Dagsaan ang mga kabataang may kaniya-kaniyang mga hawak na mga libro. Kasalukuyan silang nasa isang venue upang mapirmahan ang mga librong hawak nila na ang title ay Fourteen. Kaniya-kaniyang bulungan at ingay ang nangingibabaw sa buong lugar. Makikita rin ang pagkasabik sa mukha ng mga kabataang ito. Dahil sa wakas ay magwawakas na rin ang kuryosidad nila. Ngayong araw na kasi ipapakita ng author ang mukha niya sa kaniyang mga mambabasa.
Maya't maya ay dumating na ang takdang oras. Lumabas na mula sa pintuan ang isang misteryosong lalaki dahilan para mag-ingay ang mga kabataang gustong gusto nang makita ang mukha ng kanilang iniidolong manunulat. Ang iba ay namangha, ang iba naman ay nagulat. Hindi kasi iyon ang inaasahan nilang mukha ng inaabangan nilang author.
Prenteng umupo naman sa kanilang harapan ang kanilang author. Medyo gusot ang kulay puti nitong polo. Halatang labag sa loob niyang suotin iyon. Samantalang kapansin-pansin rin ang bigote nitong nagkalat sa ibabang parte ng kaniyang mukha. Kahit manipis naman ang mga ito ay madali pa rin itong nakaagaw ng atensyon. May suot- suot rin itong salamin na manipis ang frame pero kahit natatamaan ng liwanag ang lente nito ay mapapansin pa rin ang mga mata nitong walang emosyong nililibot ng tingin ang mga kabataang nagkalat sa paligid. Lumabas ang isang mahinang buntong hininga sa kaniyang bibig atsaka na niya inumpisahang magmura ng ilang daan sa kaniyang isip.
Inumpisahan na nila ang event at makikita naman sa mukha ng mga kabataan ang saya sa kanilang mga mukha hanggang sa dumating na sa parte na maaari na silang magbigay ng tanong tungkol sa libro. Lahat ng iyon ay pinilit ng author na sagutin ng maayos kahit may iilang tanong na bigla niyang nababara nang hindi niya sinasadya pero nababawi niya rin naman kaagad.
Pero isang tanong ang nakaagaw ng atensyon at biglang nagpatuliro sa kaniya.
"Mr. Sandoval, sino po yung babaeng nakatalikod sa likod ng book cover?"
Biglang nangibabaw ang katahimikan sa buong venue dahil hindi kaagad nakaimik sa tanong niya si Mr. Sandoval. Kanina kasi ay mabilis lang naman niya nasasagot ang mga katanungan sa kaniya ng mga mambabasa pero sa tanong na 'to ay bigla siyang natahimik at nanatiling nakatulala na lang sa dalagitang nagtanong sa kaniya.
Dahil rito ay nagkaniya-kaniyang nagbulungan ang mga taong nakasaksi sa pagkatuliro ni Mr. Sandoval. At dahil rin sa tinanong ng babae ay nagkaniya-kaniyang tingin rin sila sa likod ng libro. Mayroon ngang babae, at base sa deskripsyon nito ay mukhang hindi siya kasama sa mga karakter ng libro.
Hanggang balikat ang maiksi nitong buhok na may pagka-wavy sa dulo. Nakasuot ito ng isang mahabang white dress at ang kapansin-pansin naman sa babaeng ito ay ang pakpak niyang kulay pink.
"Cupid..." Maya't maya ay nahanap na rin ni Mr. Sandoval ang boses niya at nagawa niya nang makapagsalita sa kabila ng halos isang minuto niyang pananahimik. "Isang...cupid..." dagdag niya sa tugon niya pero base sa kaniyang tono ay hindi siya sigurado sa sagot niya. Napuno ng pagtataka ang mukha ng mga tao dahil sa weirdo niyang sagot pero isiniwalang bahala niya na lang iyon dahil mas lalong hindi nila maiintindihan kung ipapaliwanag pa niya sa kanila kung bakit may babaeng kupido sa likod ng kaniyang sariling libro.
Chapter OneThe Case of Missing Laptop"Jessie, you know I always tell the truth," seryosong saad ni Dylan sa kaharap niyang babae.Dahan dahang tumunghay si Jessie sa lalaking nasa harapan niya habang bakas ang gulat sa kaniyang mukha."I'm not just protecting you because of my guilt or because I dragged you into this. I'm protecting you because I have feelings towards you." Seryoso ang mukha ni Dylan habang binibitawan ang mga salitang iyon kay Jessie.Mahinang tumawa si Jessie. "You're just confused.""I am not," mariing tugon ni Dylan. "Kilalang kilala ko ang sarili ko, Jessie." Diretso siyang t
Chapter TwoGhost Writer"MAMA! MAY MAGNANAKAW!"Dahil sa isinigaw ni Eros ay nataranta ang babaeng pangahas na pumasok sa kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata nito habang kukurap kurap na tinuturo niya ang sarili niya."Ha? Teka? Nakikita mo ko?" reaksyon nito pero hindi nito pinansin ni Eros hanggang sa dumating na nga ang ina nito sa tabi niya."Oh? Nasaan ang magnanakaw?" kaagad na lumabas sa bibig ng ina niya. Bitbit-bitbit na nito ang sandata niyang walis tambo na handang handa na niyang ihampas sa mga kampon ng kadiliman.Kaagad tinuro ni Eros ang babaeng may pakpak. "Ayan Ma! Nasa harapan lang
Chapter ThreeYes or YesSa dami ng nabasa ni Eros, dumating rin sa punto na nagsawa na siya sa kakabasa. Hindi dahil sa hindi na niya nagugustuhan ang mga nababasa niya kundi dahil hindi na siya nakukuntento na hanggang sa pagbabasa na lang ang ginagawa niya. Doon pumasok sa isip niya na magkaroon ng panibagong libangan bukod sa pagbabasa ng mga mystery novels.Inumpisahan niya sa papel. Kahit maraming grammatical errors ay tinuloy niya pa rin ang pagsusulat dahil wala pa siyang masyadong ideya sa kaniyang ginagawa. Ang alam niya lang ay nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na inilikha niya na nagmula sa isang inspirasyon na nakuha mula sa iba't ibang nobelang nabasa niya.Mula sa papel ay lumipat siya
Chapter Four Fourteen Mahirap para kay Eros na i-imagine ang sarili niyang palaging may taong nasa tabi niya o kahit may isang tao man lang na nakakasama niya nang matagal. Kung hindi niya nga nakikita ang sarili niya na magka-bestfriend paano pa kaya ang magka-jowa? Hindi alam ni Eros kung ano ang nangingibabaw na emosyon niya ngayon. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo sa batok. May tatlong klase kasi ng cringe. May cringe na ang epekto ay inis or galit. May isa pang uri ng cringe na parang nahihiya ka. At ang huli ay natatawa ka kasi nga cringe. Ngayon, sabay sabay niyang nararamdaman iyon. Naiinis siya na medyo natatawa. Pero bago pa man lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig
Chapter FiveThe Encounter of Two LoversPaano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Cr
Chapter SixFriend RequestKasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse
Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub
Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy