Share

CHAPTER 4

Author: xxladyariesxx
last update Huling Na-update: 2021-08-05 16:59:33

Sunod-sunod na putok ang namayani sa tahimik na mansyon ni Dawnson.

Napatayo ako mula sa kinauupuan at tinungo ang pinto ng silid. Sinigurado kong naka-locked ito bago umatras at lumayong muli dito. I sighed as I tried to calm myself. Sana maging maayos lang sila Nanay Celeste at Dawnson. Sana’y walang masamang mangyari sa kanilang dalawa.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at tahimik na pinapakiramdaman ang paligid. Mayamaya lang ay impit na napatili ako noong biglang may pwersang nais buksan ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Napatakip ako ng bibig ko at mabilis na inihanda ang sarili.

Paanong nakarating na ang kalaban dito sa palapag na ito?

Anong nangyari kay Nay Celeste at Dawnson? Are they okay? Damn!

Mabilis akong napatayo at napaatras noong nagpatuloy ang mga kalabog at ang pwersahang pagbukas ng pinto ng library room ni Dawnson. Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid at naghanap na maari kung pagtaguan. Kailangang maging ligtas ako laban sa mga nilalang na ito. Nakikipaglaban ngayon si Nay Celeste para sa kaligtasan ko. Hindi maaaring wala akong gawin sa silid na ito!

Agad akong tumakbo sa gawing kanan ko noong makakita ako ng isang pinto. Hinawakan ko ang doorknob nito at noong makitang bukas ito ay dali-dali akong pumasok dito. The moment I entered the room, I immediately locked the door. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago pinalibot ang paningin sa kabuuan ng pinasukan kong silid.

"What the hell is this?" Bulalas ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mga armas na nasa silid na ito. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa isang mesang puno ng iba't-ibang uri ng mga baril. Kusang umawang ang mga labi ko habang inisa-isa tingnan ang mga ito!

This is sick!

Bakit napakarami ang armas sa silid na ito?

"Oh my God!" Mahinang bulalas ko noong makarinig ako ng kalabog mula sa kabilang bahagi ng silid. Damn! Mukhang tuluyang nakapasok na sila sa library room ni Dawnson!

"Remember this, Ice. Kahit sinong pumasok sa silid na ito, maliban sa amin ng kapatid ko, huwag kang magdalawang-isip na kalabitin ang gatilyo ng baril na ito.”

Natigilan ako noong maalala ang sinabi ni Nanay Celeste sa akin. Napatingin ako sa hawak-hawak na baril at binalingang muli ang mesang punong-puno nang iba’t-ibang sandata.

"I think I need more than just a single gun." Mahinang bulalas ko at dumampot ng isa pang baril. Isinilid ko ito sa suot na bag at kumuha pa ng isa para dalawa na ang hawak ko. Huminga ako nang malalim at mariing hinawakan ang dalawang baril sa kamay ko. Itinaas ko ito at itinutok sa nakasarang pinto ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Kung sino man ang nasa kabila ng pintong ito, titiyakin kong mapapatay ko muna sila bago nila ako makuha. I won’t let them take me away from my family. I will fight them. At kung talagang hindi ko maiiwasan ito, hindi ako magdadalawang-isip na kumutil ng buhay ngayon.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid.

Three. May tatlong iba't-ibang yapak akong naririnig mula sa labas ng silid.

"She's not here."

Natigilan ako noong marinig iyon. Tila biglang kumirot ang sintido ko dahil sa narinig. Napasinghap ako at pilit na ikikalma ang sarili.

"Search the whole room. Kung wala dito, sa susunod na mga silid. Nandito lang iyan. She can't escape from us!"

"Yes, sir."

Kusang umawang ang mga labi ko sa narinig!

What the hell? Bakit… bakit parang nangyari na ito sa akin noon?

"It's locked!" ani ng isang boses na siyang ikinatigil ko. Gumalaw ang doorknob ng pinto kaya naman ay naging alerto ako. Damn!

"She's in there. Destroy it!"

"Yes, sir!"

Napaatras ako noong biglang pinaputukan nito ang door handle ng pinto. Siguro mga limang sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan nila bago tuluyang nasira ang locked ng pinto. Mabilis kong itinuon ang buong atensyon sa kung sino man ang magbubukas ng pinto. At noong makita ko ang isang lalaki ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril at sinigurado kong sa dibdib nito, kung saan ang puso nito, tinamaan.

Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa kong pagbaril dito ay bumagsak na sa sahig ang katawan ng lalaki. Mabilis akong tumakbo sa gawing kanan ko at itinago ang sarili noong nagpaulan ng bala ang isa pang lalaking kasamahan ng napatay ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at natigilan noong makakita pa ng ibang sandata malapit sa akin. Mabilis kong kinuha ang patalim na nasa pinaka-ilalim ng mesang pinagtataguan ko na siyang maari kong gamitin pang-atake sa kalaban.

Damn, this house! Lahat ba ng sulok ng silid na ito ay may armas na maari kong gamitin?

Napailing na lamang ako at pilit na pinapakiramdaman ang paligid. Gamit ang matalas na pakiramdam, mabilis kong itinapon ang patalim na hawak-hawak at pinuntirya ang lalaking walang habas kung paputukan ako ng baril nito. Noong natigil ang pamamaril ay mabilis akong lumabas sa pinagtataguan at itinutok ang baril sa lalaking halos naghihingalo na at hawak-hawak ang patalim na nakatarak sa dibdib nito.

"Kung ano man ang pakay niyo sa akin, ramdam kong hindi maganda ito. You’ll die first before capturing me," ani ko at itinutok sa ulo nito ang baril. "Wala man akong maalala pero alam kong kailangang kong pumatay para lang mabuhay." Malamig na turan ko dito. Kinalabit ko na ang gatilyo ng baril at lumayo na dito. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at pinagmasdan ang dalawang katawang duguan sa harapan ko.

Mayamaya pa'y natulos ako sa kinatatayuan.

The bodies of the men I killed are now slowly disappearing! Unti-unti itong nagiging abo hanggang sa mawala ito sa paningin ko!

"Fvck!" Napaatras ako dahil sa gulat at takot.

What the hell just happened? They’re not a freaking human being! Paanong nangari iyon? Paanong naging abo agad-agad ang mga katawan nila?

Gulong-gulo na ang isipan ko. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad hanggang sa natigilan ako sa pagkilos. Mabilis na naging alerto ang katawan ko at napatingin sa pintuan noong makaramdam ako nang panibagong panganib. Napahigpit na lamang ang hawak ko sa baril noong biglang may makita akong isang lalaking naroon sa may pinto at nakatutok na sa akin ang hawak nitong baril. Damn it! Dahil sa nasaksihan ko kanina sa mga katawan ng umatake sa akin ay ‘di ko man lang naramdaman agad ang presensiya nito! Damn!

"Don't make any stupid move, young lady, or else, I'll fire this one." Matalim na wika nito at binalingan ang natatanging naiwan ng mga kasamahan nito, ang mga suot na damit nila kanina! Umiling ito at masamang tiningnan ako. Kita ko ang galit sa mga mat anito kaya naman ay mas lalong napahigpit ang hawak ko sa baril ko. "Throw your weapons and surrender."

"Why would I surrender?" Seryosong tanong ko dito. Hindi ako susuko sa lalaking ito! I can still fight! Kaya ko pa itong labanan kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon itutok ang mga baril ko sa kanya! With my sharp and enhanced senses, I can definitely win over him!

"Don't be too hardheaded, young lady. Ikapapahamak mo yan. Now, throw your...."

Hindi na natapos ng lalaki ang dapat sasabihin nito noong biglang bumagsak ang katawan nito sa may sahig. Napataas ang isang kilay ko dito at natigilan na lamang noong makitang may isang lalaking lumapit sa katawan nito at mabilis itinarak ang isang patalim sa dibdib niya. Agad akong napaatras sa nasaksihan. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaking nasa sahig na at kagaya ng naunang dalawang lalaking napatay ko, unti-unting nawala ang katawan nito at naging abo!

Napalunok ako at noong bumaling sa akin iyong lalaking bagong dating, agad kong itinutok ang hawak-hawak na baril sa direksiyon nito.

"Ganyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sa’yo?" The man asked while smirking at me. Umiling ito at kinuha ang patalim na ginamit nito kanina sa pagpatay sa isang lalaki.

"You killed him. Why? You… you're one of them." Mariing sambit ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa baril. One wrong move, hindi ako magdadalawang-isip na barilin ang lalaking ito.

"You can say that but I'm not the enemy here," aniya at itinago sa likuran nito ang patalim na hawak-hawak. "Come on, we need to move. May mga parating pang Hunters sa lugar na ito."

Hunters. So, tama nga si Dawnson kanina. Blood Hunters ang narito ngayon sa mansiyon niya!

"Who are you? Bakit mo ako tinutulungan?” Mariing tanong ko dito habang hindi pa rin ibinababa ang pagkakatutok ng baril sa kanya.

"Sasagutin kita kapag nakatakas na tayo sa lugar na ito," aniya at tinalikuran na ako.

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan. I can't trust that man! Hindi ko siya kilala kaya bakit naman ako sasama sa kanya?

"Come on, Lady...."

Natigilan ang lalaki sa pagsasalita at mabilis na itinutok ang baril sa gawing kanan nito at agad na ipinutok ito. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumabas sa silid na kinaroroonan. Natigilan ako noong makakita pa ng isang katawang walang buhay at ngayon ay unti-unting nagiging abo na rin.

"I really hate killing my own kind, but damn, they're pissing me off!" Bulalas nito at binalingan ako. "Tara na bago pa dumating ang ibang kasamahan nito," anito at mabilis na hinila ako patungo sa bintana ng silid.

Hindi na ako nakaangal pa. Hindi ko magawang bawiin ang kamay ko mula sa kanya kaya naman ay nagpahila na lamang ako. Basta na lamang akong sumunod sa lalaking ito at natigilan na lamang noong makita nasa balkonahe na kami ng library room ni Dawnson.

"Come on, let's jump,” wika nito na siyang ikinagulat ko.

"What?" Hindi makapaniwalang bulalas ko dito? "Nasisiraan ka na ba? Tatalon tayo dito? Masyadong mataas iyan!"

"Don't worry, you can manage. Ni hindi ka magagasgasan sa pagtalon natin," aniya at mabilis akong binuhat at walang sabi-sabing tumalon. The hell! Mabilis akong napapikit at wala sa sariling napahawak sa balikat nito ng lalaki. Napamura ako sa isipan at noong nakarinig ako ng isang kalabog, agad akong napamulat at napatingin sa lalaking buhat-buhat ako. Maingat niya akong binitawan at inilalayan sa pagtayo.

"I told you, hindi ka magagasgasan.” Ngumisi ito sabay hila sa akin at itinago sa likuran niya. Napakurap-kurap ako noong mabilisang ikinasa nito ang hawak na baril at sunod-sunod na ipinutok sa may harapan niya.

Pagkatapos ng pagpapaputok nito, limang lalaki ang halos sabay-sabay na nagsibagsakan sa lupa. Napaawang ang labi ko at napaayos nang pagkakatayo.

Oh boy! This man is the real deal!

"Tara na!" Mariing sambit nito at mahigpit na hinawakang muli ang kamay at nagsimula nang tumakbo. Minuto lang ang lumipas ay nasa harapan na kami ng isang itim na sasakyan. Napatanga ako dito at hindi umimik.

"Get in! I can feel their presence. Malapit na sila!" ani ng lalaki ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Bumalik ang tingin ko sa pinanggalingan naming at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. I can’t leave this place! Paano sila Nanay Celeste at Dawnson? Hindi ko sila pwedeng iwan na lamang! They’re fighting right now because of me! I can’t just leave them like this!

"Come on, Ice! Sumakay ka na!" Sigaw ng lalaki sa tabi ko at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa akin at pinasakay na ako sa may passenger seat ng sasakyan niya.

Tila naging sunod-sunuran ako sa lalaking ito. Hindi ako nakaalma at napatitig na lamang sa daang nasa unahan namin ngayon. Mabilis na kumilos na rin ang lalaking kasama ko. Pagkaupo nito sa may driver seat ay agad na binuhay nito ang makina at mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan palayo sa mansiyon ni Dawnson.

Mayamaya lang ay napapitlag ako dahil sa gulat. Mabilis akong napatingin sa labas ng sasakyan at namataan ang iilang lalaking tumatakbo at nagpapaputok ng mga baril nito sa papalayong sasakyang kinalalagyan ko ngayon. Segundo lang ay tumahimik na ang paligid at tanging ingay ng makina ng sasakyan ang naririnig ko.

"You're safe now.” Mayamaya'y sambit ng lalaking kasama ko. "And don't worry about Celeste and Dawnson. They can survive from those Hunters. Afterall, their family was a former member of Lunar's council." Dagdag nito at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan niya.

Hindi ko ito kinibo at napatingin na lamang sa madilim na paligid.

Ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin. I was so damn scared earlier. Pero noong itinutok ko ang baril at napatay iyong dalawang lalaki kanina, parang normal lang na gawain ko iyon.

Damn this! What the hell just happened to me? Paano ko nagawa ang mga bagay na iyon?

Sino… Sino ba talaga ako?

"Are you okay?" Narining kong tanong ng lalaki sa akin. Umiling ako dito at napabuntong-hininga na lamang.

"Do you know who I am?" Malamig na tanong ko dito, nagbabakasakaling may alam ito tungkol sa pagkatao ko.

Hindi sumagot ang lalaki sa naging tanong ko kaya naman ay napailing na lamang ako.

Kailangan kong malaman muna kung sino ako. At kapag nalaman ko na ang totoo, tiyak na mauunawaan ko rin ang koneksiyon ko sa sinasabi nilang Blood Clan at Lunar Organization. Mauunawaan ko na ang dahilan kung bakit nila ako nais makuha at kung bakit sinabi sa akin ni Dawnson na isinumpa ako.

A curse.

I was cursed by someone from my past. Damn this! Mas lalong gumulo ang isipan ko!

Curse. What kind of a curse is this?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Cursed of Eternity   SPECIAL CHAPTER 2

    BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div

  • The Cursed of Eternity   SPECIAL CHAPTER

    Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  

  • The Cursed of Eternity   EPILOGUE

    Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 50

    Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 49

    Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 48

    Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status