Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
View MoreHindi kailanman naging bahagi ng plano ni Selene ang mag-intern sa The Black Empire Corporation.
Sa totoo lang, kahit kailan, ayaw niyang tumapak kahit isang hakbang sa gusaling iyon. Sa bawat hakbang kasi niya parang may malamig na nakadagan sa batok niya. Ang matayog na gusaling iyon ang pagmamay-ari ng lalaking matagal ng umukit ng galit at poot sa kaniyang isipan. Lucian Black. Ang taong ubod ng yaman, makapangyarihan, ang dating kasintahan ng kaniyang Ina. Masiyado itong hambog sa paningin niya kahit halos sampung taon na ang nakararaan ng huling makita niya ito. Sa magazine niya kasi madalas makita ito at kilala ng mga kaibigan maging kaklase niya dahil bukod sa billionaire ito ay sobrang gwapo at kisig nito sa edad na kwarenta. "Congratulations, Selene. Ikaw ang napili ng school para maging intern sa The Black Empire Corporation." Malamig ngunit mariin ang tono ng aking adviser sa unibersidad, si Professor Manalo. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o galit pero na-realize ko na ganon pala talaga siya. Pero bakit pa sa kumpanya na yon? Awa na lang pero ayaw talaga niya. "Pero Sir, kas—" "Hindi araw-araw may bukas na internship slot sa pinakamalaki at pinakatanyag na kumpanya sa bansa. Do your best." Napilitan na lang siyang ngumiti. "Opo, sir. I’ll do my best." Ngunit sa loob niya, sumisigaw ang pagtutol. Hindi ba’t sapat na ang nakaraan para huwag na siyang umikot sa mundong iyon? Pero kailangan niya ito — hindi lang para sa grades, kundi para sa kinabukasan na matagal na niyang hinahangad. Isa pa, hindi naman siguro niya makikita si Damian Black nang personal, ‘di ba? Isang simpleng intern lang siya. Hindi siya mapapansin. Tama. Yun na lang ang iisipin niya. Kaya naman ang unang araw ay parang isang bangungot. Gumising siya ng maaga dahil first day niya as an intern sa letcheng kumpanya na yon. Nakasuot siya ng simpleng blouse at itim na slacks, siniguradong maayos ang buhok at naglagay ng konting kolorete sa mukha. Sa kanyang dibdib ay nakasabit ang ID na may logo ng The Black Empire — ang siyang simbolo patungo sa kadiliman, kainis. “Good morning, Miss Garcia?” bati ng receptionist na si Lea, isang babaeng may matalim na mga mata at may pormal na ngiti. "Yes po" “Please go to the HR Office, 20th floor. Interns will have an orientation there." Nagpasalamat siya at tahimik na sumakay ng elevator. Unti-unti itong tumataas pero pakiramdam niya ay bumabagsak ang puso niya sa kaba. Sana panaginip lang 'to please. Nang bumukas ang elevator, sinalubong siya ng modernong opisina — mapuputing ilaw, minimalistic ang design, at mga empleyadong masyadong pormal ang mga mukha at ayos. Pumasok siya sa maliit na conference room kung saan may lima pang intern na tahimik na naghihintay. “Selene Garcia?” isang matandang babae ang lumapit sa kanya na may clipboard. “Ikaw na lang ang kulang. Mabuti’t dumating ka on time.” Tumango siya, pilit na ngumiti. “Opo, ma’am.” “Miss Garcia, ikaw ang napili ni Mr. Black para sa isang special placement.” Natigilan si Selene. “P-po? Sino pong Mr. Black?” “Mr. Lucian Black,” malamig na sabi ng babae. “Ang CEO.” Patay. Parang nanigas ang buo niyang katawan. Si Lucian Black? Siya mismo ang pumili sa kanya? Anak ng. Paanong nangyari iyon? Hindi siya nag-apply sa kahit anong special placement. Hindi siya nagre-request ng kahit anong koneksiyon sa taas. At lalong hindi niya naisip na mapansin siya ng mismong lalaki na iniwasan ng buong buhay niya. Ilang raffle entry na ang kaniyang sinalihan pero hindi siya kailanman napipili pero dito ako talaga? Sure na yan? “Is there a problem, Miss Garcia?” tanong ng HR personnel, na para bang kabisado ang epekto ng pangalang iyon. Akala siguro neto naninigas ako sa kilig dahil sa lalakinh iyon. “W-wala po,” sagot niya kahit natutuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Kainis. Pati mga empleyado rito parang mga robot. Nasagap ang kadiliman ng kanilang boss. "Omg girl! Ang swerte mo naman ang ikaw talaga ang napili ng super mega ultra hot CEO," bulong ng katabi kong beki na kapwa ko intern. Makalipas ang orientation, pinaghiwa-hiwalay na sila. Ang ibang interns ay ipinadala sa Marketing, Finance, at Legal. Si Selene, sa halip na sumama sa kanila, ay inihatid ng isang assistant papunta sa executive floor. Tahimik siyang sumunod, bawat hakbang ay parang may tanikala sa kanyang paa. Ilang beses na niyang tinanong ang sarili kung dapat ba siyang umatras. Pero hindi siya puwedeng umatras. Grabe ang tiwala na ibinigay sa kaniya ng kaniyang university. Saka nakakakilabot magalit si Professor Manalo. Pagdating niya sa opisina, pumasok sila sa isang silid na puno ng salamin, mga leather chair, at isang mesa na tila nagsusumigaw ng kapangyarihan. Nakatalikod sa kanya ang isang lalaki, nakatingin sa city skyline. Mula sa likod, makikilala mo na agad — ang tikas, ang ayos ng pagkakatayo, ang malamig na aura na parang yumayakap sa buong kwarto. “Sir, this is Miss Selene Garcia. The intern assigned to you.” Hindi siya lumingon agad. Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Maya-maya’y nagsalita ito, malamig at mababa. "Okay. You may go Miss Ramos." Te-teka lang, maiiwan ako sa lalaking ito? "Okay, Sir. I'll go ahead. Do good, Miss Garcia." saka ito unti-unting tumalikod. Ang tunog ng heels nito ang siyang naririnig na lamang niya hanggang sa mawala ito. Ang awkward naman neto. Para siyang estatwa na nakatayo sa gitna ng opisina nito. Babatiin ba niya? Syempre boss niya 'to eh. Huminga siya ng malalim at nagsalita, "Good morning, Sir. "Is it really a good morning to you?" Parang nang-aasar ang tono ng boses nito. Nag-init ang batok ni Selene. Hindi niya alam kung dahil sa kaba, sa galit, o sa boses nito. “Mr. Black—” nagsimula siyang magsalita, pero agad siyang pinutol ng paglingon nito. Doon niya siya unang nasilayan nang harapan. Matangkad, maputi ngunit matapang ang anggulo ng mukha, ang mga mata nito ay madilim ngunit nakakahalina. Ngunit ang pinaka-nakabibighani — o nakakatakot — ay ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Para bang alam na nito ang bawat sulok ng kanyang pagkatao. “How are you little Selene?” tanong nito habang dahan-dahang lumalapit. “or I should say now the seductive Selene?" Nanuyo ang lalamunan niya. “Sir, I believe it's best if we maintain professional boundaries." Ngumiti ito — malamig at walang emosyon. “I can't. Now that you're in front of me." Pakiramdam niya’y bigla siyang hinuhubaran sa mga titig nito. Hindi niya gusto ang magkaroon ng koneksiyon dito ngunit ano 'tong nararamdaman niya?“Grabe, Mira,” bulong ni Selene habang humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Hindi ko alam kung gusto ko na siyang sampalin o halikan.” “Ay, ghorl. That’s how you know it's real,” natatawang sagot ni Mira sa kabilang linya. Sigurado siya na para na naman itong uod na inasinan sa sobrang kilig. “Ingat ka d’yan o baka naman si Lucian pa ang mag-ingat sayo. Mukhang konti na lang gusto mo siyang lamunin hahaha. Lucian Black is dangerous sabi nga nila. Pero kung matapang ka, girl, ride it—figuratively... or not.” Selene chuckled nervously. “Matulog na nga tayo. Second day pa lang bukas, baka hindi ko na kayanin.” Ngunit kahit ipikit niya ang mga mata, isa lang ang naiisip niya: Yung titig ni Lucian. Yung init ng ihip ng hininga niya habang nakatayo siya sa harapan ko kanina. Parang gusto niyang lumuhod at sambahin ito. --- Day Two – 10:00 AM Gusto sana niyang pumasok ng tahimik at hindi mapansin. Pero tila ba may radar si Lucian—bago pa man siya makaupo, lumabas na ito mula sa
Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa harap na ng The Black Empire Corporation si Selene. Hindi pa man bukas ang lobby lights ay naroon na siya—nakaupo sa bench malapit sa fountain sa labas ng gusali, hawak ang isang tumbler ng kape na halos hindi niya malagok. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sarili, hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw.Suot niya ang cream blouse at high-waisted slacks na pinilit pa niyang plantsahin kagabi gamit ang luma nilang plantsa. Hindi branded, pero malinis. Maayos. Malayo sa marangyang suot ng karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya ngayon.Ang iniisip niya, naroon ba siya talaga dahil karapat-dapat siya, o dahil pinaglalaruan lang siya ng tadhana?Pasado alas siyete na. Saka lang bumukas ang main door ng building, at pumasok ang mga empleyado—relax, may bitbit na kape, may mga tumatawa. Walang halatang stress o kaba. Sam
Pagkalabas ni Selene ng opisina ni Lucian, pakiramdam niya ay parang naipit ang buong pagkatao niya sa pagitan ng mga pader na hindi niya maitulak. Nanginginig ang mga daliri niyang pilit na pinipisil ang folder ng NDA. Nakasuot siya ng formal attire, pero pakiramdam niya ay hubo't hubad siya habang sinusuyod ang hallway palabas. Hindi niya alam kung dahil ba sa titig ni Lucian, sa boses nito, o sa katotohanang kahit ilang taon na ang lumipas, naroon pa rin ang halimaw sa anyo ng isang perpektong lalaking tinitingala ng marami. Sa loob ng elevator, pinikit niya ang mga mata. Hindi ako dapat magpaapekto. Hindi ako dapat bumalik sa dati. Ngunit habang patuloy na nagsusumiksik ang alaala kanina ng init ng palad ni Lucian sa baywang niya, ang malamig nitong titig, ang mga bulong nito sa kaniyang tainga, alam niyang hindi basta makakalimot ang katawan niya. Pero ang puso... ang puso'y puno ng galit. At galit ang tangi niyang pinanghahawakan ngayon. --- Pagkauwi niya sa bahay, sin
Mainit ang opisina, kahit malamig ang aircon. Malamang. Kasama niya yung demonyo eh. Nagtaka pa siya. Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi siya dapat magpatinag. Pero habang nakatitig sa kanya si Lucian Black—sa kanyang labi, sa kanyang leeg, sa kanyang mga mata na pilit niyang pinatitigas—pakiramdam ni Selene ay unti-unting nabubura ang depensa niya, gaya ng isang kandilang nauupos. Tinatatak niya sa isipan na ito ang walang pusong lalaki na sumira ng buhay nilang mag-ina. “So... you’re all grown up now.” Mababa ang boses nito, halos pabulong, na para bang lihim na tuksong hinahatid ng hangin. “Mr. Black, I'm here as your intern, not as your... anything else.” Mariin ang sagot niya, pero bakas sa bahagyang pag-angat ng dibdib niya ang hindi inaaming kaba. Lumapit si Lucian. Mabagal. Nakasuot ito ng three-piece suit, pero tila kahit gaano ka-formal ay hindi nito matakpan ang likas na tikas ng katawan nito. Ang mukha nito ay parang canvas ng isang magaling na pintor. P
Hindi kailanman naging bahagi ng plano ni Selene ang mag-intern sa The Black Empire Corporation. Sa totoo lang, kahit kailan, ayaw niyang tumapak kahit isang hakbang sa gusaling iyon. Sa bawat hakbang kasi niya parang may malamig na nakadagan sa batok niya. Ang matayog na gusaling iyon ang pagmamay-ari ng lalaking matagal ng umukit ng galit at poot sa kaniyang isipan.Lucian Black. Ang taong ubod ng yaman, makapangyarihan, ang dating kasintahan ng kaniyang Ina. Masiyado itong hambog sa paningin niya kahit halos sampung taon na ang nakararaan ng huling makita niya ito. Sa magazine niya kasi madalas makita ito at kilala ng mga kaibigan maging kaklase niya dahil bukod sa billionaire ito ay sobrang gwapo at kisig nito sa edad na kwarenta. "Congratulations, Selene. Ikaw ang napili ng school para maging intern sa The Black Empire Corporation." Malamig ngunit mariin ang tono ng aking adviser sa unibersidad, si Professor Manalo. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o galit pero na-realize
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments