Chapter: EventSakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy
Last Updated: 2026-04-27
Chapter: Cute or Handsome?Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div
Last Updated: 2026-04-13
Chapter: Friendship Never EndsGustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit
Last Updated: 2026-04-10
Chapter: No divorceMaaga pa ay tapos na si Amaris sa mga gawaing bahay. Nakapaglinis na siya at nakapag-luto na rin ng almusal ng mga anak. Handa na rin siya para umalis. Hinihintay na lamang niya ang tawag mula sa mayordoma ng Leona's Garden."Malapit na," bulong niya. "Makakalaya na kami."Pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin siyang natatanggap na tawag o mensahe man lang. Kaya naman, kinuha na niya ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumawag."Hello," bungad niya. "Ipapaalala ko lang na tapos na ang tatlong araw na palugit na binigay nyo. Nandyan ba si John?""Good morning, Ma'am. Wala po rito si sir. Pasensya na po," tugon ng boses ng babae mula sa kabilang linya.Napahinga naman ng malalim si Amaris. "Usapan ay uspan. Pakisabi kay John na hihintayin ko siya sa Local Civil Register Office. I will be there mamayang ala-una ng hapon.""Yes, Ma'am," tugon ng babae.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya habang napapailing at napapasandal sa may sofa. Pinatay na niya ang taw
Last Updated: 2026-03-30
Chapter: The ResultTahimik lamang na nakaupo si Deacon sa may sofa habang abala sa kanyang laptop. Kailangan niyang maayos ang malaking halaga na nawala sa kompanya noong mga nakaraang araw na hindi niya nakuha ang mga deals at properties. Alam niya na isa iyon sa dahilan kung bakit nagpakita ang kanyang mga pinsan. Umaasa ang mga ito na magagamit nila iyon na dahilan upang alisan siya ng kapangyarihan at mana. At dahil sa wala silang nakuhang impormasyon tungkol sa kanyang anak ay tiyak niyang ang kompanya naman ang pupunteryahin nila. "Dee," anang boses ng kaibigan na kakapasok pa lamang ng ward. Hindi niya nilingon ang doctor bagkus ay nag-focus lamang siya sa ginagawa. Naupo naman ito sa katapat niya na sofa. "Ito na ang hinihintay mo," dagdag nito. Kaagad naman siyang napahinto nang iabot sa kanya ng kaibigan ang isang papel na nakatupi. Binaba niya nag laptap sa may lamiseta tsaka niya kinuha ang papel. "Ikaw mismo ang gumawa nito?" tanong niya. Napatango naman ang kaibigan. "Yes. Hind
Last Updated: 2026-03-28
Chapter: CompetitionNang makauwi na si Amaris ay kalmado na ang tatlo niyang mga anak. Wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa ng mga anak kapag wala siya. Sa kanyang mga mata ay pawang mga normal na mga bata lamang ang tatlo. "Mommy!" sabay-sabay na bati ng tatlo. Sinalubong siya ng tatlo na kaagad naman niyang niyakap. Pinaulanan din niya ang mga ito ng mga halik tsaka sila nagpunta sa may sofa upang doon maupo. Nang makapagpahinga siya ay naglinis muna siya ng sarili bago sila sabay-sabay na kumain ng hapunan. Alam ng tatlo na pagod ang kanilang ina kaya naman, ginawa nila ang lahat upang pasayahin si Amaris. Minasahe nila ang mga braso, paa, at likod nito. Pinagsilbihan din nila ang ina na parang prinsesa. Dahil iisa lamang ang motto ng tatlo, "Treat your Mom as a Princess.". Samantalang sa kabilang banda naman ay kasalukuyang kaharap ni Deacon ang mga kamag-anak niya. Pilit niyang hinaharangan ang mga ito upang hindi makapasok sa ward ng anak. "John, nagmadali kami na magpunta rito nang marinig
Last Updated: 2026-03-27
Chapter: First DayNaabala si Arthuro sa ginagawa nang biglang may lumapit na isang staff sa kanya. Kasalukuyan niyang kausap sa telepono si Lorean at pinag-uusapan ang mga papeles tungkol sa binigay nitong property at dalawang projects. "Boss, si Ma'am Elyse! May napag-initan na naman po si Mrs. Torres at sa kasamaang palad ay si Ma'am Elyse po iyon," anang empleyado. Natigilan naman siya nang marinig iyon. "Ano?!" "What happened to my wife?!" anang boses naman ni Lorean mula sa cellphone na hawak niya. "M-Mr. Bismonte, Mrs. Torres is a crazy woman. Ma'am Elyse is in trouble. I-I will handle this," tugon naman niya. Hindi naman na tumugon pa sa kanya si Lorean dahil binaba na nito ang tawag. Kakaibang kaba naman ang bumalot kay Arthuro. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo pabalik sa kanyang opisina kung saan niya iniwanan si Amayah kanina. Kapag may nangyaring masama ay baka siya pa ang mapag-initan ni Lorean. Natatakot siya para sa kanyang kompanya. Samantalang kaharap pa rin ni A
Last Updated: 2026-02-16
Chapter: TrabahoHindi pa na-start ni Amayah ang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kanyang bag at walang pag-aalinlangan na sinagot. "Miss. Semera, are you still somewhere here in the perimeter?" anang boses mula sa kabilang linya. "Yes, I am," tugon naman niya. "That's good. Pwede bang bumalik ka rito sa loob? Let's meet inside my office again," anito. Napakunot naman ang noo niya. "May problema ba?" "You are hired," tugon nito. "Okay. I'll be there in a minute," mabilis niyang saad. Pagkababa ng tawag ay mabilis na lumabas si Amayah ng sasakyan at muling pumasok sa loob ng kompanya. Nagpunta siya sa top floor kung saan nandodoon ang opisina ni Arthuro Mendoza, ang may-ari ng Mendoza Enterprise. At dahil wala pa roon ang kausap ay naupo muna siya sa may couch at uminom ng tubig mula sa may water dispenser. Sa kabilang banda naman ay abala si Arthuro sa pakikipag-usap sa asawa nito. Matapos sabihin na walang pakialam at nasa kanya ang desisyon a
Last Updated: 2026-02-15
Chapter: Ang Paghahanap ng TrabahoKinabukasan ay magkasunod lang na umalis ng mansion sina Amayah at Lorean. Kailangan niyang humanap ng trabaho para makapag-ipon at mabuhay ang sarili kapag naghiwalay na sila ng asawa. "I already told my friend na may ire-recommend ako na tao. Punta ka na lang doon and take the interview," anang boses ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti namn siya. "Thank you, Donna." Kahit saang bagay ay maaasahan talaga ang kanyang matalik na kaibigan. Wala itong pinapalampas na kahit na ano at halos lahat ng pabor na hingin niya rito ay walang pagdadalawang isip na ibibigay nito. Kaya naman, kapag nakaangat na siya at tapos na ang lahat ng problema na kanyang hinaharap ay sisiguraduhin niya na makakabawi siya rito. Suot ng kanyang puting formal dress ay nagpunta nga si Amayah sa kompanya na sinabi ni Donna. Hindi iyon kalakihan at wala rin sa listahan ng mga matatagumpay sa industriya pero, kukuhanin pa rin niya ang pagkakataon na iyon. Sa ngayon ay pera ang mas mahalaga sa kanya.
Last Updated: 2026-02-13
Chapter: First loveMakalipas ng dalawang araw ay nakatanggap si Amayah ng mensahe mula kay Nolan. Pinapapunta siya nito sa condo dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Isang ngiti naman ang kumawala sa kanyang mga labi. Alam na niya kung bakit. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang routine niya para makapunta sa Greenhills condo. Magta-taxi, magre-rent ng VIP room sa Sunrise Cafe, at magpapalit ng damit, bago tuluyang pumunta sa kanyang destinasyon. Pagdating naman niya sa unit ni Nolan ay nadatnan niya ito na masayang nagbibilang ng limpak-limpak na pera habang nakaupo sa may sofa. "Saan naman galing iyan? Ang dami, ahh," aniya. Tumango naman sa kanya ang lalaki. "Binantayan ko ang paggalaw ng mga stocks. Bumagsak kagabi pero bumawi naman habang nag-uumaga na." "Ibig sabihin ay matagumpay ang pag-i-invest mo. Doble ba ang nakuha mo?" patay malisyang tanong niya. Pinakita naman sa kanya ng lalaki ang tatlo nitong daliri. "Triple." Napapalakpak naman siya. "Magandang balita iyan. An
Last Updated: 2026-02-13
Chapter: Ang Planong Pabagsakin 1"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Donna. Napatango naman si Amayah. "Yes. Iyon naman ang gusto ni Lorean, ang pagbayarin si Nolan sa lahat ng nagawa nito sa amin." "Pero risky itong plano mo, Elyse. Paano kapag nalaman ito ng asawa mo at kung ano na naman ang isipin? Ang bilis pa naman manghusga ni Lorean. Na-trauma na kasi sa mga pinaggagagawa mo," saad naman ng matalik niyang kaibigan. Napahinga naman siya ng malalim. "Mag-iingat na lang tayo, Donna." Magkasama sina Amayah at Donna ngayon. Dumalaw si Donna sa mansion ng mga Bismonte upang hindi maghinala si Lorean. Hindi naman pwede na gamitin palagi ni Amayah na dahilan ang kaibigan sa tuwing aalis ito. Kailangan nito na kumpirmahin na magkasama nga sila ng kaibigan kaya naman, pinapunta niya si Donna. "Ninang, Syresse really loves the cookies po," anang anak na babae. Napangiti naman ang kaibigan. "Ninang baked those. Buti naman at nagustuhan nyo." "Mommy is trying to bake, too. But she is....nah..." natatawang anas
Last Updated: 2026-02-12
Chapter: Ang Paglaya“You seems happy lately,” anang asawa habang bumababa ng hagdanan. Napakibit-balikat naman siya. “Am I? I don’t know. Parang ang gaan ng pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw.” “Mommy, you look more radiant than before,” puna naman ni Syresse. “Because Mommy had a lot of rest. Also, it is because of my two precious angels. Thank you for giving Mommy a second chance,” aniya. “I will be home before midnight. Take care of the kids,” anang Lorean tsaka ito lumabas ng mansion. Napatango naman siya tsaka niya kinuha ang kanyang cellphone. She texted someone bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa may sofa. Nagpaalam siya sa mga anak tsaka siya nagpunta sa silid nilang mag-asawa upang maligo at magbihis. “Mommy will going out for a while. Riego will be here any minute,” aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. “Bring some sweets home,” anas naman ni Kovi. Napatango naman siya. “I will buy some later.” “Mommy, can we have some chicken, too?” ani naman ng anak na babae. Napangi
Last Updated: 2026-02-12