Share

Kabanata 18 - Book 2

Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya?

“Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo.

Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya.

Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.

May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status