Mabilis kaming kumilos ni Mavi. Agad kaming lumabas sa silid nito at dali-daling pumunta sa may garahe kung saan naroon ang mga sasakyan nito.
"Mavi, I can hear their footsteps," sambit ko noong makasakay na kami sa kulay itim na sasakyan na pagmamay-ari nito.
"I can feel them too, Ice," aniya at binuhay ang makina ng sasakyan.
"No. I can hear them," I sighed and tried to concentrate. Ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Mayamaya lang ay iminulat ko ang mga mata at binalingan ang lalaki. "Even their heartbeats, Mavi. I can hear every single beat of it.” Seryosong sambit ko na siyang ikinatigil ni Mavi sa kinauupuan nito. Segundo lang ay napailing ito at umayos na nang pagkakaupo.
"Kung may iba ka pang kayang gawin, mamaya mo na sabihin sa akin, Ice.” Ngumisi ito sa akin at pinindot na ang buton kung saan magbubukas ang lagusan palabas ng bahay nito. "This car is bulletproof. Pero dahil hindi naman normal na bala at baril ang gagamitin nila para atakihin tayo, asahan mong may mga balang lulusot pa rin dito."
"Seriously?" Napahigpit ang hawak ko sa baril. Ikinalma ko ang sarili at marahang napabuntong-hininga na lamang. "Buhay pa kaya tayong makakarating sa destinasyon natin?"
"Of course!" Tipid na sagot nito at nagsimula nang paandarin ni Mavi ang sasakyan. "We'll be fine, my lady."
Pagkalabas ng sasakyan ni Mavi sa may lagusan ay inulan agad kami ng mga bala. Damn! Bulletproof nga itong sasakyan ni Mavi ngunit ramdam na ramdam ko ang pagtama ng bawat balang iniuulan sa amin ng mga kalaban. Napahawak ako sa gilid ng sasakyan at itinuon ang paningin sa unahan ng sasakyan.
"Mavi, fifty meters! May dalawang lalaking nakaabang sa atin!" Sigaw ko dito at inihanda ang baril.
"Looks like you also have an advance eyesight, Ice." Rinig kong sambit ni Mavi sabay pindot ng isang buton sa ilalim ng manibela nito. Biglang nagkaroon ng panibagong layer ang salamin ng sasakyan nito na siyang ikinalaglag panga ko. Damn, technology! "I doubled the glass so don’t worry," aniya at mas binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan nito. "Kakayanin na siguro nito ang balang tatama sa atin."
Napahigpit ang hawak ko sa barili noong mas domoble ang bilis nang pagpapatakbo ng sasakyan ni Mavi at noong marating namin ang sinasabi kong may nakaabang sa amin, panibagong mga bala na naman ang umatake sa sasakyan nito sa may likuran namin!
"Fvck!" Mura ni Mavi noong bahagyang gumewang ang sasakyang mina-maneho nito. Isang malakas na pampasabog naman ang itinira ng kalaban sa amin kaya’y nawalan ng kontrol si Mavi sa manibela ng sasakyan nito. "Those motherfvckers are really something!" Bulalas ni Mavi at mas itinuon ang atensiyon sa daan.
Napatingin naman ako sa likuran at napakunot na lamang ang noo noong may dalawang sasakyang mabilis ang pagpapatakbo at nakabuntot sa amin. Medyo may kalayuan pa ang distansya nito ngunit kitang-kita ko na ang mga ito.
I sighed before turning to Mavi who’s keep on cursing while driving.
"Full speed, Mavi," ani ko at inihanda ang dalawang baril sa kamay. "I'll destroy them."
"You're going to fire them?" Tanong ni Mavi at sinunod ang nais ko. Mas bumilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan samantalang inihanda ko na ang sarili sa gagawin ko. Tumango ako dito at inalis ang seatbelt sa katawan.
"Malayo pa sila sa atin pero mukhang kaya ko naman silang patamaan," turan ko at binuksan na ang pinto ng sasakyan. Akmang pupuwesto na sana ako para asintuhin ang kalaban naming noong biglang nawalan ako ng balanse. Fuck!
"Damn! Alam mo ba ang ginagawa mo?" Bulalas ni Mavi sa akin at mabilis na ikinilos ang mga kamay. Hawak-hawak na niya ako sa bewang habang ang isang kamay naman nito ay nasa manibela pa rin ng sasakyan. "You'll going to harm yourself, Ice! Forget it! Umayos ka na nang upo!"
"Paki-hawakan muna ako. It'll be quick!" Mabilis na wika ko at inayos na ang baril. Itinutok ko ito sa direksyon ng dalawang sasakyan humahabol sa amin. Paniguradong bulletproof din ang mga ito kaya naman ang mga gulong ang inasinta ko. Sunod-sunod kong kinalabit ang mga gatilyo ng hawak kong baril at noong makita kong parehong nawalan ng kontrol ang mga sasakyan ay mariin kong hinawakan ang baril at mas itinuon ko sa kanila ang atensiyon ko. At sa huling pagkakataon, sabay kong kinalabit ang gatilyo ng hawak kong baril hanggang sa sumabog ang parehong sasakyang nakasunod sa amin.
Napangisi ako sa nasaksihan. Mabilis akong umayos sa pagkakaupo at isinara ang pinto ng sasakyan. Inalis na rin ni Mavi ang kamay sa bewang ko at itinuong muli ang buong atensiyon sa pagmamaneho.
"You have multiple abilities, Ice.” Mayamaya pa'y wika ni Mavi at mas binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. "If you belong to our clan, then for sure, someone's after you. Not the Ventrue but other groups from the clan. Mas kailangan nila ang kapangyarihang taglay mo. At kung isa ka mang miyembro ng Lunar Organization, I'm afraid that you'll going to be a weapon against my own bloodline."
"Paano ko malalaman kung ano ako sa dalawa?" Seryosong tanong ko kay Mavi sabay silid ng mga baril na hawak-hawak sa bag na nasa tabi ko. "As per Dawnson, I was cursed. Hindi ko nga lang alam kung ano o totoo man iyon."
Agad namang napa-preno si Mavi at gulat na napatingin sa akin. Napahawak ako sa mga dashboard sa harapan ko at marahas na binalingan ito.
“The hell? Bakit bigla ka namang prumepreno diyan?” Galit na tanong ko dito at umayos nang pagkakaupo.
"You were cursed?" Tanong nito sa akin na siyang ikinatigil ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at marahang tumango dito.
"Iyon ang sabi niya," sagot ko at marahang bumuntong-hininga. "Isinumpa ako at hindi niya matukoy kung ano ito” Umiling ako dito at muling bumuntong-hininga. Umayos ako nang pagkakaupo at isinandal ang likod sa may backrest ng upuan. "Move the goddamn car, Mavi. I can hear them again. Mapapasabak na naman tayo sa barilin kung maabutan na naman nila tayo."
Mukhang naramdaman din ni Mavi ang presensya ng iilang Tracer kaya naman ay mabilis na pinaharurot nitong muli ang sasakyan niya. Hindi na ako nagsalita pang muli at itinuon na lamang ang atensiyon sa daang tinatahak namin. Pinakiramdaman ko na lamang ang paligid hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako mula sa pagkaka-idlip noong maramdaman ang pagtigil ng sasakyang kinaroroonan. Mabilis akong umayos nang pagkaupo at binalingan si Mavi.
"Nasaan na tayo?" Tanong ko dito at mabilis na bumaling sa labas ng sasakyan nito. Madilim pa sa labas ng sasakyan kaya wala akong maaninag na kahit ano. Pinatay na rin ni Mavi ang headlight ng kotse niya kaya naman ay wala talaga akong makitang kahit anong liwanag.
"We're about to enter his premises," aniya at kinuha ang bag nito sa backseat ng sasakyan. "My eyes were trained to adopt with darkness. Subukan mo rin ito sa mga mata mo, Ice. Kung kaya nitong makita ang isang bagay mula sa isang malayong distansya, tiyak kong kaya nitong makakita sa dilim. This will be easily for you."
Napalunok ako sa sinabi nito. Mayamaya lang ay napakagat ako ng pang-ibabang labi at mariing itinuon ang mga mata sa madilim na paligid. Bago pa lang ito sa akin kaya hindi ako sigurado kong kaya ko bang gawin ang sinasabi nito! Ni wala akong ideya kong paano ba gawin ang sinasabi nito sa akin.
"Let's go." Yaya ni Mavi at nauna nang bumaba ng sasakyan niya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag na nakasukbit sa balikat ko at sumunod na dito. Pagkatapak ko sa lupa ay agad na naging alerto ang buong katawan ko. I can feel an intense power within the area. Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa bag at mabilis na inilibot ang paningin ko. Ilang beses kong sinubukang i-focus ang mga mata ko at noong may naaninag ako sa paligid, mabilis akong napako sa kinatatayuan. Ilang beses akong kumurap at napaawang na lamang ang labi noong kusang nag-adjust ang mga mata ko sa dilim. Na kahit nababalot ng sobrang dilim ang lugar na kinaroroonan ko, tila biglang lumiwanag at kitang-kita ko na ngayon ang buong paligid.
This is cool and at the same time, scary! Marami nang nangyayari sa akin at kung idadagdag ko ito sa listahan ko, tiyak na hindi na naman ako makakatulog nito! Damn, Ice! Sino ka ba talaga?
Napailing na lamang ako at marahang kinusot ang mga mata. Muli kong inilibot ang paningin at noong may mamataan akong isang malaking bahay ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko, agad akong napatingin at lumapit kay Mavi. Inangat ko ang kanang kamay at itinuro dito ang nakita.
"Iyon ba ang bahay na pupuntahan natin?" Tanong ko at hindi inalis ang paningin sa malaking bahay.
"Yes," sagot ni Mavi at hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin. Nagsimula na itong maglakad habang hindi binibitawan ang mga kamay ko. "You're amazing, Ice." Puri nito habang patuloy kami sa paglalakad. "Umabot ng isang taon ang pagsasanay ko para masanay at magamit ko ang mga mata ko sa dilim." Pagkukwento niy at mayamaya lang ay narinig ko itong mahinang tumawa. Bahagya pa akong natigilan noong marahan nitong pinisil ang kamay kong hawak-hawak nito. "And here you are, ngayon mo lang nasubukang gamitin iyang mga mata mo sa dilim. At kung hindi ako nagkakamali, mas malinaw at matalas ang paningin mo sa akin! Talaga pinahanga mo ako, Ice."
"Really? Well… To be honest, kinabahan nga ako kanina.” Pag-aamin ko at napahugot na lamang ng isang mababawa na hininga. "Wala akong ideya sa ganitong bagay at hindi ko alam kung kaya ko ba ang mga ito. Kung kaya ko bang gawin ito.”
Hindi nagsalita si Mavi sa tabi ko at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. Mayamaya lang ay tuluyan na kaming nakalapit sa bahay na nakita ko kanina at naramdaman kong muli ang mahinang pagpisil ni Mavi sa kamay ko.
"I can't wait to know more about you, my lady. Tiyak kong may iba ka pang kayang gawin maliban sa mga ipinakita mo sa akin." Mahinang turan nito.
"You think?" Tanong ko dito at natigil noong bitawan na nito ang kamay ko. Napatingin ako sa gawi ni Mavi at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong mamataan ang seryosong tingin nito sa may unahan namin. Napangiwi na lamang ako at itinuong muli ang atensiyon sa may harapan. Nasa harapan na kami ng isang malaking gate. Napatingala ako at napaawang na lamang ang mga labi ko noong kusang bumukas ang mga ito noong inilapat ni Mavi ang kamay dito. Inalerto ko ang sarili sa maaring mangyari ngunit hindi pa tuluyang bumubukas ang gate ay hinila na ako ni Mavi papasok dito. Sa gulat ko ay hindi na ako nakaangal at napatingin na lamang sa gate na dinaanan naming. Agad din namang inilapat nitong muli ang kamay at sumara ng muli ang malaking gate.
Hindi na ako nagkomento pa at pinakiramdaman na lang muli ang paligid.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Mavi hanggang sa bumungad sa amin ang isa na namang malaking pinto, ang main entrance ng bahay na ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad at noong ilang hakbang na lamang ang layo namin sa may pinto ay kusang bumukas ito para sa amin.
Napahigpit ang hawak ko sa bag na nasa likod ko habang pinagmamasdan ang pinto. May kung anong kakaibang kapangyarihan ang nararamdaman ko sa lugar na ito. I know for sure na isang makapangyarihang nilalang ang naninirahan dito. Sa lakas ng presensiya nito ay natitiyak kong iba ito sa mga hunters at tracers na walang tigil akong hinahabol. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at noong may nakita akong isang bulto ng tao ‘di kalayuan sa pwesto naming ni Mavi ay mabilis akong naging alerto.
Kusang napaatras ang mga paa ako bilang pagdepensa ko sa sarili. My body suddenly tensed up. Kinatitigan ko nang mabuti ang lalaking nasa harapan at nakumpirmang sa kanya nanggagaling ang malakas na presensiyang kanina ko pa nararamdaman sa lugar na ito. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na inaaninag ang mukha nito. Noong makita ko na ito nang maayos, natigilan ako. Tila pamilyar ito sa akin ngunit ay hindi ko matukoy kung saan ko ito nakita noon!
"I brought her here," ani Mavi at marahang binalingan ako. "As I promised, Master Aki."
BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div
Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa
Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba
Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura
Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.