Inalis ni Sandy ang kumot sa kanyang bewang at umupo habang nakalaylay ang dalawa niyang paa sa gilid ng kama. "Ang l-lakas ng boses mo." "Dahil hindi ka sa akin naging totoo, Sandy." Sumasakit talaga ang ulo ni Sandy, parang maging ang tenga niya. Naging sensitibo sa ingay. Napahinto siya, may aakyat na naman sa sikmura niya palabas. Agad siyang tumayo pero napaluhod na lang sa sahig sa hilo, dahil hindi na siya maka-abot sa banyo, doon na lang niya sinuka ang lahat ng gustong ilabas ng simura niya. "Sandy!" Gulat na tawag ni Dwight. Napangiwi pa ito habang pinanonood si Sandy kung paano lumabas ang pagkain sa bibig nito na naghalo-halo. Hindi nga malabong gutumin ito sa dami pa lang ng nilabas nito sa bibig. "Simula ngayon bawal ka ng uminom ng alak, kahit isang patak pa 'yan!" Inis na saad ni Dwight habang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Sandy na napupunta na sa mukha nito. Nang matapos ay hapong-hapo na sumandal si Sandy sa gilid ng kama. Habang si Dwight ay humahanap
Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na
"Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k
"Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s
Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par
Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal