"SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid.
"Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina.
"Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya.
Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses.
Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata.
"We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito
PAGDATING sa sala may nakitang tatlong pulis si Marilyn, kinabahan agad siya. "Magandang umaga po mga Sir," kinakabahan na bati niya sa tatlong pulis. "Maupo po muna tayo," Naupo ang tatlong pulis sa sofa sa tapat nila ng kanyang mga magulang habang kalong naman niya sa kandungan ang pamangkin. Nakita niyang tinignan ng tatlong pulis ang kanyang pamangkin at tila naunawaan naman niya ang ibig ipabatid ng mga ito. "Maya, doon ka na muna sa kuwarto mo ha." "Bakit po tita?" nagtataka ang inosenteng mukha ng bata. "May importante lang kami na pag-uusapan," "Okay po,"
MAKIKITA naman sa itaas na bahagi ng bangin ang kumpolan ng mga kotse at mga taong nakatanaw sa natutupok na kotse sa ilalim ng bangin. At iisang salita ang namutawi sa mga bibig ng mga taong nakiusyuso sa aksidenteng naganap."Dios ko, kawawa naman ang mga sakay ng nasa kotse!" bulalas ng isang babae na nakatakip ang isang kamay sa bibig nito."Kawawa naman ang mga biktima!" hiyawan ng mga taong nakiki-usyuso.Mula sa kung saan maririnig ang mga tunog ng mga sasakyan ng mga paparating na ambulance, mga wang-wang ng nga police mobile car at fire trucks."Tabi-tabi!" sigaw ng mga police na bagong dating.Tumabi naman ang mga taong nakikiusyuso.
Nanlulumo na muling napaupo sa sofa ang si Marilyn. She's positive it was Perlita. Lalo na nga at nabanggit ang kanilang lugar na kung saan doon daw ito nasagasaan.Maging si Mang Alfonso ay hindi din makapaniwala sa napanood na balita, nanginig ang kamay na ine-off nito ang tv."Itay anong gagawin natin?" tanong niya sa kanyang ama."Anak hindi pa tayo sigurado na si Perlita nga iyong babaeng nakita nilang bangkay," nagawa pa din sabihin iyon ni Mang Alfonso kahit na nga may kutob na ito na si Perlita ang nakitang bangkay sa dumpsite."Si Perlita iyon itay, iyong kasuotan niya at maging ang street natin." Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.Naaawa siya sa sinapit ni Perlita, kung alam lang sana niya na sasapitin ito ng dalaga sana hindi na talaga niya ito pinaalis ng bahay. Sobrang na guilty siya sa nangyari sa dalaga. "Kasalanan ko ang nangyari k
HALOS madurog ang puso ni Marilyn habang pinagmamasdan ang pamangkin na walang tigil ang iyak, mahigpit na yakap nito ang kabaong ng ina tapus lilipat ito sa isa pang kabaong kung nasaan ang katawan ng ama. "Mama, papa, sasama na ako sa inyo." Umiiyak na sabi ng bata. Napapikit ng mga mata si Marilyn sa narinig na sinabi ng pamangkin, sobrang naaawa siya sa bata. Walong taong gulang pa lang ang pamangkin niyang si Maya, pero maagang naulila na sa magulang. Mahigpit na niyakap ng matandang babae ang apo na walang tigil sa pag-iyak, pilit na inilalayo sa mga kabaong dahil ipapasok na ang mga ito sa butas kung saan ilalagak ang mga kabaong. "Mama! papa!" umiiyak na nagwawala ang batang si Maya.
SA may sala, napagkasunduan ng bawat pamilya na mananatili sa Maynila ang batang si Maya kasama ni Marilyn. Doon ito titira sa bahay ng namayapang mag-asawa kasama ng bata, pumayag na din ang dalawang matanda. Ang usapan, kada pasko kukunin nila ang bata para doon mag diwang ng pasko sa probinsya, pumayag naman si Marilyn ang mahalaga nasa kanya ang kustodiya ng bata. Hindi na nila pinag-usapan ang tungkol sa bahay ng mag-asawa dahil nakapangalan ito sa anak na si Maya, naisip din ng mag-asawang matanda na mas nakakabuti kung nasa Maynila ang bata para may maiwan na alala dito ng mga magulang. "AALIS NA KAMI,"paalam ng matandang babae. "Dito na kayo mag palipas ng gabi," ani Marilyn sa mag-asawa.
"NARIYAN na sila, akin na ang apo ko dito na maupo sa tabi ng lola," Ani Aing Pacing at inabot ang apo sa dalaga. "Pagkabigat na ng aking apo," iniupo nito ang bata sa isang silya na katabi nito. Inabot ni Marilyn ang plato ni Maya, nilagyan ito ng kanin at ulam na adobong manok. "Maya, kain ka ng gulay para laging healthy." Ani Marilyn at nilagyan ng gulay na chopseuy. Tumango lang naman ang bata ng nakangiti. "Kakain ka ng madami ha," "Yes po tita!" Naupo na din si Marilyn, naglagay na din siya ng pagkain sa kanyang plato. "Very good talaga ang aming baby Maya," tuwang sam
"Madami ka yatang niluto nak?" puna ni Mang Alfonso nang makita ang iba-ibang pagkain na nasa lamesa na. Nakangiting nilingon ng dalaga ang ama. "S'yempre tay, gawin natin special ang mga araw na naandito pa kayo ni inay." Sagot niya at ine-off na ang stove. "Maiwan na po muna kita tay, gigisingin ko lang si Maya," paalam niya sa ama. Tumango naman ito kaya lumabas na siya ng kusina. Nasa sala na si Marilyn nang matanaw niya ang pamangkin na pababa na ng hagdan, maayos ang mahabang buhok nito at ang aliwalas tignan ng mukha. Isa ito sa nagustuhan niya sa bata, bukod sa malambing na marunong na din ito mag-ayos ng sarili. Kahit only child lang ang bata hindi naman ito pinalaking spoiled ng mga magulang.
DAPIT-HAPON, kasalukuyan na nasa garden si Marilyn at nagdidilig ng mga halaman nang mapansin niyang wala na sa kinauupuang bench si Maya. Sinarado ng dalaga ang gripo at iniligpit ang hawak na hose, pumasok siya sa bahay at naabutan niyang nasa sala ang kanyang mga magulang nanonood ang mga ito ng telebisyon."Nay, napansin n'yo po ba si Maya?'' tanong niya sa ina."Nagpaalam na pupunta daw siya sa kanyang kuwarto doon na lang daw siya maglalaro," anang kanyang ina na muling ibinalik ang paningin sa pinapanood."Ganoon po ba, sige po akyatin ko na muna si Maya." Paalam niya sa mga magulang."Ipaghahanda ko kayo ng juice, may niluto akong pansit mag meryenda kayong dalawa ni Maya.""Sige po inay, kayo ba ni itay nakapagmeryenda na?""Hindi pa naman anak, mauna na lang kayo ni Maya. Alam mo naman ang itay mo gustong kasama ako kapag nanonood siya ng paborito