The Pretending Heart - Chapter 4
NAKAKITA ng tiyempo para makapag-'tanung-tanong' si Armando nang minsang magkasarilinan sila ni Alison. Nagkataong nakipaglibing ang dalawang matandang babae, nang magdala siya ng bagong pitas na mangga para sa dalaga isang tahimik na hapon.
Atsaka, may isang buwan na silang magkakilala ng dalaga, kaya hindi na gaanong mahirap magbukas ng mga personal na paksa. Puwera na lang kung talagang umiiwas ang pagtatanungan...
"Ilang taon ka na, Alison?" umpisa ni Armando.
"Er, thirty five."
Na-sorpresa siya pero natuwa rin. "Kaunti lang pala ang tanda ko sa 'yo," aniya. "Ang akala ko'y malaki."
"Mas madaling tumanda ang babae kaysa sa lalaki, Armando," pakli ni Alison. Tila hindi kumportableng pag-usapan ang edad.
Saka lang niya naalala na 'unethical' nga pala ang gayon para sa isang babae. Lalo't lampas na sa kalendaryo. Isang karangalan na siguro niya nung sagu
The Pretending Heart - Chapter 5ISANG umaga, nagising si Alison sa malakas na buhos ng ulan sa bubungan ng bahay. Kaya pala maalinsangan kagabi, may balak magsungit ang panahon kinabukasan.Nakatulugan niyang nakabukas ang bintana kaya may pumapasok na anggi ng ulan sa loob ng kuwarto. Dali-dali siyang bumangon mula sa papag para isara ang dahon na yari sa pawid at kawayan.Ngunit napapatda siya sa tanawing nasulyapan sa labas. Nasa gitna ng palayan si Armando! Umagang-umaga'y nagpapaulan dahil sa pagtatrabaho. Ni walang pandong o balabal man lang bilang proteksiyon.Kumunot ang noo ni Alison. Saglit na nag-alangan kung ano ang dapat gawin. Maya-maya'y maliksi siyang nagbihis. Pinalitan ng blusa at pantalon ang suot na padyamang pantulog.Saka na siya mag-iisip.Sa kabila kasi ng puspusang panliligaw ni Armando nitong mga nakaraang araw at gabi, ang pinag-aaralan niyang kasagutan ay ang pagbigo rito. Kaya ang ipapakita niyang pag-aalala par
The Pretending Heart - Chapter6"MY God!" bulalas ni Armando. Paus na paos ang tinig, sanhi ng pinaghalong pagtitimpi at pagkabigla. "My God, Alison--" ulit nito. Paungol na."D-don't stop, please," pakiusap naman ni Alison. Pagaw na rin ang boses.Nanatili sa mahigpit na pagkayapos ang mga braso at binti ng dalaga sa matipunong katawan ng katalik. Pinipigil siya sa paglayo nang mapaigtad matapos matuklasang birhen pa ang kaniig."Make love to me," anas ni Alison. "Please...""Dammit, you don't have to plead," protesta ni Armando. Hindi maikubli ang paghihirap dahil sa pagkokontrol. "I'm hurting you--""No. Hindi na ako nasasaktan," bawi ni Alison, halos pahikbi na. Para bang nangangambang hindi na matuloy ang pagtatalik. Para bang iyon na lamang ang tsansa nito para makalasap ng ligaya… "Ituloy mo na, Armando. Mahalin mo na ako. Kahit na ngayon lang..."Kahit na mahalumigmig ang
The Pretending Heart - Chapter7WALA ring nakapansin kay Alison sa pagbalik niya sa bahay. Wala sa paligid ang dalawang matanda. Marahil ay nasa kapitbahay o nasa silid-tulugan pa ng mga ito.Tahimik siyang kumuha ng tuwalya sa kuwarto bago nagtungo sa batalan. Dali-dali siyang naligo.Halos pikit-mata siyang nagsabon ng katawan. Ayaw kasi niyang maalala ang mga halik na ikinintal ni Armando sa kanyang balat.Gayundin nung nagbibihis na siya. Ikinubli niya sa ilalim ng sweater na may mahabang manggas at mataas na neckline. Ni hindi man lang siya sumulyap sa salamin. Ayaw niyang makaharap ang sarili.Matapos magsuklay, humangos siya palabas ng kuwarto upang maghanap ng makakausap. Parang mababaliw siya kapag nanatiling nag-iisa nang matagal.Dinatnan niya sa kusina ang dalawang matanda. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa nawawalang termos."Baka naman naiwanan mo lang kung saang tabi-tabi,
The Pretending Heart - Chapter8"SORRY po talaga, Mr. Formilleza. Talaga pong hindi nakarating si Miss Bautista." Halos magmakaawa na ang empleyada habang nagsasalita.Wala namang magawa si Armando kundi ang magtiim ng mga bagang habang nakatitig sa kaharap. Ayaw niyang maniwala sa mga paliwanag nito, pagkatapos siyang paghintayin hanggang alas diyes.Kaninang alas otso singko ng umaga pa siya dumating sa gusaling kinaroroonan ng B.A.R.O.N. Corporation. Hindi birong palipasin ang dalawang oras!"Buweno, ibigay mo na lang sa akin ang home address o di kaya'y ang personal telephone number niya," utos niya, sa kanyang pinaka-awtoritibong tono."Naku, hindi po puwede 'yan, sir! Bawal po. Magagalit po sa akin si Ma'am.""Kailangan ko siyang makausap, miss. May importante akong sasabihin sa kanya. Hindi siya magagalit sa 'yo. Sasabihin kong ako ang nagpumilit, pangako 'yan. Mahalaga lang na magkausa
The Pretending Heart - Chapter9"ARMANDO? Armando? Nasaan ka? Kailangan kita!""Nagdidiliryo siya!" bulalas ni Nana Senyang habang pahangos na lumalapit sa canopied bed."Kailangan niya ng doktor," wika naman ni Armando. Kasunuran lang ng matandang babae.“Oo. Tiyak na hindi pa nakakalayo dito si Dr. Almario. Tatawagan ko siya sa kanyang celfone. Bantayan mo na lang muna si Alison." Bago natapos ang sinasabi nito, papalabas na sa pintuan."Opo, Nana.”Umungol uli ang pasyente kaya dali-daling lumapit si Armando sa marangya at maluwang na kama. Maingat siyang naupo sa tabi ni Alison. Buong pagsuyong hinagod ng mga daliri niya ang mahabang buhok na nakalatag sa putim-puting unan.Walang gaanong nagbago sa anyo ni Alison, maliban sa bahagyang panlalalim ng mga mata at sa pamumutla ng makinis na balat. Hindi pa rin nakakasawang pagmasdan. Lalo pa ring gumaganda habang tinititiga
The Pretending Heart - Chapter10ANG lobby ng isang five-star hotel ay kasalukuyang bumabaha sa dami ng mga taong pulos kabilang sa alta sosyedad.Isang espesyal na okasyon ang dinayo ng mga mayayaman at kilalang personalidad, nang gabing iyon."Ladies and gentlemen! We now proudly present the much-awaited...! The much-touted about...! The much-publicized...! One-man sculpture show on earth!" Nakaka-ingganyong makinig sa pahiyaw pero nananadyang mambitin na pahayag ng prupesyonal na emcee."We humbly present to you a very talented! A very creative! And a very, very handsome sculpture! He is none other than the Armando Formilleza!"Umalingawngaw ang masigabong palakpakan sa paligid."Sweetheart, hinihintay ka na nila," pagtataboy pa ni Alison sa asawa."Honestly, I'm nervous," kumpisal naman ni Armando."You don't look a bit nervous, Mr. Handsome," wika niya. Napakasimpatiko at na
The Dubious CaretakerSYNOPSISMahirap pa sa daga ang pamilya ni Martinne. Desperada na siya kaya napilitang magpanggap.Ngunit paano kapag natuklasan ng among pinagsisilbihan ang kanyang panloloko? Papalayasin kaya siya ni Elan? O paparusahan?Anong parusa kaya ang dapat na ipataw sa isang impostor na katulad niya?* * *The Dubious Caretaker - Chapter1Madilim-dilim pa kung bumangon si Martinne para simulan na ang paggampan sa naiwang gawain ng kanyang ama. Dinidilig niya ang kalakhan ng hardin na nasa loob ng malawak na bakuran ng lumang mansiyon.Walang nakatira sa mansiyon, sa kasalukuyan. Ang mag-asawang amo nila ay nagtungo sa America upang manirahan doon, kapiling ang nag-iisang anak na babae. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Madriaga, ngunit hindi malimit maikuwento ng mga amo nila ang tungkol sa anak na may pagka-bagamundo.Napa-buntonghininga si Mart
The Dubious Caretaker - Chapter2Matuling lumipas ang isang linggong palugit ng abogado.Ibinuhos ni Martinne ang buong panahon sa paglilinis sa lahat ng sulok ng mansiyon. Sinasadya niyang pagurin ang sarili para hindi siya mangulila.Sa umaga lang siya kumakain. Dahil sa gabi ay nakakatulog na agad siya.Kaya naman lalo pa siyang nangayayat. Nagmistula isang binatilyo na lang, imbis na isang babaeng edad-disinuwebe.Nasunod niya ang lahat ng mga instruksiyon na nakalista sa papel na ibinigay ng abogado.Ang pambili lang ng mga pagkaing i-i-imbak sa malalaking freezer at refrigerator ang kanyang inumit. Ang plano niyang ipamili ay ang natitirang kalahati ng sahod niya sa paglilinis.Ngunit kahit na ubusin niya iyon, malaki pa rin ang kakulangan sa halagang kinupit niya. A, saka na lang niya iisipin ang tungkol doon...Ang mahalaga ay ang magandang balita na tinanggap sa pamamagi