ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
ExpectationAng pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLEBuong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihi
MissingSa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo ang sigaw. Sa bawat saglit na lumilipas, ikaw ang hinahanap.👨⚕️HIDEO ADONIS"Ano kamo?! Nag-confess ka kay Marikah noong araw ng mga patay?!" Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Dok Rat matapos ko itong sabihin sa kanya. "Anak ka talaga ng tatay mong—pogi! Bakit naman sa dami ng petsa ay November 1 mismo?!" Naihilamos niya muli ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya ang ginawa ko ng gabing iyon. Pero iyon ay hindi lamang bugso ng damdamin ko kundi tunay na nadarama ko para kay Marikah. 'Di ko nga lang naisip ang petsa nang oras na iyon. Kaya mukhang ayaw din maniwala ni Marikah. Wala akong narinig na na sagot sa kanya, sa makatuwid ay nagpaalam lamang siya na gusto na niyang matulog at magpahinga. Tila doon lamang ako nagising sa kung ano ang aking nasabi. Iniisip ko tuloy kung labis siyang hindi nagingkomportable sa aking mga pinagsasabi. "Ang mahalaga, nasabi ko na
Jealousy Ang panibugho ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ng takot—takot na mawalan, takot na hindi sapat, at takot na may ibang mas karapat-dapat.📿MARIKAH SYCHELLE Hinawi ko ng marahan ang kamay ni Dok Philip nang akma nitong pupunasan ng tissue ang luha ko. "Ako na po, Dok..." Kinuha ko sa kanya ang tissue at ako na ang nagdampi sa pisngi ko. "Kanina mo pa ako hindi sinasagot, Nurse Marikah. Bakit ka umiiyak? At sino'ng nagpa-iyak sa 'yo?" tanong niya at muling ibinulsa ang kanyang mga kamay sa bulsa ng white coat niya. "Wala po Dok, may kinimkim lamang po ako na sama ng loob at hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lamang ako." Paliwanag ko, sapagkat iyon naman ang katotohanan. Masyado kong niloloko ang sarili ko na isipin na ayos lamang ako matapos kong malaman ang patungkol sa namayapang kasintahan ni Dok Hideo. Hindi ko rin mawari ang aking sarili kung bakit ako labis na nasasaktan. Dahil ba sinasabi niya lang na mahal niya ako, na gusto niya ako dahil lang kapanga
ChristmasAng tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi makikita sa makislap na ilaw o magagarang handa, kundi sa pusong handang umunawa, magpatawad, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ang Pasko ay pag-ibig—isang pagmamahal na nagbibigay, nagsasakripisyo, at nagpapala.📿 MARIKAH SYCHELLEUnang araw ng Simbang gabi. Ako'y nalulumbay pa rin sapagkat hindi na talaga umuuwi ng mansion si Dok Hideo. Kapag nakikita ko naman siya rito ay sobrang abala niya sa kanyang mga surgical procedures lalo na maraming naho-hospital ngayong holiday season. Mabuti na lamang at nasabihan ko si Mang Guido na sunduin ako ng maaga pagtapos ng duty ko dahil magsisimbang gabi ako sa Sto. Domingo Church.Ito ang unang pagkakataon na magsisimbang gabi ako sa ibang simbahan sa taon na ito. Kailangan kong kumpletuhin ang siyam na gabi sapagkat kinasanayan ko na rin ito lalo na at kaarawan ko mismo ang araw ng pasko.Nagulat ako na hindi natuloy ang pagkawala ng duty ni Dok Philip. Pero nakiusap si
DevotionAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang matatamis na salita o panandaliang saya. Ito ay isang banal na pangako—isang pusong handang umunawa kahit masakit, isang kaluluwang nagpapatawad kahit hindi humihingi ng tawad, at isang diwang nananatili kahit walang katiyakan. Ang pag-ibig ay hindi makasarili; ito ay isang sakripisyong kusang loob, isang tiwalang hindi nagdududa, at isang alay na walang hinihinging kapalit. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng panahon, hindi sinusukat ng layo, at hindi kailanman nagwawakas.👨⚕️HIDEO ADONIS 3 weeks ago..."What if? Ulitin mo ang confession mo kay Nurse Marikah? Ang sagwa talaga ng November 1 eh..." Napatingin ako kay Dok Rat habang nagbabasa muli ng mga papeles sa isang folder. Narito na kami sa opisina ko. Kanina pa ako tapos mag-rounds at hindi ko na naman alam kung bakit nandirito siya. "Huh? Paano?" Gusto ko na nga makalimutan muna kahit paano ang kapalpakan ko na nag-confess sa araw mismo ng mga patay. Tapos,
ConfessionsAng pagtatapat ng pag-ibig ay tulad ng isang bulaklak na bumubuka sa unang sinag ng araw—matagal itong naghintay sa dilim, nangangambang masaktan ng lamig, ngunit sa sandaling buksan nito ang sarili, saka lamang malalaman kung yayakapin ito ng init o malalanta sa kawalan👨⚕️HIDEO ADONISAng tanging hiling ko ay hindi na matapos ang mga sandaling ito. Para ko muling nakilala ang Pasko, dahil sa kanya. Siya ang rason kaya muli akong sumaya sa buwan na ito. Nakatitig pa rin ako sa kanya nang makita ang lumitaw strand ng kulot na buhok niya hinawi ko ito ng marahan gamit ang daliri ko. "Dok... Maligayang pasko rin po, at salamat po." Buong galak na sambit niya. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha na siyang kaagad na pinahid ng kanyang palad. "Pasensya ka na, napaluha ba kita?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at tumango. "Opo Dok, pinaiyak niyo po ako sa galak. Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya sa gabing ito. Ang tagal niyo pong hindi nagpakita."
Gift Ang pinakamahalagang regalo ay hindi nababalot sa kahon, kundi sa pagmamahal at presensiyang taos-puso na ibinibigay nang walang hinihintay na kapalit. 📿 MARIKAH SYCHELLE Magmula nang kuhanin ng Panginoon ang mga magulang ko apat na taon na ang nakalilipas. Ngayong taon ko muli maituturing na naging masaya ang aking kaarawan. At sila ang naging dahilan nito. Nakangiti ko silang pinagmamasdan habang tinatapos nila ang pag-awit sa akin ng 'Maligayang Kaarawan' sunod ay tumingin ako sa kandila na siyang nakasindi sa cake. Hindi naman ako naging salat na mabigyan ng mga ganitong uri ng selebrasyon ng mga magulang ko noon. Pero noong nawala sila ay tila hindi ko na nadama ang ilang taon ang kahalagahan ng kaarawan ko, pwera na nalang na ito'y kaarawan ng Panginoong Jesus. Pero ngayon, sa mga oras na ito nagkaroon muli ng dahilan upang makita ko muli ang kahalagahan ng aking kaarawan. Pagtapos nila akong awitan ay ipinikit ko ang aking mga mata. Taimtim akong humiling ng
MeantAng pag-ibig na itinadhana ay tulad ng dalawang alon sa malawak na dagat—maaring maglayo ng hangin at panahon, ngunit sa huli, sa utos ng tadhana, muling magtatagpo sa dalampasigan ng walang hanggang kapalaran📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi mula nang ako'y magising hanggang sa matapos akong magdasal sa umagang ito. Napakasarap ng aking naging tulog dala na rin siguro ng aming mahabang biyahe kahapon papunta rito sa Baguio. Mabuti at may naka-heater ang silid na ito kaya hindi ko gaanong dama ang napakalamig na klima. Nagtungo na ako sa restroom ng silid na ito upang maghanda sapagkat kami'y magmimisa sa Baguio Cathedral. Isa rin sa rason kaya ako nasasabik sapagkat muli ko na naman akong magtutungo sa tahanan ng Panginoon. Marami akong gustong ipagpasalamat sa kanya lalo na at unang misa sa para sa taon na ito ng 2019. Marami rin akong gustong ipagpanalangin, lalo na sa kaligtasan ng aking mga minamahal. Lalo na ng aking Iniirog...Kaya nang m
CureAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang nagmamahal—naghihilom din. Sapagkat sa yakap ng minamahal, natutunaw ang sakit, at sa kanyang pagmamahal, gumagaling ang sugatang puso.📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang lalim ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Dok Hideo noon. Mawala ang kanyang mapapangasawa, sumunod ay ang Ama ni Arkey, at ang panghuli ay mga magulang niya kung saan nadamay ang mga magulang ko kaya sila nasawa apat na taon na ang nakararaan.At ang lahat ng ito. Nasisiguro niya na kagagawan lamang ng kanilang hinahanap na Mastermind. Sa loob ng walong taon ay hindi siya sumusuko upang makamit ang hustisya na hindi lamang para sa kanya, kundi para na rin sa akin, kasama na si Arkey para sa kanyang Ama, at para sa mga magulang ng namayapang fiancè ni Dok Hideo. Nakakahabag mang isipin sa napaka lalim na paraan. Sinasalo niya ang lahat ng pasakit. Kahit pa na nasasadlak siya sa walang katapusang siklo ng pagdurusa ay hindi nawawala ang busilak niyang k
MightyAng tunay na kadakilaan ay hindi nakikita sa ingay ng tagumpay kundi sa katahimikan ng mga sakripisyong hindi ipinagmamalaki. Ang tunay na makapangyarihan ay hindi yaong may kapangyarihan sa iba, kundi yaong may ganap na kapangyarihan sa kanyang sarili.👨⚕️ HIDEO ADONIS *Present Time* Nananatiling nakatitig sa akin si Marikah at mataman na nakikinig sa aking paglalahad. Narito na kami sa balkonahe. Magkatabi sa nest chair na pagdalawahang tao na pwedeng higaan. Dumating na ang mga imbitadong kaklase ni Arkey kaya nagsasaya sila sa nga oras na ito sa salas. Nagkakantahan man sa videoke ay hindi gaano kalakas dahil mahigpit ang Village na ito sa ingay. Iyong tipong volume lang na pang buong bahay na hindi madirinig ng mga kapitbahay. "Halata naman na naging matagumpay ang unang operasyon ko. I'm so happy that he's grow healthier and now, mag Senior High School na siya." Siniguro ko na magiging maayos ang buhay nila ng Lola Caridad niya dito sa Baguio. "Napaka giliw at mas
Trigger Warning: Gun Violence & DeathThis story contains depictions of gun violence and death, which may be distressing to some readers. Please proceed with caution. Reader discretion is advised.PainParang apoy sa pandayan na sinusubok ka, tinutunaw ang iyong kahinaan, at hinuhubog kang muli upang maging mas matatag at matibay.👨⚕️HIDEO ADONIS Eight years ago... Tahimik kong tinitigan ang lalaking nasa kabilang panig ng hukuman. Si Ponce— na siyang pinagkakatiwalaan na personal driver ng pamilya Fernandez. Ang taong dahilan ngayon ng lahat ng sakit na aking nadaraman.Pinagmasdan ko siya—nakayuko, parang basang-sisiw sa harap ng batas. Ang dating anino lamang sa aking alaala, ngayon ay isang totoong tao sa harapan ko, humihinga at nabubuhay sa paningin ko habang si Sychelle... wala na.Ang pangalan niya ay binanggit ng piskal, at narinig ko ulit ang kanyang tinig. Sychelle Dayle Fernandez. Para bang kutsilyong hinati ang puso ko.“Akusado, paano mo ipapaliwanag ang iyong gin
TruthAng katotohanan sa pag-ibig ay parang isang ilog, maaari mong pigilan ang agos nito. Ngunit hindi mo kailanman mapipigil ang dagat na kanyang patutunguhan.👨⚕️HIDEO ADONISNasa SCTEX na kami at patuloy pa rin ako na nakikinig sa mga baon niyang kwento sa loob ng sampung araw. Hanggang ngayon ay hanga pa rin ako sa way of living nila sa kanilang tahanan. Kahit walanh telebisyon o cellphone na siyang hindi rin magagamit sapagkat walang signal sa mismong compound nila.Pero sa mga karatig naman ay nakakasagap kahit papaano. Hindi pa raw kasi napapatayuan ng satellite tower ang ilang bahagi ng kanilang Isla. Mas pabor na raw sila rito sapagkat gusto nila na ang mga turistang magtutungo sa naturang lugar ay hindi muna maranasan na humawak ng cellphone upang mas maappreciate ang bawat bahagi ng beach at ang mga tourist spots nito lalo na ang simbahan. Pagbabasa ng libro ang kanyang naging libangan. Kahit halos lahat ng tao ngayon ay may gadgets na o mga social media upang maging li
HeartbeatsAng tibok ng puso ay parang alon sa dagat—minsan banayad, minsan rumaragasa. Pero sa bawat pintig, may dahilan, may kwento, at may patutunguhan.📿 MARIKAH SYCHELLE Kay bilis lumipas ng araw. Ngayon ay nag-iimpake na ako ng mga dadalhin kong gamit pauwi ng Maynila—kila Hideo. Madaling araw palang at nais kong bumyahe ng maaga upang hindi maabutan ang traffic sa Lipa. Isinara ko ang maleta paglagay ko ng mga prayer book at journal book ko. Hindi ko alam kung kailan muli ako makakabalik dito pero alam ko na matatagalan muli. Kaya naman sinulit ko ang mga araw na kasama si Lolo at Lola. Tumutulong din ako sa pag-aasikaso sa bahay kalinga. Mas natuwa ako sa malaking pagbabago ni Clarina. Nakita ko naman na sobrang saya niya sa kanyang ginagawang pag-aalaga sa mga matatandang Madre. Lalo na kapag kasama nito si Dominador.Walanh araw din na hindi ko naiisip ang aking Irog. Kapag binubuksan ko ang aking cellphone ay pinupuno ko lamang ito ang mensahe para sa kanya kahit na al
⚠️ Trigger Warning: Death, Grief, and LossThis part contains themes of death, grief, and loss, which may be distressing to some readers. It explores emotional hardships, mourning, and the impact of loss. Just so that you know, you should use the reader discretion.GriefAng pagdadalamhati ay parang alon sa dagat. Minsan banayad at rumaragasa. Maaari kang malunod sa sakit, ngunit sa paglipas ng panahon, matututunan mong lumangoy kasabay nito.👨⚕️HIDEO ADONISParis, FrancePagtapos mag-breakfast ay nagpasya ako na makapagpahinga na muna sapagkat hinihila talaga ako ng anak. Gawa na rin na iba ang time zone ng Paris. Nang makapagpaalam sa kanila ay ako na ang mag-isang umakyat. Sabi kasi ni Tita Synchia naipahanda ang silid na gagamitin ko. Habang paakyat ay hindi ko muli maiwasan na iikot ang aking paningin muli sa kabuuan nitong mansion. Humahanga ako sa Interior design nito maging Architectural structures. French Grand Duke and Duchess ng Victorian Era ang ancestors nila Sychelle
ZealTulad ng isang ilawan sa dilim, ito'y maaaring magbigay-liwanag sa landas ng nangangapa, ngunit kung hindi alagaang mabuti, maaari itong mamatay sa sariling abo. Ang tunay na sigasig ay hindi lamang nag-aalab sa simula kundi patuloy na nagliliyab, pinapanday ng pagsubok at pinapatibay ng layunin.👨⚕️HIDEO ADONISShanghai, ChinaNandito ako ngayon sa Shanghai Airport. Natapos na ako sa Immigration kaya hinihintay mo na lamang ang oras ng flight ko. Nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ay kaagad kong kinuha ito at sinagot nang makita na si Dominador ang tumatawag. Nagtungo ako sa isang bench at umupo at itinabi ang dala kong maleta. Nasa Lipa City siguro siya kaya nagkasignal na siya. "Happy new year, Kumusta?" bungad kong tanong."Boss Dok! Happy new year! Finally, nakatikim din ako ng signal. At yes, okay na okay po Boss Dok! Nagustuhan ni Sisteret ang rose field mo. Kalerkey!"Napangiti ako sa tinuran niya, hawak ng isang kamay ko ang maleta na siyang nasa
FateAng kapalaran ay parang isang ilog na bumabaybay sa gitna ng kabundukan at sa bawat liko, may mga hadlang at agos na susubok sa iyong lakas. Minsan, aakalain mong hindi ka na makakausad dahil sa mga batong humaharang sa iyong landas, ngunit ang tubig ay hindi natitinag at patuloy itong dumadaloy, humuhubog sa bawat batong kanyang nadadaanan, hanggang sa ito'y maging makinis. Ganyan din ang buhay at ang bawat pagsubok ay humuhubog sa iyong pagkatao. At kung magpapatuloy ka, darating ka rin sa dagat ng iyong mga pangarap, kung saan ang kalayaan at kapayapaan ay naghihintay.📿MARIKAH SYCHELLEPagtapos kong tumulong sa paghihiwa ng mga sangkap para sa pagluluto ng mga ihahanda sa pagsalubong ng bagong taon. Umakyat na muna ako rito sa aking silid. Kinuha ko sa drawer ko ang mga diyaryo kung saan may mga tula at mensahe ng aking Irog mula sa Business page. Binuklat ko ang journal notebook ko. Inipon ko muna sila, balak ko na gupitin ang parte na may mga tula at mensahe niya para id