Elona's POV
"Oo ako nga 'yon, anong kailangan mo?" seryoso niyang saad sa akin na walang kahit anumang emosyon mula sa kanyang pagmumukha.
Sinenyasan naman niya ako na ma upo malapit sa kinaroroonan ng table niya dahilan upang manghina ang tuhod ko't bumilis na naman ang tibok ng aking puso.
Pero kahit na kinakabahan, ay pilit ko paring nilabanan ito at tumikhim muna bago magsalita ulit.
"G-Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa ginawa niyong pag-dala sa akin dito at sa pag-bibigay ng libre kong edukasyon. Lalong-lalo na sa pag-ligtas mo sa akin mula sa kagubatan." seryoso kong pagpalasalamat sa kanya habang pinipilit ko ang aking sarili na hindi ma utal.
Napaangat naman agad siya ng kanyang ulo mula sa pagbabasa niya ng diyaryo at kunot noo akong binigyan ng tingin.
"Me? I brought you here?" Saad niya sa akin pabalik sabay turo niya sa kaniyang sarili na animo'y hindi ito ma kapaniwala sa sinabi ko.
Mabuti na lang naintindihan ko 'yung ingles na sinasabi niya, nako.
"H-Hindi po ba ikaw 'yon?" naguguluhan ko ring saad sa kanya pa balik. Ano ba ito? Sabi ni Marvin siya 'yung nagligtas sa'kin?
"Y-Yeah, don't worry about it. Enjoy your stay here." parang naguguluhan pa rin niyang saad. Kaya nama'y kahit gusto kong magtanong ay itinikom ko na lang ang aking bibig.
'Mas mabuti pa'ng itikom mo na lang ang bibig mo EL, manahimik ka na lang.'
"Maraming salamat po talaga Mr. Kairo ma uuna na po ako," akmang aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita ulit, dahilan upang ma pa tigil ako sa aking paghakbang palabas.
"Sa susunod Ms. EL, h'wag mo na akong tawaging 'po' hindi pa ako gano'n ka tanda. And one more thing...starting from now, you'll get used to it." saad ni Kairo sa akin dahilan upang kumunot ang aking noo, nakita ko kasi ang pagsilay ng isang kaunting ngiti sa kanyang labi.
"S-Sige," agarang turan ko sabay sarado ko na agad ng pintuan. Palagay ko...sinadya niya talagang sabihin sa ingles 'yong huli niyang sinabi kanina. Nako, ewan.
****
Nandito na ako sa loob ng aking kuwarto ngayon ngunit hindi ko pa rin mawari kung bakit naiilang akong kasama kanina si Kairo.
Napatingin nalamang ako sa aking orasan at alas-onse na pala ng gabi, "Nakatulog pala ako," sabay ng pagtunog ng aking tiyan dahil sa gutom. Napasimangot naman agad ako at na pa hawak na lang sa aking tiyan.
Sanay kasi akong ganitong oras kung saan tulog na sila tita, doon ako kakain ng aking hapunan. 'Yon lang kasi ang oras na tulog na sila at p'wede akong makakain ng matiwasay.
"Bukas, pa naman siguro 'yung cafeteria ngayon?" Tanong ko sa 'king sarili't bumangon na mula sa aking pagkakahiga sa kama. Ang ganda talaga ng kuwartong ito...
Dahan-dahan ko ng pinihit pabukas ang pinto ng mapatigil ako dahil sa napakaraming alitap-tap na nag-sisiliparan sa kalangitan."A-Ang daming alitap-tap..." namamanghang saad ko sa aking sarili.
'Grabe! Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang lugar dito sa Pilipinas!'
Akmang susundan ko na sana 'yung pinaka dilaw na alitap-tap ng bigla na lang kumulo ulit ang aking tiyan. "Tama, nagugutom pala ako." Biglaang saad ko at nagmamadaling tumungo sa cafeteria.
Nandito na ako ngayon sa loob ng cafeteria at totoo nga ang sabi sa'kin ni Marvin, bukas nga ito. Ang dami paring mga pagkain na naka display roon sa kanilang nilalagyan ng mga pagkain kaya naman ay hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa't kumuha na agad ako.Habang kumakain ay napaisip ako...bakit ang ibang estudyante ay gising pa? Eh...hating gabi na ah? Sabay baling ko ng tingin sa orasan.
May nakikita pa kasi akong mga estudyanteng naghaharutan pa doon sa gilid ng field. Akala mo naman hindi sila maghihiwalay, maghihiwalay rin kayo!
Pero di nga, mag-mamadaling araw na ah? Bakit gising pa sila? Hay, bahala sila sa buhay nila...hindi naman ako 'yung magkaka-jetlag. Sabay subo ko na ng aking pagkain.
Nandito parin ako sa labas ngayon, sa harapan ng aking dormitoryo habang nag mumuni-muni muna. Tumingin ako sa aking relo, "Alas-dose pa pala," mahinang turan ko sa aking sarili at ibinalik ang aking paningin sa madilim na kalangitan.
Kahit na gusto kong matulog ng maaga ay pinipilit ko ang sarili kong hindi gawin iyon.
Nakagawian ko na ito simula noong kinse anyos palang ako. Hangga't hindi pa mag-aala-una ng umaga ay hindi pa ako matutulog. Natatakot kasi ako na baka mapanaginipan ko na naman ulit ang babaeng iyon.
Palagi na lang siyang umiiyak sa panaginip ko't naririnig ang palaging umiiyak na boses niya. Pilit ko ring tina-tandaan ang kanyang mukha, pero sa tuwing iminumulat ko na ang aking mga mata ay nakakalimutan ko na ito.
'Sino ba kasi talaga iyon?'
Pero... parang pamilyar talaga 'yung kagubatan na dinaanan ko no'ng gabing 'yon, saan ko nga ba nakita ulit 'yon? Hay, ewan.
Siguro dahil na rin sa katandaan ni manang tindera kaya nakalimutan na rin niya ang daan papuntang terminal. Sabay tango-tango ko. Senyales ng pag-sang-ayon ko sa aking sinabi.
Bumalik na lamang ako sa reyalidad ng humangin na naman ng napaka lamig at dumampi na naman ito sa aking mukha na para bang may ipinapahiwatig ito.
Napahawak naman agad ako sa magkabilaan kong mga braso sabay kis-kis ko upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman.
Wala sa sariling napahawak akong bigla sa aking dib-dib dahil nararamdam ko na naman ang pag-huhurumintado nito.
Napalingon na lang akong bigla sa aking likuran ng maramdaman kong may naka tingin sa akin. "May tao ba diyan?" kinakabahang tanong ko at dahan-dahang tumayo mula sa aking pagkakaupo sa sementadong upuan.
Imbes na may marinig akong tugon sa aking tanong ay kaluskos lamang ng mga layang dahon 'di kalayuan sa aking kinatatayuan ang aking narinig. Na nindig na man ang balahibo sa aking katawan.
"M-Magpakita ka!" matapang na sigaw ko sabay handa ko na ng aking kamao. Kahit na nanlalambot na ang aking mga tuhod ay pilit ko pa ring nilalabanan ito.
Napapikit na lang akong bigla ng may maramdaman akong aninong papalapit sa direksyon ko. Sabay siklop ko ng aking dalawang kamay, sa magkabilaan kong mga teynga.
'Gusto ko pang mabuhay! Deshe-shete anyos pa lang ako!' Reklamo ko sa aking isipan habang nakapikit pa rin ang aking mga mata at naghihintay sa atake ng kung sino man 'yon.
Ngunit ilang minuto na rin ang nakalipas ng wala paring nangyari at napagdesisyunan kong dahan-dahan na imulat na ang aking nga mata.
"N-Nasaan na 'yon?" nanginginig kong tanong sa aking sarili sabay linga-linga ko sa buong paligid. Hindi na ako nagpa-tumpik-tumpik pa't tumakbo na agad ako sa aking dormitoryo na parang kwitis.
Sabay talukbong ko na agad ng aking kumot. 'Aswang kaya iyon?' Nako naman...ilang araw palang ako rito, h'wag niyo naman akong takutin ng ganyan! Reklamo ko sa aking isipan at hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong kinain ng aking antok.Elona's POVAraw nang sabado ngayon at 7:00am palang ng umaga ay gising na ako. Na pag planuhan ko kasing mag libot-libot muna dito sa unibersidad. Wala namang klase ngayon ang mga estudyante siguro, dahil sabado na man. Para hindi na rin ako mawala kung maghahanap man ako ng classroom ko sa lunes.Nakasuot ako ngayon ng simpleng puting damit pang-itaas at ang pang ibaba ko naman ay palda na hanggang tuhod ko. Mabuti na lang at may nahalungkat ako doon sa kabinet.Kanino kaya 'tong damit na 'to? Ngayon pa lang, pasensya na...wala na talaga akong ma-i-suot eh.Naka lugay lamang ang aking hanggang beywang na buhok. Hindi na rin ako nag abalang maglagay ng kahit anong pampaganda sa aking mukha dahil wala naman akong gano'n. At saka...hindi naman kailangan 'yon, basta mabuhay ka lang rito sa mundo, okay na 'yon. Napaka swerte mo na."Pero manghuhula ba ang gumawa ng kuwarto na 'to? O, lahat talaga na kuwarto rito ay may disenyong bulaklak?" nagtatakang
Elona's POVTinuro ni Marvin kung saan 'yong magiging locker room ko. Na mangha nga ako kasi may kanya-kanya kaming mga lagayan ng aming mga gamit.Pumunta na rin kami sa gymnasium nila rito, hindi na ako na gulat ng napakali nito. Cafeteria nga nila sobrang magarbo eh, ano pang aasahan ko sa gymn nila?Kahit papaano kasi, nakapag-aral naman ako ng elementarya sa sarili kung sikap. 'Yun nga lang, hanggang grade 6 lang. Pero kahit gano'n nakatulong pa rin ito sa akin para matuto ako ng kahit kaunting Ingles man lang.Naalala ko pa noon kung pa'no tumutol roon si tita no'ng nalaman niyang nag-aaral ako ng palihim.Dahil wala naman daw akong ma papala sa ka-ka-aral ko. Kaya ginawa niya ang lahat upang ma patigil ako. Ayaw na ayaw niyang nakikita akong uma-asenso o, sumasaya.Ano ba EL? Nandito kana oh? May tumulong na nga sa iyo, kaya't h'wag m
Elona's POVMaaga akong nagising upang mag handa sa unang araw ko sa klase ngayon, ala-singko palang ng umaga ay gising na ako.Siguro masyado lang akong kinakabahan, syempre, pagkatapos ng mahaba-habang panahon ngayon lang ulit ako makakapag-aral.Balak ko ring ipagluto ng adobong manok si Kairo. Hindi parin ako komportable sa kanya pero ito lang ang paraan upang makabawi naman ako sa kabutihan na ginawa niya.Unti-unti kong hinarap ang aking sarili sa salamin nitong banyo. Napahawak na lang agad ako sa aking leeg dahil parang may napapansin akong maliit na parang nunal doon malapit sa aking kanang teynga.'Kailan pa ako nagkaroon ng nunal rito?' Nagkibit balikat nalamang ako at itinuloy ang pag-aayos ng aking sarili. 'Baka nariyan na yan dati pa ngayon ko lang na pansin.'"Ganito ba talaga uniporme nila dito? Nakakahiya naman kung ganito ang aki
Elona's POVAlas k'watro na ng hapon ng matapos ang aming klase kaya nama'y niligpit ko na ang aking mga gamit sa aking lamesa."Uy EL! May gagawin ka ba ngayon?" masiglang tanong ng aking katabi na si Lavisha. Mababakas mo talaga sa mukha nito ang kasiyahan niya. Lavisha Scott pala ang buong pangalan niya.Napa-iling-iling na lang ako dahil sa sobrang dal-dal nito. Ibang klase din 'tong babaeng 'to 'no...parang walang kapaguran kung magsalita, sabay buntong hininga ko. Kahit siguro isang salita wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita."Pasensya na Lavisha, meron pa kasi akong pupuntahan mamaya eh," sabi ko sa kanya dahilan upang mapasimangot nalang itong bigla. Nakonsensya naman agad ako dahil sa mukha nitong parang pinagsakluban ng langit at lupa."Sige, sa susunod na lang siguro." walang ganang turan niya pabalik sa akin kaya napatampal
Elona's POV["Elona! Halika nga dito!" malakas na sigaw ni tita sa akin. Sumunod naman agad ako at pumunta agad sa sala habang puno pa rin ng bula ang aking kamay dahil galing lang ako sa pag-lalaba."Ano po 'yon, tita?" Nagulat na lang ako ng bigla niyang hugutin ang mahaba at napaka-itim kong buhok, "Aray!" malakas na daing ko. "Tita tama na po!" Nag-susumamo ko nang saad sa kanya.Ngunit hindi ito nakinig at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa aking buhok. Napakagat na lang ako sa aking pang-ibabang mga labi. Ang sakit...ang sakit-sakit."Sabihin mo nga! Ikaw ba ang nag-nakaw ng pera ko dito sa lamesa!?" Napapikit na lang agad ako dahil sa lakas ng pag kakasigaw ni tita."H-Hindi po ako, kanina pa ako naglalaba, kaya wala po akong--""Sa tingin mo paniniwalaan kitang hampas lupa ka!?" mas idiniin pa ni tita ang pagkakahawak niya sa buhok
Third person's POV Pagkatapos ng pag-uusap ni Kairo at Elona ay bumalik na agad ang dalagita sa kaniyang dormitoryo. Habang si Kairo na man ay pabalik-balik sa kaniyang kina lalakaran at parang hindi ito mapakali. 'That's impossible...I already told Miss Scott to erase her memories, then how?' Piping kuwestiyon ni Kairo sa kanyang isipan. Natigilan na lang si Kairo sa pag-iisip ng ma-a-lala din niya 'yong gabi na nakita niya si Elona na naka handusay sa gitna ng malaking field dito sa paaralan. "Unless...it doesn't really work on her?" hindi rin siguradong turan ni Kairo sa kanyang sarili. Napatayo na lang agad si Kairo at dumiretcho na lang sa kaniyang kama at isinalampak ang sarili niya doon. "Whatever, it doesn't really concerns me." ipinikit na niya ang kaniyang mga mata. Sa kabilang dako naman... "Ang bigat ng katawan ko," mahinang napa daing si EL nang sumakit na na man ang kanyang ulo. Napapansin din niyang palagi na lan
Handa na sana niyang atakihin ang guwardiya ng bigla na lang may tumakip sa kayang bunganga mula sa likuran dahil upang magpumiglas agad ang dalaga."Shhh, quiet." biglaang turan ng isang baritonong boses na alam na alam ni Elona kung kanino galing iyon, kay Kairo. Nanginginig na napa tango-tango naman kaagad siya. Napahawak na lang din si Elona sa kamay ni Kairo kasabay nito ang pagpikit niya ng kanyang mga mata dahil sa takot at bilis ng tahib ng puso niya ngayon.'Bakit pa kasi lumabas ako!'Naka hinga naman kaagad ng maluwag si Elona ng lumayo na ang guard malapit sa kanilang p'westo at dumiretcho na ito sa kabilang dormitoryo. Napa upo na lang siya sa malamig na lupa habang nanginginig pa rin ang kaniyang mga tuhod."What the hell, are you thinking Miss Santiago? Are you out of your mind!?" malakas na sigaw ni Kairo sa dalaga kasabay nito ang pag tayo ng binata.Hindi naman kaagad naka sagot si Elona dahil hindi niya akalaing tot
Lavisha's POV["EL! Gumising ka!" Malakas na sigaw ko. Pagbabayaran niyo talaga 'toNapa tingin na lang ako kay Kairo. "Ano? mag titinginan na lang ba tayo?" mataray na turan ko sa kaniya.Kahit kailan talaga walang silbe itong Kairo Dankworth na 'to, jusko."Erase her memories." Napa tigil na man agad ako sa aking ginagawa at marahas na napa lingon sa gawi niya."Seryoso ka?""Just do it. I don't know what his plans, but... let's trust him this time." napa ngiti ako ng palihim. 'Malaki talaga tiwala niya sa kanya huh?'"Okay," simpleng tugon ko. Inilagay ko na ang aking kamay sa ulo ni EL, kasabay nito ang pag bangit ko nang mga katagang kahit na si Kairo ay hindi ito maiintindihan."Geshiè rsa èkningre kora pseah ènrokièl skîbetch." pagkatapos kong bangitin ang mga katag