Share

Scar

Penulis: bleu_ancho15
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-08 10:42:49

"Tita Hillary, melon din po ako pashayubong?" tanong ng pamangkin ni Hillary na si Gustav. Tatlong taong gulang lang ang bata at pamangkin niya sa isang pinsan.

Parang balikbayan si Hillary kung pagkaguluhan ng mga kamag-anak niya gayong sa Maynila lang naman siya nanggaling. Kunsabagay, sa lahat ng magpipinsan ay siya lang ang maituturing na matagumpay dahil siya ang nakatapos ng pag-aaral at ngayon ay may magandang trabaho sa isang malaking kumpanya sa Maynila.

Ang iba kasi niyang pinsan, kung hindi maagang nagsipag-asawa, hindi naman nakatapos ng pag-aaral. Kaya naman ganoon na lang ang pagmamalaki sa kanya ng nanay niya, pagmamalaki

na hindi naman nagmamayabang. Nananatiling mababa ang loob nito.

"Siyempre naman, ikaw pa ba ang makakalimutan ko?" natatawang sagot ni Hillary.

"Hala, pikit ka muna."

Mula sa malaking paper bag ay inilabas niya ang isang remote-controlled toy car. Siniguro talaga niya na mabibilhan ng pasalubong ang lahat para walang magtampo sa kanya. Tutal naman ay paminsan-minsan lang yon. Si Gustav na lang ang hindi niya nabibigyan kaya siguro nagtanong na.

"Dyaraaan!"

"Wow!" Nanlaki ang mga mata ng bata. Para bang nakakita ng bagay na pinakamimithi. Agad na bumaba si Gustav mula sa pagkakakandong sa ina at parang namamangha na ingat na ingat na binitbit papunta sa kung saan ang laruan. Kahit na anong tawag niya ay hindi na ito lumingon.

"Tingnan n'yo ang batang iyon at biglang naging isnabero," natatawang komento niya na sinegundahan ng iba pa.

"Hill, wala pa ba?" tanong ng Kuya Japhet niya nang humupa ang tawanan. Isa ito sa mga pinsan niya.

"Wala pang ano?" kunwari ay nakakunot-noo niyang tanong kahit may ideya na siya kung ano ang itinatanong nito. God! Here we go... Hindi pa nag-init ang p***t ko sa upuan, heto at nabuksan na agad ang topic na ayaw na ayaw kong pag-usapan.

"Boypren."

Sabi ko na nga ba! palatak niya sa isipan.

"Beinte-otso ka na sa susunod na buwan pero wala ka pa ring boyfriend. Pinsan, dito sa probinsiya, maituturing nang matandang dalaga ang ganyang edad.

"Oo nga! Kailan ka ba kasi mag-aasawa? Aba'y kilos na at baka maiwan ka ng biyahe, susog naman ng isa pa."

"Si Lance, pagkaguwapo-guwapo naman ng binatang

iyon, ewan ko kung bakit hindi mo nagustuhan. Hayun at napagod din sa kahahabol sa 'yo. Ang nangyari, nabaling ang atensiyon sa kaibigan mo."

Lihim na nagpakawala ng buntong-hininga si Hillary. Isa ang topic na iyon sa mga dahilan kung bakit hindi madalas ang pag-uwi niya sa probinsiya. Ayaw niya sa usaping 'yon dahil maraming binubuhay na alaala.

Mapapait na alaala. Mga alaalang hindi makalimutan at patuloy na nagdudulot ng sakit sa kanyang kalooban.

"Aanhin ko naman ang guwapo kung ako naman ang magpapakain?" hindi niya napigilang isagot. Dahil ang Lance na pinag-uusapan nila ay batugan at problema ng asawa. Hillary managed to fake a cheerful smile.

"Sabi nga nila 'di ba, 'kapag hindi ukol, hindi bubukol,'" katwiran niya.

"Saka huwag nga kayong mainip at darating din tayo diyan."

Pero hindi yon mangyayari. Ayaw niyang mag-asawa. Hindi siya mag-aasawa. Never.

"Baka doble-doble naman kasi ang padlock niyang puso mo, pinsan, kaya walang makapagbukas," hirit

pa ng isa.

"Nako! Sayang ang lahi natin. Sa ganda mong iyan,

dapat na marami pang maliit na Hillary ang mabuhay sa mundo!"

Gosh, kailan ba sila magiging sensitive? Hindi ba nila naiisip na single pa rin ako sa edad kong ito dahil ayaw ko talagang mag-asawa?! Kailan ba makakaramdam ang mga pinsan niya na asiwa siyang pag-usapan ang usaping iyon?

At mabuti sana kung hindi na 'yon mauulit. Pero

hindi, eh, hindi iyon doon natatapos. Siguradong bukas ay mauulit ang usaping ion. At hindi iyon limitado sa mga kamag-anak niya, pati na rin sa lahat ng tagaroon na makakabatian at kakumustahan niya ay magtatanong din kung kailan ba siya mag-aasawa.

Nakakapagod na.

Eh, bakit kasi hindi mo sila prangkahin na ang calling na pinili mo ay ang buhay ng single-blessedness? Na wala ka naman talagang balak na mag-asawa? anang kanyang isipan.

Nang igala ni Hillary ang paningin, nasalubong

niya ang tingin ng kanyang ina. It was a knowing look. Iyong klase ng tingin na may ipinahihiwatig. At hindi niya 'yon matagalan kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Madadala ka na naman sigurong umuwi rito, ano?" Boses yon ng ina ni Hillary na pumukaw sa naglalakbay niyang diwa.

Alas-siyete na ng gabi. Nakahiga na siya sa kama pero hindi naman natutulog. Nilingon niya ang ina. Nasa bukana ito ng pintuan at may hawak na platito na may isang tasa ng umuusok na hot chocolate. She could smell the aroma of the steaming cup of hot chocolate.

Naupo siya sa kama. Ang kanyang ina naman ay tuluyang pumasok at inilapag sa mesa ang tasa ng hot chocolate.

"Ilang buwan na naman kaya ang lilipas bago ka muling umuwi rito?" dagdag pa nito habang umuupo sa gilid ng kama.

"Kung hindi pa ako humiling sa 'yo na dalawin mo naman ako ay hindi ka uuwi. Alam ko naman na hindi mo ako nalilimutan. Ayaw mo lang talagang bumalik sa lugar na ito."

"Bakit n'yo naman po nasabi yan?"

Sinulyapan siya nito at nginitian, ngiting hindi niya alam kung ngiti ng katuwaan o pag-aalala. "Dahil kilala kita. Anak kita. Hindi ka man magsalita, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Hindi ka komportable kanina. Para kang sinisilihan. Para bang gusto mong tumakbo at magpakalayo-layo."

"Nay, hindi ko po kayo maintindihan," kaila niya.

"Hindi ka pa rin nakakalimot..." basag ang boses

na sabi pa nito bago namasa ang mga mata.

Nag-init ang mga mata ni Hillary. Unti-unting naipon ang kanyang mga luha pero pinigilan niya iyon

sa pamamagitan ng pagpikit-pikit at mariing pagkagat ng dila.

"M-mahirap pong makalimot kung m-malaki at

malalim ang s-sugat." Muli siyang nahiga at umunan sa hita ng ina na buong lugod siyang tinanggap. "K-kung buhay na buhay ang mga alaala."

Hinaplos nito ang buhok niya nang buong pagmamahal. "Lahat ng sugat gumagaling, anak, kahit gaano pa kalalim iyon. Kahit gaano kalaki. Ang kailangan mo lang gawin ay... m-magpatawad."

"Hindi po, Inay. May mga sugat na hindi gumagaling at patuloy na nagnanaknak hanggang sa mabulok... Hanggang sa magnaknak at magnana rin ang mga nasa paligid non. Hanggang sa mabulok din ang paligid at lalo pang lumaki at lumalim ang sugat..."

"May mga sugat, Inay, na tumatagos hanggang sa kaluluwa mo. At iyon ang klase ng sugat na meron ako."

Ang sugat na pinag-uusapan nila ng kanyang ina

ay ang sugat na dulot mismo ng kanyang ama. Ang kanyang iresponsable, lasenggo, marahas, at sugarol na ama.

Namulatan na niya ang mga hindi kanais-nais na katangian na 'yon ng ama. Pumikit si Hillary nang

sumagi sa isipan ang isang alaala...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Donor Named Seven   The Perfect Ending

    Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam

  • The Donor Named Seven   Still Married

    "Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap

  • The Donor Named Seven   Kissed Again

    "H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em

  • The Donor Named Seven   Photo Exhibit

    "Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo

  • The Donor Named Seven   Mas Mabuting Sumugal Kaysa Magsisi Sa Huli

    "Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag

  • The Donor Named Seven   She's Falling

    Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status