Share

Chapter 4

Elona's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad agad sa akin ang napaka puting kisame, hindi ito ‘yong kuwarto ko. Tama, umalis na pala ako kina tita so…nasaan ako?

Patay na ba, ako? Ito na ba ‘yung tinatawag nilang kabilang buhay?

Napakapit nalang akong bigla sa aking ulo dahil biglaan nalang sumakit ito at unti-unting bumangon mula sa aking pagkakahiga. Hindi pa pala ako patay.

Bakit sobrang sakit naman yata ng katawan ko? Sabay hawak ko sa aking binti. Napangiwi nalamang akong bigla sa sobrang sakit na nanggaling dito.

“Pero teka? Nasaan ako?” sabay libot ko sa kabuuan ng nitong kuwarto. Base sa itsura nito ay nasanisang hospital ako. Teka? Nasaan na ‘yong nagdala sa’kin dito?

Akmang aalis na sana ako mula sa aking pagkakaupo sa kama ng bigla nalang mas sumakit pa ang sugat ko.

“Aray!” daing ko, “Pero nasaan ako? Imposible na mang nadala niya agad ako sa labas ng probinsya ng ganon-ganon lang,” bago ka kasi makapunta sa hospital sa probinsya namin ay mag-aantay ka pa ng ilang araw, bago may dumaan na sasakyan pa puntang syudad.

Bumalik nalang ako sa reyalidad ng may biglang nagsalita sa aking tagiliran dahilan upang mapalingon agad ako dito.

“Excuseme Ma’am, okay na po ba kayo?” tanong ng babae sa akin, napa nga-nga nalang agad ako dahil sa taglay na kagandahan nito, sa tingin ko  siya ang nurse rito. Base sa kanyang suot na damit nito ngayon. Mabuti nalang at nakapag-aral ako ng elementarya at para hindi naman ako masyadong ignorante sa mga bagay na ganito.

“Ma’am?” tanong niya ulit dahilan upang bumalik ako sa reyalidad.

“Ah—oo, maayos-ayos naman ang aking pakiramdam,” tugon ko sa kanyang tanong na naiilang pa. Kung hindi lang siguro siya nurse, pwede siyang sumali sa mga beauty pageant.

“P-Pero ate, pwede ba akong magtanong?” nahihiya kong saad sa kanya sabay kamot ko sa aking leeg.“Oo naman,” sabi niya sa akin na may ngiti sa mga labi. Ang ganda talaga niya.

“Nasaan po ba ako ngayon?” naguguluhan kong tanong sa kanya, “Saka…wala po akong sapat na pera p-pambayad sa pag-gamot niyo sa akin rito sa hospital.” Nahihiya ko paring turan sa kanya, kunot noo naman niya akong binalingan ng tingin.

“Hospital? Hindi naman ito hospital, nandito ka sa clinic ng Dankworth University ngayon. May nakakita daw kasi sa'yo na nakahandusay ka lang sa field na walang malay. Kaya dinala ka rito sa clinic.” mahabang eksplenasyon niya sa akin habang ako naman ay pilit prino-proseso ng aking utak lahat ng kanyang pinagsasabi.

“I-Imposibleng nasa isang unibersidad ako, wala namang unibersidad malapit sa bayan,” naguguluhang turan ko pabalik sa kanya, “Ha? Bayan? Ano ba’ng pinagsasabi mo diyan? Hindi nga tayo pwedeng lumabas sa unibersidad na ito eh.

Hangga’t hindi tayo nakakapagtapos.” Sabay kuha na niya ng kanyang mga gamit sa gilid ng mesa at tumingin ulit sa gawi ko.

“Pwede ko bang malaman kung sino ang naghatid sa akin dito?” tanong ko ko nalang sa kanya upang maiba ko ang usapan.

“Ewan ko kung sino, dahil pag dating ko dito nakahilata kana riyan sa kama,” paliwanag niya sa aking katanungan na parang na iirita na ito kaya nama’y pinili ko nalang manahimik at pilit pinapakalma ang aking sarili.

“Ah—gano’n po ba? Sige, maraming salamat po,” magalang kong saad sa kanya at umalis nga siya ng tuluyan sa loob. Kasabay din naman nito ang paglabas ng mabigat na hininga sa aking bibig.

 Nasa'n ba, kasi talaga ako?

Kahit na masakit pa ang aking mga kalamnan ay pinilit kong tumayo mula sa aking pag-kakaupo sa aking kama. Sabay pa ika-ikang naglakad putungong pintuan at dahan-dahan na binuksan ito..

Napa nganga nalang agad ako dahil sa sobrang pagka mangha at gulat…

Totoo ba ito? Ito ba ang tinatawag nilang unibersidad katulad ng pinag-aaralan ni Lia? Hindi maka paniwalang bulalas ko sa aking isipan, para akong nalulula dahil sa kalakihan ng paaralan na ito.

Napakalawak ng kanilang lugar at sa gilid ng field ay may mga nakalagay na upuan at ang disenyo nito ay puro mga bulaklak lamang, at sa gilid nito ay may mga bulaklak din at iba-iba ang mga kulay nito.

Sa bawat madadaanan mong mga upuan ay may mga matataas kang puno na makikita dahil ito ang nagsisilbing pantakip sa init ng mga tao dito.

Nakakamangha…

Mula kasi sa aking kinatatayuan ngayon ay matatanaw mo ang buong unibersidad. Mahal kaya ang bayad ng mga nag-aaral dito?

Napakalaku kasi ng mga estruktura nito at halatang-halata na mamahalin ang mga materyales na ginamit nila sa pagbuo.

 Bumalik nalang ako sa reyalidad ng narinig kong may nagbubulungang mga tao sa aking tagiliran.

“Ay grabe, ang chaka niyang tingnan ha?”

“Bagong salta na naman ba ‘yan?”

“Oiy, chong, bagong chiks na naman oh, siguro siya 'yung transferee,”

“Ligawan mo na! HAHAHA”

“ Ganda, ni ate oh, sanaol makinis huhu..”

“Ano kaya gamit niyang gluta?”

Ilan lang ‘yan sa mga narinig ko, ngunit ang iba ay hindi ko maintindihan. Para naman akong hindi nakatira sa pilipinas nito.

Napahakbang nalang ako papalayo doon sa mga nag kukumpulang tao dahil nakakahiya nakatingin silang lahat sa akin. Ayoko ng atensyon.

“Saan na ako pupulutin nito ngayon?” walang ganang turan ko sa aking sarili.

“Umm, kayo po ba si miss Elona?”

“Ay, kabayo!” biglaang saad ko dahil sa gulat, sino naman ‘to?

“O-Opo ako nga po si Elona, pero paano niyo po nalaman ‘yong pangalan ko?” magalang kong saad sa halos ka edad ko lang na lalake, pero kahit mag kasing edad lang kami kailangan ko parin maging magalang baka mapagsabihan pa ako na walang modo ‘no.

“Umm—kasi you, already enrolled in this university oo ‘yun!” bakit parang pakiramdam ko ay kinakabahan siya? “Heto nga pala 'yung dorm key mo at ‘wag mo na ako tawaging ‘po’ mag kasing edad lang naman tayo,” nagtataka ko namang tinaggap ang susi na inabot niya sa akin.

“Wala akong pambayad,” saad ko sabay abot ko pabalik sa kanya ‘yung susi dahilan upang mapatawa gad siya sa ginawa ko. May nakakatawa ba? O, may sayad lang siguro siya sa utak?

“Anong nakakataw—”

“Wala ka ng dapat bayaran pa, libre na ‘yon lahat.” Nanlaki naman agad ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi, “T-Totoo? Wala man lang akong babayaran na kahit isang kusing?” ‘di makapaniwalang tanong ko sa kanya kaya napatango-tango lamang ito.

“Oo, at dito ko narin mag-aaral as a Senior High student.” May ngiting saad niya dahilan upang mapangiti na rin ako. Hindi ako sigurado kung biyaya ba ito o, isang pagsubok na naman sa akin ng panginoon. Pero sa ngayon, lulubus-lubusin ko nalang muna.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status