“Yeah, later. Uuwi ako ng maaga mamaya. Just call me kapag nakarating na kayo dito.” His soft and sweet voice ringing in her ears.Kakalabas niya lang sa banyo. Iyon ang naabutan niya. Treous is always serious and ruthless on her. Hindi kailanman lumambing ang boses nito sa kaniya. Until now. “Yes, Carrie. Sure. What else you want me to buy for you?”Carrie. Natigilan siya nang marinig ang pangalan na iyon. Ibig sabihin ay babae. Parang may kumurot sa dibdib niya. Ngunit hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito. Maliban sa pagiging baby maker, wala na dapat siyang ibang issue sa buhay ni Treous. O kung sino mang babae ang aaligid dito. Dahil hindi niya na problema iyon. Ang totoong trabaho niya ang dapat niyang pagtuonan ngayon.Napansin niyang sinulyapan siya ni Treous. Kalaunan ay binaba nito ang tawag. Inaayos nito ang necktie nito pero naudlot nang may tumawag ulit. Seryoso nitong sinagot ang tawag ngunit nararamdaman niya ang mga sulyap nito sa kaniya. Napalunok siya at
Hindi niya na pinansin ang sugat. Deretso na siyang nagtungo sa banyo. Kinakabahan siya. Galit na galit iyong babae kanina. At kung iisipin iyong tuno ni Treous kanina noong kausapin nito si Carrie sa phone ay alam niyang importante ito sa lalaki. Sana lang ay walang gawing masama si Treous sa kaniya. Siguradong iniisip nitong sinaktan niya si Carrie.Tumingin siya sa salamin sa may sink. Namumutla pa rin siya hanggang ngayon. At ngayon niya lang napansin ang nagdurugong kamay. Akmang pipihitin niya ang faucet nang may kamay na biglang humawak sa pulsuhan niya.Namimilog ang mata niya nang balingan ang may-ari ng kamay. Si Treous pala at nagdidilim ang awra na nakatitig sa sugat sa kamay niya. Agad nitong ini-on ang faucet at hinugasan ang kamay niya. “T-Treous?” Wala sa sarili niyang banggit.Napasinghap siya nang iangat siya nito upang iupo sa may sink. “Stay here. I'll get a medicine,”anito sa seryosong boses. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang maghintay doon. Saglit lang nan
“Happy Birthday, Daniel.” Hinalikan niya sa noo ang anak. Niyakap niya ito. Panay ang hagulhol niya. Nasa bandang 3:30 pa lang ng madaling araw. Napansin niyang kinusot nito ang mata. Namimigat pa ang mga talukap nito sa mata nang bumuka iyon. Ngumiti siya dito.“Suotin mo na ang jacket mo, baby.” Kinuha niya ang jacket mula sa gilid. Kanina niya pa iyon inihanda para ipasuot sa anak. Malamig sa labas. Hindi ito pwedeng mahamugan kundi ay magkakasakit ito. Kagabi niya pa inihanda ang mga gamit nila sa labas. Isinilid niya sa trash bag ang back pack na pinaglagyan niya ng mga damit ng anak niya. Nagkunwari siyang magtatapon kagabi. “Mama...”Sinenyasan niya ito na huwag mag-ingay. Natigil ito at inosente lang na nakatitig sa kaniya.Mabuti na lang at nakumbinsi niya ang yaya ni Daniel na siya na muna ang tatabi kay Daniel ngayon. Mas madali niyang madala ang anak ng walang aberya.Tinulungan niya ang batang isuot ang jacket nito. Bahagyang binilisan niya ang pag-aayos sa suot ng bata
Ramdam niya ang bigat ng kaniyang ulo nang makabangon. Maririnig ang tilaok ng manok, at mahinang pag-uusap sa labas. Nakahiga siya sa kawayang higaan. Medyo mataas na ang sikat ng araw sa labas. Nang maalala ang anak niya ay tila binuhusan siya ng isang baldeng tubig at agad na tumayo. Derederetso siyang nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at agad dumako ang tingin ni Miguel sa kaniya. May kabayo na nakatali sa puno ng mahogany. May iba pang kabayo sa unahan na tumatakbo sa malawak na espasyo na may harang. Nasaan na ba siya? Bakit napakarami niyang nakikitang kabayo sa paligid? May kaharap si Miguel na lalaking matangkad din. Napansin niyang sumunod agad si Miguel nang magsimula siyang maglakad palayo.“Salome!”Hindi niya ito pinakinggan. Mas binilisan niya pa ang mga hakbang. Mas matangkad si Miguel at kapag hinabol siya nito ay paniguradong maaabutan talaga siya. At hindi nga siya nagkakamali dahil nahawakan siya nito sa braso. Ubod lakas niyang pinalis ang kamay nito. Dahil
Bahagya siyang natulala pero kalaunan nang matauhan ay agad din na tinanggal ang kamay ni Miguel sa baywang niya. Napalunok siya at agad tumalikod. Tiningnan niya ang unahan. Ang tamis-tamis nga naman ng mga salita ng mga lalaki. Mapait siyang napangiti sa kawalan. Minsan na rin siyang naloko ng matatamis na salita ni Treous. Nagtagal siya sa poder nito dahil inakala niyang mali lang ng iniisip ng iba dito. Pero tama nga ang mga iyon. Si Treous ay si Treous. Nilingon niya ulit si Miguel. Nakita niyang may hawak na itong flashlight ngayon. “Dito ako natutulog simula noong dumating tayo dito. May tent ako doon banda.” Inilawan nito ang hindi kalayuang banda kung saan hindi masiyadong matalahib.Napansin niya ang maliit na kubo na walang dingding sa unahan. Mahangin doon kaya't napakalamig lalo na sa gabi. Hinihimas ng kamay niya ang magkabilang bisig dahil sa lamig.“Doon tayo, Salome.”Balak nitong hawakan ang kamay niya pero umiwas siya at nauna nang maglakad. Hindi na bago sa kaniy
Aaminin niyang nahirapan siya sa mga requirements para makapasok bilang katulong. Sino ba naman ang mag-aakalang dinaig pa sa pagiging pangulo ng bansa ang pagbusisi sa mga katulong ni Treous? Lalo na sa background niya. Mas focus sila sa background niya at lastly ay ang credibility niya o kung flexible siya pagdating sa mga gawain. Pero ngayon ay nakasakay na siya ng van at natatanaw na ang pamilyar na gate. Lumuwag-luwag na ang pakiramdam niya ngayo'ng nakapasok na siya. Parang maluluha siya habang papalapit sa lugar.Medyo nagulat pa ang butler nang mamukhaan siya. Pero wala siyang pakialam sa mga reaksyon ng mga nandoon. Ang importante ngayon ay nandito na siya at magtatrabaho na siya dito. Agad niyang sinuyod ng tingin ang buong mansyon. Nasaan kaya si Daniel ngayon? Kumusta na kaya ito? Na-miss ba siya ng anak niya? Umiiyak ito dati kapag wala siya sa tabi nito. Kaya ngayo'ng naiisip niya ang tagpong iyon, parang kinukurot ang dibdib niya.“Di ba si Ma'am Salome 'yan?”Narinig
Inilapag niya ang coffee nito sa table. Sinulyapan siya nito habang hawak nito ang iilang papel. Napaisip siya. Nasaan na kaya iyong babae nito kagabi? Nasa silid nito? Malamang na doon nito iyon patutulugin. Girlfriend ni Treous iyon kaya panigurado.“Kung wala ka nang kailangan aalis na ak-”“Ba't nagmamadali ka? Babalik ka ulit sa garden?” May iritasyon sa mga mata ni Treous nang sulyapan siya.Napakunot ang noo niya. Ano naman kung babalik nga siya doon o hindi? Ba't kung makapagtanong ito e parang ang laking kasalanan na ng mga pinanggagawa niya? Wala naman siyang ginagawang masama.“You really like entertaining boys, huh?”Nalilito siyang tinitigan ito. “Huh?”“May flavor of the day ka ba? Si Jepoy na naman ngayon?”Kalaunan ay na-gets niya ang ibig nitong sabihin. Napakuyom siya ng kamao at nagtiim bagang. Hindi niya maintindihan kung saan ito nagalit at mukhang siya ngayon ang pinag-iinitan. Nag-away ba ito at ng girlfriend nito kagabi kaya ito aburido ngayon? “Pwede na po ba
Naramdaman niya ang yakap ng anak niya kaya napangiti siya. Naalala niya pa noong birthday nito na sinakto niya sa pagtakas nila. Hindi niya akalaing babalik pa rin pala sila dito. Hindi nga talaga nila kayang takasan si Treous. Naalala niya tuloy ulit ang nangyari sa baba kanina. Bakit nito pinangangalandakan ang kuneksyon nila? Ano na naman kaya ang balak nito? “What the hèll did you do to me?”Napalunok siya nang maalala ang sinabi nito kanina. Bakit parang siya pa ang sinisisi sa isang bagay na di niya alam kung ano? Bakit? Ano ba ang nagawa niya? At iyong halik nito kanina ang biglang bumalik sa ala-ala niya. Napapailing siya upang iwaksi sa isipan ang senaryo na iyon. Bakit niya kailangang isipin pa iyon? Natigil ang iniisip niya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nasa bandang 12 na at di pa siya makatulog. Kaya nakapagtataka kung sino itong pumasok. Agad siyang nagkunwaring tulog. Pero bahagyang nakabuka ang kabilang mata para masilip kung sino ang pumasok. Si Treous pala.P