Partager

No divorce

Auteur: RuruLouella
last update Date de publication: 2026-03-30 19:08:37

Maaga pa ay tapos na si Amaris sa mga gawaing bahay. Nakapaglinis na siya at nakapag-luto na rin ng almusal ng mga anak. Handa na rin siya para umalis. Hinihintay na lamang niya ang tawag mula sa mayordoma ng Leona's Garden.

"Malapit na," bulong niya. "Makakalaya na kami."

Pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin siyang natatanggap na tawag o mensahe man lang. Kaya naman, kinuha na niya ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumawag.

"Hello," bungad niya. "Ipapaalala ko lang na tapos na a
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Coincidence again....

    Habang naghihintay ng mga pagkain ay hindi maiwasan ni Amaris na mag-isip ng kung anu-ano. Nahalata naman iyon ni Nelia na tumayo mula sa inuupuan nito upang tabihan siya. "Anong problema?" tanong nito. Napailing naman siya."Hindi lang maalis sa isip ko ang tungkol sa divorce at sa lalaking pilit na umiiwas sa akin." "John Leonardo, ang pinakamayaman na negosyante dito sa lungsod? Tama ba ako?" anito. Napakibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay disabled sya at John Leonardo ang pangalan." "Kung ang asawa na tinutukoy mo ay ang kilala kong John Leonardo ay tiyak kong siya nga ang pinakamayamang negosyante dito. Matapos siyang pagtangkaang itakwil sa kanilang pamilya, siraan, at kung anu-ano pa, siya pa rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng mga Leonardo. Naging usap-usapan ang bagay na iyan dito sa buong lungsod noon," mahabang litanya nito. Napahinga naman siya ng malalim. "Siya nga siguro iyon. Siya nga raw ang bastardo sa pamilya Leonardo sabi nang matandan

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Luxury Hotel

    "Are we going home na po ba after eating?" tanong ni Silas. Sasagot na sana si Amaris nang pinigilan siya ni Nelia. Hinawakan nito ang braso niya habang umiiling. "No, babies. Hindi pa tayo tapos. I booked a room sa taas. Susulitin na natin itong pagkakataon na ito," saad nito. Napakunot naman ang noo niya. "Kasama pa rin ba iyon sa event?" "No. It's on me. No worries. Sagot ko lahat," tugon nito. Napailing naman siya. "Nelia, napakamahal ng hotel na ito. Isa pa ay nakakain naman na tayo rito. Okay na kami ng mga bata." "Hayaan mo na akong gawin ito, Amaris. Kailangan kong bumawi sa inyo. Ipaparamdam at ipapaintindi ko sa utak mo na wala kang dapat alalahanin. Kahit ano pa iyang dinadala mong problema, handa akong makinig at tumulong. Gagawin ko ito para sa tuwing magdedesisyon ka na magtago ng anomang bagay sa akin ay makokonsensya ka," mahabang litanya nito. Napahawak naman si Amaris sa noo niya. Marahan niyang hinilot ang kanyang sentido habang napapailing. Pagkatapos

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Event

    Sakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Cute or Handsome?

    Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Friendship Never Ends

    Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   No divorce

    Maaga pa ay tapos na si Amaris sa mga gawaing bahay. Nakapaglinis na siya at nakapag-luto na rin ng almusal ng mga anak. Handa na rin siya para umalis. Hinihintay na lamang niya ang tawag mula sa mayordoma ng Leona's Garden."Malapit na," bulong niya. "Makakalaya na kami."Pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin siyang natatanggap na tawag o mensahe man lang. Kaya naman, kinuha na niya ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumawag."Hello," bungad niya. "Ipapaalala ko lang na tapos na ang tatlong araw na palugit na binigay nyo. Nandyan ba si John?""Good morning, Ma'am. Wala po rito si sir. Pasensya na po," tugon ng boses ng babae mula sa kabilang linya.Napahinga naman ng malalim si Amaris. "Usapan ay uspan. Pakisabi kay John na hihintayin ko siya sa Local Civil Register Office. I will be there mamayang ala-una ng hapon.""Yes, Ma'am," tugon ng babae.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya habang napapailing at napapasandal sa may sofa. Pinatay na niya ang taw

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Maybe

    Pinilit ni Amaris na kumalma. Pinakiramdaman din niya ang lalaki habang tumitingin sa may pintuan. Bahagya iyong nakaawang at kung makakatakbo siya ng mabilis ay baka makalabas siya at makatakas. Kaya naman, nang makumbinsi niya ang lalaki na makikinig na siya rito ay mabilis siyang tumayo at tumak

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Kidnapped Again

    Matapos na tulungan ni Amaris sina Mr. and Mrs. Hernandez sa anak ng mga ito na may bipolar disorder ay nagpatuloy na muli siya sa paglalakad. Binigyan din niya ang mag-asawa ng listahan ng herbal medicine na maaari nilang ipainom sa anak nila upang kumalma ito. Natutunan lamang niya iyon sa matand

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes    Another Chaotic Day

    HIndi pa man nakakalayo si Amaris ay natigilan siya nang makakita ng bata na nasa apat hanggang limang taong gulang na bigla na lang naglakad malapit sa may kalsada. Kasunod nito ang mga magulang na natatarantang humahabol sa bata. Napakunot naman ang kanyang noo nang mapansin niya na tila wala sa

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Divorce

    Parang mga basag na piraso ng salamin ang mga ala-ala na isa-isang bumabalik sa isipan ni Amaris. Hindi niya maiwasan na magbalik tanaw habang nakatayo siya sa harap ng lumang mansion ng kanyang asawa. Wala iyong pinagbago. "You can do this, Amaris," bulong niya sa sarili. Kailangan niyang mapapa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status