Dahil sa hirap ng buhay, walang nagawa si Naya Jade kundi kumapit sa patalim. Dahil ng akulin siya ng trabaho ni Madam Miranda sa The Gentleman's Club--isang High End Bar ay pikit matang tinanggap niya ang trabaho na inalok nito sa kanya. At ang magiging trabaho? Isang pole dancer. Magsasayaw lang siya sa harap ng mga bigatin na customer at kikita na siya ng pera. At sa unang araw ni Naya sa trabaho ay may nag-book agad sa kanya na isang bigating customer. He wants a private pole dancer. And for one night, he is willing to pay a huge amount. At dahil kailangan niya ng pera ay pumayag siya. Inakala ni Naya na isang matanda ang nag-book sa kanya. Matandang mayaman, malaki ang tiyan at napapanot. Pero ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita niya ang bigating customer na nag-book sa kanya para sa isang sayaw. He was young, tall, and oozing sex appeal. And even though he was wearing a mask on his face, she was sure he was handsome. At mukhang nagustuhan siya ng lalaki dahil gusto nitong exclusive lang ang pagsasayaw niya dito. At para mangyari iyon ay binili siya nito sa The Gentlemans Club. At sa unang pagkakataon na tinanggal ng lalaki ang mask na lagi nitong suot kapag nagkikita sila ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang masilyan ang mukha nito. At doon nalaman ni Naya kung sino ang bumili sa kanya. Si Ninong Hugo. Naya was sold to Ninong Hugo!
Lihat lebih banyak"FUCK!"
Hindi napigilan ni Hugo Bustamante ang mapamura pagkatapos sabihin sa kanya ng secretary na naunahan siya ng ibang kompanya na makuha ang matagal na niyang pinupuntiryang investor. Ang Acuzar Group of Companies. Maraming malalaking kompanya na gustong makuha na investor ang Acuzar Group of Companies, dahil pagdating sa businesworld ay toplist din ito. At pagdating din sa business world ay isa din ang kompanya ni Draco Atlas Acuzar na kinatatakutan. Well, hindi naman magpapahuli ang Bustamante Corp, ang kompanyang pagmamay-ari niya. Hindi din sa pagmamayabang pero nahahanay din ang kompanya sa listahan ng mga nangungunang kompanya sa Pilipinas. And that's because of sweat and his butter. Hindi din naging biro ang pinagdaanan ni Hugo para mapabilang siya sa listahan. Marami siyang pinagdaanang pagsubok. Pero dahil sa sikap at dedikasyon niya ay naging worth it din lahat ng naging paghihirap. And Bustamante Corp is one of the top businesses in the Philippines. And Hugo Bustamante, a 36-year-old, is one of the top businessmen in the Philippines Sa totoo lang ay hindi naman kawalan kung hindi man niya nakuha ang Acuzar Group of Companies. Pero nasasayangan pa din siya. "At sinong kompanya ang nakakuha sa kanila?" mayamaya ay tanong ni Hugo, gustong niyang malaman kung sino ang kompanyang nakauna sa kanya. Saglit na hindi sumagot ang secretary niya. Pero nang magsalita ito ay hindi niya napigilan ang magsalubong ang mga kilay, hindi din niya napigilan ang mapakuyom ng kamao ng malaman kung sino. "K-kompanya po ni Sir Garrie, Sir," sagot nito sa kanya. Kilala ni Hugo si Garrie, stepbrother niya ito. Anak ito ng pangalawang asawa ng ama niya. Isang taon matapos mamatay ang ina sa isang sakit, dinala ng ama niya si Gina sa mansion, kasama nito ang anak na si Garrie. They were both fifteen back then. At nang dalhin ng ama ang mag-ina ay doon din nalaman ni Hugo na pinakasalan na din pala ng ama si Gina. At hindi lang iyon, in-adopt pa nito si Garrie. Legally, dahil pati apilyido nito ay pinalitan din ng ama. At simula noong dumating ang mag-ina sa buhay nila ay wala nang ibang magaling para sa ama niya kundi si Garrie. Walang ibang nakikita ang ama kundi ang stepson nito. At habang tumatagal na magkasama sila sa iisang bubong ay napansin niya ang tunay na ugali ng mag-ina. Nalaman kasi niyang lihim siyang sinisiraan ni Gina sa ama at ang ama naman niya ay paniwalang-paniwala. Doon din nagsimula ang pakikipag-kompetensiya ni Garrie sa kanya. Dahil kapag alam nitong may achievements siya ay ginagawa din nito ang lahat para lagpasan siya. Kahit na sa maling paraan pa iyon. At nang hindi makayanan ni Hugo ang makasama ang dalawa, naisip niyang umalis ng mansion at maging independent. Nagalit nga sa kanya ang ama at sinabing kapag umalis siya ay wala na siyang babalikan pa. Hindi siya natakot sa banta ng ama, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pag-alis. Pinutol nga nito ang allowance niya, pati mga card niya. Pero hindi iyon hadlang kay Hugo para hindi magpatuloy sa buhay. Nagsikap siya, nag-trabaho at nag-aral ng mabuti para matupad lahat ng pangarap niya. Hindi siya humingi ng tulong sa sariling ama. At gaya ng sinabi niya, lahat ng paghihirap niya ay napagtagumpayan niya. Nakapagpatayo siya ng sariling kompanya, nabalitaan nga din niya na si Garrie ang ginawang CEO ng ama sa kompanya nito. At mukhang kahit na umalis na siya sa buhay ng mga ito ay nakikipag-kompetensiya pa sa kanya si Garrie. Mukhang may gusto itong patunayan sa kanya. At sa tingin ba nito ay magba-back out siya. If he wants war, I'll give him war. And I won't back down. Ibinaba naman na ni Hugo ang intercom. At sa halip na ibalik ang atensiyon sa harap ng computer ay isinandal niya ang likod sa swivel chair at ipinikit niya ang mata. Nasa ganoong posisyon siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone. Nagmulat siya ng mga mata at saka niya dinampot ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng executive table. At nagsalubong muli ang mga kilay ni Hugo nang makita kung sino ang tumatawag. Si Garrie. Saglit siyang napatitig doon hanggang sa sagutin niya. "What?" Narinig naman ni Hugo ang pagtawa ni Garrie mula sa kabilang linya. "Narinig mo ba ang balita?" tanong nito sa kanya. At hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito sa kanya. "I've landed an investor for Acuzar Group of Companies," pagmamalaki nito. "And?" "Hmm...wala lang. Gusto ko lang ipakita sa 'yo na mas magaling ako," wika nito. At kahit na wala siya sa harap nito ay alam niyang nakangisi ito. "Nakuha mo lang ang Acuzar Group of Companies, nagmamayabang ka na? Yabangan mo na lang ako kapag nasa top list na ang kompanya na minana mo lang sa ama ko, yabangan mo ako kapag nasa top list businessman ka na," hindi niya napigilan na sabihin. "At kapag nagawa mo iyon ay doon mo lang ako tawagan." Hindi na nga din hinintay ni Hugo na magsalita ito dahil ibinaba na niya ang tawag. Hindi sumakit ang ulo niya nang malaman niya na naunahan siya nito sa Acuzar Group of Companies, pero nang marinig niya ang boses nito ay doon lang sumakit ang ulo niya. Garrie is getting to his nerves. And right now, he wants to take a break. He wants to unwind. Kaya tinawagan niya ang kaibigan niyang si Ryan para samahan siya nito na mag-unwind. Tatlong ring bago nito sinagot ang tawat niya. "Magyaya kang mag-inom, no?" bungad agad ni Ryan ng sagutin nito ang tawag niya. "Pinainit na naman ni Garrie ang ulo mo?" Kilala na talaga siya ni Garrie. "Yes. Are you free?" "Yes," mabilis naman na sagot nito. "Okay. Let's meet at Serenade Bar," wika niya. "Let's change the venue," wika nito mayamaya. "Where." "Somewhere fun and hot," wika nito. Nagsalubong naman ang kilay niya. "And where the fuck is that?" "The Gentleman's Club," sagot ni Ryan sa kanya. "A place where stress and headaches disappear. But a different kind of headache will give you trouble." "What?" Halos mag-isang linya lang ang kilay niya. "Just trust me, Hugo. You'll enjoy the place, and I'm sure you'll come back for more."HINDI napigilan ni Naya ang amuyin ang sarili ng malanghap niya sa suot na damit ang amoy ni Ninong Hugo. Hindi kasi siya nito pinayagan muli na umalis na ganoon ang hitsura. Kaya muli siya nitong pinahiram ng T-shirt nito. Nang makapagpalit ay lumabas na siya ng banyo. At ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita si Ninong Hugo palabas niya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang ang dalawang braso ay magka-krus sa ibabaw ng dibdib nito. Nakalihis ang manggas ng suot nitong long sleeved hanggang sa siko kaya kitang-kita niya ang ugat sa mga braso nito. Nag-angat siya ng tingin at hindi na naman niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang mga mata ni Ninong Hugo. His eyes were darker again just like what she saw a while ago and his intense gaze make her body shiver. Umalis si Ninong Hugo mula sa pagkakasandal nito sa pader. Napansin nga din niya ang pagpasada nito ng tingin mula sa suot niyang T-shirt nito na pinahiram nito sa kanya. "My shirt is big on you, Naya,"
"SHIT!" Hindi napigilan ni Naya ang mapamura nang mabasa ang blouse na suot pagkatapos niyang maglinis ng banyo sa penthouse ni Ninong Hugo. Prohibited siyang pumasok sa kwarto nito kaya ang banyo sa labas ang nilinis niya. Iniiwasan naman ni Naya na mabasa ang damit dahil wala siyang extra pero gayunman ay hindi pa din niya maiwasan. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Tapos na din naman siya sa trabaho niya do'n. Nakapagluto at nakapaglinis na siya. Huli niyang ginawa ay ang paglilinis ng banyo. Pwede na nga din siyang umuwi pero balak niyang hintayin si Ninong Hugo dahil babayaran na niya ang utang niyang sampung libo dito. Medyo malaki din kasi ang tip na nakuha niya sa pagsasayaw niya sa The Gentleman's Club, idagdag pa iyong pera na binayad sa kanya no'ng nagbook sa kanya para sa solo performance. Tama nga ang sinabi ni Madam Miranda na easy money ang pagta-trabaho niya doon. Nagtungo si Naya sa living room. Kinuha niya ang tote bag niya para kunin sa lo
HINDI napigilan ni Naya ang pagkabog ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi naman ito ang unang beses na sasabak muli si Naya sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club pero pakiramdam niya ay iyon ang unang beses. Siguro dahil isang buwan na ang lumipas simula noong huling tumapak siya sa nasabing club. At hindi na isang beses na sasayaw siya do'n. Naya was now a contract dancer in the said club. "Okay. Get ready girls," mayamaya ay wika ng floor director sa kanilang limang pole dancer. Kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba ni Naya dahil hindi lang siya ang mag-isa na magsasayaw sa harap ng mga guest. Lima sila. "Okay. Labas na kayo," mayamaya ay wika nito. Lumabas naman na sila sa backstage. At kanya-kanya na silang pwesto sa pole. Inayos naman ni Naya ang suot na mask ng sandaling iyon. Sinigurado niya na mahigpit ang pagkakatali niyon sa mukha para hindi malaglag. Ayaw ni Naya na makita ang mukha niya para naman kahit papaano ay maitago niya ang identity niya sa
"COME in," wika ni Hugo sa baritonong boses ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. Nakatutok pa din ang atensiyon sa harap ng computer ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng opisina. "Sir?" Sa pagkakataong iyon ay doon lang inalis ni Hugo ang tingin sa harap ng computer ng marinig niya ang boses na iyon ng secretary niya na si John. "Yes?" "Sir, mag-o-overtime ba tayo?" tanong nito sa kanya. Tiningnan naman niya ang wristwatch na suot para tingnan ang oras. At nakita naman niyang lagpas alas cinco na. Masyadong tutok ang atensiyon sa trabaho kaya hindi na niya namalayan ang oras, uwian na pala. Pero hindi pa siya tapos sa ginagawa kaya mananatili pa siya do'n. "You may go, John," wika naman niya. Wala naman na siyang i-iutos dito kaya hindi na niya ito kailangan doon. "Pero bago ka umalis, ipagtimpla mo muna ako ng kape," mayamaya ay utos niya dito. "Sige po, Sir," sagot nito. Muli itong lumabas ng opisina para sundin ang pinag-
NANGAKO si Naya na sarili na hindi na siya babalik muli sa The Gentleman's Club. Pero mukhang nakatadhana na sa kanya ang bumalik do'n. Because here she is now, waiting for Madam Miranda to sign the contract of The Gentleman's Club. Nakatanggap kasi siya ng text galing dito noong nakaraang araw. And she offered her again a job. Sa totoo lang ay hindi lang iyong ang unang beses na nakatanggap siya ng text message galing dito. Simula noong huling tapak niya sa The Gentleman's Club at nang sabihin niya dito na hindi na siya babalik ay nakakatanggap na siya ng text message galing dito. Nililigawan siya nito na maging contract dancer, marami daw kasing naghahanap sa kanya na VIP Guest, maraming nagtatanong kung kailan daw siya babalik, kung kailangan siya muling sasayaw. Pero iniignora ni Naya ang text message nito dahil nga ayaw na niya. At saktong nasa vulnerable estate siya noong panahong nakatanggap muli si Naya ng text message galing kay Madam Miranda kaya tinanggap na niya ang o
KUMUNOT ang noo ni Naya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay hindi niya nakita ang Mama Nancy niya. Nagpaalam siya kaninang umaga na may pupuntahan. Tinanong naman siya ng Mama niya kung anong oras siya babalik at sinabing baka mamayang hapon pa. Balak kasi ni Naya na maghanap ng part time job para pandagag sa kinikita niya. Para mabayadan din niya ang inutang niyang sampung libo sa Ninong Hugo niya noong nakarang linggo. Pero agad din naman umuwi si Naya sa bahay nila ng biglang sumakit ang ulo niya. Sobrang init kasi sa labas at marami na din siyang napuntahan na establishemento na Hiring pero hindi pa din siya nakahanap ng pwedeng maging part time. "Ma?" tawag niya sa pangalan ng Mama niya. Pumasok siya sa kwarto nito para tingnan ito doon pero gaya sa sala ay wala din doon ang Mama niya. At halos libutin na niya ang buong bahay pero kahit anino ng Mama niya ay hindi pa din niya makita. Lumabas ba ito? Lumabas si Naya ng bahay para hanapin kung saan nagpunta ang Mama niya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen