Beranda / Semua / The Doll / Chapter 5

Share

Chapter 5

Penulis: corasv
last update Terakhir Diperbarui: 2021-05-10 16:09:28

DAPIT-HAPON, kasalukuyan na nasa garden si Marilyn at nagdidilig ng mga halaman nang mapansin niyang wala na sa kinauupuang bench si Maya. Sinarado ng dalaga ang gripo at iniligpit ang hawak na hose, pumasok siya sa bahay at naabutan niyang nasa sala ang kanyang mga magulang nanonood ang mga ito ng telebisyon.

"Nay, napansin n'yo po ba si Maya?'' tanong niya sa ina.

"Nagpaalam na pupunta daw siya sa kanyang kuwarto doon na lang daw siya maglalaro," anang kanyang ina na muling ibinalik ang paningin sa pinapanood.

"Ganoon po ba, sige po akyatin ko na muna si Maya." Paalam niya sa mga magulang.

"Ipaghahanda ko kayo ng juice, may niluto akong pansit mag meryenda kayong dalawa ni Maya."

"Sige po inay, kayo ba ni itay nakapagmeryenda na?"

"Hindi pa naman anak, mauna na lang kayo ni Maya. Alam mo naman ang itay mo gustong kasama ako kapag nanonood siya ng paborito niyang pelikula,"

Napangiti siya sa sinabi ng ina.

"Sa sala nalang tayo mag meryenda inay para makakain na din kayo ni itay," anya at muling nagpaalam na aakyat na ng pangalawang palapag para puntahan ang pamangkin.

Tumalikod na ang dalaga, tumayo naman si Aling Pacing para pumunta ng kusina at maghanda ng pagkain para sa kanilang meryenda.

SAMANTALA... malapit na si Marilyn sa kuwarto ng pamangking si Maya nang may marinig siyang mga yabag sa loob ng kuwarto nito, parang naghahabulan. Dinig niya ang matinis na boses ni Maya habang tumitili ito sa tuwa.

Napakunot-noo si Marilyn.

"Habulin mo ako!" Boses ni Maya ang narinig ng dalaga na para ba'y hindi ito nag iisa sa loob ng kuwarto nito. Muli niyang narinig ang mga yabag na tila naghahabulan habang panay ang tawa ng kanyang pamangkin.

Tumigil siya sa tapat ng pinto ng kwarto nito, idinikit niya ang kanang tenga sa pinto para pakinggan ang nasa loob.

"Ang daya mo naman lagi mo akong nahuhuli, ako na naman ulit ang taya." Tila nagmamaktol na reklamo ni Maya pakiwari ng dalaga may kauasap ang bata.

Hindi na nakatiis ang dalaga kaya pabigla niyang pinihit ang door knob at tinulak ang pinto. Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Maya, nakaupo ito sa ibabaw ng kama habang sinusuklay ang mahabang buhok ng manika.

Inilibot ni Marilyn ang paningin sa loob ng kuwarto ni Maya pero wala siyang ibang taong nakita bukod sa kanyang pamangkin. Pero kanina lang dinig niya na parang may ibang kasama ang bata at may kalaro, lumapit siya sa kama at bahagyang yumuko sinilip niya ang ilalim ng kama nito pero malinis iyon. Tumayo ang dalaga, nilapitan naman niya ang malaking closet. huminga muna siya ng malalim bago buksan ang closet, puro mga nakatupi na damit ang nakita niya. Dahil iniisip ni Marilyn na baka nagtatago ang kausap ni Maya kaya sinubukan niya itong hanapin.

Bumaba ng kama si Maya habang mahigpit na yakap ang manika, lumapit ito sa dalaga na nakaharap sa binuksang closet.

"Tita!" tawag pansin nito sa dalaga.

Napalundag sa gulat si Marilyn naisapo niya ang isang kamay sa tapat ng dibdib. Huminga muna ng malalim ang dalaga bago humarap sa pamangkin,

"Maya," anya na pilit na ngumiti sa bata.

"Ano po ang ginagawa mo tita?'' tanong ni Maya na sumilip na din sa nakabukas na closet.

"Ha, ah, eh," bigla siyang nag isip ng isasagot. "W-wala may hinahanap lang si tita," pagsisinungaling niya at mabilis na isinara ang closet. Gusto niya sanang tanungin ang pamangkin tungkol sa kanyang narinig pero naisip niya na baka guni-guni niya lang iyon at baka matakot pa ang bata.

"Ano naman po ang hinahanap mo tita?" muling tanong pa nito.

Bahagya natigilan si Marilyn.

"Ah wala 'yon," sagot niya. "Tara na bumaba na tayo, hinihintay na tayo ng lolo at lola mo." Inabot niya ang isang kamay ni Maya at hawak-kamay na lumabas ng kuwarto.

Hindi na napansin ng dalaga ang gumuhit na isang ngiti sa labi ng manika.

NAPANSIN ni Aling Pacing ang pananahimik ng anak, hindi nito naituloy ang pagsubo ng pasit muli niya itong ibinalik sa plato.

"Anak, may problema ba?" tanong ni Aling Pacing sa dalaga

Agad na naiangat ni Marilyn ang ulo.

"Wala naman po inay," kaila niya. Hindi niya masabi dito ang totoong gumugulo sa isipan niya. Pilit kasing sumiksik sa kanyang isip ang mga narinig niya kani-kanilang sa loob ng kuwarto ni Maya. "Naalala ko lang po iyong isang estudyante ko, mag babakasyon daw po kasi dito sa pilipinas." Dugtong pa niya sa sinabi, pero gawa-gawa niya lang iyon para lang may maidahilan siya sa ina.

"Ganun ba, e di masaya kasi makakapasyal siya dito sa ating bansa." Anang ginang at itinuloy na ang pagkain. Pinagmasdan ng dalaga ang ina, mukhang naniwala naman agad ito sa sinabi niya.

Ipinilig ni Marilyn ang ulo pipilitin niyang huwag isipin ang narinig kanina, baka pagod lang siya. Ilang araw din kasi silang walang magandang tulog. Baka namamahay pa siya dahil ilang araw pa lang naman silang naroroon sa bahay ng kanyang ate.

"Tita, gusto ko pa po ng pansit," tawag pansin sa kanya ng katabing si Maya. Mabilis naman niyang kinuha ang plato nito at nilagyan ng pansit.

"Masarap magluto ang lola ano?" tila patanong niyang sabi sa pamangkin.

Ngumiti ang bata kahit na puno ang bibig nito ng pansit, sabay thumbs up pa nito.

Natatawang pinisil niya ang baba nito. "Ang cute mo talaga!" tila nang gigigil niyang sabi sa bata.

"Ako gusto ko pa din ng pansit, mahal.'' Ani Mang Alfonso sabay abot ng plato sa asawa. Inabot naman ito ng ginang at nilagyan ng pansit.

"Ikaw anak baka gusto mo pa?'' tanong ni Aling Pacing.

"Mamaya na nay, pero tirhan mo po ako baka maubusan ako ni tatay at ng batang matakaw diyan." Nakangiting sagot niya sa ina sabay pisil ulit sa baba ni Maya. Narinig niya ang sabay na pagtawa ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang sinabi.

"Narinig mo ang sinabi ng anak mo?"

"Oo na, kapag may natira," biro ng kanyang ama, natawa naman ang dalaga sa sinabi nito.

Maganang inubos nga nila ang masarap na nilutong pansit ng kanyang ina habang nagkukulitan sa sala, syempre ang laging bida ang kanyang mahal na ama.

      

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Doll   Chapter 23

    Nanlulumo na muling napaupo sa sofa ang si Marilyn. She's positive it was Perlita. Lalo na nga at nabanggit ang kanilang lugar na kung saan doon daw ito nasagasaan.Maging si Mang Alfonso ay hindi din makapaniwala sa napanood na balita, nanginig ang kamay na ine-off nito ang tv."Itay anong gagawin natin?" tanong niya sa kanyang ama."Anak hindi pa tayo sigurado na si Perlita nga iyong babaeng nakita nilang bangkay," nagawa pa din sabihin iyon ni Mang Alfonso kahit na nga may kutob na ito na si Perlita ang nakitang bangkay sa dumpsite."Si Perlita iyon itay, iyong kasuotan niya at maging ang street natin." Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.Naaawa siya sa sinapit ni Perlita, kung alam lang sana niya na sasapitin ito ng dalaga sana hindi na talaga niya ito pinaalis ng bahay. Sobrang na guilty siya sa nangyari sa dalaga. "Kasalanan ko ang nangyari k

  • The Doll   Chapter 22

    MAKIKITA naman sa itaas na bahagi ng bangin ang kumpolan ng mga kotse at mga taong nakatanaw sa natutupok na kotse sa ilalim ng bangin. At iisang salita ang namutawi sa mga bibig ng mga taong nakiusyuso sa aksidenteng naganap."Dios ko, kawawa naman ang mga sakay ng nasa kotse!" bulalas ng isang babae na nakatakip ang isang kamay sa bibig nito."Kawawa naman ang mga biktima!" hiyawan ng mga taong nakiki-usyuso.Mula sa kung saan maririnig ang mga tunog ng mga sasakyan ng mga paparating na ambulance, mga wang-wang ng nga police mobile car at fire trucks."Tabi-tabi!" sigaw ng mga police na bagong dating.Tumabi naman ang mga taong nakikiusyuso.

  • The Doll   Chapter21

    PAGDATING sa sala may nakitang tatlong pulis si Marilyn, kinabahan agad siya. "Magandang umaga po mga Sir," kinakabahan na bati niya sa tatlong pulis. "Maupo po muna tayo," Naupo ang tatlong pulis sa sofa sa tapat nila ng kanyang mga magulang habang kalong naman niya sa kandungan ang pamangkin. Nakita niyang tinignan ng tatlong pulis ang kanyang pamangkin at tila naunawaan naman niya ang ibig ipabatid ng mga ito. "Maya, doon ka na muna sa kuwarto mo ha." "Bakit po tita?" nagtataka ang inosenteng mukha ng bata. "May importante lang kami na pag-uusapan," "Okay po,"

  • The Doll   Chapter 20

    "SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid. "Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina. "Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses. Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata. "We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito

  • The Doll   Chater 19

    AT nang makasakay na sa truck ang dalawa ay mabilis na itong pinasibad ng driver ng truck. "Anong gagawin natin sa babae?" balot pa din ng takot ang lalaki, ayaw din nitong makulong dahil may lima siyang anak na binubuhay. "Itatapon natin sa dumpsite, ikaw at ako lang ang nakakaalam sa insidenteng ito kaya kung ako saiyo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mo pareho tayong damputin at dalhin sa kulungan!" may galit sa boses na mahabang turan ng driver. Minabuti na ngang manahimik ng lalaki kahit na nga kinakain na siya ng kanyang konsensiya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, magugutom ang kanyang mga anak kung makukulong siya. Kanina pa nakatigil sa tapat ng gate ng malaking bahay ang rider, usapan nila ng nobya ay alas-nuwebe

  • The Doll   Chapter 18

    SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga."Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito."Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda."Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita."Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status