Pangunahing Konseho
Ang kaharian ng Asyreum ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa Emperyo ng Boris Horatia. Sa yaman, kalakalan, agrikultural, at sa usapang pandigma. Maliban sa maruruming reputasyon nitong kasali na ang paglelegal sa batas nang pagkakaroon ng alipin. Ang Asyreum ay hindi ko maitatangging naging tahanang kinamulatan ko.
Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging tahanan nito o matanaw ang kabuuan ng kaharian. Ang bayan ng Satrosa-ang bayang malaki ang konektado sa nasabing kaharian, ang mismong mga taong katulad ng katayuan ko, naging isa iyon sa mga rason ko upang ilaban ang buhay kahit na alam kong napaka-imposibleng lumayo mula sa antas na mayroon ako-ang pagiging isang alipin.
Aminadong masyadong marahas ang mga naranasan kong paghihirap dahil sa aking katayuan sa simula pa lang ng aking buhay hanggang sa makilala ko ang Senyora.
Hindi maikakailang nakaramdam din ako ng pagod, lungkot, pagkukuwestyon at pagkamuhi sa mga taong naglapat ng mga alaalang hindi ko kailanman makakalimutan.
Mga alaalang puno ng pagpapahirap, sakit, at pag-aabot sa katapusan kahit ang nais ay mabuhay pa. Subalit sa pagkakataong ito, ngayon ay naiiba mula sa aking mga naranasan at nasaksihan... o maari ring sabihin... mas naging karumal-dumal ito sa aking mga mata.
Dahil ang kahariang dati'y magiting ngayon ay tila maihahalintulad na sa bayan kong kinamulatan at minsan nang kinamuhian. Ang dating maliwanag, malinis at puno ng saya sa Kapital ng Dayura. Ngayon ay naging isang malaking bayan ng Satrosa.
Mga malalaking apoy na tumutupok sa mga matatayog na istraktura na minsan kong hinangaan. Ang mga matatanda, dalaga at binata na kakakitaan noon ng saya, pagkasabik at kalayaan sa kanilang mukha, ngayon ay nabahiran na nang matinding takot, dalamhati at galit sa kanilang mga mata.
Ang mga bata naman, kung noon ay maligaya pa silang nakakapaglaro. Ngayon ay hindi na maawat ang kanilang pag-iyak sa tuwing mararamdaman nila ang sakit mula sa mga latigong sumusugat sa kanilang mga murang katawan.
Makailang ulit na ipinikit ko ang mga mata sa mga kaganapang nakikita. Ang ibang mga mamamayan ng Dayura, kasama ako at ang Senyora ay parehong nakaluhod, at nakayuko sa takot na kami ay pagdiskitahan ng isang kawal sa ibang kaharian.
Sa tindig, sa kasuotan pa lang ay hindi lamang ito simpleng kawal. Ang kanilang sagisag ay serpente, naghahalo ang kulay ng puti at berde-walang iba kun'di ang Kaharian ng Emblem.
Sa Emperyo ng Boris Horatia, binubuo iyon ng tatlong kaharian. Ang Asyruem, Emblem, at Solayde.
At ang Kaharian ng Emblem-kilalang tahimik at mailap ngayon ay naging katulad ng kanilang sagisag.
Mapanuklaw na katulad ng isang ahas!
Nasa loob kami ng isang sirang simbahan dulot ng mga pagsabog kanina. Ang tanging natitira ay ang sementadong pader at sira-sirang bubong nito.
Sigaw, pagmamakaawa, at ingay ng dahas ang namayani sa pandinig sa lahat ng mga naririto.
"T-Tama na po... maawa po kayo... t-tama na po..." Umiiyak na sabi ng batang lalaki. Nakahiga na ito sa lupa. May mga pasa't sugat sa parehong paa.
"Sana'y naisip mo 'yan bago mo sinubukang tumakas, bata."
Muli ay sinipa nito ang sikmura ng bata at napaigik ito sa sakit.
Nanginginig ang buong katawan ko sa kaawa-awang batang walang magawa kun'di indahin ang sakit.
Hindi ko ito kaya... Ilang ulit akong umiling. Tiningnan ang kawal na may mala-demonyong ngisi, at sa batang halos papikit na.
Hindi. Hindi ko na kaya...
Dahil hindi ko makayanan tingnan pa ang mga dahas na hindi nila dapat maranasan. Akmang lalapit ako nang pigilan ako ng Senyora.
Tiningnan ako ng matalim ng Senyora. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.
"Gusto mo bang mapahamak? Para sa..." Napailing siya. Hindi tinuloy ang sasabihin.
Hindi ko masabi kung nagmamakaawa o nagmamatigas lang ba ang Senyora. Sa mga mata niyang ipinapakita ay hindi katulad ng dating walang emosyon, tila ba nag-aalala. Bagay na ngayon ko lang nakita. Simula nang mabalitaan niya ang biglaang pagsalakay ng ibang kaharian.
Ang Hari kaagad ang rumehistro sa kanyang isip maging sa kanyang pag-usal. Ganito ring mga mata ang naipakita niya.
Hinawakan nang mahigpit ng Senyora ang braso ko. Subalit determinado akong gawin ang nais. Tama na ang maging duwag.
Napasinghap ang Senyora sa ginawa kong pagpipiglas. Sinubukan niya akong abutin ngunit huli na nang dumistansya na ako. Lakas-loob kong tinulay ang pagitan patungo sa batang ngayon ay halos hindi na makagalaw dahil sa hapdi ng natamong sugat.
"T-Tama na! Pakiusap! Itigil niyo na!" matapang na sabi ko.
Niyakap ko ng may pag-iingat ang bata at tiningan ng deretso ang kawal. Hindi inaasahan na mamamagitan ang isang alipin na katulad ko.
Ngunit katulad ng isang bingi. Bingi-bingihan lamang ang isang kawal sa harapan ko't malakas na nagbigay sa akin ng sampal. Kasabay niyon ay ang paghila nito sa aking buhok.
Narinig ko pa ang singhapan ng lahat sa likuran. Napangisi naman ang kawal. Mahigpit nitong hinawakan ang baba ko saka inilapit sa kanya upang magpantay ang mga tingin namin.
"Isa kang matapang na alipin. Kakaiba ka," anito na may ngisi sa mga labi, saka ako nito binitawan ng marahas.
Namanhid ang bandang parte ng mukha ko mula sa pagkakahawak ng kawal. Ininda ko ang sakit.
Hindi ako nagpatinag bagkus ay diretso kong tumitig sa kawal at mas matapang pa na nagsabi, "hindi ko alam na ganito pala kababa ang mga kawal ng Emblem. Kahit bata ay pinapatulan niyo-Ah!"
Napapikit ako sa muling pagsampal nito.
"Tahimik!" Mariin na hinawakan nito ang mukha ko. Nanggagaliiti ang mga tingin na binigay nito pero tinapatan ko iyon ng tapang. "Hindi ko alam na ganito katapang ang mga alipin ng Asyreum. Nakakatawa lang na nagtatapang-tapangan ang isang katulad mong pang-init laman lamang."
Nagtagis ang ngipin ko. Nanginig sa mga narinig. Mas napangisi ang kawal. Nanunuyang hinaplos nito ang pisngi ko't pinalandas pababa sa aking leeg.
Ngunit hindi niya inasahan, maging ang nasa likuran ko ang aking ginawa.
Dinuraan ko ang lalaking kawal sa mismong mukha nito. "Isa kang duwag."
"Mapahangas!"
Nalasahan ko ang dugo sa aking labi dahil sa suntok nito.
"Yonahara!" Narinig ko pa ang pagtawag ng Senyora. "Tigilan niyo na! Tama na!"
Ngunit kahit ang Senyora ay hindi pinakinggan ng lalaking kawal. Sa halip ay hinugot nito ang espada mula sa bewang at tinutukan ang leeg ng Senyora.
"Mananahimik ka o gusto mong sa'yo 'ko iuuna?" pagbabanta pa nito.
Dahilan niyon ang pagkabahala ng ibang narito.
Tinitigan ng Senyora ang lalaking kawal. "Ngayon ko lang nalaman na gumagamit ng dahas ang pagkaduwag niyong mga taga-Emblem. Nakakapanghinayang lamang na sa ganitong uri niyo ipinapakita ang lakas ng inyong kaharian-o kahinaan nga ba?" May pagkanuyang usal ng Senyora.
Nangingitngit namang masamang tiningan ng kawal ang Senyora. Hinawakan ng kawal ang leeg nito.
"Kung ganoon ay nasaan ang inyong Hari? Nasaan ang ipinagmamalaki niyong magiting... hindi duwag?"
Humalakhak ang kawal. Nakikipagtagisan ito ng tingin sa Senyora.
"Hindi katulad niyong mga Emblem ang makakapagpabagsak sa aming Kaharian. Dahil hindi kami tulad niyo... kailangang nariyan ang Hari upang may maisabing kayo ay malakas. Kami, kaya naming lumaban!"
Pagkasabi niyon ay may kinuha ito sa kanyang buhok.
Mula sa pagkakapuyod ng buhok ng Senyora ay parang naging mabagal ang sandali. Tila isang alon ang paglugay ng mahabang buhok nito, at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang bagay na iyon.
Isang manipis at mahabang gawa sa pilak. Sa hawakan ay may disenyo ng pakpak ng kalapati na gawa sa mamahalig bato, sa dulo naman ay ang hindi inaasahang matulis na bagay na maaring makakitil ng sinuman.
Subalit ang gawaing iyon, ang pag-asa namin ay nahinto. Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa Senyora.
"Subukan mong ituloy, Senyora Varrella, mawawalan ng buhay ang aliping pinangangalagaan mo."
Parang nahinto ang sariling paghinga ko nang maramdaman ko ang espadang nasa leeg ko. Napaluha't napapikit ako sa hapdi.
Nanginginig akong tumingin kay Senyora na ngayon ay hindi lang pagkagulat ang naroon sa mga mata kun'di pag-aalala at pagkamuhi sa taong nasa likuran ko.
"Isa kang traydor, Pangunahing Konseho."
Ang Estranghero Ang pakiramdam ay abot-langit na kaba at halos mahinto sa paggalaw mula sa aninong bigla na lamang sumulpot sa aking likuran. At nang makabalik ako sa sariling huwisyo'y kaagad akong kumilos palayo't hinarap ang anino. Ngunit hindi anino ang aking nakita, bagkus ay isang matipunong lalaki na nababalutan ng itim na balabal ang itsura. May mga gintong ornamento ang kanyang itim din na damit na naiilaliman ng itim na balabal na suot niya. Ipinapakitang may pagkakapareho sa mga may dugong bughaw na matataas ang pagkakakilanlan subalit mayroon ding pagkakaiba. Ang kulay tsokolateng buhok na abot hanggang balikat at mga luntiang mata nito na tila ibig akong bihagin mula sa hiwagang nasa ilalim niyon.Humakbang ito paabante, kasabay naman ang paghakbang ko ng paatras. Subalit hindi ko inaasahan nang yumukod ito't nagbigay galang. "It's an honor for me to meet you here, your Majesty. I'm truly grateful to see the presence of the Koroteya's Queen in my territory," anito sa
Anino mula sa DilimMga usok at siga mula sa nag-aapoy na kahoy, mga nagkukwentuhan, nagkakatuwaan at mga nakatingin sa sumisilip na buwan ang tumambad sa aking paningin mula sa lawang pinanggalingan.Si Calla ay kaagad akong pinauna at pinaupo sa upuang kahoy katabi ng ilang niyang kasamahan. Mula sa nag-aapoy na kahoy ay naroon ang nilulutong hapunan.Sa aking mga nakikita lahat ay simple. Ang totoo'y unang beses kong maranasan ang ganitong pagtitipon. Nasa labas ng tahanan, nagtitipon sa kailaliman ng gabi, at nag-uusap habang hinihintay maluto ang pagkain.Kahit pa ang sitwasyon at lugar ay nasa gitna pa rin ng walang kasiguraduhan, hindi ko maitatangging naging pangarap ko ito noon. At hindi ko inaasahang kahit nasa gitna pa rin ako ng pagsubok at kalituhan, kahit papaano'y masayang nasaksihan ko ang sandaling ito.Ngunit gayumpaman ay kailangan ko pa ring maging mapagmatyag, mapanuri at mag-ingat. Hindi sa lahat ng oras ay ganito lamang kaluwag ang bawat sitwasyon."Nasa malayong
Sa Ilalim ng LawaMga puno'y kay luntian. Bagay na kabaliktaran sa aking unang pagpasok ko rito sa bundok. Tubig na kay linaw, lumalagaslas kasabay ng iilang mga bulaklak at dahon na nahulog mula sa mga punong pinagmulan. At ang repleksyon ng buwan sa malinaw na lawa ay nagdaragdag ganda at nagbigay ng kalmadong pakiramdam sa gitna ng gabing walang kasiguraduhan.Hindi ko na mabilang ang ginawang pagbuntong-hininga habang nakatingala at nakatanaw sa kalangitang may pinta ng itim at ang buwan na may naghahalong kulay abo at puti na siyang sentro ng sining.Pumikit ako ng taimtim habang dinaramdam ang lamig na bumabalot sa aking kahubdan. Hanggang sa unti-unting linubog ko ang sarili sa ilalim. Hindi ko mapunto ang nararamdaman sapagkat hindi naman inaasahang ganito ang magiging sitwasyon ko.Nagsimula lang naman ang lahat ng ito sa usapan ng Hari at ng Senyora. Sunod ay mga pagsubok na kailangan kong magawa at makompleto. At habang nasa kalagitnaan ng pagsubok, hindi lang pangalan ng b
Natatago sa Huwad at KatotohananHindi ko masabi kung gaano katagal na akong naririto. Simula nang gabing iyon ay hindi lamang ang babaeng iyon ang bumisita sa mahiwagang tahanang tinutuluyan ko. May mga kadalagahan at mga kabataang sumisilip mula sa pintuan.Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang araw ang lumipas. Gamit ang hindi ko kilalang gamot at orasyong binibigkas nila sa tuwing ginagamot nila ang aking natamong malalim na sugat. Unti-unti na nga at ngayon nga'y nakaya ko nang tumayo at maglakad ng mag-isa.Hindi pa rin ako sanay sa bago kong pagkakakilanlan. Naninibago pa rin ang aking pandinig sa tuwing binabati nila ako o kapag tinatawag nila ang estadong kailanman ay hindi ko inasam. At higit sa lahat ay naguguluhan pa rin ako sa lahat nang nangyayari.Ano nga ba ang Bundok Nilayen? Ano ang mga nakatagong lihim na nakapaloob dito? Ang mga sinabi ng Senyora Valleri ay mga katotohanan nga ba o mayroon pa itong hindi nalalaman?Kung ang bundok na ito'y pinangalanan dahil
Ang Babae at Ang PagbatiMga bulong. Mahihina at tila nag-uusap ang unang nadinig. Agad akong bumangon at agad na kirot ang naramdaman mula sa aking binti. At mas kaya ng indahin kumpara kanina. Mula sa mariin na pagkakapikit ay dahan-dahang iminulat ko ang mga mata. Saka dumako sa binting kanina ay nagdurugo na ngayo'y malinis at maayos na ginamot at natatakpan ng malinis na tela.Napalingon ako sa paligid. Wala namang ibang tao kundi ako lang. Mukhang luma at abandonado na rin ang bahay na kinaroroonan ko. Gayumpaman, malinis at katulad ngayo'y maaring tirahan din ito."Hindi," agad na pigil ko sa sarili. "Hindi kaya isa na naman itong ilusyon?"Nakailang kurap ako at kinurot ko ng ilang ulit ang sarili sa pag-aakalang isa na naman ito sa ilusyon ng bundok. Napaigik na lang ako matapos sampalin ang sariling mukha. Naalala kong kahit sa ilusyon ay may nararamdaman pa rin ako kaya't kahit gawin ko pa ito'y wala rin iyong saysay. Lahat sa loob ng ilusyon ay pawang nasa katotohanan kahi
Pagbabalik sa ReyalidadKung katulad sa ilusyong pinanggalingan ay sakit ang naging katapusan. Hindi lamang niyon maihahalintulad ang pagbabalik sa reyalidad kung saan hindi lang salita ng sakit ang makakakapagpaliwanag sa mismong nararamdaman.Mula sa isang ungol ng paghihirap ang umalpas sa aking mga labi, kahirapan ng paghinga dahil sa iniindang hapdi o hindi matukoy na kung doon lamang ba sa parte ng aking katawan ang may sugat o talagang kumalat sa aking buong sistema.Malalalim at mabibigat na paghinga ang ginawa bago ako naglakas-loob na gumalaw mula sa kinasadlakan. Hindi ko na matukoy kung saan at ano ang eksaktong nararamdaman dahil sa pananakit ng buong katawan. Naipikit muli ang mga mata at tumulo ang mga luha nang kahit kaunting galaw ko'y naramdaman ko pa rin ang matinding sakit sa aking binti.Napasandal ako sa nagsasangang punong kahoy. At natanaw ko ang kadiliman. Sa gitna ng walang kasiguraduhang landas sa loob ng kagubatan. Maliban sa liwanag ng buwan na pilit sumis