All Chapters of The Desire of a CEO : Chapter 1 - Chapter 10
53 Chapters
Prologue
"Grabe ka naman, boss! Hindi niyo pa nga kilala 'yang babaeng 'yan, gusto mo na kaagad na angkinin! Paano kung may asawa pala 'yan? E 'di, masasaktan ka din sa huli? Naintindihan ko na nangungulila ka kay Ma'am Ira pero matagal na po siyang wala. Kailangan niyo na po'ng mag-move-on pero... 'wag naman sa ganito, boss. Mali 'tong ginagawa mo. Paano naman ang pamilyang naghihintay sa babaeng 'yan, boss? Kawawa din sila kung ganoon," mahabang litanya ni Graziana sa boss na si Thunder Santillan, ang kasalukuyang CEO ng Santillan Group of Companies. "Shut the f*ck up, Grazie!" singhal ni Thunder sa kan'ya. "Naririndi na ako sa bunganga mo. Wala kang ginawa kung hindi ang sermonan ako! Sino ka ba, ha? Secretary lang kita!She might be the one who can make me whole and happy! So please, leave. Hindi ko kailangan ng sermon mo, o ni Kuya! Out!"  
Read more
Chapter 1
Sabay na napatingin si Graziana at Ace sa television nang muling ibalita ang pagkamatay ni Laura Miller Hernandez, na asawa ng retired army, na si Astin Kier Hernandez. Namatay si Laura sa mismong helicopter crash, na malapit sa farm ni Thunder. Isa ang mga Hernandez sa pinakamayamang pamilya sa bansa kaya naman balitang-balita ito. Sa totoo lang, ilang beses ng ibinalita iyon pero nagbibingi-bingihan lang sila ni Ace sa katotohanan. Matindi ang paniniwala nila na ang babaeng tinulungan ni Thunder at si Laura ay iisa. Pero hindi nila masabi iyon kay Thunder dahil unti-unti ng nahuhulog ito. Mahigit dalawang buwan na mula ng magising si Laura at wala nga talaga itong naaalala. Ang masaklap pa, buntis ito at hindi naman nga ang boss ang ama. Pinanindigan talaga ni Thunder na ito nga ang asawa ni Laura, at paniwalang-paniwala naman ang huli.  
Read more
Chapter 2
“Boss, ito na po ang mga dapat mong pirmahan. Ne-review na din po ni Sir Ace ‘yan. Pirma mo na lang po ang kulang.” Nilapag niya ang makapal na papeles sa table nito. Kakarating niya pa lang pero dumeretso agad siya sa library nito nang malamang naroon ito. Mabuti na iyon para hindi na niya ipatawag sa kabilang bahay nito kung saan kasama ang asawa-asawahan nito. “Thank you,” anito sabay kuha ng mga papeles. Sumubsob na ito doon kapagkuwan. Hindi naman ito nakipagkuwentuhan kagaya noon.  Pitong buwan ng ganito ito sa kan'ya. Pormal na silang nag-uusap simula nang gabing halikan siya nito. Hindi niya alam ang drama nito, e ito naman ang naunang humalik sa kan'ya noon. 'Yon lang naman ang huling tagpo nila ng boss, na medyo awkward. Iwas na i
Read more
Chapter 3
Nagkunwari siyang seryoso pagbalik ng boss. Hindi niya ito tinawag pero parang tantiyado nito ang oras kung kailan siya matatapos. May dala itong pagkain pagbalik. Nilapag nito sa side table. May kinuha itong foldable na mesa at inilatag nito sa gilid ng kama. Sinundan lang niya ito ng tingin nang kunin nito ang pagkain sa mesa at inilipat sa nilatag nitong mesa. "Sit here," utos nito sa kan'ya. Umusog siya pero nang mahirapan bigla na lang siya nitong binuhat palapit. Hindi niya maiwasang lumunok ng laway.  Ang bango kasi ng boss. Nakaka-tempt. Parang ang sarap halikan. "What?" untag nito nang mapansing titig na titig siya. "Kakain na po," wala sa sariling sambit niya. 
Read more
Chapter 4
Hindi nakatulog ng maayos si Graziana kaka-isip sa nangyari sa kanila ni Thunder. Naguguluhan na siya sa boss. Hindi siya nito gusto pero nagpaakit sa kan’ya. Ang hirap pala talaga espelingin ng boss niya. Mahirap bang aminin na na-attract din ito sa kan’ya? Iba ang nakikita niya sa mga mata nito nang halikan niya at matapos nitong gawin ang hindi dapat gawin.    Alas-kuwatro na siya yata nakatulog kaya tinanghali siya ng gising. Kung hindi pa niya narinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan ay hindi pa siya magigising.   Dahan-dahan siyang humakbang. Naka-tip toe pa siya dahil sa sugat niya. Si Allan ang bumungad sa kan’ya na ikinagulat niya.Papungas-pungas pa nga siya.   “H-hi!” bati niya rito sabay baba ng damit na medyo naka-angat. Naipon kasi lahat sa itaas ng tiya
Read more
Chapter 5
Walang nagawa si Graziana kung hindi papasukin na lang ang boss sa apartment niya. Hindi naman na siya babalik. Nasabi lang niya iyon para umalis na ito. Kaso, hindi naman kumagat sa sinabi niya.  Alam niyang nakasunod lang ito sa kan'ya. Ang tahimik nito hanggang makapasok.  Iniwan niya ito saglit at kumuha ng maiinom. May whiskey pa siyang naka-display kaya 'yon ang dinala siya sa sala. May dala din siyang kopita at bucket na may lamang cube ice para dito. Nakaupo na ito sa sofa nang datnan niya. Napaangat siya ng kilay nang suyurin nito ang kabuuan niya. Naka-dress kasi siya. Hindi ito sanay nagsu-suot siya ng ganon. Bihira lang siya kasi magsuot kapag may party lang.  "Bagay sa'yo," anito nang mak
Read more
Chapter 6
"Ma'am, ikaw daw po talaga ang maghahatid sa kabilang bahay."   Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Ellen.   "Nakakainis talaga 'to si boss," kausap niya sa sarili. Napakamot pa siya ng ulo kapagkuwan.    Kaya nga sinama niya si Ellen ngayon para ito ang maghatid sa kabilang bahay ng mga pinamili niya. Napako na kasi sa tabi ng bata si Thunder, hindi na daw makapunta sa malaking bahay nito para kunin ang ini-utos nitong mga pinamili niya. Halatang sabik na sabik talaga sa anak, ang boss.    "Samahan mo na lang ako, Ellen." Tumango ang assistant kaya kinuha na niya ang ilang plastic, ito na ang nagbitbit ng natira.    Nasa labas ng bahay
Read more
Chapter 7
Nakaingus na sinundan ng tingin ni Grazie si Thunder na paakyat.  Paano ba siya maka-move on nito. Kung iisipin niya kasi ayaw nitong may ka-date siyang iba. Feeling niya lang naman. Nakakahiya tuloy sa kaibigan ng kakambal nito. Naka-oo na siya. Hinanap niya ang telepono sa maliit na hand bag at tinawagan si Ace, na kaagad din naman nitong sinagot.  "Hi, Doc Ace! Darating ba si uhm, ano bang pangalan no'ng kaibigan mo? 'Yong bagong prospect natin?" "Si Drake Del Castillo ba? Yes, on the way raw siya. Diyan ka daw niya susunduin sa bahay ni Thunder," ani ng kakambal ng boss. Hindi niya mapigilang mapamura sa isip. "Ha?!" 
Read more
Chapter 8
Itinaas ni Grazie ang kamay at itinakip sa mukha sabay porma ng peace sign sa boss. Hindi naman niya kasi sinasadya. "Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil, Grazie!" anito nang bumulong sa kan'ya. "Sorry na nga boss, e!" "Hindi 'yan mawawala dahil lang sa sorry," makahulugang saad nito. Napalunok siya sa sagot ng boss. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin kaya tumayo siya. Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnan siya na puno ng pagbabanta. Buti na lang may lumapit na isang shareholder dito kaya bumitiw ito sa kan'ya. Sinamantala niya iyon para umalis sa tabi nito. Lumapit siya sa assistant at tumulong. Pagkatapos ng ilang palaro ay iniutos na
Read more
Chapter 9
Anim na buwan na mula ng huling mag-usap sila ng boss. Hindi na nasundan iyon kahit sa telepono man lang. Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito, o busy lang talaga sa mag-ina nito. Ang balita niya ay Ellen, na siyang nagre-report dito every Friday ay abala umano sa anak, na si King. Wala naman daw itong bukambibig kung hindi ang anak nito. Ang sabi rin ng katulong lagi raw nasa malaking bahay ni Thunder ang anak-anakan nito.  Nalulungkot din siya kasi hindi na niya ito nakikita. Kung gusto naman talaga siya nito, e ‘di sana gumawa ito ng paraan. Eh, hindi. Inaabala na lang niya ang sarili sa trabaho. Pero may ilang leave na rin siya. Una, noong kumuha siya ng passport. Medyo nabe-brain wash na siya ng kaibigan simula nang maikuwento niya ang tungkol sa kanil
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status