LOGINOne Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG) “One sinful night was all it took to ruin us. This love is forbidden. But tell me, Kiara… if loving you is wrong, why does it feel so right?” *** Akala ni Atty. Kiara Montero ay hawak niya ang lahat sa kaniyang buhay—ang karera, reputasyon, at relasyon sa fiancé na pinili niya para sa sariling kaligayahan. Ngunit isang gabi, nahuli niya ang fiancé na nakikipaghalikan sa kaniyang stepsister, si Kara. Sa isang iglap, muntik nang mabuwag ang kaniyang mundo. Pinili niyang umiwas, ngunit sa halip na makahanap ng katahimikan, natagpuan niya ang sarili sa isang bar, nagpakalasing upang pansamantalang takasan ang sakit. Ngunit sa sobrang kalasingan at pagkalito, nagising si Kiara kinabukasan sa bisig ni Chase Montefalco—ang kaniyang tiyuhin, adopted brother ng kaniyang ina, at isang lalaking kilala sa malamig at makapangyarihang presensya bilang CEO ng Montefalco Group. Isang gabing puno ng kasalanan at lihim na hindi dapat mangyari at pareho nilang pinipilit kalimutan. Nang matuklasan ni Kiara na siya ay buntis, alam niyang isang eskandalo ang naghihintay—isang lihim na kayang sumira hindi lamang sa kaniyang reputasyon kundi pati sa pamilya at imperyo ni Chase. Ngunit sa kabila ng takot, hiya, at galit, hindi niya kayang lumayo sa lalaking minsang nagbigay sa kaniya ng init at pang-unawa sa isang gabing mali ngunit hindi niya malilimutan. Para kay Chase, ang bata ay hindi lamang bunga ng kasalanan kundi dahilan upang ipaglaban si Kiara, kahit pa ang mundo ay laban sa kanila. Nagpasya siyang pakasalan siya ng lihim upang maprotektahan ang kanilang anak. Pero sa huli, posible nga bang ang isang gabing puno ng kasalanan ang magdala ng pag-ibig na hindi kayang sirain ng mundo?
View MoreKiara’s POV
Successful ang kasong hawak ko bilang litigation lawyer. Malinis ang naging desisyon, pabor sa kliyente ko, at malinaw ang naging epekto sa buong firm. Paglabas ko pa lang ng conference room, sinalubong na agad ako ng palakpakan at pagbati ng mga kasamahan ko. Alam kong inaasahan nilang sasama ako sa celebration, pero iba ang laman ng isip ko. Gusto kong umuwi agad. Gusto kong makita si Jack. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kaniya ng magandang balita.
“Congratulations, Atty. Montero!” proud na sabi ni Joan, ang matalik kong kaibigan sa firm, sabay yakap sa akin. “Baka may award ka na naman ngayong taon. Mula nang pumasok ang 2026, wala ka talagang mintis.”
“Salamat,” natatawa kong sagot. “Pero tama na muna ang trabaho. May mas mahalaga akong pupuntahan.”
“Tama na ang trabaho?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Wow. Iba na talaga kapag engaged.”
“Ikaw ha,” biro ko. “Basta ikaw ang bridesmaid ko. Walang kawala.”
“Of course,” mabilis niyang sagot. “I’m so happy for you, Kiara. After everything you worked hard for, parang kumpleto na talaga ang buhay mo.”
Ngumiti lang ako. Ayoko nang patagalin pa ang usapan namin ni Joan.
Hindi na ako dumaan sa bar o sa restaurant. Hinayaan ko ang mga kasama kong magdiwang. Sinabi ko na lang sa kanila na ako ang magbabayad sa lahat ng gastos ngayong araw.
Dumiretso ako sa condo ni Jack, dala ang folder ng kaso at ang excitement na hindi ko na mapigil. Pagbukas ko ng pinto, agad kong narinig ang pamilyar na boses ng. Tumigil ako sa paghinga.
“Jack,” tawag ng boses na iyon. “Stop, someone might see us.”
Hindi ko na kailangan lumapit para makilala kung kanino galing ang boses. Boses ‘yon ng stepsister kong si Kara!
Naglakad ako papasok sa sala. Doon ko sila nakitang naghahalikan—parang binalot ng kalibugan ang buong katawan dahil nakataas ang palda ni Kara at nakaupo siya sa kandungan ni Jack. Hindi ko aakalaing makikita ko sa ganoong posisyon abg fiancé ko at ang stepsister ko.
“Ano’ng ginagawa ninyo?” malamig kong tanong, kahit nanginginig ang kamay ko. Nanuyo ang lalamunan ko sa galit. Gusto ko silang sugurin, pero parang dumikit ang mga paa ko sa sahig.
Nagkahiwalay sila agad. Kita ko ang gulat sa mukha ni Jack. Si Kara naman, mabilis na inayos ang damit niya.
“Kiara…” bungad ni Jack. “Hindi ito ang iniisip mo.”
“Talaga?” napatawa ako, pero walang saya sa boses. “So anong iniisip ko ngayon, Jack? Enlighten me.” Pinigilan ko ang pamumuo ng mga luha ko.
“Please, pakinggan mo muna ako,” sabi niya, palapit sa akin.
“Stop,” mariin kong utos. “Huwag kang lalapit sa akin. Nakakadiri ka. Nakakadiri kayong dalawa!”
“Kiara, I can explain,” sabat ni Kara, kunwaring kalmado sabay kagat ng labi niya.
Napalingon ako sa kaniya at sinampal ang makapal niyang mukha. “Ikaw?” tanong ko. “Ikaw ang mag-e-explain?”
Napahawak siya sa pisngi niya. “Hindi namin sinasadya—”
“Sinadya ninyo, Kara!” putol ko. “Hindi aksidente ang nangyari. Hindi aksidente ang halos maghubad ka na sa kandungan ng fiancé ko! Kailanman ay hinding-hindi magiging aksidente ang kalibugan at kalandian sa mga katawan ninyo!”
“Kiara, hindi mo alam ang buong kuwento.”
“Anong kuwento ba ang kailangan kong marinig, Kara?” sigaw ko. “Na matagal mo na siyang gusto? O na matagal ka nang nag-aabang na maghiwalay kami kasi kating-kati ka nang makuha siya?”
“Hindi ka lang naman ang nasasaktan,” balik niya.
“Wow,” napailing ako. “Talaga? So biktima ka rin? Ang kapal naman ng mukha mo!”
Muli ko siyang sinampal.
Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.
Pumagitna si Jack sa amin, pero mabilis ko siyang itinulak.
“Mga walang hiya kayong dalawa! Ginago ninyo ako! Mang-aagaw ka, Kara!” sigaw ko at muli siyang sinugod. Sinabunutan ko siya at sinampal ng paulit-ulit.
“Oo na!” biglang sigaw ni Kara nang awatin kami ni Jack. “Ako na ang malandi! Lagi ka na lang nasa itaas. Ikaw ang magaling. Ikaw ang paborito. Ikaw ang may perpektong buhay. Kailan mo ba naisip kung ano ang pakiramdam na laging nasa likod mo, Kiara?”
“Huwag mong gawing dahilan ang inggit mo, Kara.”
“Hindi ito inggit,” giit niya. “Ito ang katotohanan, Kiara.”
“Ang katotohanan,” sagot ko, “ay ninakawan mo ako. Inagaw mo sa akin si Jack. Malandi ka. Gusto mo lahat ng meron ako ay meron ka rin kaya pati fiancé ko inahas mo!”
“Hindi ko siya inahas,” mabilis niyang sagot. “Hindi siya bagay sa ‘yo. Hindi ka niya minahal!”
Naningas ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Jack. “Totoo ba?” tanong ko. “Hindi mo ba ako minahal nang totoo?”
Hindi sumagot si Jack. Yumuko lamamg siya. At iyon ang pinakamasakit.
“Sumagot ka!” giit ko. “Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako niloko, ha?”
“Kiara,” mahina niyang sabi.
“Isang tanong lang,” hindi ako umatras. “Mahal mo ba siya, Jack?”
Hindi siya agad sumagot.
“Jack,” nanginginig na ang boses ko. “Sagutin mo ako. Mahal mo ba ang stepsister ko na sumira sa relasyon natin?”
“Oo,” bulong niya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“Oo,” ulit ko. Napaatras ako. “Sa lahat ng taon na kasama mo ako, ngayon mo lang nagawang maging totoo? Mahal mo si Kara, pero ako ang gusto mong pakasalan?”
“Hindi ko ginusto na masaktan ka, Kiara…” sabi niya. Sinubokan niya akong hawakan, pero agad kong inalis ang kamay niya.
“Pero ginawa mo pa rin,” sagot ko. “Dito mo pa talaga nagawang dalhin ang babae mo, Jack. Condo mo, condo ko. Ako ang nagbabayad nito buwan-buwan. Ang kapal ng mukha mong lokohin ako matapos kitang buhayin ng ilang taon!” Sinampal ko rin si Jack.
“Kiara—” Sinubokan niya akong pigilan sa muling pagsampal kay Jack kaya siya na lang ang sinampal ko ulit.
“Tumahimik ka,” sigaw ko. “Huwag mo akong pigilan kong ano ang gagawin ko sa kaniya!”
“May karapatan akong ipagtanggol si Jack dahil ako ang pinili niya. Ako ang mahal niya!”
Tumawa ako, nangingilid ang luha. “Pinili ka niya dahil nandiyan ka. Dahil madali ka lang makuha, Kara. ‘Yon naman ang gusto niya sa ‘yo. Easy to get ka lang. Ang bilis mong bumukaka sa kaniya.”
“Hindi totoo ‘yan. Mahal ako ni Jack!”
“Mahal?” Humakbang ako palapit sa kaniya. “Mahal ka lang niyan kasi hindi pa siya nagsawa sa ‘yo, Kara.”
Nanigas si Kara. Nanginginig siya sa galit, parang gusto niya na akong sugurin at saktan.
Napatingin ulit ako kay Jack. “Gaano na kayo katagal?” tanong ko.
Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.
“Gaano,” ulit ko.
“Anim na buwan,” sagot niya.
Humigpit ang paghawak ko sa folder na dala ko. “Anim na buwan,” ulit ko. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. “Habang nagpaplano tayo ng kasal?”
“Hindi ko ginusto—”
“Ayoko nang marinig ang paliwanag mo, Jack. Cheating is a choice! Kaya huwag mo sabihin sa aking hindi mo ginusto! Choice mong magloko sa akin!” Napatakip ako ng mukha. “All these years…akala ko, ako na. Nag-propose ka pa talaga sa akin habang may relasyon kayo ni Kara.”
Hinubad ko ang engagement ring sa daliri ko. Tinitigan ko muna iyon bago ko ibinato sa mukha niya.
“Tapos na tayo, Jack.” Pinunasan ko ang mukha ko. “Lahat ng mga bagay na binigay ko sa ‘yo, babawiin ko. Kasama na rito ang condo.”
“Kiara naman, please,” lumapit siya. Lumuhod sa harapan ko. “Pag-usapan natin ‘to. Iiwan ko ang kapatid mo. Itutuloy natin ang kasal.”
“Huwag,” mariin kong sagot. “Wala ka nang lugar sa buhay ko. Sana…bago mo naisip na lokohin ako, inisip mo muna kung ano ang mangyayari. Pero hindi mo nagawa kasi pareho kayong malalandi at makakapal ang pagmumukha!”
Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas.
Lumabas ako ng condo na mabigat ang dibdib. Napaluhod ako sa kalsada, napahagulhol sa sobrang sakit ng ginawa nila.
Kiara’s POVHindi ko maalis ang mga mata ko sa contract marriage na hawak ko ngayon. Paulit-ulit kong binabasa ang bawat linya kahit kabisado ko na. Isang taon. Isang taon akong magiging asawa niya. Pagkatapos kong manganak, maghihiwalay kami. Walang pagmamahalan at walang emosyon na dapat pumasok.This is insane. I married my uncle for future protection ng anak namin.Hindi ko pa rin tanggap ang mga pangyayari. Para akong nasa maling buhay. Uncle Chase was adopted by my mother’s stepmother. Ulila siya noong bata pa. Si Lola Ivy ang umampon sa kaniya. Hindi pinalitan ang apelyido niya. Hindi rin kami kadugo ng mga Montefalco, pero mula pa noong bata ako, tiyuhin ang tingin ko sa kaniya. Iyon ang alam ng lahat. Iyon ang nakatatak sa utak ko.At ngayon, asawa ko na siya.“Sign here,” sabi niya kanina habang nakatingin lang ako sa papel.“Para kang robot,” sagot ko. “Parang business deal ang lahat.”“Because it is,” malamig niyang tugon. “This is to protect you.”“Hindi mo ba naiisip kun
Kiara’s POVDalawang buwan na ang nakalipas mula nang may nangyari sa amin ni Uncle Chase. Dalawang buwang puno ng takot, pag-iwas, at gabi-gabing panalangin na sana hindi magbunga ang pagkakamaling iyon. Araw-araw kong sinasabi sa sarili ko na magiging maayos ang lahat, na lilipas din ang kaba sa dibdib ko. Pero ngayong hawak ko ang pregnancy test sa loob ng banyo ng opisina, alam kong nagsisinungaling lang ako sa sarili ko.Nakita ko ang dalawang guhit.Napaupo ako sa malamig na sahig at napasandal sa pader. Tinakpan ko ang bibig ko habang pilit pinipigilan ang hikbi. Ayokong marinig ng kahit sino sa labas. Ayokong may makaalam. “This can’t be happening,” bulong ko. “Hindi puwede.”Pinilit kong tumayo at naghilamos. Nanginginig ang kamay ko habang isinusuksok ko sa bulsa ang pregnancy test. Para akong lalagnatin sa kaba. Mula noong gabing iyon, iniwasan ko ang lahat ng family gatherings ng Montero at Montefalco. Lagi akong may dahilan. Minsan may trabaho. Minsan may hearing. Minsan
Kiara’s POVPinulot ko agad ang mga gamit kong nagkalat sa sahig—damit, bag, cellphone—pati ang panty kong nasa unan niya. Hindi ko magawang tumingin nang matagal sa kama.“This is so embarrassing,” bulong ko. “We crossed a line. For heaven’s sake.”Narinig kong gumalaw si Uncle Chase sa likod ko. Nagbihis din siya, tahimik, halatang nag-iingat sa bawat kilos.“Kiara,” tawag niya, mahinahon pero may bigat ang boses.“Huwag,” mabilis kong sagot. “Huwag mo muna akong kausapin.”Lumapit siya. Sinubukan niya akong abutin.“Stop,” mariin kong utos. “Huwag mo akong sundan. Hindi tayo puwedeng lumabas nang sabay.”Huminto siya. “I just want to make sure you’re okay.”Napatawa ako, kahit walang saya. “Okay? My ex-fiancé cheated on me. And last night, I slept with my own uncle. Ano sa tingin mo?”“Kiara, listen to me—”“Listen?” tumaas ang boses ko. “We already did it, Uncle Chase. We crossed a boundary. This is forbidden.”Hinawakan ko ang doorknob, pero bigla niya akong hinila palapit. Nawal
Kiara’s POVDumiretso ako sa paboritong bar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan at katrabaho ko. Pagpasok pa lang, sumalubong agad ang malakas na tugtog at halakhakan ng mga taong halatang masaya. Umupo ako sa bar counter at agad kinausap ang bartender.“Give me a double shot of Johnnie Walker Black Label,” sabi ko, diretso ang tingin sa harap.“Sure, Ma’am,” sagot niya.Nilapag niya ang baso sa harap ko at agad kong ininom. Ramdam ko ang init sa lalamunan ko, pero hindi nito natabunan ang bigat sa dibdib ko.Niloko ako ng fiancé ko.Pinagpalit niya ako sa stepsister ko.Napatawa ako nang mahina, halos paos na ang boses dahil sigaw ako nang sigaw kanina sa loob ng taxi. “Ang galing mo, Jack,” bulong ko sa sarili ko. “Sa lahat ng tao…bakit si Kara pa?”“Another one?” tanong ng bartender.“Make it five,” sagot ko agad.Tumaas ang kilay niya pero hindi na siya nagtanong. Isa-isang dumating ang mga baso. Inubos ko ang lima na parang tubig lang. Hindi ko ininda kung gaano kapangit a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.