Bloom Life is a garden, and every challenge is a season—embrace the rain, soak in the sun, and trust that you will bloom in your time. 👨⚕️HIDEO ADONIS "So, ano nga ang ginawa niyo? Bakit umaga na kayong natulog?" Sabay kaming napatingin ni Marikah sa tanong na iyon ni Athena, talagang hindi niya kami tatantanan sa tanong na iyan, kahit na nasagot ko na kanina ang patungkol d'yan. Nilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang litrato ng sunrise na siyang kinuhanan ko. Ipinakita ko ito ay Athena. Medyo namamangha ako sa pagkakuha ko ng litrato na ito dahil hindi ko aklain na marunong pa rin pala akong mag photography na siyang inihinto ko simula ng mawala si Sychelle. This is was just my hobby, pero dahil lagi akong napupuri ni Sychelle na magaganda ang mga kinukuhanan kong subject kaya nag-take ako ng mga workshops and lessons about photography upang may mga side hobbies din ako bukod sa sa pagiging medical practitioner noon. Kita pa rin ang pagdududa sa mukha ni Athena,
Healing Ang paghilom ay hindi nangangahulugang hindi kailanman nagkaroon ng sugat. Ibig sabihin, hindi na ang sakit ang may kontrol sa iyong buhay. 📿 MARIKAH SYCHELLE Kaagad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang matanaw ko sa Nurse station si Nurse Chrystallene. Mabilis lamang na sumapit ang lunes matapos ng makahulugang selebrasyon ng pagka-promote ni Nurse Cat bilang Headnurse. Hindi ko man siya madalas na makasama sa shift pero kilala siya ng lahat sa pagiging isang mabuti at may dedikasyon na Nurse dito sa HC Medical City. Kaya sa dalawang araw na day-off ko ay tinapos ko ang mga kwintas at bracelet na gawa sa nga kabibe na pinulot namin ni Dok Hideo sa dalampasigan. Ang iba naman ay ginawa kong pandisenyo sa picture frame. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-miss ang Baryo, lalo na si Lolo at Lola. Ang mga bagay na ito ay itinuro sa akin ni Lola at Mama noong bata pa ako. Inilalako namin ito sa mga turista ba nagbabakasyon sa resort kung saan malapit ang aming Baryo. Ganit
Sincerity Ang taos-pusong salita ay kayang abutin ang puso ng iba, higit pa sa magagarbong salita na walang laman. 👨⚕️HIDEO ADONIS Nadudurog ang puso ko sa aking nasasaksihan ngayon. Paanong sa isang iglap ay apat na buhay ang kinuha ng isang sinadyang aksidente. Kamuntikan ang aking kapatid na bunso na si Harmony Athena. Natira siya, upang hindi ako tuluyang maging mag-isa sa mundong kinukuha na sa akin ng lahat. Gusto ko man na kwestyunin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kulang pa ba? Sino pa? Bakit ganito... Ano ba ang kasalanan ko. Bakit nakaukit sa akin na mawala ang mga taong importante sa buhay ko. Hindi pa nga ako lubusang naghihilom sa pagkamatay ng pinaka mamahal kong babae. Tapos, ito naman ngayon. Ang mga magulang ko naman. Ngunit ang isa sa mga bagay na hindi ko matanggap ay may dalawang buhay na nadamay. Sila ang truck na nakabanggaan ng sasakyan ng mga magulang ko. Nasawi rin ang dalawang mag-asawa na sakay nito. Lubosan ko itong kinalulun
Feelings Ang damdamin ay hindi laging kayang ipaliwanag ng salita, ngunit ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa ating buhay. 👨⚕️HIDEO ADONIS “Bakit ba lapit ng lapit itong si Dok Philip kay Nurse Marikah?” Hindi ko maiwasang mayamot, sapagkat nakita ko na naman si Dok Philip mula sa CCTV na huminto sa Nurse station kung saan naka duty si Nurse Marikah. Kanina ko pa binibilang kung pang-ilang beses na niyang huminto rito. At ilang beses ko na rin itong tanong sa isipan ko. Hindi ba siya nakakaabala kung may ginagawa mang chart checking at rounds ang mga Nurse na naka duty doon? “Tapos mamaya, sasabayan na naman niyan si Nurse Marikah mag-lunch, nanandya ba siya?” Minasahe ko ang kamay ko pagkatapos ay pinalagatok isa-isa ang mga daliri ko. Hindi ko ugali ang manapak, pero mukhang gusto kong subukan ngayon, for experience lang. Pero teka, bakit nga ba umaabot na sa ganitong punto ang iniisip ko? Sa dami ng inaasikaso ko sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa nakak
Solitude Sa gitna ng katahimikan, natutuklasan ang tunay na lakas ng loob. Ang pag-iisa ay hindi kahinaan, kundi pagkakataon upang mas makilala ang sarili. 📿MARIKAH SYCHELLE Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba sa aking dibdib dahil sa biglaang pagpapatawag sa akin ni Dok Hideo dito sa Opisina niya. Isa ito sa Opisina niya na ngayon ko lamang napasok, bale may tatlo kasing opisina si Dok Hideo at ito yata ang pinaka malaki sa lahat. Tanging mga Doctors lamang ang pinapahinulutan na pumasok rito para sa kanilang mga meetings and conferences, madalas kasi ay sa labas lamang ang assistant Nurse kapag dumaraan dito ang Assisting Doctors nila, kaya nagulat ako at naguluhan na rin kung bakit ako pinapasok dito. Bukod sa napakalawak ng opisina na ito ay magaan sa mata ang interior design. Puro paintings. Mga magagandang pintang obra na tila nabubuhay sa aking paningin. Sino kaya ang nagpinta ng mga ito? Lalapitan ko ang bawat paintings mamaya upang mas makita ko pa ito ng malapitan. Pa
Embrace Yakapin mo ang bawat pagkakataon, dahil sa bawat yakap ay may kwento ng pagmamahal at pag-asa. 👨⚕️HIDEO ADONIS Nang mapatingin sa akin si Dok Philip ay ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Hindi ito isang ngiti na tila natutuwa pa ako sa nangyari sa kanya. Kundi ngiti na makitang maayos na ang kanyang kalagayan. Baka malagot pa ako sa kanyang pamilya kapag nalaman ito. The Valfreya-Marvels is a royal family from the country of Rômanèia—a place I've never been to. They own the biggest hospital in Memphis, New York City, in the US of A. For more than three years, I worked tirelessly to court them for a merger and partnership, especially for their high-end hospital equipment, which they manufacture themselves. They are an incredibly influential family yet remain grounded and humble. Take Prince Philip, for instance—he prefers to be addressed as an ordinary person and, more importantly, as a doctor. "I would like to apologize for what happened to you earlier, Y
AmazeKapag ika'y namangha, parang tinamaan ng kidlat ang puso mo—bigla, malalim, at hindi mo malilimutan.👨⚕️HIDEO ADONISNatapos na ako mag-shower at nakapag bihis na muli ng bagong t-shirt. Pagbalik ko ay nasa dining area na Dok Rat. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin.Pero nakasimangot pa rin siya. Halos magdikit na ang dalawang kilay siya sa pagkunot at nag crossed-arms siya pag-upo ko sa katabing upuan niya. He's still contemplating something that I didn't know."Bakit ba ganyan ka makatingin? Inaano ba kita?" puno ng pagtataka na tanong ko sa kanya.Daig ko pa ang may nagtatampong nobya dahil sa ginagawa niya. Iniisip ko ang dahilan kung bakit para siyang tinotopak ng ganyan."Alam ba ni Yang Xi 'to?" tanong niya."Huh? Hindi ko alam. Ang alin ba?" balik na tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na ako sa tinuturan niya."Na inuwi mo rito si Nurse Marikah, baka kasi mas alam niya kasi siya ang BFF mo!" he said bitterly."Hindi ko nga alam kun
WonderAng paghanga ay nagsisimula sa simpleng tanong: 'Paano kung?' Ang sagot nito ang nagdadala sa atin sa mga kamangha-manghang posibilidad ng buhay.👨⚕️HIDEO ADONIS Pagkatapos namin kumain ay nagpasya kaming lahat na sa movie room ng mansion manatili, bahala na kung gusto nilang manood ng movies o magkaraoke. Sakto naman na nagpagawa si Athena ng charcuterie board kila Manang, pagkatapos ay kumuha ng dalawang bote red wine at one liter na iced tea para naman kay Marikah. Nauna kami na maglakad ni Dok Rat patungo sa movie room habang tahimik na nakasunod sa amin si Marikah. May binabasa siya sa kanyang mini booklet. Siguro ay dasal. Ako ang unang pumasok sa room upang buksan ang aircon at ilang led lights. Sa may L shaped na couch. Nauna akong umupo, sinenyasan ko si Marikah na sa tabi ko maupo. Isinara niya anv binabasa niyang booklet at tumabi sa akin. Lihim naman akong napangiti. Kaagad kong nakita ang pangangasim ng mukha ni Dok Rat, marahil ay nabi-bitter na naman. “Ha
ThresholdSa dulo ng bawat sakit, may hangganan at sa hangganang iyon, nagsisimula ang paghilom👨⚕️HIDEO ADONIS Sunod-sunod ang mga pangyayari ngayong araw at ang pinakahuli, isang insidenteng hindi ko inaasahan, ay naganap sa Annex Building. Mabilis kong nalaman ang kaguluhang nangyari roon, at ang masaklap, iyon ang naging sanhi ng maagang panganganak ni Head Nurse Cat. Dahil wala pa sa tamang gestational weeks ang mga sanggol, kailangang ilagay sila sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon sa NICU.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong nagtungo sa Annex upang personal na kamustahin ang mga empleyado, at upang alamin ang totoong takbo ng sitwasyon. Kinausap ko rin si Dok Mouse at ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman, lalo’t ito ang kanyang unang mga apo. Humingi ako ng paumanhin, alam kong wala man akong direktang kinalaman, responsibilidad ko pa rin ang kapakanan ng lahat sa ospital. Mabuti na lang din at tapos na mag entrace exam si Dok Rat bago ito mabalitaan kaya naman
👨⚕️ HIDEO ADONIS At ngayon, kaharap ko na ang taong responsable sa pagkamatay ng mga taong pinakamahalaga sa buhay ko, pati na rin sa pagkawasak ng pamilya ng asawa ko, at sa pagkawala ng ama ni Arkey.Mataman akong nakatingin sa kanya, tuwid at hindi nagpapatinag. Iisang lamesa lamang ang pagitan namin, ngunit tila abot ng tingin ko ang lahat ng kasalanang pilit niyang ikinukubli sa malamig niyang anyo. Sa kanyang likuran, nakapuwesto ang tatlong pulis na nagsisigurong hindi ako gagambalain o mapahamak sa kahit anong posibleng galaw ng hayop na ito.Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik, na tila bawat tibok ng puso ko ay umuukit ng galit sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam na makaharap ang isang demonyo.Hindi siya sumasalubong sa titig ko, pero ramdam kong alam niyang naroon ako na huling taong dapat niyang balewalain.Hindi ako lalaban ng salita. Hindi ko kailangang sumigaw, sapagkat ang bigat ng katahimikan ko ay higit pa sa anumang panunumbat. At sa pagkakataong ito, ak
Trigger Warning ⚠️This chapter contains sensitive content including:• Physical & emotional abuse• Trauma and mental distress• Violence and murder• Medical and psychological themesPlease proceed with care. If any of these topics are difficult for you, consider skipping this chapter or reading it when you feel emotionally ready. Your well-being comes first.If you're struggling, don't hesitate to seek help from someone you trust or a mental health professional.---WrathAng poot ay lason na iniinom ng puso sa pag-aakalang iba ang mamamatay.👨⚕️HIDEO ADONISMatapos kong i-message si Dok Rat sa Messenger ng "good luck" para sa kanyang entrance exam ngayong araw, ibinalik ko ang atensyon ko sa kasalukuyan. Nasa loob ako ng opisina kasama sina Dok Ivo at Dok Maxwell. Tahimik na nagbabasa ng dyaryo si Dok Ivo habang si Dok Maxwell naman ay walang imik na nagsi-scroll sa kanyang hawak na tablet.“Agay... lahat ng articles, puro HC Medical City ang headlines,” biglang reklamo ni Dok
Vengeance Paghihiganti ang tula ng pusong sugatan na isinusulat sa apoy, binibigkas sa dilim. At sa bawat taludtod ng poot, ang kalaban ay unti-unting nilulunod sa sariling kasalanan.👨⚕️HIDEO ADONISNaabutan ko pa ring maraming press ang nag-aabang sa labas ng Main Building ng HC Medical City. Mabuti na lang at mabilis rumesponde ang mga security personnel at military na ipinadala sa utos ni Dok Ivo. Hindi biro ang abala kung sakaling makapasok ang media sa loob ng ospital.Pasimpleng lumiko ako patungo sa basement parking na eksklusibo lamang sa mga empleyado ng ospital. Mabuti at may sariling bahagi roon ang mga may HC employee sticker na isang desisyong matagal nang ipinatupad para sa ganitong mga pagkakataon.Paghinto ng sasakyan ko, saktong tumawag si Doktora Les. Kaagad ko itong sinagot.“I was about to go to the Main Building, pero nalaman ko na sa Annex mo ipinadala ang mga gamit ko for my clinic office.”“Yes, Les. Sa Annex ka muna. Magulo pa rito sa Main.”“Labis ang kab
DissonaceParang bagyong tahimik at sa labas, payapa ang langit,pero sa loob, may unos na hindi magkasundo ang puso’t isip.Isang himig na pilit inaawit ng damdamin,ngunit kinokontra ng tunog ng lohika.👨⚕️HIDEO ADONISPinagmamasdan ko si Athena habang seryoso niyang pinipino sa food processor ang mga walnuts. Wala siyang imik, nakatuon lang sa gawain na parang isang siyentistang nag-eeksperimento sa gitna ng tahimik na kusina.Nang maging halos pulbura na ang mga ito, napangiti ako nang ibuhos niya ito sa all-purpose flour, haluan ng chocolate chips, at dahan-dahang minasa gamit ang kamay. Makinis ang kilos niya, parang alam na alam ang ginagawa hindi lang basta pagluluto ito, may layunin.Ako ang nag-request. Alam kong mahilig siyang mag-bake, kaya sa kanya ko na lang ipinagawa ang cookies na matagal ko nang gustong matikman. Pero sa totoo lang, higit pa doon ang dahilan.“Tingnan ko lang kung hindi siya matuluyan kapag kinain ito,” mahinang sambit ni Athena, kasunod ang isang m
FearlessSa bawat pagsubok na dumarating, piliin mong tumindig.Ang tapang ay hindi laging sigaw—minsan, ito'y tahimik na pagyakap sa sakit habang patuloy kang lumalaban.👨⚕️ HIDEO ADONIS Parang walang nangyari.Ganyan ko mailalarawan ngayon si Niniana na kapatid ni Dok Rat, habang nakahiga sa recovery bed. Kung hindi ko hawak ang clipboard na may records niya, baka nakalimutan ko pa ang pangalan niya.Hindi pa nga lumilipas ang 24 oras mula nang isalba siya sa ICU, pero heto’t alerto na, may kulay na ang pisngi, at tila parang hindi muntik barilin sa loob ng sasakyan.Vehicular accident raw. Sa hindi pa rin klarong dahilan, nadiskaril bigla ang gulong ng sasakyan niya—tapos may lalaking nakamotorsiklo ang lumapit at nagtangkang pagbabarilin siya.“Nunca! Que bom que trouxeste o meu carro, Niniana! A blindagem ali é muito resistente.”(Mabuti na lang at ang sasakyan ko ang dala mo, Niniana! Napakatibay ng bulletproofing niyon.)Napatingin ako kay Dok Rat habang nagsasalita siya. N
UnravelUnti-unti siyang nabubuking, hindi bilang pagkasira, kundi bilang pagbubukas ng lihim na matagal nang itinago ng puso.👨⚕️HIDEO ADONISHindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga litrato namin ng asawa ko sa gallery ng cellphone ko ang mga kuha ni Harmony noong nasa Ugbo kami. Tila ba may sariling liwanag ang ngiti ni Marikah; sino ba naman ang hindi mahahawa sa ganoong kasaya at tapat na ngiti? Natutuwa ako’t tila nahilig na rin siyang magpakuha ng litrato ngayon, malayo sa dating Marikah na halos palaging umiiwas sa camera.Habang tinititigan ko ang mga larawang ito, bumalik sa alaala ko ang mga unang buwan niya sa Surgery Department. Noon, ramdam na ramdam ko ang pagiging mailap niya,hindi sa mga pasyente, kundi sa mga kasamahan naming staff. Tahimik lang siya palagi, mas pinipiling mamalagi sa hospital chapel kaysa sumama sa lounge o makihalubilo sa amin. Para bang may bakod siya noon sa pagitan ng sarili niya at ng mundong ginagalawan namin.Kahit naka-dut
Tenderness Sa katahimikan ng isang haplos, naroroon ang dasal—hindi sa salita, kundi sa pusong marunong magmahal nang walang alinlangan👨⚕️ HIDEO ADONISNapahaba at napasarap ang tulog namin ni Marikah. Pagdilat ng mga mata ko, alas singko na ng hapon.Buti na lang talaga at wala akong naka-schedule na surgery ngayon. Halos si Athena na rin ang humahawak ng karamihan sa mga paperwork sa ospital. Unti-unti na rin niyang tinatanggap ang responsibilidad bilang kapalit ko sa Board of Directors ng HC Medical City.Ang totoo niyan, malaking ginhawa sa akin ang lahat ng ito.Matapos kong tuluyang mabayaran ang malaking utang ko sa mga Xi, lalo pang napadali ang merging nang ikasal sina Athena at Dok Ivo. Sa kanilang mga kamay, alam kong mas mapapatakbo nang maayos ang ospital ito'y magiging mas moderno, mas matatag, at mas makatao.Ngayon, mas kaya ko nang tutukan si Marikah at ang pagbubuntis niya. Mas mahalaga siya kaysa sa alinmang titulo o tungkulin.Pero bago ko tuluyang talikuran an
Intention Sa likod ng bawat kilos na payapa, naroon ang layuning dalisay—Pag-ibig ang binhi, at kabutihan ang ani ng pusong tunay.👨⚕️HIDEO ADONISIsang panibagong araw na naman ng pagpapanggap, isa na namang hakbang upang mas mapalapit ako sa halimaw. Kailangan kong makakalap ng mas matibay na ebidensya. Gusto man naming ipahuli siya agad-agad, wala kaming sapat na lakas ng ebidensya. Lalo na at naka-pending ang kaso, sapagkat hindi pa rin natutukoy kung saan nagtago ang dati niyang pagkatao.Kaya kailangan kong paghandaan nang husto ang bawat galaw. Hindi ito basta kasong pwedeng isapubliko nang walang matibay na basehan. Sa sandaling mailantad ko sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao. Ang pagiging kriminal niya, dapat ay wala na siyang matakbuhan.Kung hindi lang sa lakas ng koneksyon niya mula sa mga taong bahagi ng black market at mga notoryus na personalidad ay matagal na sana siyang nahuli. Kaya’t pinaasikaso ko na kay Dominador ang pagsuyod sa lahat ng contact niyang ma