4 years later ... "Mommy, when will I see my father?" taong ng isang batang babae. "Soon baby, just wait for a little. But for now finish your breakfast, para makaalis na tayo diba gusto mong mag mall?" anas naman ni Ciara. "Yes, yes mommy!" masiglang turan ng bata. Hindi maiwasan ni Ciara ang mapangiti dahil sa pagiging bibo ng kanyang anak at minsan naman ay nakakaramdam siya ng lungkot sa tuwing hinahanap nito ang kanyang ama, palagi niya na lang sinasabi na busy pa ito sa trabaho kahit ang totoo ay hindi niya alam kung may asawa na ito. Sa ilang taon na pamamalagi siya sa Tagaytay ay masasabi niyang naging maayos ang buhay nilang mag ina at idagdag mo pa na ang anak niya na kahit 4 year old pa lang ay nakakapagsalita na ito ng maayos. Mukhang namana nito ang katalinuhan sa kanyang ama. Ngayon ay handa na siyang bumalik at harapin si Aiden pero hindi niya muna ipapakita ang kanyang anak dahil hanggang hindi niya pa nakakausap ang binata ay hindi niya pa sigurado kung tatanggap
Linnea POV Nakangiti akong ibinaba ang phone matapos kung makausap ang kaibigan ko, halos apat na taon na simula no'ng umalis siya at masaya ako dahil nakaya niya ang nangyari sa buhay niya. Sana lang ay magkaayos na sila ni Aiden para mabuo na ang pamilya nila. Tumayo na ako para lumabas sana ng kwarto ng mapansin kung nakatayo sa pinto ang asawa ko habang seryosong nakatingin sa akin. "H-hunter.." mahinang sambit ko, halos mamutla na ako. "Yes?". "K-kanina ka pa ba?" tanong ko pero ang totoo ay kinakabahan na ako ng sobra dahil hindi malabong narinig niya kung sino ang kausap ko. "Kakarating ko lang at sapat lang para malaman kung si Ciara ang kausap mo." seryosong turan niya. Halos manlambot ako tuhod ko sa lamig ng pagkaka sabi niya. I'm doomed! "Kailan pa? Kailangan mo pa alam kung nasaan ang kaibigan mo?" dagdag na tanong niya habang papalapit sa akin. "Baby--" "Tinatanong ko Linnea kailan pa?" madiin na wika niya. "S-simula ng umalis si Ciara, a-alam ko na d-dahil ako
Limang araw na ang nakalipas simula ng magkasagutan ang mag asawa Hunter at Linnea, hanggang ngayon ay hindi pa din sila nag aayos na dalawa kahit nagpapansinan ay hindi na nila ginagawa. Ilang beses na sinubukan ng dalaga na kausapin ang asawa pero para lang siyang hangin dito. Minsan ay dinadaan na lang ni Linnea sa pag iyak ang lahat lalo na kapag wala ang kanyang asawa at nasa trabaho ito. Kasalukuyan silang nag aalmusal kasama ang kanilang anak na si Ash na kanina pa pabalik balik ang tingin sa kanila, marahil ay nagtataka din ito kung bakit hindi nag uusap ang kanyang mga magulang. "Mom, Dad magkaaway ba kayo?" mukhang hindi na ito nakatiis at tinanong na ang dalawa. "Hindi anak." "No son." "Are you sure? Bawal magsinungaling. Ilang araw ng napapansin ko po na hindi kayo nagpapansinan." anas ni Ash. "What you said is true Ash, huwag kang magsisinungaling dahil hindi maganda 'yon. No one will trust you if you lie to someone. If you value and love a person you should tell the
Linnea POV Nandito na ako sa harap ng pinto ng conference room, no'ng una ay nagdadalawang isip ako kung tutuloy ako o hindi dahil hindi ko alam kung may meeting ang asawa ko pero ang sabi lang naman ni Dane ay dumiretso na lang ako. Dahan dahan kung binusan ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay kung sakaling may meeting o kausap man si Hunter, nag mabuksan ko ito ng konti ay sumilip muna ako. Halos hindi ako makagalaw sa nakita ko I saw a woman kissing my husband, hindi nila ako mapapansin dahil nakatalikod sa akin si Hunter at nakatagilid naman ang babae. Dahan dahan kung isinara ang pinto at napasandal ako sa gilid no'n. Hindi ko alam kung ano ang irereak ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Alam kung galit siya sa akin pero hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito. Nasaan na ang faithful kung asawa? Dali dali akong pumasok sa elevator dahil baka hindi ko na kayanin kapag magtagal pa ako do'n. Pinindot ko na ang ground floor para
Linnea POV Kanina pa ako nakarating sa bar, parang gusto ko muna magpakalasing ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Alam kung walang magandang maidudulot ang alak at sakit lang sa ulo pero pakiramdam ko ay ito lang ang makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko matanggap na aabot kami sa ganito lalo na't kasal na kami at may anak pa. Hindi ko alam na ganito na lang magkakagulo ang pamilya na meron kami. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa sa akin ni Hunter ang bagay na ito, na bakit nagawa niyang mambabae at sa mismong loob pa ng opisina. Ilang beses na din tumawag sa akin si Hunter pero hindi ko ito sinasagot maski si Aiden ay tumatawag din sa akin pero kahit siya ay hindi ko sinagot. Ayaw kung makipag usap sa kahit kanino ngayon. At dahil inom lang ako ng inom ay hindi ko na namalayan ang oras, inabot na ako ng gabi at nakakaramdam na din ako ng pagkahilo. Kaya binayaran ko na ang nainom ko at pagpapasya ng lumabas ng bar. Hindi nga ako nagkakamali dahil paglabas ko ay madili
Ciara POV Kararating ko lang ngayon sa bahay namin, nakalimutan kung tawagan si Linnea at sabihin na bumalik na ako. Hindi ko kasama ang anak ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon, kailangan ko munang ayusin ang gusot sa pagitan namin ng kanyang ama. Tiningnan ko ang relo ko at saktong 6pm na, medyo matagal ang naging biyahe ko dahil na din sa traffic kahit na maaga akong umalis sa Tagaytay. Mabuti na lang at kumain na ako sa labas bago umuwi dahil wala pa akong grocery sa bahay. Nagpasya na lang muna ako maligo kasi naisipan kung mag bar muna. Saktong 7:30pm na ako nakatapos mag ayos kaya kinuha ko na ang maliit kung bag at umalis na ng bahay. Nag book na ako ng grab dahil ayaw kung magdala kotse, napagod na kasi akong magdrive. Saktong 8pm ay nasa bar na ako dahil hindi naman kalayuan 'yon dito sa bahay, umupo na ako sa bar counter at umorder ng tequila. Sinasabayan ko lang ang bawat tugtog ng music habang nag iinom. Halos isang oras na akong uminom pero hindi pa ako nakakar
Linnea POV Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari ang sagutan namin ni Hunter, ilang beses niya na din sinubukan na kausapin ako pero hindi ko siya pinapansin. Hindi pa ako handa na makinig sa mga sasabihin niya, sadyang nandito pa din ang sakit at sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik sa alaala ko ang nakita ko. Ilang beses ko na din tinangka na umalis pero nahuhuli lang ako ng mga tauhan ng asawa ko, hindi na bago sa akin 'yon dahil alam ko na pinabantayan ako sa kanila at sigurado naman ako na si Hunter ang susundin nila kaysa sa akin. At ngayon ay nandito na naman ako sa kwarto kaharap ang asawa ko, sinubukan ko na naman kasing tumakas pero kagaya ng nakaraang araw ay nahuli lang din ako. Kaya umuwi dito si Hunter kahit na nasa opisina ito. "Hindi ka ba talaga madadala Linnea? Paano kung nabalian ka ha!" singhal niya sa akin, dumaan kasi ako sa bintana. "Paalisin mo na kasi ako." anas ko. "No! Ilang beses ko bang sasabihin 'yan sayo. Walang aalis sa pamamahay na ito." di
Aiden POV Nasa kotse na ako ngayon pauwi sa condo ko, dumaan pa kasi muna ako sa bahay nila Hunter dahil may kailangan akong kunin. Hindi pa sana ako uuwi ngayon pero dahil nasa bahay si Ash kaya wala akong ibang choice kung hindi ang umuwi. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin no'ng nakaraang araw ni Ciara, hindi ko inakala na magkikita kami ulit pagkatapos ng apat na taon. Ng makita ko siya ay umusbong agad ang galit ko para sa kanya na kahit ilang beses pa siyang humingi ng tawad ay hindi ko pinakinggan. Para ano pa at nagsosorry siya sa ginawa niyang pang iwan? Hindi na maibabalik ang apat na taon na naging miserable ng buhay ko. Hindi din nagtagal ay nakarating na ako sa building kung saan ang condo ko, pinark ko lang ang sasakyan ko at dumiretso na sa elevator. Pinindot ko kung saang unit ako, mabuti na lang at wala akong nakakasabay kaya mabilis akong nakarating sa floor kung nasaan ako nag iistay. Pagbukas ko ng unit ko ay tumambad sa akin si Ash na prenteng nakaupo hab