Hilam ang luha na bumagsak si Grazie sa kama. Sa taxi pa lang hindi na tumitigil ang luha niya. Ang hirap kontrolin. Pakiramdam niya may pumipiga ng puso niya.
Ikaw na kasi dakilang tanga. Sana, 'di na lang siya pumunta sa bahay ng boss. Sana, hindi na lang ito bumalik kaagad ng Maynila. Sana, hinintay nitong makaalis siya. Ang daming sana.
Inaamin niyang nagkaroon siya ng hope sa isip niya kanina, na posibleng maging sila ni Thunder after ng nangyari. Umaasa siyang pipiliin siya nito. Pero hindi. Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon, si Ira pa rin ang gusto nito. Tanging pangalan lang ni Ira ang isinisigaw nito.
Naging kan'ya lang si Thunder, panandalian. Masaya siya, pero may mali. Kasi, naging panandaliang-aliw lang siya nito.
"What are you doing here?" asik na tanong ni Thunder sa kakambal. Prenteng naupo pa ito sa couch pagkapasok nito."Visiting you?" Ngumiti pa ito, na ikina-asar niya.Ang laki ng kasalanan nito sa kan'ya. All this time, alam nito na aalis si Grazie sa company without informing him. Kaya nagagalit siya sa lahat ng taong nakakaalam, including Grazie. Hindi dahil sobrang dami ng gagawin sa kompanya, kundi dahil hindi siya sanay na wala si Grazie sa paligid.Baka akala ng dalaga talagang binaliwala niya ito. Yes, 2 years silang hindi nag-usap. Pero araw-araw niya itong tsine-tsek sa monitor niya sa malaking bahay niya sa Bicol. Masaya na siya masilayan lang ito saglit sa monitor. Pero ngayon? Pakiramdam niya sumisikip ang dibdib niya. Wala siyang makitang Grazie! Kaya
Makalipas ang tatlong taon... "Happy anniversary, my love," masuyong bungad sa kan'ya ng nobyong si Alwyn sa telepono. “I never thought love could be this amazing, and I thank you for that. Would you mind opening your arms so I can hug you?” medyo madrama nitong sabi. Medyo kinikilig siya pero natatawa siya. Lagi kasi itong gano’n. Likas na kasi dito ang kalambingan pero hindi pa rin talaga siya sanay. "What an adorable, my man! Sure," natatawang tugon niya dito. Naka-ipit sa tainga niya at balikat ang telepono habang may hinahanap sa computer niya. “Are you making fun of me?” anitong may himig na pagtatampo. “Of course not
"Damn it!" Galit na ibinato ni Thunder ang telepono. Mali ang ibinigay ni Grazie na address. Sa dating apartment nito ang ibinigay nito, hindi ang address nito dito!Bakit kasi ngayon lang niya tiningnan? Kung kailan nasa tapat na siya ng bahay!Napahampas pa siya sa steering wheel niya mayamaya.Napatingin siya sa relong pambisig. Naitanong niya kanina sa katrabaho ni Grazie kung anong oras ang out nito. May isang oras pa ito bago mag-out. Baka maabutan niya ito.Akmang bubuhayin niya ang makina nang maalala ang eksena kanina sa restaurant kasama ang lalaking iyon. Sa tingin niya may relasyon ang dalawa. Unang beses niyang nakita si Grazie na nakikipaghalikan sa public. Hindi naman na bago iyon dito sa US, pero hin
"Alwyn!" Napahawak siya sa dibdîb sabay pikit. Sunod-sunod ang paghinga niya doon. Akala niya, si Thunder ang bisita niya.Bakit ba siya napa-paranoid? Hindi naman address niya dito ang binigay niya sa dating boss."Is there something wrong?" puno ang pagtataka sa mukha ng nobyo.Ngumiti siya dito ng matamis. "Nothing, love." Tumingkayad siya dito para halíkan ang labí nito ng mabilis.Hindi pa rin mawala sa mukha ni Alwyn ang reaksyon nito nang igiya niya papasok sa loob. Hinarap siya nito at pinakatitigan ang mukha niya."Something is bothering you, love. I can see it. Now, tell me." Hinaplos nito pisngi niya at pinis
Akmang hahalikan siya ni Thunder nang takpan niya ang bibig niya. Napatitig ito sa kan’ya sabay pikit ng mata. Parang gusto rin nitong magmura sa ginawa niya. “Bitawan mo ako, Thunder. Nandito tayo para mag-usap,” aniya dito at itinulak ito pero hindi ito natinag. Imbes, lalo nitong inilapit ang sarili sa kan’ya. “Let me do this, please?” anito at bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. “Kahit saglit lang," halos pabulong na sabi nito. Talagang natigilan siya sa ginawa nito. Isiniksik nito ang sarli sa leeg niya kaya nakaramdam siya ng kiliti. “I really missed you, Grazie!” ani ng dating boss na lalo niyang ikinatigil. Kung ano ang unang reaksyon niya nang yakapin siya nito, ganoon pa rin siya nang magsalita
"Thunder..." Saka lang natauhan si Grazie nang maalala ang dating boss. Nasa loob nga pala ito ng bahay nila. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin dito nang lingunin. “A-anak mo?” Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha nito. Alanganing tumango siya dito saka hinele si Benrick na patuloy pa ri nsa pag-iyak. Hindi ito nakasagot dahil tinuro ito ni Ayeisha. Napangiti ang dating boss sa anak kaya lumapit ito. "D-dada!" Nagkatinginan sila ni Thunder sa naibulas ni Ayeisha. "Hi, baby..." ani ni Thunder nang lapitan si Ayeisha. “What’s your name?” kausap nito sa anak, akala mo naman makaka
Saktong alas-dose nang buksan niya ang isang app sa laptop niya. Gusto niya lang tingnan kung ano na ang ginagawa ng mag-aama niya.Napangiti siya. Masarap sana pakinggan ang salitang ‘mag-aama niya.’Napatitig siya sa screen ng laptop niya.‘Mabubuo pa kaya sila?’ Hindi niya naiwasang itanong sa sarili.Kung mabubuo sila, paano na si Alwyn? Hindi niya kayang saktan ang damdamin ng nobyo. Marami na rin itong sinakripisyo para sa kan’ya at sa kambal. Lagi itong nandiyan kapag kailangan nila.Napamura siya sa isip k
Bagsak ang balikat niya nang ibaba ang selpon. Ilang beses niyang idinayal ang numero ni Alwyn pero hindi ito sumasagot, maging sa social media account nito. Sabi nito, mamasyal sila ng Sunday pero bakit wala ito? Linggo na ngayon! Bakit kasi hanggang ngayon hindi pa ito bumabalik ng California? Kahapon nag-text pa ito, e. Tinawagan na nga niya ang kapatid nito pero hindi nito alam kung nasaan ito ngayon dahil hindi niya makontak bigla. Balak pa naman sana nilang mamasyal na apat.Padaskol na naupo siya sa sofa. Tulog pa ang dalawa kaya hindi siya puwedeng manatili sa kuwarto ng mga ito. Binuksan na lang niya ang monitor kung saan konektado ang camera’ng nasa loob ng silid ng kambal.Tumingin siya sa wall clock. Maaga pa naman.Napapitlag siya nang ma