LOGINGaya ng ibang babae na hindi agad natatauhan, sinikap ni Yasmine na paibigin ang lalaking gaya ni Alfred na mahulog sa kanya. Ngunit, sa loob ng tatlong taon nilang kasal, wala pa ring nangyayari. Mahal niya ito ngunit wala itong pakialam sa kanya. Nang minsan siyang mabugbog at mapunta sa bingit na kamatayan, ang asawa niya ay nasa piling ng ibang babae. Labis niyang ikinadurog ang pangyayaring 'yon. Dahilan din 'yon para tuluyan siyang sumuko. Ngunit, kasabay no'n ay ang pagharang ni Alfred sa kagustuhan niya. Ayaw nitong maghiwalay sila ngunit buo na ang desisyon niyang makipag-divorce rito. Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nila? Magkaayos pa kaya sila?
View MoreGabi na nang makalabas si Yasmine sa police station na pinuntahan niya. Malakas ang ulan sa labas, at pansin niya ang mga taong pasulyap-sulyap sa kanya.
Hindi niya na dinamdam 'yon. Normal lang naman siguro na sulyapan at pag bulungan siya ng mga tao dahil bukod sa paika-ika siya, magulo rin ang buhok niya at punong-puno pa ng pasa ang mukha at katawan niya. Nagpatuloy sa paglakad si Yasmine. Bawat hakbang ay mabibigat. Mayamaya ay huminto siya sa isang waiting shed, blanko ang ekspresyon niyang tinitigan ang cellphone ñiyang basag na anv screen. Pagkatapos ay gamit ang mga daliri niyang may bahid ng mga dugo; nagtipa siya ng numero para tawagan ang asawa niyang si Alfred. Ngunit, gaya ng desperadong sigaw niya habang binubugbog siga; tila walang nakarinig sa tawag niya dahil walang sumagot ng cellphone. Naramdaman niya ang tilamsik ng iilang patak ng ulan sa kanyang mukha kaya pagod siyang napangiti at napabuntong-hininga. Muling nag-dial si Yasmine ngunit wala pa ring sumagot. Ilang ulit pa siyang nag-dial at nawawalan na siya ng pag-asa dahil wala talagang sumasagot. Ngunit, sa huling beses na pag-dial niya, nagulat siya nang sa wakas ay may sumagot sa tawag. "Yes?" malamig ang boses ng nasa kabilang linya. Assistant 'yon ng kanyang asawa. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. "Gusto kong makausap si Alfred..." Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya pero mayamaya ay nagsalita ulit ito. "Mr. Deogracia, gusto raw po kayong makausap ni Ms. Samaniego." Bahagya siyang nakahinga nang maluwag dahin do'n pero agad din 'yon napawi nang maring ang sunod na sinabi ng assistant. "Pasensya na, ibaba ko na ang tawag, Ms. Samaniego." Umawang ang labi ni Yasmine nang mamatay ang tawag bago siya napabuntong-hininga. Lalo pang lumakas ang pag-ulan at hindi niya maiwasang manginig ng kaunti dahil sa lamig. Gano',n ang sitwasyon niya sa loob ng hindi niya mabilang na minuto. Napayuko siya at napayakap sa sarili, hanggang sa nakita niya ang paghinto ng isang pares ng sapatos sa harapan niya. Kasabay no'n ay ang pagpatong ng bagong dating ng coat sa balikat niya. Nagulat si Yasmine at agad na napatingala at mahina siyang napasinghap nang makitang ang tao sa harap niya ay walang iba jung hindi si Mr. Alcantara—ang boss niya. "Mr. Alcantara..." Nakita niya ang pagkunot ng nop at ang pagpasada ng tingin ni Mr. Alcantara sa kabuuan niya bago ito galit na nagtanong. "Sino ang gumawa sa'yo nito?" Bumuntong-hininga si Yasmine at saka umiling. "Hindi ko po alam, Sir. pero habanag sinasaktan po nila ako ay sinabunutan ko sila, kaya may nakuha po akong mga hibla ng buhok nila, nakalmot ko rin po sila kaya siguradong makikilala rin kung sino sila kapag na-test ang DNA. Mahuhuli agad sila ng mga pulis kapag nagkataon." Sa kabilang banda, sandaling natulos sa kinatatayuan si Mr. Alcantara habang nakatitig kay Yasmine. Hindi siya makapaniwala na ang taong gaya nito na nabugbog na ay kalmado pa rin. Kalaunan ay tumango siya bago nag-igting ang panga nang muling pagmasdan ang mga pasa nito sa mukha at katawan. "Don't worry, gagawin ko ang lahat para paimbestigahan ang nangyari. Mahuhuli at mapaparusahan ang nanakit sa'yo, okay? Sa ngayon ay ihahatid na kita, gabi na at umuulan pa, delikado kung hindi ka pa makakauwi," aniya bago ito inalalayang tumayo. Tumango naman si Yasmine sa sinabi ni Mr. Alcantara, tama ito, dapat na talaga siyang umuwi. Hindi na rin siya nagreklamo nang sabihin nitong ihahatid siya nito dahil bukod nga sa gabi na ay umuulan pa, mahirap makahanap ng taxi na masasakyan sa ganitong sitwasyon. "Mr. Alcantara, maraming salamat po. Pasensya na rin kung naabala ko pa kayo," saad niya nang makasakay sila sa kotse nito. Ini-start ni Mr. Alcantara ang kotse saka siya nilingon. "Abala? What are you saying, Yasmine? Hindi ka abala, okay? Kilala kita at isa ka sa magagaling kong empleyado, sa tingin mo ba hahayaan lang kitang ugnog-sarado, mag-isa, at nanginginig sa lamig habang nariyan sa waiting shed?" Umiling siya. "'Wag mong iisipin na abala ka Yasmine, okay?" "Okay po, Mr. Alcantara. Salamat po ulit." Tumango ito saka nagsimulang magmaneho. "Anyways, alam mo bang nakabalik na ng Pilipinas ang ex-girlfriend ng kilalang CEO na si Alfred Deogracia? Base sa mga narinig ko, si Alfred pa raw mismo ang sumundo sa ex-girlfriend niya sa airport," kapagkuwan ay saad nito. Natigilan siya at napayuko sa narinig. Ramdam niya ang sakit na bumalot sa damdamin niya. Ang asawa niya.... Habang siya ay desperadong sumisigaw at nagmamakaawa na itigil na ang pambubugbog sa kanya ng mga taong hindi niya pa nakikilala; ang asawa niya ay nasa piling ng ibang babae. Hindi napansin ni Mr. Alcantara ang naging reaksyon niya kaya nagpatuloy ito sa pagkukwento na lalong ikinadudurog ng puso niya. Mabilis niyang pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya saka siya napatitig sa mga kamay niyang may bakas pa ng dugo. Mapait siyang napangiti kalaunan. Labis ang sakit na nararapat niya, ngunit alam niyang walang pakialam ang asawa niya roon. Afterall, bukod sa ayaw ni Alfred sa kanya; wala ring nakakaalam na siya ay asawa nito. Dahil sa sakit na nararamdaman, sa halip na magpahatid sa bahay ay nagpababa na lang si Yasmine sa tapat ng isang convenience store. Ayaw pa nga sana ni Mr.. Alcantara at nag-aalala ito sa kanya, ngunit hinayaan din siya nito kalaunan lalo na dahil tumila na naman ang malakas na ulan. Nang maibaba siya ni Mr. Alcantara sa tapat ng convenience store, hinintay niya munang makaalis ito bago siya pumara ng taxi at nagpahatid pauwi sa bahay nila sa Cavite.CHAPTER 16: ANNOUNCEMENTPagkatapos maghanda, sandaling nag-ayos si Yasmine ng sarili. Hindi na siya nag-abala pang maglagay ng mga kolorete sa mukha dahil wala siya sa mood. Isa pa, hindi naman sa pagmamayabang pero natural ang taglay niyang ganda kahit pa walang nilalagay na kahit na ano sa kanyang mukha kaya kampante siyang hindi na gaanong mag-ayos. Nang tuluyang matapos ay agad siyang bumyahe patungo sa TV station na pinagtatrabahuhan niya. Oo nga at sariwa pa rin sa isip at puso niya ang desisyon niyang pagpirma sa divorce agreement pero kahit na gano'n ay alam niyang hindi dapat niya hayaang sakupin ng bagay na 'yon ang sistema niya.Dahil kahit hiwalay na sila ni Alfred ay patuloy pa rin naman ang buhay niya. Oo, mahal niya si Alfred. Mahal na mahal, kaya nga nang maaksidente ito noong nakaraang taon ay hindi niya ito pinabayaan. Naaksidente kasi ang sinasakyan nitong sasakyan na kasama si Chesca. Naalala niya pa kung gaano niya kagustong iligtas si Alfred na pilit niyang
CHAPTER 15: PANGAKO Matapos pirmahan ang divorce agreement ay umiiyak na pinagmasdan ito ni Yasmine. Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na buong puso niyang pipirmahan ang papel na 'yon.Mahal na mahal niya si Alfred. Ngunit alam niya sa mga nangyayari ngayon ay nararapat lang na ang sarili niya naman ang mahalin niya. Nararapat lang na ang sariling kapakanan niya naman ang unahin niya. Habang tinititigan ang kanyang pirma ay hindi niya tuloy maiwasang alalahanin noong ang marriage contract pa nila ni Alfred ang pinipirmahan niya.Ingat na ingat siya noong mga panahong 'yon at sobrang saya niya dahil sa wakas ay naikasal siya sa lalaking mahal na mahal niya. Natatakot pa siyang magkamali sa pagpirma no'n dahil baka magbago ang isip ni Alfred.Pero ngayon, hindi na siya natatakot na baka magbago ang isip ni Alfred na makipaghiwalay sa kanya, dahil alam niya sa sarili niyang mas imposible pa 'yon sa pagputi ng uwak.Sa totoo lang ay mad natatakot pa siya sa sarili niya. Mas
CHAPTER 14: PASYANagmamadali siya ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas sa pool area ay nakaahon na si Jack ng pool at saka siya marahas na hinawakan sa braso."Hindi pa tayo tapos mag-usap, Yasmine!" Nagpumiglas siya sa hawak nito ngunit masyadong mariin 'yon. "Bitiwan mo nga 'ko!" "Bakit?! Para ano, ha?! Para mapuntahan mo na ang pinakamamahal mong asawa?! Bakit ba baliw na baliw ka sa lintek na Alfred na 'yon, ha?! Hindi ka naman mahal no'n! Ako! Ako, Yasmine! Ako ang nagmamahal sa'yo! Bakit hindi na lang ako, ha?!" desperadong tanong nito saka siya muling tinulak a sun lounger at bago niya pa ito masipa au mahigpit na nitong pinigilan ang paa niya.Dinaganan siya nito saka pwersahang hinalikan."Let me go, you asshole!" pagpupumiglas niya ngunit hindi siya nagtagumpay."I won't, Yasmine! Ang bango bango mo, hmm..." tila baliw na bulong nito habang pilit siyanh hinahalikan.Nasa gano'n silang tagpo nang laking pasasalamat niya dahil bumukas ang sliding door ng pool area at
CHAPTER 13: PILLSDire-diretso ang lakad ni Yasmine ngunit napahinto siya nang tawagin siya nito."Stop it, Alfred. Wala akong panahon sa'yo!" aniya pero muli siya nitong tinawag kaya inis na nilingon niya ito saka pinagtaasan ng kilay."Bakit?" Mabilis na bumaba ng sasakyan si Alfred pagkatapos ay humalukipkip at sumandal sa hood ng kotse nito. "I have something to give you," ani nito.Tumaas ang kilay niya at tuluyang hinarap ang lalaki. Naglakad siya palapit dito at ginaya ang pagkaka halukipkip nito."At ano naman 'yon?" seryoso at malamig ang boses niyang tanong. Bumuntong-hininga ang lalaki saka umayos ng tayo at may kinuha sa bulsa ng slacks nito saka inabot sa kanya.Kunot-noo niya namang tinanggap ang binibigay nito saka 'yon pinagkatitigan. Kapagkuwan ay tumaas ang isang kilay niya nang mapagtantong contraceptive pill 'yon."Don't forget to take that," saad nito bago siya mariing pinagkatitigan.Nakipaglaban naman siya ng tingin sa lalaki. At habang ginagawa 'yon ay hindi
CHAPTER 12: LOCK"I'm asking you, Yasmine. Answer me," mahina ngunit seryosong saad ni Alfred kaya mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya.Pakiramdam niya ay mayroong nakabara sa dibdib niya. Minsan ay nalilito siya sa ikinikilos ni Alfred. Ngunit, dahil sa nangyari ngayon ay siguradong
CHAPTER 11: BRACELET (2)Mabilis ang lakad niya at dahil sa sobrang pagmamadali na makalayo kina Alfred ay hindi niya na namalayan na madulas ang madadaanan niya dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse at natumba.Naitukod niya ang palad niya sa kalsada at dahil sa lakas ng impact ay ramdam niya
CHAPTER 10: BRACELET Tahimik niyang kinain ang sandwich at Habang ginagawa niya ;yon ay ramdam niya pa rin ang pananakit ng kanyang tainga. At Habang abala siya sa pagkain ay hindi niya rin maiwasang alalahanin kung gaano niya kagusto si Alfred noon.Noon, talagang Determinado siyang pakasalan ang
Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghaw






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews