Share

CHAPTER 8

Author: xxladyariesxx
last update Last Updated: 2021-08-09 22:44:00

Aki?

Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? Aki… Ipinilig ko ang ulo pa kanan at pilit na inaalala kung saan ko bai to narinig o nakita man lang. Alam kong pamilyar sa akin ang taong ito! Presensya at pangalan pa lang nito, alam at ramdam kong konektado ito sa nakaraan ko. Damn! I badly need my memories back!

"Thank you, Mavi. Alam kong maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay," sambit ng lalaking nag-ngangalang Aki habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Napaatras akong muli dito. Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang ito sa harapan ko. May kung ano sa titig nito na nagsasabi sa aking mapanganib ang taong ito. Na kailangan ko nang umalis sa lugar na ito at magtago mula sa kanya! But damn, I can’t feel my own feet! Hindi ko ito maigalaw kahit gustuhin ko man!

"Let's go," ani Aki at tinalikuran na kami ni Mavi. "Sa taas tayo."

Mariin kong ikinagat ang pang-ibabang labi ko at nanatiling nakapako ang mga paa sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi sa lalaking iyon. Ilang Segundo pa ang lumipas at napapitlag na lamang ako noong marahang hawakang muli ni Mavi ang kamay ko. Napabaling ako dito at natigilan noong ngumiti ito sa akin at marahang tinanguhan ako.

"It’s okay, Ice. He won't hurt you. I can guarantee this one. He's a good man, Ice," ani Mavi at tinanguhan ako.

"Can I trust him?" Nag-aalangang tanong ko dito at marahang napabuntong-hininga.

"Do you trust me?" tanong ang naging sagot nito sa akin.

Natigilan ako sa pagkilos at nakatingin lamang kay Mavi. Hindi nakakibo at pinakiramdaman na lamang ang sarili. Do I trust him? Do I really trust this man who saved me from Blood Hunters and Lunar’s Tracers? Dahil sa totoo lang, hindi ko talaga alam!

Dahil sa mga nangyayari ngayon sa akin, tama lang na wala akong pagkatiwalaan na kahit sino man sa mga nakakasalamuha ko. I need to be extra careful. Kung nais kong makaligtas sa kaguluhang kinasasangkutan ko ngayon, kailangan kong maging maingat sa bawat desisyong gagawin. Kasama na roon ang pagbibigay ko ng tiwala sa mga taong nasa paligid ko. Well, maliban na lang siguro kung si Nay Celeste at Tay Manuel ang kasama ko ngayon.

"Ice, do you trust me?" ulit na tanong ni Mavi na siyang ikinaawang ko ng mga labi ko.

"I d-don't know, Mavi," mahinang sagot ko dito at nag-iwas nang tingin sa kanya. "Yes, iniligtas mo ako pero hindi ko pa rin alam kung tama ba ang pagsama ko sa’yo sa lugar na ito. Hindi ko alam kung tama bang magtiwala ako sa’yo."

"But you're here, Ice. With me," simpleng sambit nito na siyang ikinatigil kong muli. I froze where I’m standing. Walang emosyon kong tiningnan si Mavi at hinintay ang mga susunod na sasabihin nito sa akin. "Wala ka ng ibang pagpipilian pa, Ice. Nandito na tayo kaya naman ay pagkatiwalaan mo ako. Kahit ngayon lang. Kahit sa pagkakataong ito lang. Ibigay mo na ito sa akin. And trust me if I say that Master Aki is a good man. He's the one who asked me to help you out."

Napabuntong-hininga na lamang ako at muling hindi kumibo. Tama ba talaga itong ginagawa ko? Tama bang pagkatiwalaan ko itong si Mavi? Damn! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!

"Let's go, Ice. He's waiting for us," muling yaya nito sa akin at hinila na ako.

Hindi na ako nakaangal pa. Nagpahila na lang ako Mavi hanggang sa makaakyat kami sa pangalawang palapag ng mansyon. Tahimik kong pinagmamadan ang paligid hanggang sa isang malaking pintuan ang binuksan ni Mavi at pumasok na kaming dalawa roon.

Pareho kaming ni umimik ni Mavi noong tuluyang nakapasok na kami sa silid. Naabutan namin ang nakatalikod na Aki at nakaharap sa bintana ng silid na pinasukan namin. Tahimik naming pinagmasdan ni Mavi ang lalaki hanggang sa mamataan ko ang paggalaw nito sa puwesto niya. Naging alerto bigla ang buong katawan ko at inihanda ang sarili sa maaring mangyari. Mayamaya pa'y bumaling na si Aki sa gawi namin at matamang tiningnan ako.

I saw him sighed then started walking towards me. At noong nasa harapan ko na ito ay agad itong lumuhod sa harapan ko na siyang ikinagulat ko. Maging si Mavi ay nagulat sa ginawa ni Aki. Mabilis nitong binitawan ang kamay ko at bahagyang umatras palayo sa amin.

"W-what are you doing?" Naguguluhang tanong ko dito. Bakit ito biglang lumuhod sa harapan ko? Sa anong dahilan? How… how can a man as powerful as him is now kneeling in front of me?

"I'm sorry. Please forgive me," ani Aki at yumukod sa harapan ko. "Please forgive me."

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo," sambit ko dito at binalingan si Mavi. Baka alam nito kung ano ang nangyayari sa tinawag nitong Master Aki! Pinagtaasan ko ng kilay si Mavi ngunit noong makita ko itong umiling sa akin, napangwi ako. So, wala itong ideya sa kinikilos ng lalaking ito. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko at binalingan na lamang ulit ang nakaluhod na si Aki.

"Lady Beatrice, forgive me."

I froze. Beatrice? Did he just call me Beatrice?

"I know it was a reckless move but that was an order. Hindi ko kayang suwayin ang mga magulang mo," anito na siyang nagpaawang ng mga labi ko.

He knew who the hell I am! He knew about my past!

"Y-you know m-me?" Nahihirapang tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.

"It was my fault, Lady Beatrice. Please, forgive me." Pag-uulit nito habang nakayukod pa rin sa harapan ko. Napalunok ako at seryosong tiningnan ito.

"Paano kita papatawarin kung hindi ko naman alam kung ano ang naging kasalanan mo sa akin?" tanong ko dito at habang hindi inaalis ang paningin dito. "Tumayo ka riyan at ikuwento mo sa akin ang lahat-lahat na nalalaman mo."

Kita kong natigilan si Aki at marahang umiling sa akin. Napakunot ang noo ko sa ginawa nito at palihim na ikinuyom ang mga kamao.

"Hindi ko maaring sabihin sa’yo ang lahat-lahat, Lady Beatrice. Masasayang lahat nang isinakripisyo ng mga magulang mo kung malalaman mo ang nangyari noon."

Napailing na lamang ako at napabuntong-hininga na lamang. Fine. Kung ayaw niyang sabihin ang tungkol sa nangyari sa akin, maari ko naman sigurong malaman ang tungkol sa pangalan ko, sa totoong pangalan ko.

"Beatrice," mahinang bulong ko sa sarili at pinakiramdaman ang sarili.  Ilang ulit niya itong binanggit kaya naman ay natitiyak kong pagmamay-ari ko ito. But…That name doesn't even ring a bell to me. Ni wala akong maramdamang kakaiba noong marinig at banggitin ko ang pangalang iyon. I sighed as I looked at him again. "Beatrice," ulit ko dito at muling napabuntong-hininga. "Is that my name?"

"Yes, my lady, at iyon lang ang kaya kong ibigay sa iyo. Iyong pangalan mo."

"C-can you tell me about my origin?” Pagbabaka-sakali ko dito. “Kahit iyon na lang ang sabihin mo sa akin para naman ay kahit papaano ay maunawaan ko ang dahilan kung bakit ako hinahabol ng mga hunters at tracers." Nanghihinang sambit ko at muling naki-usap dito. "Buhay ko ang nasa panganib dito, Aki. Wala ba akong karapatang malaman kahit iyon lang?"

Kita kong natigilan si Aki at tiningnan ako nang mabuti. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Muli akong naki-usap sa lalaki na siyang mariing ikinapikit nito.

"Lady Beatrice..."

"Please, Aki, tell me. Sa ganitong paraan ka na lang bumawi sa akin. Hindi man kita maalala sa ngayon, alam kong mabuti kang tao. So, please, do tell me about my origin. Kahit iyon lang sana,"

"Ice..." narinig kong tawag ni Mavi sa akin sa may likuran ko. Hindi ko ito kinibo at nanatili ang mga mata sa nakaluhod pa rin na si Aki. "Master Aki..."

"It's okay, Mavi," ani Aki at tumayo na mula sa pagkakaluhod nito. Bigla akong nanliit dahil sa presensya nito. God! Ang lakas talaga nang kapangyarihang nararamdaman ko sa lalaking ito. He's surely a strong man! Kaya nga ay laking gulat ko kanina noong biglang lumuhod ito sa harapan ko at humingi nang kapatawaran.

And what is he, by the way? From Blood Clan or a Lunar? I think I need to know that too!

Kita kong humugot muna nang isang malalim na hininga si Aki bago ako tiningnan muli nang mabuti. Bawat segundong lumilipas ay lalo kong nararamdaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa. At noong magsalita na ito ay halos mawalan ako ng lakas. Kung hindi lang ako nahawakan agad ni Mavi ay tiyak kong matutumba ako dahil sa kawalan ng lakas sa katawan ko.

"You are Beatrice Lunar de Falcon, my lady. The heir of the de Falcon Clan, the forgotten clan of the Blood Clan and supposed to be the heir of the Lunar Organization."

Fvck!

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.

Nabungaran ko na lang na nasa isang silid na ako, nakahiga at mukhang ilang oras na rin ang nakalilipas simula noong pag-uusap naming kanina ni Aki. Dahan-dahan akong naupo at sinapo ang ulo. Masakit pa rin ito hanggang ngayon. Tila binibiyak pa rin ito na tila walang silbi ang pagpapahingang ginawa ko kanina.

"Damn! Ano bang nangyari sa akin?" mahinang tanong ko sa sarili habang hinihilot ang sintido ko. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata noong makaramdam ako nang pagkahilo. Fvck! What the hell is wrong with me?

Pilit kong ikinalma ang sarili at inalala ang nangyari kanina. Kausap ko si Aki at noong banggitin nito ang tungkol sa Blood Clan at Lunar Organizaiton, biglang nanghina ang katawan ko at imikot ang paningin ko. After that, hindi ko na matandaan pa! Mukhang nawalan nga ako nang malay kanina habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa pagkatao ko!

"You are Beatrice Lunar de Falcon, my lady. The heir of the de Falcon Clan, the forgotten clan of the Blood Clan and supposed to be the heir of the Lunar Organization."

Agad kong inimulat ang mga mata noong maalala ko ang sinabi ni Aki kanina.

Beatrice Lunar de Falcon.

That's my name.

Blood Clan and Lunar Organization. I belong to those two groups. Paanong nangyari iyon? Paanong naging konektado ako sa dalawang grupong iyon?

I sighed as I tried my best to calm myself down. Mas lalo kasing sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip ko!

Mayamaya lang ay mabilis akong naging alerto noong makaramdam ako ng malakas na presensya na papalapit sa silid na kinaroroonan ko ngayon. Mabilis akong umayos sa pagkakaupo at binalingan ang pinto ng silid. Hindi ko inalis ang paningin sa may pinto hanggang sa bumukas ito at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Aki.

"Lady Beatrice," anito at mabilis na naglakad palapit sa akin. Nanatili akong tahimik at nakatingin lamang sa kanya. "How are you feeling? Masakit pa ba ang ulo mo?"

Katahimikan.

"Lady Beatrice..."

"Can you tell me more about me? About me being a Blood and Lunar?" tanong ko dito habang mariing nakatingin pa rin sa kanya. I need to know more! Mas lalong sasakit ang ulo ko kung hindi ako malilinawan sa totoong pagkatao ko!

"Lady..."

"Please," marahang sambit ko dito.

"No, Lady Beatrice. I can't risk it. Nawalan ka nang malay kanina kahit iyon lang ang sinabi ko," aniya at nag-iwas ng tingin. "I can't do this to you."

"I'll be fine, Aki," mariing sambit ko at humugot ng isang hininga. "I just need the truth."

"The truth will just harm you, Lady Beatrice. Hindi ko gagawin iyon."

"Aki, please..."

"Kung gugustuhin ko lang, Lady Beatrice, matagal ko nang ginawa ito, iyong magpakita sayo. Pero hindi lang ikaw ang ipapahamak ko kapag malaman mo ang totoo tungkol sa pagkatao mo. Maging ang mga malalapit na tao sa buhay mo. Mapapahamak din sila, Lady Beatrice."

"I have nothing, Aki."

"You have Celeste and Manuel, Lady Beatrice," matamang sambit nito na siyang ikinatigil ko. "Matagal na kitang inilayo sa magulong mundo natin. At kung bibigyan muli ako nang pagkakataong gawin ang ginawa ko noon, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit iyon, Lady Beatrice. Kung para sa kaligtasan mo, gagawin ko ito nang paulit-ulit."

I froze. Napalunok ako at unti-unting nauunawaan ang mga katagang binibitawan nito.

"A-anong sinabi mo?" nanghihinang tanong ko dito. Say it again, Aki! Gusto kong marinig muli ang mga sinabi nito sa akin! Damn it!

Kita kong natigilan si Aki sa kinatatayuan nito at mabilis na umatras palayo sa akin. Yumukod ito at mayamaya lang ay narinig ko ang mahinang pagmumura nito.

"Aki..."

Agad akong natigilan sa pagsasalita noong biglang akong may nakita na namang mga imahe sa isipan ko. Fvck!

Blood Hunters! They’re rushing towards Aki's mansion! Damn! This is not good!

"Lady Beatrice!" Napakurap-kurap ako noong maramdaman ang mahinang pag-yugyog ni Aki sa balikat ko. Agad akong napabaling sa kanya at sinabi ang mga nakita ko.

"They're coming."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Cursed of Eternity   SPECIAL CHAPTER 2

    BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div

  • The Cursed of Eternity   SPECIAL CHAPTER

    Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  

  • The Cursed of Eternity   EPILOGUE

    Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 50

    Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 49

    Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura

  • The Cursed of Eternity   CHAPTER 48

    Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status