LOGINSimula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div
Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit
Maaga pa ay tapos na si Amaris sa mga gawaing bahay. Nakapaglinis na siya at nakapag-luto na rin ng almusal ng mga anak. Handa na rin siya para umalis. Hinihintay na lamang niya ang tawag mula sa mayordoma ng Leona's Garden."Malapit na," bulong niya. "Makakalaya na kami."Pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin siyang natatanggap na tawag o mensahe man lang. Kaya naman, kinuha na niya ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumawag."Hello," bungad niya. "Ipapaalala ko lang na tapos na ang tatlong araw na palugit na binigay nyo. Nandyan ba si John?""Good morning, Ma'am. Wala po rito si sir. Pasensya na po," tugon ng boses ng babae mula sa kabilang linya.Napahinga naman ng malalim si Amaris. "Usapan ay uspan. Pakisabi kay John na hihintayin ko siya sa Local Civil Register Office. I will be there mamayang ala-una ng hapon.""Yes, Ma'am," tugon ng babae.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya habang napapailing at napapasandal sa may sofa. Pinatay na niya ang taw
Tahimik lamang na nakaupo si Deacon sa may sofa habang abala sa kanyang laptop. Kailangan niyang maayos ang malaking halaga na nawala sa kompanya noong mga nakaraang araw na hindi niya nakuha ang mga deals at properties. Alam niya na isa iyon sa dahilan kung bakit nagpakita ang kanyang mga pinsan. Umaasa ang mga ito na magagamit nila iyon na dahilan upang alisan siya ng kapangyarihan at mana. At dahil sa wala silang nakuhang impormasyon tungkol sa kanyang anak ay tiyak niyang ang kompanya naman ang pupunteryahin nila. "Dee," anang boses ng kaibigan na kakapasok pa lamang ng ward. Hindi niya nilingon ang doctor bagkus ay nag-focus lamang siya sa ginagawa. Naupo naman ito sa katapat niya na sofa. "Ito na ang hinihintay mo," dagdag nito. Kaagad naman siyang napahinto nang iabot sa kanya ng kaibigan ang isang papel na nakatupi. Binaba niya nag laptap sa may lamiseta tsaka niya kinuha ang papel. "Ikaw mismo ang gumawa nito?" tanong niya. Napatango naman ang kaibigan. "Yes. Hind
Nang makauwi na si Amaris ay kalmado na ang tatlo niyang mga anak. Wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa ng mga anak kapag wala siya. Sa kanyang mga mata ay pawang mga normal na mga bata lamang ang tatlo. "Mommy!" sabay-sabay na bati ng tatlo. Sinalubong siya ng tatlo na kaagad naman niyang niyakap. Pinaulanan din niya ang mga ito ng mga halik tsaka sila nagpunta sa may sofa upang doon maupo. Nang makapagpahinga siya ay naglinis muna siya ng sarili bago sila sabay-sabay na kumain ng hapunan. Alam ng tatlo na pagod ang kanilang ina kaya naman, ginawa nila ang lahat upang pasayahin si Amaris. Minasahe nila ang mga braso, paa, at likod nito. Pinagsilbihan din nila ang ina na parang prinsesa. Dahil iisa lamang ang motto ng tatlo, "Treat your Mom as a Princess.". Samantalang sa kabilang banda naman ay kasalukuyang kaharap ni Deacon ang mga kamag-anak niya. Pilit niyang hinaharangan ang mga ito upang hindi makapasok sa ward ng anak. "John, nagmadali kami na magpunta rito nang marinig
Bagsak ang mga balikat ni Amaris na naglakad palabas ng Leona's Garden. Labis na pagkadismaya at inis ang kanyang nararamdaman. Halos abot kamay na niya ang divorce na matagal na niyang hinahabol ngunit nawala pa. Naiinis siya dahil palagi na lang siyang pinaghihintay at tinataguan ng kanyang asawa. Lingid naman sa kaalaman ni Amaris na ang mysterious phonecall ay mula kay Nevan. Alam ng tatlong magkakapatid kung gaano na nahihirapan ang kanilang ina. Kaya naman, nag-research si Nevan tungkol sa lalaking nakabangga nila sa may train station. Inalam nitoang lahat ng tungkol sa lalaki at pamilya nito. "Is he our father?" tanong ni Silas. Marahas naman na napailing si Kyrelle. "No! I don't want him as our father. He didn't deserve our gentle and kind Mommy." "But he is our Mommy's husband so, there's a hundred percent possibility that he is also our Dad," dipensa ng bunso. Napahawak naman sa sariling mga bewang si Kyrelle. "He hurt our Mommy. He lied, kidnapped, and treated our
"Hindi ba sya pumapasok sa school? May ilang case na nakakatulong ang pagpasok sa paaralan. It can make them busy, calm and lessen complicated things inside their head," anas ni Amaris. Napailing si Arki. "No. Delikado. Nasubukan na namin iyon pero naging komplikado lang. Ayaw ni Dee na makapanak
Natigilan ang lahat nang biglang nag-alarm ang monitor na nasa tabi ng bata. Nag-iba ang rate ng pulso at tibok ng puso nito at nagsimula na ring mangisay ang katawan ng paslit. Kinalma naman ni Amaris ang sarili tsaka niya muling tiningnan ang bata."He was now in a shock stage. Hindi na nakikipag
Basta anak ang usapan ay walang tatalo kay Deacon sa pagiging ulirang ama. Matinding kaba naman ang namutawi sa kanyang dibdib nang makita ang anak na nakatayo sa may bintana habang hawak ang piraso ng basag na vase."Lyle, please calm down," mahinahong saad niya.Marahas naman na napailing ang ana
Nang maitanong ni Amaris sa mga nurse kung saan ang room ng bata ay kaagad siyang nagpunta roon. Naabutan naman niya sa may labas ng ward ang ilang nurse na naka-standby. Samantalang nasa loob naman ng kwarto ang ama at ina ng bata. Hindi niya pinansin ang ma nurse na nagtatanong kung sino siya at







