunang lumabas ang kabilang mesa. Lumabas na din kami. Dahil may isang subject pa kami na dadaluhan.

Hindi kami magkakaklasse nila Airene sa subject na ito, kaya naghiwa-hiwalay na kami.

Napadaan ako sa isang bakanteng lote ng mamataan ko ang ilang estudyante na para bang nagkakagulo.

Pumunta agad ako, dahil nga parte ako ng student council at may-ari na din ng school ay dapat ko lang panatilihin ang kapayapaan ng paaralan na ito.

"Anong kaguluhan ito!" sigaw ko.

Napatigil ang mga estudyante na nandoon. Kaya nagsitabihan ang iba.

Nakakita ko ang bagong estudyante na nakabangga ko kanina na pinagtutulungan ng mga ilang kalalakihan.

Nagsitakbuhan ang mga iyon at agad kong nilapitan ang lalaki. Lumuhod ako sa harapan nito, dahil nakayuko ito.

"Bakit hindi ka lumaban?" tanong ko dito.

Napatingin ito sa akin. Ngumisi ito. "No need, ayaw kong makasakit ng tao," sabi nito sa akin. Tumayo ito.

Pinagpag ang uniforme na puno ng dumi.

"Pwede kong gamutin ang sugat mo." Nilingon niya ako.

"Wag na baka maabala pa kita," malamig na sambit nito sa akin.

Umalis ito sa harapan ko. Tinignan ko ang papalayo nitong bulto, gwapo din naman ang lalaki. Hindi ito papahuli sa mga gwapo na nandito sa school namin. Siguro bata pa ito, nasa 18 or 19. Since 4th year high school pa lang ito.

Maaga akong umuwi sa bahay, dahil panay ang tawag sa akin ni mommy.

"Mom!" tawag ko sa ina ko.

Lumingon ito na may ngiti sa labi. Agad ko itong sinimangutan. Dahil alam ko na ang gagawin nito. Di ko naman na umuwi na pala ito. 

"My baby!" Nakangiting tawag nito sa akin.

I just rolled my eyes. "Mom, I am not a baby anymore," sabi ko dito. Ayaw ko talaga ang tinatawag na baby. Hindi ako masanay-sanay sa ginagawa sa akin ni mommy.

"Dapat maghanda ka. Dahil dadalo tayo sa isang party mamaya," nakangiting sambit nito sa akin.

"Kayo na lang mommy, ayaw kong pumunta," saad ko kay mommy.

"Hindi pwede, ang party na ito ay para isang welcome party. Dahil bumalik ang bestfriend ko," masayang sabi nito sa akin.

Nakikita ko talaga ang kasiyahan na bumalatay sa mukha ng aking ina. Kaya sino ba ako para putulin ang kasayahan na iyon.

"Okay, mom." Pagpayag ko. Wala din naman akong magagawa, kukulitin lang ako nang kukukitin ng mommy ko.

"That's great!" hyper nitong sambit. Lumayo na ito sa akin. Dahil nakuha na nito ang gusto nito.

Masaya ako, dahil masaya ang ina ko. Palagi nitong kinukwento sa amin ang bestfriend nito na nag migrate na daw sa ibang bansa. Pero ngayon na bumalik na ito ay alam kung walang pagsidlan ng kasiyahan ng ina ko.

Dahil gabi ang party ay napaghandaan ko pa ito. I choose a dress na medyo hapit sa aking katawan. Naglagay ako ng light make-up, kahit na di ako mahilig sa make up ay kailangan. Ayaw kong ipahiya ang magulang ko.

Nang matapos na ako ay agad akong bumaba at naghihintay na sila mommy at daddy sa akin. Si Ate Selena naman ay susunod na lang, hindi na kasi dito nakatira sa bahay namin si Ate Selena, doon na sa condo nito. May sarili na itong condo, dahil ito na ang namamahala sa ilang mga negosyo namin.

"Ang ganda mo talaga anak," magiliw na sambit ni mommy sa akin. "Tiyak na magugustuhan ka ng anak ng bestfriend ko," nakangiting sambit nito sa akin.

Ito din ang dahil kaya ayaw ko na nandito ako sa bahay, dahil palagi niya akong nirereto sa mga anak na lalaki ng mga amega nito. Kahit gusto ko sanang bumukod na, pero ayaw pumayag nila mommy at daddy.

"Let's go, shiella baka malate tayo," yaya sa amin ni daddy.

Lumabas na kami at agad na sumakay sasakyan namin. Habang papunta kami sa venue ng party ay bigla kong naisip ang hitsura ng mga anak ng bestfriend ni mommy.

Sabi kasi ni mommy ay puro lalaki ang mga anak nito at dalawa lang daw. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng pagdarausan ng party, dahil sa lalim ng iniisip ko.

Agad akong bumaba sa sasakyan, hinintay ko muna sila mommy na makababa bago kami pumasok. Nang makababa na sila mommy at agad kaming pumunta sa entrance.

"Shiella," magiliw na tawag ng isang babae sa aking ina. Magkasing edad lamang sila.

"Bea, I am glad ba nandito na kayo," masayang sambit ni mommy sa babae.

"Oo nga. Mabuti at napapayag ko ang mga anak ko na umuwi kami dito sa Pilipinas. Oh! I forget. This is my sons, Kent and Clyde Jay." Pakilala nito sa amin ng mga anak nito.

Binalingan ko ang mga anak nito. Nagtama ang mga mata namin ng isang lalaki, bigla ay naging uneasy ako, dahil sa tiim ng titig nito sa akin. Ako na lang ang umiwas, dahil di ko matagalan ang titig nito. Anak pala ito ng bestfriend ni mommy. So Clyde Jay ang pangalan nito.

"This is my Daughter Sheena. Bunso ko." Pakilala sa akin ni mommy sa bestfriend nito.

"Oh my, ito na ba si Sheena? Noong umalis kami ay 5 years old lang ito ahh. Now she is a grown up woman," nakangiting sambit ng bestfriend ni mommy. "Where is Selena by the way?" tanong nito kay mommy.

"I am here!" Nilingon namin ang nagsalita. Ang kapatid ko pala iyon.

"You look fabulous now sister." I just rolled my eyes. Alam ko naman na mas maganda siya sa akin. Di na kailangan ipangalandakan iyon.

"Selena, what a beautiful woman." Panay ang irap ko. Dahil sa papuri na nakukuha ng kapatid ko. Lalaki na naman ang ulo nito.

"Hi Sis," bati nito sa akin. Tinanguan ko lang ito.

Biglang nanayo ang balahibo ko sa batok na para bang may nakatingin sa akin. Bigla ay dumako ang tingin ko kay Clyde Jay. Nakatingin ito sa akin ng matiim sa akin, di ko natatagalan ng tingin nito kaya umiwas na lang ako.

"Let's go, Sheena," yaya sa akin ni mommy.

Kaya sumunod na lang ako kina daddy. Nilampasan ko silang Clyde Jay at di ko na ito nilingon.

Agad na nagsasayawan ang mga tao na nakaupo lang sa mesa. Dahil wala namang nangyaya sa akin ay nanatili lang ako sa mesa ko.

Tumayo ako, dahil naiihi ako ay kailangan kong pumunta sa isang banyo. Umakyat ako sa second floor ng bahay na ito, dahil wala akong makitang banyo sa ibaba.

Pumasok ako sa isang kwarto, dumiretso na ako sa banyo at agad na umihi. Nang matapos na ako ay agad akong lumabas, pero isang tagpo ang hindi ko inaasahan. May isang lalaki na may kahalikang babae, nakasandal ang babae at nakatalikod sa akin ang lalaki.

Ito ang unang beses na nakatagpo ako ng ganun na serenaryo kaya di ko alam ang gagawin ko. Bigla at di ko maigalaw ang aking mga paa, para umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa banyo.

Nakikita ko kung paano halikan ng lalaki ang babae sa leeg nito. Bigla ay iminulat ng babae ang mga mata nito at bigla ay tumingin ito sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata nito at agad na itinulak ang lalaking kahalikan nito.

"What's wrong?" tanong ng lalaki sa babae.

"May tao," mahina nitong sabi, namumula din ang mukha nito. "D'yan ka na," sabi nito sabay labas sa kwartong ito.

Nilingon ako ng lalaki, nang dumako ang mga mata nito sa akin ay bigla itong nabigla. Agad kong nakilala ang lalaki. Di yata nito inaasahan na nandito ako sa loob ng kwarto na ito. Ang pagkabigla nito ay napalitan ng galit.

"What are you doing here?" Tila kulog ang boses nito, na may kasamang galit. "Namboboso ka ba?" tanong nito. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nito.

Ang kaning nabigla kong mukha ay napalitan ng galit. "Excuse me, bakit kasalanan ko ba kung dito ako inabutan ng pamumutok ng pantog ko!" galit kong utas dito. "And Excuse me, hindi ako namboboso," sabi ko ulit.

Nalampasan ko siya, dahil lalabas na sana ako ng bigla niyang pigilan ang braso ko. Nilingon ko siya na may galit sa mga mata.

"Baka dahilan mo lang iyan? Pero ang totoo, baka gusto mong sumali sa amin, kaya ka nandito?" nang-uuyam na sabi nito sa akin.

Bigla ay umangat ang kamay ko at agad na pinadapo iyon sa pisngi nito. Dahil sa lakas ng sampal ko dito ay tumunog ang pisngi nito, bumaling ito sa kabilang bahagi ng kwarto. Pag baling nito sa akin ay may galit sa mga mata nito.

Bigla at hinapit niya ako sa baywang, hinawakan ang aking batok at hinalikan ako ng mapusok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status