"My name is Mavi," anito noong tumigil ang sasakyan nito sa kung saan.
Mayamaya pa'y may pinindot ito sa may dashboard sa harapan niya at humugot ng isang malalim na hininga. Tahimik at nakasunod lang ang tingin ko sa bawat galaw nito. Kaya naman noong makaramdam ako nang bahagyang pagyanig ng lupa ay naging alerto ako. Napahawak ako sa baril na nakasilid sa bag ko at napatingin sa unahan ng kotse nito.
Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang pag-angat ng lupa sa harapan namin. Mayamaya pa'y muling pinausad ni Mavi ang sasakyan nito at dumaan sa isang lagusan mula sa nakaangat na lupa.
"Where are we?" Wala sa sariling tanong ko dito at tumingin sa likuran nang sasakyan. Mangha akong nakatingin sa dinaraanan namin at noong mamataang nagkusang sumara ang lagusan na dinaanan namin kanina, napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa pagkamangha.
"This is my place, my house," ani Mavi at itinigil na ang sasakyan nito. Naunang bumaba si Mavi at tahimik na sumunod dito. Pagkababa ko ay mas lalo akong namangha sa paligid. Nasa isang garahe kami na mayroong apat na sasakyan. Panglima na itong ginamit naming kanina. Sa unang tingin, malalaman mo agad na mamahalin ang mga ito! What is this? Mayaman ba itong tumulong sa akin? Nagpalinga-linga ako at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid. Sa harapan namin ay may isang pintuan na tiyak kong entrance ito sa pinaka-bahay nitong Mavi na ito!
"Come on. Kailangan mo nang magpahinga. Tsaka ko na ipapaliwanag ang lahat sa’yo," anito at nagsimula na itong maglakad patungo sa kung saan. Agad naman akong sumunod sa kanya habang panay pa rin ang tingin sa paligid.
Pagkapasok namin sa pinaka-sentro bahay nito ay halos mapatakip ako ng bibig dahil sa pagkamangha. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Oo nga’t nakakamangha rin ang mansiyon ni Dawnson pero iba ang lugar na ito!
"Your place is cool." Puri ko dito at inilibot ang buong paningin sa tahanan niya. "You live here?" Dagdag na tanong ko pa sa lalaki.
"Nope," sagot nito at naglakad patungo sa kusina sa gawing kaliwa namin. Pinagmasdan ko itong nagbukas ng isang kabinet at kumuha ng isang bote na sa palagay ko ay isang alak. I enhanced my sight para naman ay makita ko nang husto ang iniinom niya ngunit agad akong natigilan noong makitang nagsalin ito sa baso.
I'm a hundred percent sure na hindi alak itong inuming isinalin niya sa baso!
"It's a blood, Ice," anito at nginisihan ako. Napako ako sa kinatatayuan at mabilis na napaiwas nang tingin dito noong inisang tungga nito ang ininom na dugo. Damn! This is so wrong! Bakit dugo ang iniinom ng isang ito?
"This is our drink." Narinig ko pang sambit ni Mavi at naglakad ng muli pabalik sa akin. "Magpahinga ka na." Utos nitong muli at nagtungo sa isang mahabang sofa sa may salas nito. "Isa lang ang kwarto dito sa lugar na ito. Take my room and rest."
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at naglakad palapit sa kanya. Naupo ako sa bakanteng upuan sa gilid nito at inilapag ang dala-dalang bag.
"I want to know everything, Mavi. Tell me everything. Lahat nang nalalaman mo, sabihin mo sa akin." Mahinahong sambit ko dito at napayuko na lamang. Gulong-gulo na ako. Tila sasabog na ang ulo ko sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. I need to know the truth about myself. Kahit wala akong maalala, kailangan ko pa ring malaman ang mga nangyayari sa paligid ko. "Kilala mo ba ako? Iyong ako bago mawala ang alaala ko?" Marahang tanong kong muli sa kanya.
Ramdam ko ang titig ni Mavi sa akin ngunit hindi ako naglakas loob na mag-angat nang tingin dito. Natatakot akong tingin ito. Natatakot din ako sa maaring sabihin ni Mavi tungkol sa pagkatao ko.
"Wala akong alam tungkol sa pagkatao mo, Ice.” Natigilan ako sa sinabi niya. Nanatili akong nakayuko at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "Someone just asked me a favor. That's all."
"And that favor is me, right?" Sa pagkakataong ito ay tiningnan ko na siya. Kita ko ang walang emosyong mga mata nito kaya muli akong natigilan. Natigil ako sa paghinga at sinalubong lang ang mga titig nito sa akin. Damn! This man is dangerous! Mas mapanganib ito kaysa sa mga nakaharap namin kanina sa mansiyon ni Dawnson!
"Yes, Ice.” Walang buhay na sagot nito sa akin at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. "I owe that man my life. Kaya naman noong kausapin niya ako tungkol sa’yo ay hindi na ako nagdalawang-isip na pumayag sa nais niya,"
"Who's that man, Mavi?" Maingat na tanong ko dito.
Bigla akong nagkaroon nang pag-asa dahil sa tinuran nito. Maaring may koneksiyon ako sa taong nanghingi nang pabor dito kay Mavi! Maybe he can help me with my lost memories!
"Sorry to burst your bubble, Ice, pero hindi ko sasabihin kung sino siya," anito na siyang ikinaawang ng labi. Napakurap ako at namataan ang pahiga nito sa mahabang sofa at mabilis na ipinikit ang mga mata niya. I sighed while looking at him. Mukhang waala akong makukuhang impormasyon sa kanya tungkol sa pagkatao ko!
"The Blood Clan and the Lunar Organization." I paused then looked at him intently. "Anong koneksyon ko sa kanila? Bakit nila ako kailangang makuha?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I need to know something right now!
Hindi ko inalis ang paningin kay Mavi at noong akmang magsasalita na sana akong muli, mabilis na nagmulat ito ng mga mata at binalingan ako.
"You're not from our clan, Ice. Lalo na't hindi ka taga-Lunar. Now, tell me, sa tingin mo alam ko kung bakit nais ka makuha ng council ng parehong panig?" Umayos nang upo si Mavi at kinatitigan ako. "And that's the main reason why I'm here too, Ice. To know about you unidentified identity. Ano ang koneksiyon mo sa taong iyon? Bakit tila importante ka sa kanya at bakit halos makipagpatayan ang mga hunters makuha ka lang?"
Napalunok ako at napakuyom ng mga kamao.
"Are you going to hurt me?" May kabang tanong ko dito. Kita ko itong natigilan ngunit segundo lang ay ngumiti ito sa akin at marahang umiling na lamang.
"I told you earlier, Ice, I owe that man my life. Kahit gustuhin ko mang pabayaan ka ay hindi ko iyon magagawa. So, to answer that stupid question of yours," wika nito at kinatitigan muli ako nang mabuti. Segundo lang ay napaawang ang labi ko at halos mapatayo sa kinauupuan noong nagbago ang kulay ng mata nito! His eyes… it became a bloody red! "No, Ice. I won't hurt you. Unless you pull first a trigger on me."
Muli akong napalunok at pinakalma ang sarili. Damn! This man is really dangerous! Mali nga yatang sumama ako sa lalaking ito!
Nay Celeste! Please, find and help me!
"May tanong ka pa ba?" Tanong nito at nahigang muli sa sofa. "Kung wala na, magpahinga ka na."
"One more thing." Napakagat ako nang labi at nagdadalawang-isip kung itatanong ko pa ba ito o hindi na! Damn it! Baka ikapahamak ko pa kung itatanong ko sa kanya ang tungkol sa bagay na ito!
"Go on, Ice. Itanong mo na iyan," Napakurap-kurap ako noong magsalitang muli si Mavi. Nakahiga pa rin ito at nakatingin na sa gawi ko. I sighed again as I tried to pull myself together. Pinisil ko muna ang hinlalaki ko bago itanong sa kanya ang isa pang bagay na lalong nagpapagulo sa isipan ko ngayon.
"Are you a vampire?"
Napahiga ako sa malambot na kama at mariing ipinikit ang mga mata.
Pagod na pagod ang katawan ko sa mga nangyari ngayong araw. Sariwang-sariwa pa sa isipan ko ang nagyari sa amin sa may gubat kanina. Iyong pagsabog ng bahay namin nila Nanay Celeste. Iyong pagtakbo namin at pakikipaglaban sa mga Lunar's tracers. Iyong nangyari sa mansyon ni Dawnson. Ang sumpang sinambit nito bago sila makipaglaban sa mga Blood Hunters. Iyong pagtakas ko sa mga kalaban kasama ni Mavi. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi ko maalis kahit saglit ang mga nangyari sa akin.
Noon, ayos lang sa akin na wala ang mga alaala ko ngunit ngayon, ngayong nasa panganib ang buhay ko ay naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong maalala na kahit ano! Para akong isang batang walang alam sa mundong kinagagalawan ko! Hindi ko na alam kung sino o ano ba talaga ako! Hindi ko alam ang dahilan kung bakit may mga humahabol sa akin! Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos ng gabing ito!
Napaangat ang kamay ko at kinatitigan ang suot na pulseras. Ito iyong suot-suot ko noong matagpuan ako nila Nay Celeste at Tay Manuel sa kagubatan. Ang natatanging bagay na mayroon ako bago mawala lahat ng alaala ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at marahang hinaplos ang nakaukit kong pangalan at napabuntong hininga na lamang.
"Ice.” Mahinang sambit ko. "Ito ba talaga ang pangalan ko?" Napabuntong-hininga na lamang muli ako at ibinagsak ang kamay sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at inalala ang isinagot ni Mavi sa naging tanong ko sa kanya kanina.
"Are you a vampire?"
Kita kong natigilan si Mavi at nginisihan ako. Naupo itong muli mula sa pagkakahiga niya at pinagtaasan ako ng isang kilay.
"Saan ka nga ulit napulot nila Celeste?" Ngumisi ito at umayos nang upo. "The Blood Clan is not just a typical group of vampires, Ice. Iba ito sa mga naririnig mong kwento tungkol sa amin. Vampires? Sounds weak to me. But we live for blood. Dugo ang bumubuhay sa amin,” aniya at mahinang tumawa.
"You live for blood, Mavi. Uminom ka rin kanina ng dugo kaya naman ay isa kang bampira!" Giit ko dito na siyang lalong nagpatawa sa kanya.
"Whatever you say, young lady. Pero hindi kami gaya ng bampirang alam mo. Kagaya nang sinabi ko sa’yo, we’re not the typical vampire you knew. Hindi kami nasusunog kapag nasisikatan ng araw. Hindi rin kami takot sa kahit anong panlaban sa mga tao sa mga bampira."
Natigilan ako at ipinilig ang ulo pakanan. Lalo akong naguluhan sa mga pinagsasabi ng lalaking ito!
"Then what are you?" Kunot-noo tanong kong muli dito.
"We called ourselves as Ventrue. The royals of our clan. One of the three clans we have in our world,” anito na siyang lalong ikinakunot ng noo ko.
"V-Ventrue? Royals?" Naguguluhang tanong ko pa rin dito. Damn! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga impormasyong binibitawan ni Mavi!
"Yes, my lady. At ang mga nakalaban natin kanina? They also live for blood. They are the hunters of our clan. Sila ang inuutusan ng mga opisyal ng Blood Clan kung may gusto silang ipahanap o patayin. Hunters. They were trained to hunt. Isang Blood man ito o Lunar."
Napatango na lamang ako dito kahit wala naman akong naiintindihan sa pinagsasabi nito! Dapat yata ay iniwan ko na lang ito at nagpahinga! Damn curiosity! Mukhang mas lalo kong dinagdagan ang mga alalahanin ko! Just great, Ice! Just freaking great!
Napabuntong hininga na lamang ako at napag-desisyunan nang tumigil na kakatanong kay Mavi. Akmang aalis n asana ako noong may bigla akong naalala. Marahas akong napalunok at naglakas-loob na magtanong muli kay Mavi! Damn this! Bahala na nga!
"And what about the Lunar? What are they?" Napahilot na ako ng sintido ko at pilit na ikinakalma ang sarili. This is too much for me! But I need to do this! To understand my current situation, I need to learn about them. This will save me. Well, I really hope this will help me.
"Oh, the Lunars?” Tila manghang tanong nito sa akin at muling nginisihan ako. “They're our enemies. Lunars are just simple mortals before. Not until some of them discovered about our existence. The Lunar Organization was created to eliminate our clan,” turan nito na siyang ikinatigil ko.
Blood. Lunar. Enemies.
Fvck! Ano ba itong napasok ko?
"Welcome to our world, Ice."
BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div
Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa
Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba
Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura
Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.