Anino mula sa DilimMga usok at siga mula sa nag-aapoy na kahoy, mga nagkukwentuhan, nagkakatuwaan at mga nakatingin sa sumisilip na buwan ang tumambad sa aking paningin mula sa lawang pinanggalingan.Si Calla ay kaagad akong pinauna at pinaupo sa upuang kahoy katabi ng ilang niyang kasamahan. Mula sa nag-aapoy na kahoy ay naroon ang nilulutong hapunan.Sa aking mga nakikita lahat ay simple. Ang totoo'y unang beses kong maranasan ang ganitong pagtitipon. Nasa labas ng tahanan, nagtitipon sa kailaliman ng gabi, at nag-uusap habang hinihintay maluto ang pagkain.Kahit pa ang sitwasyon at lugar ay nasa gitna pa rin ng walang kasiguraduhan, hindi ko maitatangging naging pangarap ko ito noon. At hindi ko inaasahang kahit nasa gitna pa rin ako ng pagsubok at kalituhan, kahit papaano'y masayang nasaksihan ko ang sandaling ito.Ngunit gayumpaman ay kailangan ko pa ring maging mapagmatyag, mapanuri at mag-ingat. Hindi sa lahat ng oras ay ganito lamang kaluwag ang bawat sitwasyon."Nasa malayong
Ang Estranghero Ang pakiramdam ay abot-langit na kaba at halos mahinto sa paggalaw mula sa aninong bigla na lamang sumulpot sa aking likuran. At nang makabalik ako sa sariling huwisyo'y kaagad akong kumilos palayo't hinarap ang anino. Ngunit hindi anino ang aking nakita, bagkus ay isang matipunong lalaki na nababalutan ng itim na balabal ang itsura. May mga gintong ornamento ang kanyang itim din na damit na naiilaliman ng itim na balabal na suot niya. Ipinapakitang may pagkakapareho sa mga may dugong bughaw na matataas ang pagkakakilanlan subalit mayroon ding pagkakaiba. Ang kulay tsokolateng buhok na abot hanggang balikat at mga luntiang mata nito na tila ibig akong bihagin mula sa hiwagang nasa ilalim niyon.Humakbang ito paabante, kasabay naman ang paghakbang ko ng paatras. Subalit hindi ko inaasahan nang yumukod ito't nagbigay galang. "It's an honor for me to meet you here, your Majesty. I'm truly grateful to see the presence of the Koroteya's Queen in my territory," anito sa
Sa gitna ng kabilugan ng buwan. Sa lunos ng malawak ng mga walang buhay. Sa pagitan ng kadalisayan at kapayapaan. Saksi niyon ang sakripisyong dugo't luha ang pinagmulan. Pagtangis sa nakabibinging katahimikan. Tagumpay nga ba'y karapat-dapat? O, isa lang itong maskara sa totoong wangis ng mga maruruming ganid sa kapangyarihan? Kumalat sa pandinig ang lakas na ingay ng trumpeta. Kasabay niyon ay mga yabag, hindi lang dalawa kun'di sa hindi mabilang sa rami ngunit may nangingibabaw sa unahan. Sumisigaw ang kanyang posisyon at pagkakakilanlan. Pawang tumagos sa sarili ang lamig ng mga mata nitong nababalutan ng kulay itim. Lumuhod ito't naramdaman ko ang malamig na pagdampi sa aking pisngi. Nasa pagitan ng marahas at maingat na inangat niya ang nanghihina kong sarili upang magpantay ang aming parehong pagtitig. Katulad ng kanyang mga mata. Malalim, malamig at puno ng hiwaga siya'y nagwika, "natagpuan ko na ang karapat-dapat.
PagkabahalaHindi na lingid sa kaalaman ng lahat, ang paulit-ulit na pagdanas ng luha't pagpapahirap mula sa mga ganid na nakamaskara bilang matataas na opisyal sa buong bayan ng Satrosa.Hindi ko na mabilang ang lahat ng kanilang ginawa magmula pa n'ong aking kamusmusan. Sa mga panahong iyon hanggang sa nagkaroon ako ng malay sa magulong mundo, hindi na bago sa akin ang makitang pagpaparanas nila ng dahas sa mga katulad kong nagmula lang sa angkan ng mga alipin."Gah!"Isang namimilipit na daing ang narinig mula sa babaeng ngayon ay nakahandusay na sa kalupaan, mula sa latigong hawak ng kanyang pinagsi-silbi-han."Isang hangal! Balak mo pang tumakas mula sa'kin?" anito, patuloy sa pagla-latigo sa kaawa-awang babaeng alipin.Umiling-iling ang alipin sa pagitan ng pagtangis. "N-Nagkakamali po kayo... H-Hindi ko magagawa-"
Pag-anyaya"Isa pa, tumayo ka!"Narinig kong mariin na sabi ng Senyora. Ang mga mata ko'y papikit na, ang mga braso't kamay ko ay nanghihina na. Maging ang aking buong katawan ay bumigay na.Umiling ako. At kahit na nanghihina na ay nagsalita ako."S-Senyora... H-Hindi ko na po kaya..."Hindi ko lang lubos maisip ang dahilan nang lahat ng ito. Wala akong ideya sa pinagmulan at kung papaano ba 'to nagsimula. Ang naalala ko lang ay biglaan ang lahat.Akala ko ay magtataas pa muli ng boses ang Senyora at ipagpapatuloy muli namin ang ginagawa sa halip ay nilagpasan lang ako nito't lumakad pabalik sa loob ng kanyang tahanan.Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob ay nagsalita si Senyora."Bukas ay ipagpapatuloy na'tin ang hindi natapos ngayon," aniya saka na nagpatuloy pumanhik sa
Pagsalakay Kung ang tingin ay isang punyal marahil ay kanina pa kami pinaulanan ng hindi mabilang na punyal sa 'rami ng mga matang tila katulad ng agila. Mabilis at matalim.Hindi naman inaasahan ang ganoong pagtatagpo ng dalawang tao at sa mismong napaka-importante pang okasyon. Hindi tinanggap ng Senyora ang paglahad ng hari bagkus ay yumuko ito't nagbigay ng galang at respeto.At kahit wala na ang aming presensya ng Senyora roon ay hindi pa rin nakakalimot ang mga taong nakasaksi sa nangyaring kaganapan.Samantala naman ay dumito muna kami sa isang bakanteng panuluyan. Personal na pagmamay-ari ng hari, at ngayon nga'y magkaharap sa isang lamesa ang dalawang may kilalang posisyon sa bayan at sa kaharian.Mga piling kawal naman ang nagbabantay sa labas. Habang narito naman sa loob ang Senyora, ang hari, ang personal nitong na taga-sunod o
Pangunahing KonsehoAng kaharian ng Asyreum ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa Emperyo ng Boris Horatia. Sa yaman, kalakalan, agrikultural, at sa usapang pandigma. Maliban sa maruruming reputasyon nitong kasali na ang paglelegal sa batas nang pagkakaroon ng alipin. Ang Asyreum ay hindi ko maitatangging naging tahanang kinamulatan ko.Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging tahanan nito o matanaw ang kabuuan ng kaharian. Ang bayan ng Satrosa-ang bayang malaki ang konektado sa nasabing kaharian, ang mismong mga taong katulad ng katayuan ko, naging isa iyon sa mga rason ko upang ilaban ang buhay kahit na alam kong napaka-imposibleng lumayo mula sa antas na mayroon ako-ang pagiging isang alipin.Aminadong masyadong marahas ang mga naranasan kong paghihirap dahil sa aking katayuan sa simula pa lang ng aking buhay hanggang sa makilala ko ang Senyora.Hindi
Ang Hayop at DemonyoSimula n'ong nagkaroon ako ng kamuwangan sa mundo. Saksi na ako sa mga pasikot-sikot ng mga tao. Lalo na kapag dumating ang puntong minsan ay may ginagawa silang karahasan at kamunduhan.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong pinagtangkaan. At sa tuwing sila'y susubok ay pawang may himalang palagi iyon nauudlot. Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Isang maharlika ang bumili sa akin sa isang pamilihan ng mga alipin.Sa unang pagpapakilala nito'y para itong maamong tupa. Makisig at mapapansin na hindi makabasag-pinggan sa bait ng pakikitungo nito sa akin. Maging ang boses ay magaan sa pandinig ngunit sadyang may katotohanan pa rin ang mga sabi-sabi. Huwag palilinlang sa panlabas na anyo hangga't hindi mo pa sila nakikilala ng lubos.Mahimbing pa ang aking pagkakatulog. Sa buong pag-aakala kong magiging masw