Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
View MoreHindi agad nakapagsalita si Dwight, dahil kung siya ang papipiliin, ayaw muna niyang magkita ang mga ito dahil baka magkagulo at kung ano ang masabi ni Dylan kay Sandy. Ayaw niyang may masaktan sa dalawa, at ayaw rin niyang dumating sa punto na kailangan niyang kumampi o mamili sa dalawa. Oo, at kakikilala lang niya sa dalaga, pero sa hindi niya malamang dahilan ang loob niyo ay panatag sa tuwing nasa paligid si Sandy. "Huy! Hindi ka na sumagot." Maliit na napangiti si Dwight. "Hindi mo talaga siya makikita dahil laging wala dito si Dylan, gabi na kung umuwi." "Mabait ba siya?" Nakagat ni Dwight ang likod ng labi niya, pero napakunot ang kanyang noo nang may marinig na boses na pasigaw mula sa kinaroroonan ni Sandy. Humarap sa screen ang dalaga at parang may pinindot ito, bago ilapag sa kama habang ang camera ay natatabingan ng kumot kaya purong itim lang ang makikita. Magsasalita na sana muli si Dwight, pero hindi na niya natuloy dahil sa boses ng kasama ni Sandy. "Mabuti a
Nag-alala naman ang mga katulong at naglagay ng plato, kanin, at ulam sa lamesa. "Sige Ma'am Sandy kumain ka na. Hindi na lang po namin sasabihin na nandito ka na at kumakain." "Huwag niyo ring babanggitin na nakauwi na ako ha." Nagkatinginan ang mga katulong. Batid nila ang nagaganap sa loob ng bahay dahil halos malalakas ang mga sigawan pag may nag-aaway, lalo na si Dolores sa tuwing pinangangaralan si Sandy. Ang isang katulong naman ay nasaksihan ang naging ganap noong napaso ang kamay ni Sandy. "Okay po ma'am." Nagsi-alisan ang lahat ng katulong na pumunta sa dining dala-dala ang pagkain, habang si Sandy ay nag-umpisa ng kumain ng mabilis para hindi siya makita ng magulang niya sa labas, pero batid niyang ang kanyang ama ay pupuntahan agad siya sa kwarto dahil nasa garahe na ang kotse nito. Sigurado rin siyang magaling na ang kanyang magulang dahil mga nakatayo at naka-alis na ng kwarto. Samantala nang nalagay na ng mga katulong ang mga pagkain sa lamesa ay agad ng nagsi-a
Samantala, akala ni Sandy ay magtutuloy-tuloy na ang paghina ng ulan, pero habang bumabiyahe siya pauwi ay biglang lumakas na naman ang patak ng ulan, kaya hindi niya makita ng malinaw ang daan, pero kahit ganon ay sinuong niya ang lakas ng ulan makauwi lang ng bahay nila at makapagpalit na rin ng damit. Paniguradong magkakasakit siya dahil pumasok siya sa kotse at malalamigan at matutuyo ang basa niyang katawan. Sa halos dalawang oras na biyahe pauwi, ay sa wakas nasa tapat na ng bahay nila si Sandy. Pinasok niya ang kotse sa garahe at nagmamadaling bumaba. Sa pintuan sa likod ng bahay na lang siya nagdaan para hindi na rin mabasa ang sala, malapit naman ang kwarto niya sa kusina kaya okay lang. Binuksan ni Sandy ang pinto sa likod at tuloy-tuloy na pumasok, wala naman siyang nakasalubong na tao sa loob, mukhang mga nasa kwarto. Diretso agad siya ng banyo at naligo kahit malamig, pagkatapos magbihis ay sumampa siya ng kama at nagkumot na parang binalot na lumpia. Sakit talaga ang
Napanguso si Sandy habang naglalaro ang dila sa loob ng kanyang bibig. "Agree naman ako diyan sa sinabi mo, pero sabi ko nga, walang mas modernong kagamitan ang bansa natin compare sa ibang bansa. Ako ang ginagawa ko mas inaaral ko ang lahat, kaya kahit hindi ako pumunta ng ibang bansa ay gamay ko na ang gagawin sa oras ng emergency. Kailangan lang talaga ng sipag at determinasyon kung ang trabaho ay pagiging dcotor. Hindi naman din kasi biro ang ginagawa namin dahil kumbaga kami lang ang unang gagamot sa pasyente bago nila tulungan ang sarili nilang gumaling ng husto. "Pagiging doctor ba talaga ang gusto mo?"Tumingin si Sandy sa kisame at nag-isip. "Hindi ko alam." "Huh?" lukot ang mukha ni Dwight sa salitang lumabas sa bibig ni Sandy. "Yes, hindi ko alam. Nagising na lang ako isang araw na gusto kong maging doctor at gamutin ang mga taong nangangailangan ng tulong, pero ang gusto ko talaga noon ay Business Management. Kumpara sa pagiging doctor ay mas madali iyon dahil kung ma
"Secretary ka ka niya o katulong? As far as I know walang humahawak na ibang tao ng phone niya?" Magsasalita na sana si Sandy, pero narinig na niyang sumisigaw si Dwight sa loob ng banyo. Tinitigan niya ang screen ng telepono at kabastusan man ay pinatay niya ang tawag at nilagay sa ibabaw ng table ang telepono ni Dwight. Kumatok si Sandy sa pinto ng banyo bago pumasok sa loob. Ang pinagtataka niya ay naka-ayos na ang pants ni Dwight, pero paano yung— "Tulungan mo na akong makaupo sa wheelchair." "Nag-flush ka habang nakaupo sa toilet?" tanong ni Sandy habang nakataas ang dalawang kilay niya. "Hindi. Tulungan mo muna akong makaupo sa wheelchair saka ko gagawin, pero ipikit mo ang mga mata mo." Kumunot ang noo ni Sandy at lumapit kay Dwight. "Bakit ko pa gagawin 'yon? Parehas lang naman ang korte at kulay ng dumi ng tao." Awang ang labi ni Dwight na tumingin kay Sandy, ang mata nitong nagulat sa sinambit ni Sandy na may pagka-prangka. Tumaas ang isang kilay ni Sandy. "Bakit?"
Hindi sumagot si Sandy, kaya nagtaka si Dwight, at isa pa, kailangan niyang nalaman kung bakit nang hinawakan niya ang parte ng mukha ni Sandy ay may imahe na biglang na lang nagpakita na hindi naman nangyayari sa kanya. Hindi niya pagsasawalang bahala iyon dahil baka parte ng nakaraan niya si Sandy na hindi niya lang maalala dahil matagal na o sadyang si Sandy lang ang naging daan para muli niyang maalala ang nakalimutan na niya. "Naging totoo ka naman sa akin hangga't maaga, kaya walang atrasan na magaganap. Si ina ang nagsabi na gusto ka niya dahil kaya mo akong alagaan kahit paralisado pa ang aking paa. Doon na lamang ako maniniwala, hindi sa mga sinabi mo." "Masyado kang mabait, Dwight. Try mo minsan maging masama." Umiling si Dwight. "Iyon ang hindi ko gagawin, dahil mahirap ng bumalik sa dati kung susubukan ko. Hindi mo ba napapansin ang taong masasama ay hindi na nagbabago, kahit anong pagbibigay mo ng payo ay hindi na talaga sila magbabago. Kung mero man, hindi rin buo bum
Napabuntong-hininga si Sandy habang sinubukan ulit niyang kuhanin ang kutsara, pero walang lakas talaga ang dalawa niyang kamay. Sumandal siya sa couch, dahil oras ang tinatagal bago ulit bumalik sa normal ang kanyang kamay. "Kaya ayaw kong ako ang maging doctor mo sa araw ng operation. Sa totoo lang maraming tumatawag sa akin na gustong ako ang mag-opera sa kanilang mga mahal sa buhay, pero dahil sa kamay ko hindi ko na sila pinapansin o ni-re-replayan dahil mabigat sa loob kong sabihin na hindi ako puwede dahil may problema pa ang mga kamay ko. Baka sa halip na mabuhay ang pasyente, ako pa ang maging dahilan ng pagkabilis na mawala sila sa mundong ibabaw." "Meron bang rason sa likod no'n, kung bakit nararanasan mo iyan ngayon?" Maliit na ngumiti si Sandy. "Lahat naman ng biglang pagbabago ng isang tao ay merong rason. Kahit ano pa 'yan, basta may isang maliit na pagbabago sa isang tao, laging may rason sa likod no'n. Mas malala lang yung sakin dahil buhay ang nawala." Nagsalubo
"Hindi na, sa couch na lang ako." Natapos kumain ang dalawa habang natutok ang mga pansin sa T.V, hanggang sa patayin na iyon ni Sandy dahil alas-dose na ng gabi. Hindi pa rin tumatawg s kanya si Angelo. Nakasandal na pala si Dwight sa kama, at si Sandy naman ay nakaupo sa couch habang nakapikit ang mata, ang baba nito ay nakapatong sa kamay habang ang siko ay nakatungko sa gilid ng couch. "Sandy, matulog ka na." Napadilat naman si Sandy agad, pero halata sa mata nito na inaantok na. "M-mamaya na...hintayin ko lang yung tawag." "Sa tingin ko ay hindi na siya tatawag. Dapat kung tatawag man siya ay kanina pang mas maaga, kaya sige na matulog ka na." Tumayo si Sandy at lumapit sa higaan ni Dwight. Kukuha sana siya ng kumot at unan, pero may kamay na pumigil sa kanya sa pagkuha no'n. "B-Bakit?" sa inantok na boses na tanong ni Sandy. "Dito ka na lang matulog para kumportable ka." Umiling si Sandy. "Doon na lang ako. Ayusin ko lang ang pagkakahiga mo para makatulog ka na rin." S
Samantala habang nakatalaukbong ang kumot kay Sandy ay lumingon si Dwight kay Sandy. Tumingin siya sa numero ng aircon at malamig pa iyon kung tutuusin, kaya kinuha muli ni Dwight ang remote at hininaan lang ang buga ng lamig no'n. Hindi puwedeng wala silang aircon dahil pag pinatay kahit malamig pa sa labas ay maiinitan din sila dahil sa kulob nga ang kwarto, kung meron mang bintana, maliit lang at mahirap ding buksan pag ganitong umuulan. May kumatok sa pinto kaya umayos muli si Dwight ng pagkakaharap sa bintana, dahil si Sandy ay mabilis na tumayo at pumunta ng pinto para kuhanin ang pinatimpla nitong kape at gatas. Ngumiti si Sandy sa hotel staff. "Salamt." "No problem ma'am. Tawag na lang ho kayo pag may kailangan kayo. Thank you." Umalis ang staff kaya sinarado na ni Sandy ang pinto. May maliit na table naman doon kaya doon nilagay ni Sandy ang mga kape maging ang pagkain na dinala nila galing sa restaurant, mga naka-transparent plastic container naman iyon kaya walang mat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments