Elona's POV
“Umm, pwede ba akong mag-tanong?” nahihiya kong saad sa kanya. Hindi parin kasi siya umaalis simula kanina, para raw may kausap naman ako. Napakabait niya para sa isang lalaki.
“Ah, sige ano 'yon?” nag-aantay na lamang siya sa aking itatanong kaya nama’y hindi na ako nag pa tumpik-tumpik pa at tinanong ko na agad siya.
“Kilala mo ba, kung sino ang nagdala sa akin dito? At saka… wala akong ka alam-alam patungkol sa unibersidad na ‘to.”
“Ahh—‘yon ba? Si Admin Kairo ang nagdala sa'yo dito, sa p-paaralan.” parang napipilitan niyang sabi ngunit ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon.
“Gano’n ba, maraming salamat pala sa tulong, at saka… saan ko ba mahahanap ‘yung sinasabi mong si Admin Kairo?” diretsahang tanong ko sa kanya.
Gusto ko kasing pasalamatan man lang siya dahil sa pagsagip niya sa akin doon da kagubatan.
“Huwag kang mag-alala, lady, makikilala mo rin siya sa ngayon, magpapakilala muna ako sa’yo.” Sabay lahad niya ng kanyang kanang kamay sa aking harapan. “Ako pala si Marvin…Marvin Wingston.” Pagpapakilala niya pa at inabot ko naman agad ang kamay niya.
“Elona Del Santiago.” Maikling tugon ko sabay ngiti sa kanya. Sana maging magkaibigan kami balabg araw, pangarap ko kasing magkaroon ng kuya.
Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan pabukas ng aking matutuluyang kuwarto sabay pasok ko na agad sa loob.
Namangha naman agad ako dahil sa kagandahan na taglay nito, “Ang ganda…” hindi parin makapaniwalang saad ko sa’king sarili habang nililibot ng aking paningin ang kabuuan ng kuwarto.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng napakagandang kuwarto katulad nito, do'n kasi kina tita pinapatuloy lamang nila ako sa bodega at binigyan lang nila ako ng isang sofa at doon ako natutulog.
Katabi ang mga daga at ipis, gusto ko man silang labanan noon kaso wala akong lakas ng loob, kaya nama’y ngayon ko lang napagtanto na sobra na sila…pero kahit gano’n ang turing nila sa akin nag-alala parin ako sa kanila.
“Kamusta na kaya sila?” bulong ko sa kawalan habang nakahilata na sa aking napakalambot na kama, iwinakli ko nalang ang aking iniiisip at tumingin ulit sa kabuuan ng napakagandang kuwarto na ito.
Hindi naman sya masyadong kalakihan katam-taman lamang ito para sa dalawa o isang tao. At saka, ang ganda ng kulay ng buong kwarto…kulay pink tapos ang kisame nito ay puro mga desenyo ng bulaklak ang nakalagay, ang ganda talaga…ito ang pangarap kong magiging kwarto balang araw.
Pero ngayon, heto ako’t nasa harapan ko na.
“Teka, pansin ko lang...bakit ang hilig ng may-ari ng unibersidad na ito ng bulaklak? Ahh, siguro dahil babae ang may-ari,” sabay tango-tango ko sa sarili kong sinabi.
Nagugutom na ako…
Akmang maghahalungkat na sana ako ng maari kong pagkain ng bigla ko nalang maalala na wala pala akong nadala na kahit anong gamit galing sa bahay namin.
Napatampal nalang ako sa sarili kong noo. Ang tanga mo talaga EL. Kastigo ko sa aking sarili.
Natigil nalang ako mula sa malalim kong pag-iisip ng bigla nalang tumunog ang aking pintuan pindutan ng aking pintuan dahilan upang magtaka kaagad ako.
Wala naman akong inaasahang bisita ah?
Dali-dali ko namang binuksan ang pinto at tumambad kaagad sa akin ang napaka gwapo at maamong mukha ni Marvin.
“Oh ikaw pala Marvin, halika pasok ka,” sabi ko sa kanya na may mga ngiti sa aking mga labi, at niluwagan ang pagkakabukas ko sa pinto.
“Salamat nalang El, pero pumunta lamang ako dito dahil alam kong nagugutom kana, haha. Ano? tara? Samahan na kita sa cafeteria!” masiglang banggit niya sa akin sabay wagaywag pa niya ng kanyang kaliwang kamay sa ere. Dahilan upang mapatawa ako. Pero wala akong pera.
“P-pasensya na Marvin, prro wala kasi akong pera eh.” namumula na siguro ang aking buong mukha dahil sa hiya kaya nagulat nalang ako ng bigla nalang itong humagalpak ng tawa.
“It’s okay EL, libre lahat ng pagkain dito 'wag kang mag-alala. At saka bago ko makalimutan, sa susunod na linggo ka na pala magsisimulang mag-aral dito… heto ‘yung uniform mo.” sabi niya sabay bigay sa akin ang nakasupot na damit.
Tinanggap ko na lamang ito at inilagay sa aking kama mamaya ko na lang 'yan susukatin sa ngayon, pagkain muna!
Alas dos na ng hapon kami natapos kumain ni Marvin sa cafeteria. Nauna na siyang umalis sa'kin dahil may gagawin padaw siya.
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong kumain kanina ang kasi ng mga putahe nila rito, at saka balang araw gusto ko talaga maging isang propisyonal na manluluto pangarap ko talaga ‘yon, simula no’ng nagkamuwang na ako.
Napatigil nalang ako sa harapan ng isang opisina ‘Admin office’ ito na siguro ‘yung tinutukoy ni Marvin. Kaya hindi na ako nagpa-tumpik-tumpik pa’t kumatok na kaagad ako sa pintuan.
Bakit ba kinakabahan ako? Magpapasalamat lang naman ako ah?
“Come in.” may diing saad ng isang baritonong boses mula sa loob dahilan upang mas lumakas pa ang pintig ng aking puso. Sabay dahan-dahan kong biKan ang pintuan.
Tumambad sa aking harapan ang nakaupong lalaki na sa tingin ko ay nasa 20’s na ito, ang mga kulay berdeng mata niya ay nakakalula at bumagay ito sa kanyang napaka gwapong mukha.
Para siyang isang buhay na anghel dahil sa taglay niyang ka-gwapuhan.
Ano kaba EL! Tumigil ka riyan! Kastigo ko sa aking sarili.
Pero teka? Siya ba talaga ang admin ng unibersidad na ito? Masyado naman siyang bata para do’n, iwinaksi ko nalang ang aking iniisip bago pa kainin na naman ako ng aking kyuryusidad.
“K-Kayo po ba si Mr. Kairo?” nag-aalangan kong tanong sa kanya sabay tingin sa kanyang kinaroroonan at nagulat nalang ako ng mapagtanto kong nakatingin rin pala siya sa akin.
Kaya nagkasalubong ang aming mga mata at dahil sa sobrang ilang ay ibinaba ko nalang ang aking paningin sa sahig. Nakakahiya.
“Yes, I am. What do you need?” alam kong nakatuon parin ang tingin niya sa akin habang binabanggit ang mga katagang iyon
Ano ba’ng pinagsasabi niya? Pilipinas’to ‘diba? Bakit halos puro ingles nalang ginagamit nila rito?
“Pasensya na pero hindi ko po masyadong maintindihan ang sinasabi niyo,” nag-aalangang tugon ko sabay lunok ko sa sarili kong laway. Grabe, bakit kinakabahan ako sa prisensya niya?
Nahihibang na nga siguro talaga ako….
Elona's POV"H-hindi..." napahawak ako sa aking baba dahil sa sobrang emosyon na bumabalot sa'kin ngayon. Ipinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng dalampasigan at kitang-kita ng dalawang mata ko ang nagsisidlakang mga Christmas lights at ang naka kalat na parang red carpet na pulang rosas sa buhanginan.Napa tingin din ako sa gilid ko ng marinig kong may kumakanta doon and it was a chiore, na puno ng puro staff dito sa resort.Dahan-dahang dumapo ang mga mata ko sa mga taong nandito ngayon. I-It was Lavisha with a baby in her hand at Kairo. Ang kasunod namang naka agaw ng pansin ko ay ang lalaking naka itim na suit na nasa gitna nila Lavisha.Dahan-dahan akong humakbang pa punta sa gawi niya at kitang-kita ko ang napakalawak na ngiti na naka paskil sa mukha ni Laurier. Sa bawat paghakbang na ginawa ko ay siya naman ang pag hangin ng malakas sa dalampasigan dahilan upang dalhin nito ang buhok
Laurier's POV"It's the day, ready na ba ang lahat?""Oo naman, ano akala mo sa'min? 'Di ba hon,""Yup. It's all set, brother. And anyway, thank you for letting us explore the world of human," I just silently chuckled."Most welcomed. And take note, that's only for today, okay? Malalagot ako sa Asawa ko kung mapapansin niyang wala sa leeg niya ang kuwintas.""Yeah, yeah. Whatever," natatawang nilagay ko na ang phone sa table. I stared at my wife's beautiful face. She's still asleep right now, it's still 5am in the morning. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok dahilan upang mag mulat siya ng mata."Hey, you're awake already?" bumangon siya at kinusot-kusot ang kaniyang mata. "Give me a kiss." ininguso ko agad ang aking mga labi. Tinampal naman niya ng mahina ang aking balikat sabay tabon sa kanyang sariling bunganga.
After two weeks. Yes, you read it right. Two freaking weeks at ngayon pa mismo ang araw na pupunta kaming pareho sa Palawan para sa honeymoon namin, pero heto kami ngayon, walang imikan na nagaganap."Hey, Anak, where's your husband? Dapat nasa Palawan na kayo ngayon 'di ba?" ngumiti lamang ako ng simple."Siguro busy lang Ma, p'wede namang ipag-pabukas na lang,""Ha? But it's already two weeks, naman, mamatay yata akong walang apo nito." nanlaki naman kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama at napa upo na lang sa sofa."Mom! Pupunta lamang kami doon para mag rellax, 'yun lang." giit ko."Nag-away ba kayo?""H-Hindi, ah!" napa lakas ko pa ang tono ng boses ko kaya napa mura na lang ako ng palihim. Nasa'n na ba kasi ang lalaking 'yon? Sabi kong sunduin ako sa bahay ng alas nuwebe ng umaga ngunit hanggang ngayon wala pa.Bumalik na lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang mga kamay ni Mom na humawak din sa kamay ko. Napa lingon
Elona's POVNever regret the day in your life that good days bring happiness, bad days brings experience's, worst days give lessons, and best days give memories.Marami na kaming napagdaanan ni Lary na mga problema sa buhay, at nandito na nga kami sa parteng pang habang buhay naming pangangatawan.It's been two years since he once proposed to me. And that was a unforgettable moment, imagine, laman kami ng mga diyaryo at balita dahil sa pauso niyang may pa kulong kulong pa."Elona Anak, are you ready?" I looked my reflection in the mirror in front of me. I'm stunning, like a princess in a white gown dress. I smiled at my Mom."P'wede pa bang mag back-out?" natatawang turan ko. Agad n umiling si Mom, "No, you're not allowed to." pabirong sabat naman ni Dad, na kaka pasok lamang sa loob ng kuwarto kaya napa iling-iling ako."Kayo talaga," hindi mapuknat ang ngit
Nagulat na lang ako ng biglaang may humawak sa kaliwang mga kamay ko."Laurier?" gulat na saad ko at nakita ko naman sa likod niya ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Mama at Papa."Oo na 'yan!" sabay-sabay na sigaw ng mga reporter's na nasa likod ko kaya napalingon kaagad ako. Nakita ko pa iyong kaninang nagsabi sa akin kung anong pangalan ng restaurant na ang laki ng ngiti at abalang kumukuha ng picture's at gano'n rin naman iyung iba.Ibinalik ko sa harapan ang atensyon ko. Lumuhod sa harapan ko si Lary kaya napa atras kaagad ako at napahawak na lang sa sarili kong mga bunganga."A-Ano ba'ng n-nangyayari?" naguguluhan kong turan. Hindi siya nagsasalita at naka complete tuxedo pa siya ngayon at kita kong naka ayos talaga ang buhok niya ngayon. May binunot siyang kung ano sa kaniyang likuran at isa iyong maliit na kahon na kulay kahel.Binuksan niya ito at saka ngumiti ng napaka lapad sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata king dumapo ang aking mga ma
Elona's POVIt was the best vacation ever for me. Bumalik na rin sa dating takbo ang buhay ko at kasalukuyang nagkakape ako dito ngyayon sa sala. Bumalik narin kasi si Dad sa kompanya. Kaya heto ako, walang ginagawa, hay."Ma'am," napa lingon kaagad ako sa aking tagiliran. It was Manang Eltra."Yes, Manang?""Pinapasabi po ng Dad niyo na gagamitin niya mun daw cellphone mo." kumunot agad ang noo ko. Nagtataka naman ako dahil parang hindi maka tingin ng direkta sa'kin si Manang ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon."Why? I mean, It's not a problem, but, he have his own cellphone right? And anyway, kanina ko pa napapansin, nasa'n pala si Mom?""Nasa kompanya din po Ma'am, nasira po ang cellphone ng Dad niyo," napa 'ohh' na lang ako at walang pag-aalinlangang inabot ang cellphone ko at ibinigay ito sa kanya."Here, paki sabi din kay Da