Share

CHAPTER 6

Author: xxladyariesxx
last update Last Updated: 2021-08-07 18:46:59

Hindi ako makatulog.

Dahan-dahan akong naupo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo na. Walang ingay akong naglakad patungo sa pinto ng silid at binuksan iyon. Pagkalabas ko ay agad akong naglakad patungo sa salas ng bahay ni Mavi. Walang ingay akong kumilos at noong nasa may salas na ako, nabungaran ko ang mahimbing na natutulog na si Mavi. I sighed again. Napabaling ako sa may kusina at napailing na lamang, nagdadalawang-isip kung pupunta ba ako roon o hindi.

Damn it! Gutom na talaga ako!

May matino kayang pagkain sa lugar na ito?

"Can't sleep?"

Mabilis akong napabaling agad kay Mavi noong magsalita ito. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at hindi kumikilos sa kinahihigaan niya. He’s awake!

Napakagat ako ng labi ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. God! Gutom na talaga ako!

"I'm starving." Mahinang sambit ko at napayuko na lamang.

Kung hindi lang talaga kumakalam ang sikmura ko, hindi talaga ako lalabas sa silid na pinagamit ni Mavi sa akin. Kailangan kong kumain ngayon, kahit ano! I need strength and for me to have it, I need to eat something! I need to feed myself!

"Do you drink blood, Ice?" Napatigil ako noong magtanong si Mavi sa akin. Gulat akong napatingin sa kanya at halos gusto ko itong sapakin ngayon sa mukha noong makitang nakaupo na ito at may mapang-asar na ngisi sa labi!

"Mavi!" Inis na bulalas ko dito at mabilis na inirapan. "Hindi ako kagaya mo!"

"I know. I know," anito at tumayo n amula sa pagkakaupo sa may sofa. "Come on. May pagkain naman dito. Dessert lang namin ang dugo, Ice." Natatawang wika niyo na siyang lalong ikinainis ko sa kanya. Dessert? God, he’s insane! Bakit niya sinabi pa ang bagay na iyon sa akin? Gusto kong masuka dahil sa sinabi niya. Damn him! Halos hindi ko nga mabura sa isipan ko iyong nakita ko kanina! Iyong pag-inom niya ng dugo! Tapos sasabihin niya pang dessert niya lang iyong dugo? Oh, come on! Give me a break!

Mabilis na kumilos si Mavi at nagsimula nang maglakad patungo sa may kusina ng bahay niya. Walang ingay naman akong sumunod dito hanggang sa makarating na naming ang kusina. Naupo ako sa bakanteng upuan sa may mesa at hinintay ang pagkaing sinasabi ni Mavi. Mataman ko lang itong pinagmamasdan habang may kinuha ito sa isang kitchen cabinet. At noong nailapag na nito sa mesa iyong sinasabi nitong pagkain ay napataas ako ng kilay.

"Pagkain na ito para sayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang pinagmamasdan ang junk foods na inilabas niya at inilapag sa harapan ko. "This is not a meal, Mavi. Magkakasakit lang tayo kapag ito ang kinain natin ngayon!"

"Iyan lang mayroon ako dito, my lady. Eat that or starve yourself to death. You choose."

"Wala ka bang pwedeng lutuin diyan? I can cook!" Pamimilit ko dito!

Sabi ko na nga ba! Walang matinong pagkain sa lugar na ito!

"Madalang lang akong magawi dito, Ice, kaya naman ay walang stocks ng pagkain dito. Iyan lang muna ang kainin mo. Bukas, pagkaalis natin, dadaan tayo sa grocery store para naman may makain kang matino,” aniya at nagbukas ng isang chichiriya at kumain na.

I sighed.

Fine! Gutom na ako! Wala ako sa tamang lugar para mag-inarte pa!

Hindi na ako umimik at binuksan na lang ang junk food na inihain sa akin ni Mavi.

Pareho kaming tahimik ni Mavi habang kumakain at noong matapos na ito, mabilis itong naupo sa upuang nasa harapan ko at tiningnan ako nang mabuti.

"Ice, I have a question," anito na siyang ikinatigil ko sa pagkuha ng panibagong chichiriya sa loob ng plastik wrapper nito. Tiningnan ko lang ito at pinagtaasan ng isang kilay. "Sa mga nangyari sa’yo, hindi ka ba natakot man lang? Or let's just say, nagulat man lang?" Tanong niya at umayos nang pagkakaupo.

Tumayo muna ako at tinungo ang refrigerator sa gawing kanan namin. Tahimik akong kumilos at nakahinga ako nang maluwag noong makitang may lamang tubig iyon1 Thanks God at hindi dugo ang alam ng refrigerator nito! Talagang mababaliw na ako pag makakita na naman ng dugo!

Agad kong kinuha ang tubig na naroon at mabilis na bumalik sa pwesto ko at sinagot ang tanong ni Mavi sa akin.

"Honestly speaking, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman ngayon. Noong una, natakot ako. Sino ba naman kasi ang magiging kalmado na lang pagkatapos nang nangyari sa akin. Someone attacked us from nowhere. Wala akong ideya sa mga nangyayari kaya naman ay halo-halo ang naging reaksiyon ko sa nangyari. Sa loob ng isang taong pamamalagi namin sa gubat ay wala namang naging problema sa akin, sa amin. I was living with Nay Celeste and Tay Manuel peacefully. Pero noong may napansin akong kakaiba mula sa sarili ko, doon nagsimulang gumulo ang lahat,” wika ko dito at nagsalin ng tubig sa basong nasa harapan.

"Kakaiba sa sarili mo? What is it, Ice?" Seryosong tanong nito sa akin.

Natigil ako sa pagkilos at tiningnan nang mataman si Mavi.

Dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari at kung ano kaya kong gawin? Damn, I don't think so! Hindi ko pa alam kung totoong kakampi itong Mavi na ito! Kailangang mag-ingat ako dahil kung hindi, maaring ikapahamak ko ito! Yes, he saved me earlier, but I still don’t know his real intention! Baka nga kalaban ko pa iyong nanghingi nang pabor sa kanya!

"Ice.” Tawag pansin nitong muli sa akin. Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"I don't know, Mavi.” Pagsisinungaling ko sa kanya. "Basta na lang may kakaiba akong naramdam bago kami atakihin ni Nay Celeste ng mga Lunar’s Tracers."

"Malalakas ang pakiramdam ng mga Lunar's Tracers. Paniguradong naramdaman nila ang presensya mo kaya naman ay natunton nila kayo.” Seryosong saad nito na siyang ikinatigil ko. Iyon ba talaga ang dahilan? Dahil sa pagkakatanda ko, noong may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko ay iyon ang pag-atake nila sa amin. My enhanced senses triggered them. Iyon marahil ang dahilan kung paano nila kami natunton sa gubat na iyon.

"I'm done eating," ani Mavi at tumayo n amula sa pagkakaupo nito. "Matulog ka na pagkatapos mong kumain, Ice. We'll leave tomorrow morning. Hindi tayo maaring manatili dito."

Tumango na lang ako sa kanya at tinapos na ang pagkain. Inubos ko na ang tubig na laman ng baso at naglakad na patungo sa may lababo. Akmang ilalagay ko na ang basong hawak-hawak noong biglang sumakit ang ulo ko. Mabilis na napahawak ako sa ulo ko at nabitawan ang hawak-hawak na baso.

Damn!

"Ice!" Narinig kong tawag ni Mavi sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Napadaing ako sa sakit ng ulo ko at bigla na lang akong natigilan noong may nakita akong mga imahe sa isipan ko. The hell? What is this?

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na iniintindi ang mga imaheng nakikita sa isipan. Nasa labas ito ng bahay ni Mavi. Pamilyar sa akin ang paligid kaya naman ay alam kung ito ang daang tinahak namin kanina. Napaawang ang labi ko at mas lalong sumakit ang ulo ko at noong may nakita akong mga tao sa labas ng bahay ni Mavi ay natigilan ako!

Crescent moon tattoo! May Lunar's Tracers! Paniguradong sila iyon! Iyon din kasi ang tattoo na nakita ko noong pinasabog ang bahay naming sa may gubat!

"Ice!"

Napakurap-kurap ako at mabilis na nawala sa isipan ko ang mga imaheng nakita kanina! Damn! This is not good! I think I know what the hell was that! That was a freaking premonition! It feels so real and I’m afraid that those tracers are coming in just a few minutes from now!

"Ice, may sugat ka!" Rinig kong sigaw ni Mavi kaya naman ay mabilis akong napatingin sa kamay ko. At tama nga si Mavi, may sugat ako! Napangiwi ako at maingat na hinawakan ang sugat sa kamay. Marahil ay nasugatan ako kanina roon sa nabasag na baso.

"A-ayos lang ako," wika ko at mabilis na hinugasan ang kamay kong nababalot ng sariling dugo.

"Don't!" Mabilis na hinila ako ni Mavi at inilayo sa may tubig. Pero huli ang lahat. Nabasa na ang kamay ko at nasa lababo na ang ilang patak ng dugo ko. Mabilis akong pina-upong muli ni Mavi at binigyan ng isang kulay puting panyo. "Ibalot mo yan sa sugat mo.” Utos nito at binuksan ang tubig sa gripo. Hinayaang nakabukas ni Mavi ang tubig habang ipinikit naman nito ang mga mata at mabilis na tumingala.

Kunot-noo ko itong pinagmasdan hanggang sa makita ang mahigpit na paghawak nito sa gilid ng lababo. What's wrong with him?

"Mavi..."

"Your blood smells so fvcking good, Ice," anito at binalingan ako. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko noong makitang kulay pula na naman ang mga mata nito! What the hell is wrong with him? Bakit biglang nagbago ang kulay ng mga mat anito? "We gotta move. Paniguradong mahahanap tayo ng mga tracers at hunters dito. Damn!" Kumurap-kurap ito at bumalik na sa normal ang kulay ng mga mata niya.

Mariin kong hinawakan ang sugat ko sa kamay at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Akmang tatalikod na sana si Mavi sa akin noong mabilis ko itong tinawag. Kailangang malaman niya kung ano ang nakita ko kanina. If he's going to save me from his own kind and the Lunar's tracers, mas mabuting ipaalam ko sa kanya ang kung anong nakita ko. Maaring makatulong ito sa pagtakas naming mula sa mga kalaban!

"Mavi, may nakita akong mga imahe kanina," ani ko na siyang ikinatigil nito sa pagkilos. "A group of Lunar’s Tracers. Babae at lalaki. Nasa labas ng bahay na ito." Seryosong saad ko.

"Is it a premonition?” Walang emosyong tanong niya na siyang ikinatango ko na lamang. “If that’s true, tiyak kong mapapalaban tayo nito." Dagdag niya at marahang napatampal sa may noo nito.

"Yes, Mavi. A premonition."

"Fvck!” Malutong na mura nito. “Paano ka nagkaroon ng ganyang ability?" Nagmamadali itong binalikan ako sa pwesto ko at hinila palabas sa kusina nito. Mabilis itong naglakad patungo sa kuwarto niya kung saan ako nagpahinga kanina at noong nasa loob na kami, agad niyang binitawan ang mga kamay ko. "Pack all your things. Huwag kang mag-iiwan nang kahit anong pagmamay-ari mo." Utos nito sa akin.

Tumango na lang ako dito at kinuha ang bag kong nasa gilid ng kamang kinahihigaan kanina. Hindi lumabas si Mavi ng silid bagkus ay nagsimula itong lumapit sa isang kabinet at mabilis na binuksan ito. Natigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at napanganga na lamang noong makita ang mga armas na naroon sa loob ng kabinet! Oh great! Lahat na lang ba na mapapasukan kong silid ay may ganitong mga kagamitan?

"You know how to pull a trigger, right?" Tanong nito at muling nilapitan ako. Ibinigay niya sa akin ang dalawang baril at muling lumapit sa may kabinet. Tahimik ko itong pinagmamasdan habang pumipili pa ng ibang armas na gagamitin. "Kung tama ang nasa premonition na nakita mo, mga Lunar’s Tracers ang makakaharap natin. Dalawa ang weak points nila, ang puso at ang ulo nito. May pag-asa pang mabuhay ang isang Lunar’s Tracer kahit matamaan mo ito sa may dibdib nila. Maliban na lamang kong mapuntirya mo talaga ang eksaktong kahinaan nito. The best way to kill them is to hit their head. Sa pinaka-gitna ng noo nila.” Mabilis at sunod-sunod na wika nito na siyang ikinatango ko na lamang.

Napatingin ako sa hawak na baril at mariing hinawakan ito.

"Here, take this too.” Inabot naman nito ang ilang patalim na kinuha sa kabinet nito. "Remember, target their heads, Ice. Mas mahirap patayin ang isang Lunar kaysa sa mga Blood. Though Bloods are much way smarter than those dogs.” Pahabol nito at ngumisi sa akin.

Napailing na lamang ako dito at tinanggap ang mga patalim na inabot nito. Agad kong inalagay sa bag ko ang mga sandata at muling binalingan si Mavi sa tabi ko.

"Kapaag nakaligtas tayo dito, saan tayo pupunta?" Seryosong tanong ko dito at isinukbit na ang bag sa likuran ko. "Are we going to hide again from them?"

"Nope," sagot ni Mavi at ikinasa ang baril na hawak-hawak. "We're going to his hideout, Ice. The one who asked me to do a favor. Doon tayo pupunta ngayon."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Cursed of Eternity   SPECIAL CHAPTER 2

    BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div

  • The Cursed of Eternity   SPECIAL CHAPTER

    Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  

  • The Cursed of Eternity   EPILOGUE

    Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 50

    Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 49

    Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 48

    Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status